Final (2)

Maling Akala
Please Subscribe to read the full chapter

Perspektibo ni Irene:

 

 

 

"Bub! Bub! Saglit lang naman!" 

Nagmamadaling lumayo si Irene sa kasintahan. Hindi nito kinaya ang nakita ng kanyang mga mata. Ngunit mabilis itong nahabol ni Seulgi at hinigit ang kanyang braso.  

Isang malutong na sampal ang agad nitong nagawa, dala na rin ng galit. Ang mga taong nakapaligid sa kanila ay napatingin sa dalawang babaeng kanina pa'y naghahabulan. Sino ba naman kasing nasa tamang pag-iisip na makipagtalo habang nasa Luneta Park?

"," bulong ni Seulgi. Ang mga luha nito'y nagbabadya nang tumulo. 

Muling naglakad palayo si Irene sa babaeng kanyang minahal. Hindi rin naman nito gustong saktan si Seulgi sa harap ng maraming tao. Mas gugustuhin pa nitong mag-usap silang dalawa ng pribado ngunit nang makita niya na may humahalik kay Seulgi na ibang babae, hindi na niya kinaya ang bugso ng damdamin niya.

Sinubukang habulin muli ni Seulgi ang nobya, pilit na hinahablot ang braso nito. "Bub. Teka lang! Makinig ka muna sa'kin!"

Nahablot naman ni Seulgi ang braso ng dalaga at hinigit ito paharap sa kanya ngunit sana'y hindi na lang pala dahil ang tumambad sa kanya ay ang mga luha nitong walang tigil na dumadaloy sa mga pisngi nito.

"Bub," inabot ni Seulgi ang pisngi ni Irene ngunit madiing pinunasan ni Irene ang mga luha.

"Bub, makinig ka muna kasi sa akin."

"Ang paalam mo sa'kin, sasamahan mo 'yung lintik na babaeng yun kitain yung blind date niya. Hindi mo naman sinabi na ikaw pala yun!" Tinulak ni Irene ang kamay ni Seulgi paalis sa braso nito ngunit mahigpit ang kapit nito sa kanya.

"Mali naman kasi yung nakita mo, bub. Ikaw. Ikaw lang ang mahal ko," naiiyak na sabi ni Seulgi habang nakatitig sa mata ni Irene, pilit na pinapakita ang katotohanan.

"Pero hinalikan mo siya!"

"Hinalikan niya 'ko!"

"At nagustuhan mo naman!" Tumalikod muli si Irene ngunit niyakap ito ni Seulgi. Binaon nito ang ulo sa balikat ng mas maliit na dalaga.

"Makinig ka naman. Please, bub," humihikbing sabi ni Seulgi. "Please, bub. Wag mo 'kong iwan. Kaibigan ko lang siya."

Niyakap naman ni Irene ang mga kamay na nakabalot sa kanyang bewang. Hinayaan na lamang nito ang mga luhang dumaloy sa kanyang mukha.

"Kaibigan mo lang din ako dati, bub."

Lalo pang lumakas ang hikbi ni Seulgi sa balikat ni Irene. "Please, bub. Mahal na mahal kita."

Nabalot ng katahimikan ang dalawa, nagpapakiramdaman, sino ang unang bibitaw, sino ang higit na nasasaktan.

"Mahal na mahal din kita, bub." Inabot ni Irene ang ulo ni Seulgi sa kanyang balikat at hinagod ang buhok nito. "Mahal na mahal." Suminghot muna ito sandali, paraan para subukang pakalmahin ang sarili. "Pero masakit na, bub. Masakit makitang may kahalikan kang iba."

Hinigit ni Irene ang mga braso ni Seulgi paalis sa kanya at tumakbo palayo dito. Hindi nito nakita ang sumunod na nangyari dahil ito ay abala sa pag punas ng kanyang mga luha.

Si Seulgi ay nanatili sa lugar na kanyang kinatatayuan, ang mga tuhod ay nangangatog habang pinapanood ang pigura ni Irene na lumayo mula sa kanya. Kitang-kita sa mga mata nitong walang tigil sa pag-iyak ang pagkadurog ng kanyang puso. Napayuko na lamang ito nang mawala na si Irene sa kanyang paningin, patuloy pa rin ang paghikbi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"And, cut! Great take Seulgi, Irene,” sigaw ng direktor ng pelikula. Si Irene ay dumerecho sa kanyang tent at agad naupo sa kangyang lugar. Sinubukan nitong huminga ng marahan dahil pakiramdam nito ay kaunti na lang bago siya sumabog. 

Hindi din nito alam kung bakit siya pumayag maging bida sa pelikulang ito, maging kung bakit pinilit nito si Seulgi maging partner niya. Ang alam lang niya ay maganda ito para sa kanyang career dahil maraming pinto pa ang magbubukas para sa kanya pagkatapos nito. 

Ngunit sa kasagsagan ng shooting nila, tila nag-iba ang nararamdaman nito para sa kanyang matalik na kaibigan at co-star. Hindi rin nakatulong ang mga linyang nakasaad sa script o ang mga bagay na kailangan nilang gawin bilang magkasintahan. 

Hindi pwede, Irene. May boyfriend ka na, wika nito sa sarili.

Hindi pa rin mapakalma ni Irene ang sarili kahit ilang lagok na ang nainom nito mula sa kanyang tubigan. Hindi niya inaasahan na ganito ang magiging epekto ng scene na ito. Simula pa lang ay nasabihan na ito na magkakaroon ng girl to girl kissing scene ang pelikula ngunit hindi ito nasabihan na dalawa silang makakahallikan ni Seulgi kaya laking gulat na lang niya ng pumasok siya sa eksena habang ang co-star nito ay may kahalikang iba.

“Tao po,” sabi ng manager ni Irene na si Yeri sabay pasok sa loob ng tent. “Bakit umiiyak ka pa rin, girl? Btw, galing mo kanina ha. Muntik ko na kayong i-ship kaso naalala ko acting lang pala yun lahat.”

Pinunasan ni Irene ang natitirang bakas ng luha bago sumandal sa kanyang upuan. “Yerms,” bungad ni Irene. 

Ang kanyang manager naman ay abalang ngumunguya ng tinapay na nakuha nito mula sa stock ni Irene. Napatingin ito nang siya ay tawagin, kitang-kita pa ang iilang bakas ng tinapay sa gilid ng bibig. “Hmm?” 

“Pag sinabi ko bang mahal ko ata si Seulgi, magagalit ka?” Nag-aalalang tanong ni Irene. Sa tagal kasi nilang magkakilala, ngayon lang niya naisipang bigyan ng malisya ang mga aksyon na ginawa ni Seulgi sa kanya.

Nilunok muna ni Yeri ang pagkain sa bibig at mahinang umubo bago lumapit sa kinauupuan ni Irene. “Bakit naman ako magagalit?” Nag-squat ito upang makita ng mas maayos ang mukha ng alaga. “Sino ba ‘ko para i-discredit ‘yang nararamdaman mo?”

Muling nagbadyang pumatak ang mga luha galing sa mga mata ni Irene. “Pero hindi ‘to tama, Yerms. Una, may boyfriend ako, so diba ibig sabihin nun straight

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
65 streak #1
Chapter 2: Haha ayos lang ako
sunnyshee
#2
Hindi naman mesheket hahahaha!
yujiverse
#3
Chapter 1: Medyo masakit ah
YYS_0009
#4
Chapter 1: Author pinoy ka pala. Lagi akong nag comment sa fics mo magaganda kase. Imma fan uwu
ynylsc30518 #5
Chapter 1: Bitin yung pananakit hahahha. Charot
ariadne03 #6
Chapter 1: Grabe naman otor! Ang bitin!! 💔🤣