Paubaya

Description

Saan nagsimulang magbago ang lahat

"Seul, wag mo na hintayin. Malelate ako ng uwi, may team dinner kami eh" - Irene , "Okay bebu, ingat ka ah?"

 

Kailan nung ako'y 'di na naging sapat
"Sino yung naghatid sayo bunso? Asan si Seul?" Tanong ni Yoona. "Katrabaho ko ate, hindi na ako nagpasundo kay Seulgi eh" sagot ni Irene

 

Ba't di mo sinabi nung una pa lang

"Wala nga lang yun Irene, wala yun okay? Walang nangyari, maniwala ka" pagpapaliwanag ni Seulgi kay Irene.

 

Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal

"Ate Yoona, dito ka lang please. Kailangan kita" pagmamakaawa ni Seulgi.

 

Madaming tanong na hindi masagot. Mga katanungan na ayaw sagutin. 'Mahal mo pa ba ako?', 'Mas mahal mo ba siya?' Pero ang totoong tanong, sino nga ba sa atin ang nagpaubaya? 

 

Foreword

'Bebu tandaan mo, hindi ko sasayangin ang tiwalang binigay mo sakin. Kahit ilang babae pa and dumaan, ikaw lang mamahalin ko, okay?' nakangiting sabi ni Seulgi kay Irene habang mahimbing itong natutulog.

--

'Irene naman! Ilang beses ko bang sasabihin wala lang yon??' sigaw ni Seulgi

'Hindi ako tanga Seulgi. Akala ko iba ka, pero nagkamali ako. Pare-pareho nga talaga kayo' 

--

'Akal ko okay na tayo? Sino yung kasama mo? Ano naganti ka ba?' Galit na tanong ni Seulgi kay Irene nang mahuli niya ang dalaga sa kotse ng ibang lalaki.

'Seulgi, bukas na tayo magusap. Pagod na ako' umakyat si Irene sa kwarto niya at naglock ng pinto.

--

'5 YEARS IRENE, 5 ING YEARS?! Itatapon mo na lang yon?!'

'AYOKO NA SEULGI! Tama na please, pakawalan mo na ako' pagmamakaawa ni Irene.

--
'Yoona naman! Ex ni Irene yan, na kapatid mo!’ bakas sa mukha ni Yuri ang frustration sa kaibigan.

‘Mahal ko si Seul, Yul. Nauna ko siyang nakilala, pero dahil ate nga niya ako; nagpaubaya ako! Ngayon may chance ako, papalagpasin ko ba?’ naiiyak na sagot ni Yoona.

‘Kahit maging dahilan pa ng pag-aaway niyong magkapatid?’ Tanong ni Yuri.

‘Basta mahal ko siya Yul, lahat gagawin ko para sa kanya’

--

"Kung saan ka masaya Ate, dun ako" nakangiting sabi ni Irene kay Yoona. Yumakap ang dalaga sa pinakamamahal niyang Ate Yoona, kasabay ng yakap ay ang mga luhang pumatak.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet