H l n m 1

Hulaan mo
Please Subscribe to read the full chapter

H l n m 1

"Kung may themesong 'yong buhay mo, ano 'yon?"

 

 

Feeling ko mamamatay na 'ko.

 

Sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko, feeling ko lalabas na sa dibdib ko.

 

Biglaan ba naman binuksan ni Yeri yung pinto sa kwarto ko, sabay sigaw ng "Huli ka!" alam naman niyang nagugulat ako sa lahat ng bagay.

 

"Sorry sa istorbo sa panunuod mo ng ." Nag peace sign pa siya.

 

"Ikaw yata magiging cause of death ko.. ," hinihimas himas ko pa ang dibdib para pakalmahin ang puso.

 

Nakita niya siguro akong nakangiti sa phone ko. Nag send kasi si Jisoo ng video nila ni Jennie na naglalakad, palampas na sa isang malaking humps nang biglang madulas si Jennie, napaupo siya sa humps, tumalbog pa ng konti ang katawan dahil sa impact ng pagbagsak. Habang si Jisoo, tumatawa lang pero vini- video-han parin si Jennie. Hinampas ni Jennie si Jisoo nung nabali niyang payong. Nalaglag yung phone. Doon natapos ang video.

 

"Okay, our lady of innocence, Irene. Si Bogs kasi andyan, baka inutusan ni ka- brenda na maningil ng upa." Tumayo ako para pulutin yung phone ko na nahulog dahil sa gulat, "Eh hindi pa nagpapadala si Ate. Paki usapan mo muna hehe." Kumindat pa siya.

 

Ngumiwi muna ako sakanya bago maglakad pababa sa hagdan. Dumiretso sa pag upo sa harap ng computer si Yeri, pero di sinuot ang headphones. Siguro makikinig sa usapan. Ako naman, sa pinto.

 

Ngumiti ako bilang pagbati kay Bogs nung buksan ko ang pinto. Agad  napalitan ang ekpresyon sa mukha nya pagkakita saakin.

 

"Hi Irene." Bati niya.

 

"Hi," Ngiti ko. "pasok ka."

 

"Nako," napakamot siya sa batok nya. "hindi na nakakahiya.."

 

Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Yeri kaya napatingin ako sakanya, pero agad din bumalik kay Bogs nang magsalita ito.

 

"Kanina pa ko kumakatok kala ko walang tao," tumawa sya ng pilit, parang kinakabahan "Delayed na daw kasi kayo ng two weeks kaya pinapatanong ni Mama kung kailan kayo mag babayad.. " Bumaling ang tingin nito kay Yeri saglit pero agad din binalik sakin.

 

"Ah, di pa kasi nagpapadala si Ate Tiffany, baka daw next week na makapag bayad.. "

 

"Ganun ba? Sige balik nalang siguro ako next week." Ngumiti siya ulit. Ngiting kita ang gilagid.

 

"Sige. Salamat, ah. Pasabi din kay ate Brenda, pasensya na."

 

Tumingin ako kay Yeri, nakasuot na yung headphones. Mukhang naglalaro na. Wala na siyang pakielam kasi okay na.

 

"Aalis ka? Mag gagabi na ah" Bumalik kay Bogs ang tingin ko nang magtanong siya.

 

"Dyan lang ako malapit sa campus, uuwi din naman ako agad."

 

"Gusto mo hatid kita?" Alok nya. Tumingin ako sa bike niya na naka- park sa labas ng bahay.

 

"HIndi na, okay lang." Takot ako sumakay sa bike.

 

Pareho kami napatingin kay Yeri nang makarinig kami ng sunod sunod na malulutong na mura. "Bobo amputa."

 

"Tanga 4 defuse! Tinitigan lang, gago."

 

"Pangit nyo kalaro! Bo-bobo nyo!"

 

Mahina akong tumawa habang umiiling kay Yeri. Bagong bili lang mouse at keyboard niya pero mukhang magpapabili na naman siya kay Ate Tiffany.

 

"Irene" Tawag ni Bogs sa pansin ko. "Una na 'ko." Nahiya naman ako bigla, di ko manlang siya naalok kahit tubig.

 

"Sorry sa abala ah, ingat pauwi!" Pagpa- paalam ko.

 

May ilang oras pa naman ako bago umalis, kaya piinili ko nalang panuorin muna si Yeri maglaro, kahit puro mura lang naririnig ko, nakakatuwa naman minsan panuorin yung mga character na may iba't ibang abilities. May konting alam na rin ako sa laro, pero feeling ko buong game magugulat lang ako kaya kuntento na ko sa panunuod.

 

"Diba aalis ka?" Patay na yung character niya na white yung buhok, kaya nakababa na headphones nya.

 

"Papa-late ako, mag iinuman lang sila eh."

 

"Magpa late ka nalang din ng uwi, try mo lang kahit minsan!" Inikot nya ang upuan niya para humarap sakin.

 

"Bakit?" Tinignan ko siya ng mapangduda. "May pasok ako bukas, ayoko malate sa klase."

 

"K.." Humarap na siya sa monitor, sinuot na rin ang headphones.

 

"Alis na ko,"

 

"J.." Tumingin ako sakanya atsaka tinaasan ng kilay pero busy na siya makipag trashtalkan. Umiiling iling akong tumalikod palabas ng bahay.

 

Hindi ako Kj..

 

Nagbayad ako agad pagkaupo ko sa jeep.

 

Kung bibilangin sa kamay, lampas sa sampung beses na rin siguro ako nakalimot magbayad sa jeep, kaya para makabawi sa mga free rides ko noon, minsan dalawa binabayad ko kahit ako lang naman mag isa at magka- ibang jeep yung nasakyan ko.

 

Ewan ko. Yung bigat kasi ng pakiramdam pagkatapos ko ma-realize na di pala ako nakabayad, nadadala ko hanggang pag uwi.

 

Pangit maramdaman, pramis.

 

Ramdam yung malamig na hangin mula sa bintana ng jeep. Napatingin ako sa langit.

 

Madilim.

 

Naglalaban yung ilaw sa syudad at dilim ng kalangitan. Wag naman sana umulan, nakalimutan ko pa naman magdala ng payong.

 

KJ ba talaga ako? Di ko rin alam sa sarili ko.

 

Bigla tuloy ako napa- isip sa sinabi ni Yeri. Madalas din kasi sabihin sakin nila Jennie na KJ ako pag 'di ako sumama sa gala nila after class ni Jisoo o kaya pag may ginagawa sila tapos di ako sumasali.

 

Napangiti ako. . Nai- imagine ko agad yung kilay ni Jennie.

 

Di ko lang trip yung trip nila? O baka di ko lang nae- enjoy.

 

Hay, ewan! Basta 'di ako Kj. Aware naman sila na awkward akong tao. Naiintindihan na nila yon.

 

Pagka- tigil ng jeep, napansin ko si Jisoo na nakatayo sa gillid ng entrance, nakatitig sa phone. Nang maka baba ako, lumapit ako agad sakanya. Napatingin din naman sya agad sa gawi ko.

 

Bakit 'sya nasa labas?

 

"Sabi na, mala- late ka, eh." Umalis siya sa pagkaka- sandal sa pader.

 

Nginitian ko lang siya, sabay tanong kung nasan si Jennie.

 

"Sa loob, kausap yung manliligaw nya." Namumula na yung mukha niya, mukhang marami ng nainom.

 

"Dito ka lang? Sabay na tayo pasok sa loob." Turo ko sa may entrance. "Baka hinahanap ka na rin ni Jen."

 

"Dito muna ako, ang ingay 'don, eh. Nahihilo ako." Nakangiti siyang hinihilot-hilot ang sentido.

 

Mukhang may tama na si Jisoo.

 

Dumiretso na ako sa loob. Maingay nga.

 

At madaming tao.

 

Karamihan, mga taga university din, sabagay, may pasok na bukas kaya sinusulit na siguro huling araw bago maging estudyante ulit.

 

Nakita ko agad si Jennie sa table na malapit sa stage, may apat na lalaki na nasa mesa nila at dalawang babae na kaklase namin nila Jen sa isang subj

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
swswseul
Never naging consistent yung update no? Okay lang yan sanay naman kayo sa bare minimum HAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Mersebel
#1
Chapter 15: thank you sa update authornim 😊
Cptnsburger #2
Chapter 15: Bakit feel ko anytime pedeng mang ghost si sam??🤣
clarinxxjoy #3
Nakss. Sino yang cute na yan? Hahahahaha ayieeee
JiHyun12 #4
Chapter 13: HAHAHAHAHAHAHAHAA GE KINILIG AKO DON HA
Myx5516 #5
waiting with respect. sobrang ganda. 🥺
Cptnsburger #6
Chapter 11: Sobrang underrated na story pero 10/10 would recommend galing mo author , thank u!!!
Mersebel
#7
Chapter 9: Waiting po author 😊
future_mrs_liu #8
Chapter 8: Thanks sa update author! At least umamin na si singkit. Sana si Irene din. Lol. Until the next update. Fighting!
Softtacos #9
Chapter 7: Angst ng jensoo :( more chapppps otor! Ang cute ng story at ang lowkey karupukan ni Irene. Lookine fwd sa storyyyy
future_mrs_liu #10
Chapter 7: Wow! Nasa sagada si bes. 🤧 ano kaya mga susunod na ganap??