Chapter 5: 19 Ano??

Tulog Ka Na Muna

May tinapay sa bibig.

 

Mug ng kape sa isang kamay.

 

Jacket na kalahati lang nakasuot.

 

Socks na magkaiba ng kulay.

 

 

Yan ang itsura ni Seungwan. Yan ang itsura ng mga taong late.

 

 

“Tara na! Tara na! Bakit naman kasi ang tagal sa CR?!” pikon na sigaw ni Seulgi bago umakyat at maglakad papunta sa parking kung nasaan ang TFU van.

 

Magdadahilan pa sana si Seungwan kaso may tinapay nga siya sa bibig. Sinubo niya na lang at nginuya tapos uminom ng nakakapasong kape. Lalo tuloy siyang natagalan kasi hinipan hipan pa niya ang dila.

 

Pag akyat niya mula sa basement ay sinigaw niya ang pangalan ng kaibigan,

 

“Joohyun! Joohyun! Sasabay ka ba?”

 

Lumabas naman ang dalaga mula sa kusina. Mukhang nag aalmusal ito nang matiwasay.

 

Sana lahat.

 

 

“Nope! Sunod na lang ako, mabilis naman magmotor papunta dun.”

 

 

Again. Sana lahat.

 

 

Sinuot na ni Seungwan nang maayos ang jacket bago nagmadaling tumakbo palabas kung saan naghihintay ang mga kaibigan. Maya maya pa talaga ang meeting niya with Joohyun para sa birthday ni Yeri kaso kailangan maaga sila sa office ngayon. May client na kakausapin si Seulgi para sa set design ng party nito.

 

Hay. Minsan hassle din yung isa lang van nila sa team.

 

 

 

------------------------

 

Tugstugs FOUR U! Office

Parang debut pero hindi debut kasi hindi na debut pero parang debut’ D-30

 

*Knock knock*

 

“Good morning! Dito ba yung office ng Events Coordinator?” nakangiting sabi ni Joohyun sa may pintuan ni Seungwan.

 

“Secret bat ko sasabihin?”

 

“Wow? Ganyan ka sa clients mo? Nahuli na nga kitang nakatitig sa socks mo tapos ganyan ka pa magsalita.”

 

Napailing si Seungwan bago nagsuot ulit ng mga sapatos. Nakakainis talaga bat naman black and white yung medyas niya. Ankle socks lang naman pero halata pa rin kasi.

 

“Hay nako pumasok ka na nga lang simulan na natin to.” Mula sa pagkakaupo sa sofa ay lumipat si Seungwan sa office desk niya. Umupo naman si Joohyun sa chair na nasa kabilang side ng table.

 

“Alam mo hindi naman ako interesado rito tsaka parang messenger lang naman ako ni Yeri. Ikaw na bahala Seungwan.”

 

“Hindi ganun nagwowork trabaho ko. Tsaka tingin mo ba hindi mapapansin ni Yeri kung ako lang gagawa ng lahat? Malalaman niya yun for sure.”

 

Binuksan na ni Seungwan ang planner niya. “Okay so ano raw ba gusto ng kapatid mo? Any themes?”

 

“Yeah doggy style daw.”

 

“What the—ano raw??” Walang binatbat ang pingpong balls sa laki ng mga mata ni Seungwan.

 

“Hahaha! Itsura mo!” Sa sobrang tawang tawa si Joohyun, napahawak pa ito sa tyan niya. Mga ilang segundo rin bago ito nakarecover. “Gusto raw niya may mga aso sa design. Yun ibig ko sabihin.”

 

Medyo parang nabawasan ng ilang taon yung buhay ni Seungwan sa nangyari kanina. “Haaay. Sandali bakit naman aso? May nag debut na ba na aso gusto? Parang yung iba gusto princess o kaya nasa beach o kaya bohemian mga ganun? Bakit naman aso yung sa kapatid mo?”

 

Nagkibitbalikat si Joohyun. “Ewan ko. Actually takot nga yun sa mga hayop dati eh pero ngayon parang nagbabago na. Baka nasanay kasi kay Moonbyul.” Pang-aasar pa nito.

 

“Haha okay hindi naman ako aangal dyan. Pero sure talaga to? Aso? Baka pinagtitripan mo ko ah?” Alangang sabi ni Seungwan.

 

“Seryoso nga!”

 

“Ang weird kasi!”

 

“Kelan ba hindi weird si Yeri? Hayaan mo na. Basta gusto niya raw may mga aso sa cupcakes, sa tables, tsaka sa couch na uupuan niya habang program.”

 

“Okaaay…?” Kahit naguguluhan pa rin ay nagsimula nang isulat ni Seungwan ang mga bilin ni Yeri.

 

“Tsaka ano raw…”

 

Simula pa lang pero pagod na siya. “Hay…ano raw?”

 

“Yung required outfit ng guests ay animal onesies. Except sa aso. Kanya lang daw yung aso para siya yung spotlight along with the venue’s design.”

 

Natawa na lang si Seungwan. Sa totoo lang, no judgment naman. Marami na silang weird themes na naencounter sa trabahong to. Siguro iba lang din talaga kapag kakilala mo personally yung client.

 

Tsaka kung makagusto naman kasi ng debut si Yeri akala niya eh trip nito yung usual na grand 18th celebration ng mga tao. Yung stereotypical pang dalaga.

 

Pero narealize niya parang mas weird nga kung pumasok sa stereotype si Yeri. Masyado siyang unique para sa traditional na mga bagay.

 

 

 

------------------------

 

Tugstugs FOUR U! Office

Parang debut pero hindi debut kasi hindi na debut pero parang debut’ D-20

 

Umuusad na ang preparations bilang malapit na ang birthday ni Yeri.

 

Secured na ang events place. May guest list na rin at magpapadala na ng invitations by today. Sabi ni Yeri sigurado siyang walang magbaback out sa mga napili niyang kasali sa program pero para sigurado, magbibigay na sila ng invitations ngayon pa lang.

 

May tatlong events sa program para kay Yeri.

 

 

Una ay 18 Treasures na tinawag ni Yeri na 19 Bones.

 

Paliwanag nito, sa cartoons daw kasi diba laging ‘treasure’ ng mga aso yung mga buto na madalas nilang kagatin. Kaya ang event na ito kung saan magreregalo ang mga kaibigan niya ay tinawag na 18 Bones. Pakiusap niya eh lagyan na lang ng sticker ng buto ng friends niya yung mga gift wrapper para pasok pa rin sa theme.

 

Pangalawa ay ang 18 Wishes na tinawag ni Yeri na 19 Awoos.

 

Paliwanag nito, kapag 18 Wishes daw kasi doon nagsisimula yung mga iyakan tsaka mga plastikan message ganon. So syempre pag nasabihan ka ng plastikan (heartfelt) message, mapapa-“aww” ka raw eh ano raw ba yun sa lenggwahe ng mga aso? Edi “awoo” tapos plural kasi 18 so may ‘s’.

 

Syempre hindi alam ni Seungwan kung yun talaga ang translation ng salita sa lenggwahe ng mga aso pero sino ba naman siya para makielam. Pinagbigyan na niya. Ang taba ng utak eh parang mas mamamangha ka kesa maasar.

 

Kung meron mang hindi pinagtripan si Yeri ay ang 18 (19) Roses. Malakas ang hinala nina Seungwan at Joohyun na kaya niya lang gusto ng debut ay para sa pagkakataong makapagsayaw ng ganito.

 

Maayos naman yung list. Mixed ng mga babae at lalaking naging crush daw ni Yeri. Medyo nagkaproblema lang nung mas gusto pa sana i-last dance ni Yeri si Seulgi kesa kay tatay Mak pero naayos din naman nila. TFU ba nakaayos? Hindi. Si Joohyun? Hindi. Si tatay Mak? Hindi rin.

 

Syempre si nanay Cat ang nakapagpatapos ng gulo. Si nanay Cat na batas nilang lahat. Si tatay Mak na ang nagwaging last dance. Okay lang. Si Yeri lang ang hindi natuwa sa totoo lang.

 

 

Pagkatapos ng ilang araw sa paggawa ng list at pagsigurado sa set na gusto ni Yeri, buong araw na nag-ikot sina Joohyun at Seungwan para sa caterer sa event.

 

Kasalukuyan silang nasa TFU Office at nagpaplano ulit kasi walang nagustuhan si Joohyun.

 

“Wala kasing masarap okay?” iritang sabi ni Joohyun. Kanina pa ito nakain ng lollipop pang tanggal umay raw sa mga natikman nilang pagkain.

 

“Joohyun naman sobrang taas kasi ata ng standards mo.” Pagod na sabi ni Seungwan. Naoffer na niya lahat ng go-to caterers nila pero lahat nilapastangan lang ni Joohyun.

 

Wala naman siya masyadong sinabi pero halata sa mukha nito na wala siyang nagustuhan. Nagsimula lang itong magreklamo nung nasa van na sila pabalik ng office.

 

“Okay so? Are you saying na maling magkaroon ng mataas na standards?” mapanghamon ang tono ng boses nito.

 

“What? Of course not! I’m just saying na hindi magiging kalasa ng restaurant niyo yung caterers namin. Ang mahal kaya sa inyo! Tsaka hindi naman kayo pang ganitong party. Syempre iba yung luto dun.”

 

“Eh sa wala nga akong nagustuhan. Nakikipag-away ka ba sa clients niyo pag wala silang nagustuhan?”

 

“Hindi! Ikaw pa lang naman yung client na walang nagustuhan. Parang awa mo na chef Joohyun, easyhan mo lang naman.”

 

“Sandali nga, are you mocking me?”

 

“Hindi. Ineemphasize ko lang na may pinanggagalingan kasi yung judgment mo.”

 

Sandali silang natahimik sa mga kinauupuan. Makalipas ang ilang segundo ay bumuntong hininga si Seungwan.

 

“Okay look, I’m sorry for being unprofessional. Hahanap na lang ako ng ibang caterers. Mag schedule ulit tayo ng meeting within five days okay? Ayusin ko to. Pwede ka rin mag suggest ng iba kung may kakilala ka.”

 

Sandaling hindi nagsalita si Joohyun. Kinagat kagat ang lollipop. Nilunok. Tinapon ang stick sa trashcan sa gilid ng office.

 

Pagkaupo nito ulit ay mukhang mas kalmado na. “Okay, I’m sorry.”

 

“Ayos lang, it was my bad.”

 

Umiling si Joohyun. “No. Galit lang ako kasi ayaw ni Yeri na ako na lang magluto for her birthday. Gusto ko lang naman tumulong tsaka alam mo rin naman, mataas quality ng restaurant namin, bakit maghahanap pa siya ng iba?”

 

Inabot ni Seungwan ang kamay ni Joohyun. Marahan itong hinawakan.

 

“Joohyun hindi mo ba napapansin? Ilang araw ka na tumutulong oh. Ikaw yung nag-aayos with me ng lahat para sa birthday niya. Ayaw lang nun na busy ka sa mismong event. Syempre gusto niyang maenjoy ng ate niya yung birthday niya diba?”

 

Ini-squeeze ni Joohyun ang kamay ni Seungwan. “Sinabi niya ba yan sayo?”

 

“…Hindi.”

 

Nagkatinginan sila sa mata at natawa pareho. Posible naman na ganun ang nasa isip ni Yeri pero hanggat hindi ito nanggagaling mismo sa kanya, eh malamang kathang isip lang nila pareho ang heartwarming sentiment.

 

Pero ayos lang. Napakalma naman ni Seungwan si Joohyun. Umamin na tuloy ito, “Actually, okay naman yung caterer #2. Hindi ko lang gusto yung dessert nila pero pwede naman siguro mag-order ng iba? Ayos lang yung ibang supplier for dessert right?”

 

Bumitaw na si Seungwan para magsulat sa planner niya. “Yes, oo naman. That’s totally okay.”

 

 

------------------------

 

Events Place

Parang debut pero hindi debut kasi hindi na debut pero parang debut’ D-0

 

Finally.

 

Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat.

 

Ready na ang TFU, wala na silang naencounter na problema.

 

Ah.

 

Di pala sila sigurado. Naubusan kasi ng onesies dun sa pinagbilhan ng team ng costumes, pareho tuloy hamster sina Seungwan at Moonbyul. Siguro naman hindi na magagalit si Yeri. Medyo mahirap naman talaga maging unique sa gantong theme.

 

Lahat naman ng guests sumunod. Lahat naka animal onesies.

 

Si Yves, swan. Si Seulgi, bear. Si Joy, manok. Sisiw raw talaga dapat yon kaso manok lang meron sa shop kaya ayan Chicken Joy siya tuloy. Si Joohyun, kuneho. Si nanay Cat, pusa kasi duh. Ano pa nga ba? Tapos si tatay Mak, kalabaw kasi nga raw makisig. Edi national animal. Kung saan siya nakahanap ng kalabaw onesie eh walang nakakaalam.

 

 

Nasa stage na si Yeri. Wala na itong grand entrance kasi di raw kailangan ng aso ng red carpet. Nanggaling lang ito sa likod ng stage at mukha namang masaya sa nakitang costumes ng mga guests. Lahat talaga sumunod eh. Yung mga waiter lang naiba kasi nakablack sila pero may dog masks naman kaya pasok pa rin kahit papaano.

 

“Good evening everyone! Hihingi lang tayo ng konting message sa debutante bago tayo magsimula. Yeri?” tanong ng host sa may birthday na nakaupo sa couch sa may stage.

 

Masiglang kinuha nito ang mic at ngiting ngiting bumati sa lahat.

 

 

“Magandang gabi mga hAYOP!!!!”

 

 

Nagpalakpakan at nagtawanan naman ang buong room. Kahit ang parents ni Yeri eh hindi na muna ininda ang kagagahan ng anak nila.

 

Feeling ni Seungwan ito talaga ang main point bat gusto ni Yeri mag animal costume ang mga tao. Para lang masigawan niya ng hayop ang lahat.

 

 

Nagsimula na ang program at habang nakaupo ang lahat, busy naman ang TFU team para siguraduhing smooth lang ang daloy ng gabi.

 

Ilang beses nagkakatinginan sina Seungwan at Joohyun. Parehong masaya sa bunga ng paghihirap nila. Ang ganda. Ang saya ng gabing ito. Hindi lang para kay Yeri, pero para rin sa lahat ng nagmamahal sa kanya.

 

 

Una ang 19 Bones. Maayos naman ito bukod sa fact na ipinapahagis ni Yeri ang mga regalo. Para raw naglalaro ng ‘fetch’. Buti na lang nasalo lahat ng mga regalo at wala namang fragile, kung hindi ay naglinis pa sila ng bubog sa stage.

 

 

Sunod naman ang 19 Awoos. Ilang beses muntik maiyak si Yeri pero todo pigil ito. Nakatulong din sa kanya ang ending ng bawat message. Kahit ano pa kasing costume ng nagsasalita, required silang umalulong sa dulo kaya ayun hindi rin talaga natutuloy ang mga luha ni Yeri. Tawang tawa ba naman kasi sa mga kaibigang nag a-awoo!

 

 

Nag dinner naman muna sila bago ang 19 Roses. Hindi naman nakasimangot si Joohyun kaya mukhang success na rin ang caterer para kay Seungwan.

 

 

“Hoy diba busy tayo?”

 

Medyo nagulat siya sa boses at taong biglang sumulpot sa gilid niya.

 

“Oo nga, problema mo Seulgi Bear?”

 

“Kanina ka pa kasi tingin nang tingin dun sa ate, Seungwan Hamster.” Tumawa ito at umiling iling bago lumipat ng pwesto. Aayusin niya pa ang dance floor para mamaya.

 

 

Ano naman kung tumitingin siya kay Joohyun? Di lang to success ng TFU, kay Joohyun din ito. Masaya si Seungwan na lumabas ito ng bahay imbis na magmukmok lang sa kanila. Siguro kahit papaano nabawasan ang heartbreak na nararamdaman nito.

 

Tumutulong lang siya bilang kaibigan. Bilang tenant na rin siguro? Ewan. Basta tumutulong lang siya. At masaya siyang nakakatulong siya.

 

 

Nang dumating ang oras para sa 19 Roses, tuwang tuwa mag picture si Moonbyul. Ang ganda kasi ng image nung mga naka animal onesies na nagsasayaw. Tapos since si Yeri lang ang aso, hindi ito nagkaroon ng kapareho kaya mas maganda yung images na lumabas.

 

Success.

 

 

Isang malaking success ang ‘parang debut pero hindi debut kasi hindi na debut pero parang debut’ ni Yeri Montemayor.

 

 

 

------------------------

 

Pagkatapos ng party ay nagsiuwan na ang marami sa mga matatandang bisita. Ang mga naiwan na lang ay college friends ni Yeri.

 

Tapos na ang formal party kaya tapos na ang trabaho ng TFU. Nakapagligpit na rin sila at ready na sana umuwi kaso nakiusap si Yeri na mag stay sila. Hindi na bilang organizers, pero bilang mga kaibigan niya. Syempre hindi na sila nakatanggi sa huling hiling ng may birthday.

 

Masaya rin naman makipag karaoke sa mga lasing na hayop na college students. Galing talaga ni Yeri at naisip niya ito.

 

Bukod sa karaoke at inom, may swimming pool din kasi sa labas ng events place na pwede nila gamitin kaya todo enjoy talaga ang overnight na ito ng mga magkakaibigan.

 

 

Pagkatapos makipagbiritan ni Seungwan sa kaibigan ni Yeri na si Suhyun ay tsaka niya lang napansin na nawawala si Joohyun kuneho. Naglakad lakad siya sa venue para i-check ito.

 

 

Doon niya nakitang nagpalit na ito ng tshirt at shorts tapos nakaupo na lang sa gilid ng kiddie pool. Nagtatampisaw.

 

Tinabihan niya ito. “Hi! Bat nagpalit ka na?”

 

“Masyadong cute yung onesie parang di bagay sakin.”

 

“Ay weh? Parang kamukha mo nga actually.”

 

Nagsalok ng tubig si Joohyun at ibinato ito kay Seungwan. “Cute mo mukha mo! Ikaw kamukha mo yang hamster.”

 

Natatawang nagpagpag naman si Seungwan ng nabasang braso. “Oo nga raw sabi nga nila. Weird nga eh di naman kami magkamukha ni Moonbyul pero mukha rin siyang hamster. Bakit kaya ganon?”

 

Tumawa lang ng mahina si Joohyun. “Aba ewan ko sa inyo.”

 

Saglit na tahimik ang dalawa habang parehong nagtatampisaw.

 

 

“Okay ka lang?” Tanong ni Seungwan.

 

“Oo naman. Ikaw okay ka lang? Di ka ba napagod?”

 

“Napagod. Pero sanay naman na tsaka maaga pa.” Tumingin ito sa relo. “2 am pa lang pala eh.”

 

“Oras mo na pala para magbisyo haha.”

 

“Oo nga kaya pala hindi ako mapakali. Pwede kaya mag smoke dito sa pool?” Tanong ni Seungwan sa hangin.

 

 

“Bawal.” Matigas na sagot ni Joohyun.

 

“Seryoso? Pano mo nalaman?”

 

“Sabi ko lang bawal. Ayoko yung amoy actually.” Nakayukong sabi ni Joohyun.

 

“Ahh.” Tumango tango si Seungwan. Naiintindihan niya naman. “Bakit ngayon mo lang sinabi?”

 

“Trip mo yun eh. Pero just for tonight, while you’re with me, pwede wag muna?” Mula sa pagkakayuko ay bahagya itong lumingon kay Seungwan.

 

Nagmukha tuloy nagpapacute. Buti na lang hindi na suot nito ang kuneho onesie.

 

“Sure. No problem.” Nakangiting sabi ni Seungwan.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ivywrites
#1
Chapter 9: Nakailang beses ko n tong inulit basahin.. Pero kinikilig p rin ako putek hahahahah
LockLoyalist
#2
Chapter 9: Ang sweet naman ng moment nila huhu cutieeeee
SEEKER_
#3
Chapter 9: Parang nagkakagusto na si madam kay Wendy. Shet nangangamoy angst. Well kahit naman siguro magkakagusto sa katulad ni Wendy. Ang gaan kasama, masarap kausap, hardworking etc.
SEEKER_
#4
Chapter 4: Hanggang ngayon di ko pa rin matukoy yung pinagkaiba nung mga ulam na yon. I'm dumb like that basta orange may tomato sauce sksksksksk
SuperHolly214
#5
I need to reread first kasi nakalimutan kona to wait lang
mklarisse_ #6
Chapter 9: Omg naman???? Authornim intense kilig dmejdmdm
anothersabstory
#7
Shet update wait
speac_sci
#8
Chapter 9: Ano to? Anong progress to? Kinikilig akoooooo pakingsheyt na malagkit ekis ang walang inlaban wenrene pa rinnn
taintedcolor #9
Chapter 9: yaaaaass papunta na tayo sa exciting part 🤩
feerspeciar
#10
Chapter 9: ang pinakahihintay na pagbabalik!!! aminan time na for wenrene na ba?