Almost
Almost
“Sabi na nandito ka eh.”
Nagulat at agad na napalingon si Irene sa pinanggalingan ng pamilyar na boses.
Si Seulgi.
Bahagya siyang napangiti habang pinapanuod itong umupo sa tabi nya. “Bakit nandito ka? Pa’no yung mga bisita?”
Pinanuod nya lang si Seulgi na luwagan ang suot nitong tie at tinanggal ang unang butones ng kanyang puting long sleeve. “Busy na sila sa party. ‘La ng makakapansing wala ako sa loob.”
Pareho silang nasa may mini garden sa tabi ng reception hall. Mula dito, maririnig ang malakas ngunit kulob na tunog at dagundong ng musikang pang-party galing sa loob. Maliban doon, tahimik ang gabi at maliwanag ang mga bituin sa kalangitan. Tamang pagkakataon upang mag stargazing.
Medyo may kalamigan din ang simoy ng hangin kaya naman hinubad ni Seulgi ang kanyang coat at isinuot sa ngayo’y nagsisimula ng lamigin na si Irene.
“Pagod ka na ba?” Tanong ni Seulgi sa kanya matapos ipatong ni Irene ang kanyang ulo sa balikat nito. Hinawakan ni Seulgi ang kaliwang kamay nya.
“Medyo. Ang daming tao kanina, ang dami ding lumalapit sa ‘kin.”
Narinig nya ang bahagyang tawa ni Seulgi. “’Di na ko magtataka. I mean, you’re THE Irene Bae, the number 1 celebrity in the country. Sinong hindi lalapit sayo?”
Nangiti lang si Irene.
Nabalot silang dalawa ng katahimikan. Ninanamnam ni Irene ang bawat segundo nito.
Mga segundong silang dalawa lang ni Seulgi at wala ng iba pa.
Hiling niya’y maging habangbuhay na lang mga segundong ito.
Sabi nila swerte raw si Irene sa buhay. Kasi, na sa kanya na ang lahat. Ganda, talino, katanyagan, yaman, suporta ng mapagmahal na pamilya at mga kaibigan, at ang walang katulad na si Seulgi.
Si Seulgi, na laging nandyan para umalalay at sumoporta.
Si Seulgi, na walang sawang umiintindi sa kanya.
Si Seulgi, na kasa-kasama niya mula bata hanggang pagtanda.
Si Seulgi, na pangarap nyang makasama sa pagtanda.
Si Seulgi, ang tanging taong minamahal nya ng sobra.
Pero ngayong araw ang pagtatapos ng pagiging swerte ni Irene sa buhay.
Naisipang paglaruan ni Irene ang kamay ni Seulgi. At sa paglalaro nito ay aksidente niyang nakapa ang sing-sing na suot nito sa palasingsingan.
She felt her heart break.
Nangilid ang kaniyang mga luha.
Oo nga pala, ngayong araw ikinasal si Seulgi.
Kay Tzuyu.
At mula sa araw na ito, opisyal ng may ibang nagmamay-ari sa taong pinakamamahal nya ng lubos.
Si Seulgi ay parang naging isang bituin para sa kanya. Kailan ma’y ‘di mapapasakanya at hanggang tingin na lamang.
Bakit sa lahat, si Seulgi pa ang napili ni Tzuyu na angkinin? Bakit hindi na lang iba? Bakit yung pinapangarap nya pa ang nabingwit?
“Kanina pa kita napapansing tahimik. Okay ka lang ba?” Rinig at ramdam niya ang pag-aalala sa boses ni Seulgi.
Tumango lang si Irene, takot na kapag tumingin siya sa mga mata ni Seulgi ay hindi nya mapigilan ang mga luhang nagwawalang kumawala. “Okay lang ako. Promise.”
Narinig nyang napabugtong hininga si Seulgi. “But you’ll tell me if something’s wrong, right?”
“Oo naman. Wag ka ngang praning. Porke’t nananahimik something’s wrong na agad?” Kunwari natatawa sya. Pero ang totoo, kung posible man, she can feel her heart breaking into a thousand pieces more. Mahal na mahal nya si Seulgi, pero bakit kailangan ganito kasakit?
Bakit kasi hindi na lang sya?
“Salamat nga pala sa pag sponsor ng kasal namin ni Tzuyu. ‘Di mo naman na dapat ginawa ‘yon pero sinagot mo pa rin lahat. Iba talaga pag may mayaman na bestfriend.” Tumawa si Seulgi.
Reyna ng mga Martyr siguro siya noong past life.
“Wala ‘yon, bes. I just want nothing but the best for my bestfriend.” Bakit biglang humirap lumunok? Lumunok ng katotohanang hanggang bestfriend lang talaga siya?
“Ang mahalaga, masaya ka. All I want is for you to be happy. Masaya ka ba ngayon, Seulgi?”
Tumingala si Seulgi, pinagmasdan ang mga bituin sa langit ng may malaking ngiti sa mga labi. Unaware of Irene’s heart breaking next to her. “Sobra. Sobrang saya ko ngayong parehong Mrs. Kang na kami ni Tzuyu. She makes me happy so much it’s insane. Watching her in her wedding gown, feeling ko yung puso ko tatalon na sa sobrang saya and proud. I’m really happy na I can finally get to call her my wife. I can’t wait to spend forever with her, Irene.”
Comments