Put A Ring On It

Pag May Alak, May Balak

Ilang araw ng aligaga si Seulgi at napansin iyon ng kanyang best friend at mga agents. Minsang lutang sumagot ito pag may nagtatanong na ahente o kaya naman ay loading. Kaya naman si Wendy na ang sumasagot ng mga questions. One month na sa production floor ang team niya at maganda din naman ang performance nila for a newbie team. 

Avail na kaya naman tinabihan na ni Wendy ang tulala niyang best friend. 

"Are you okay Seul? What's going on?" 

Hindi ata narinig ang tanong kaya inulit ni Wendy at tsaka lang siya sumagot. 

"Ah sa KFC na lang tayo maya. Parang gusto ko ng CM Twister" 

Pigil tawa si Wendy at ang ilang agents nitong malapit sa pod niya. Kaya sinakyan na lang niya. 

"G lang. Parang nagccrave din ako ng Ala King nila eh" 

Dumating na nga ang lunch at sinundo na nila ang kanilang mga partners dahil sabay na sila ng schedule. Pagdating sa napiling kainan ay dumiretso na sina Seulgi at Joy sa counter habang sina Wendy at Irene naman ang naghanap ng mauupuan nila. 

"Nie, okay lang ba na ayain mo si Joy mamaya lumabas? Kailangan ng tulong ni Seulgi eh" 

"Huh? Anong meron?" Takang tanong naman ni Irene. 

"I'll explain later pero basta ayain mo siya magshopping or something" 

"Okay? Are you sure na hindi si Joy ang dapat niyang kausapin?" 

Ayaw muna magassume ni Wendy pero may idea na kasi siya kung bakit nagkakaganun ang best friend niya. 

"Related din kasi yun kay Joy. I think" 

Napaisip sandali si Irene and mukhang nagets na niya. Dumating na ang dalawa hawak ang number ng order nila kaya sila naman ang tumayo to do the same. 

Nang makaorder na din sila, inaya na si Irene kay Joy. 

"Seulgi, hiramin ko muna si Joy mamaya ha. Papasama akong magshopping. I need her input sa mga bagong wardrobe ko" 

"Legit ba TL? G ako jan" excited na sagot naman ni Joy. 

Natuwa naman internally si Wendy at gumawa agad ng plano ang asawa. 

"Eh di lalabas na lang din kami ni bespren. WenSeul time naman kami. Tagal na din nating hindi nagbobonding eh" 

Kamot ulo si Seulgi. Palagi naman na kasi silang magkasama ni Wendy since they started their new roles. Pero umagree naman siya. 

Matapos silang kumaen ay humiwalay ang magbestfriend dahil magyoyosi pa sila. At dun sila kikitain ng ibang tropa.

******************************
Dahil late na silang nagising cause the weather was very cozy (like Rosie, oh I'm sorry), late afternoon na silang nakapagayos. Buti na lang at kagigising lang din nila Seulgi at Joy. Nang nakaayos na ay magkahiwalay na kotse lumabas ng bahay sina Wendy at Irene kahit isang lugar lang ang pupuntahan nila - ang dati nilang apartment. Nasabi na ni Wendy ang assumption niya about what's going on kay Seulgi at same lang din sila ng iniisip ni Irene kaya naman excited ang dalawa para sa mga kaibigan.  Magkasunod silang dumating sa apartment at sabay namang lumabas ang susunduin at pumasok na sa respective na sasakyan ng sasamahan. 

Habang nasa biyahe, tahimik lang si Seulgi na nakatingin sa labas at hinayaan lang siya ni Wendy. Alam naman niyang magoopen up din ang kaibigan soon. Minsan lang magkaganito si Seulgi at iyon yung mga times na may malaking bagay siyang iniisip. Isang oras din silang bumiyahe hanggang makarating sila sa may Antipolo. Ang overlooking spot na madalas nilang pinupuntahan dati nung college sila. 

"Bakit tayo dito?" Tanong ni Seulgi ng marealize niya kung nasaan sila. Kanina pa kasi lumilipad ang isip niya at buong biyahe siyang nakatulala lang. 

"Kinda feel that there's some big decision you're thinking about na hindi mo malabas eh. Kaya andito tayo para makapagisip isip ka ng maayos" 

Napangiti naman si Seulgi sa sinabi ni Wendy. Bilang lang ang times na nagpupunta sila dito because of her dahil madalas si Wendy ang may ganung problema. Pagkababa nila ng kotse ay pumasok na sila sa loob ng restaurant. Naalala pa sila ng may ari at alam pa din ang usual order nila. 

"Tagal niyo ng hindi napaparito ah. Sakto at walang nakaupo sa usual table niyo" bati sa kanilang dalawa. 

"Onga po eh. Busy na din po kasi sa trabaho" sagot naman ni Wendy. Umalis na ang may ari para ayusin ang order nila. 

Ilang minuto lang dumating na ang mga pagkaen at inumin kaya nagsimula na sila. 

Three bottles in nagsalita na nga si Seulgi about her problem. 

"I'm proposing to Joy" 

Lumawak ang ngiti ni Wendy sa official revelation dahil tama ang assumption niya. 

"Is that why you're out of it these days?" 

Nanlaki ang mata ni Seulgi. "Hala! Halata ba?" 

Natawa na talaga si Wendy. "Oo mehn. Kahapon lang tinanong kita kung okay ka lang tapos ang sagot mo sa akin sa KFC na lang" 

"Seryoso ba?" 

"Oo nga. Itong buong week na ito lutang ka. Nagtanong sayo si Dami kung pwedeng bigyan ng 2nd P2P yung customer niya tapos ang sagot mo kung nade-escalate na niya. Eh hindi naman naghahanap ng supervisor. Tapos nung nagpapasup call si Gahyeon kasi yung customer niya ayaw magbayad pero gusto magpareinstate ng service ang sagot mo, itransfer sa OOO. Tol, kung hindi ako napadaan at narinig iyon malamang may memo ka na kay Mina" 

Unti unting nagsisink in kay Seulgi ang mga sinabi ni Wendy. 

"Ay pota! Nakakahiya naman!" sagot nito sabay bagsak ng ulo sa table. Nagregret ng slight sa ginawa dahil matigas yung kahoy.

"Slight. Pero kinausap ko na yung team mo na pagpasensyahan ka na. Natatawa lang sila sa nangyare" 

"Oh my god. Anong klaseng TL ako?" 

"Noh ka ba. We have days like that naman.  Pero ano ba kasi iniisip mo? I mean, you're proposing to Joy. What's the problem?" 

Inubos muna ni Seulgi ang fourth bottle niya. "I'm planning to do it on her birthday kaso… I don't know how to actually do it" 

"Anak ng tokwa!" Sabi ni Wendy with matching paghampas ng table napatingin pa ang mga katabing customers. "Kung tinanong mo lang kami ng tropa agad eh di sana wala yung lutang moments mo last week" 

Kamot ulo na lang ulit si Seulgi. "Sorry naman. Di kasi ako makapagdecide kung gusto ko na kaming dalawa lang or kasama kayo. No offense ha" 

"None taken. Okay naman na kasama ang tropa kasi we can help you with the preparation and stuff like yung surprise niyo nung birthday ko last year. Okay din yung kayong dalawa lang. Mas intimate iyon. Pero knowing Joy, she'd be fine with either. Kasi ang importante naman dito ay kayong dalawa. You know and we know what her answer will be anyway so whichever way you do it, it's gonna be special for both of you" 

Nakahinga ng maluwag si Seulgi. "Phew! Salamat ng marami ah. We'll be at their family house pala nun so I'll do it there na lang" 

"Ayos yan! Tapos samahan mo na ng kanta para mas kiligin si Ligaya" 

Isa't kalahating bucket lang ang inorder nila at magddrive pa pabalik si Wendy. Nagmessage na din kasi si Irene na tapos na silang magshopping kaya naman ay nagbill out na sila at nagsimula ng bumiyahe pauwi. 

******************************
Dumating ang araw ng birthday ni Joy at talagang pinaghandaan ito ni Seulgi. Hindi siya marunong magluto, hindi considered ang pagluto ng pancit canton,  pero sinubukan niya pa din lutuin ang mga paborito nitong chicken and pizza. Naka.leave sila pareho kaya naman hindi sila nagset ng alarm. Pero Seulgi wants to make a special lunch for her girl. 

Ready na lahat ng ingredients with the help of Wendy buying what she needed. Nakaset up na din ang recipe na susundan niya, ultimo measuring cup sa specific item ay nakahanda na. Dahan dahang bumangon si Seulgi habang dead to the world si Joy. Sinigurado niya ding mahimbing ang magiging tulog nito after ng ginawa nila sa salubong ng birthday niya. 

Bumaba na ng kusina si Seulgi at nagsimula ng magluto. May paminsan minsang tawag kay Wendy for additional instructions pero nairaos naman niya ang lahat. May pa plating pa siyang ginawa with matching flowers at nilagay lahat sa tray bago dahan dahang umakyat ng hagdan papunta sa kwarto nila. Tulog pa din si Joy kaya inayos na niya ang mga pagkaen bago ito gisingin. 

"Babe, gising na po" sabi ni Seulgi kasabay ng mahinang pagtapik kay Joy. 

Nakailang ulit pa ito gawin bago nagising talaga si Joy. At pagmulat niya ng mata ay una niyang nakita ang malawak na ngiti ni Seulgi. 

"Tada!" Nag-spirit fingers si Seulgi paturo sa table kung saan nakalagay ang mga nilutong pagkaen. "Happy Birthday babe!" 

Nawala agad ang antok pa ni Joy nang makita ang hinandang sorpresa. What a way to start the day and see your favorite person and favorite dishes right? 

"I...ikaw gumawa niyan babe?" Pagtatakang tanong ni Joy. Alam naman niya kasing walang marunong talaga magluto sa kanilang dalawa. 

"Yup!" Proud na sagot naman ng isa. Kung titignang mabuti ni Joy si  Seulgi ay may bakas pa ng flour sa kanyang mukha. Hindi niya napigilang maluha dahil hindi niya ineexpect na gagawin ito ni Seulgi for her. 

Nung minsan kasi silang nagattempt magluto ay nasunog pa nila yung kanin dahil kulang ang nalagay na tubig kaya hindi na talaga nila sinubukan ulit gawin yun. Seeing how her girlfriend really made an effort to cook not just any dish but her favorite ones, she couldn't help but feel emotional. 

Agad namang yumakap si Seulgi at inulan ng halik si Joy. Nang kumalma na ito, ay tinulungan niya itong bumangon at pinagbihis para makaken na sila. 

******************************
"Babe, malapit ka na ba matapos? Nagtext si tita tinatanong what time tayo dadating?" Tanong ni Seulgi sa may pintuan ng cr. 

"Almost babe. Pahanda naman nung susuotin ko please?" Sagot naman ni Joy from the other side. 

Hindi na sumagot si Seulgi at bumalik na lang ng kwarto para ilabas ang napiling damit ni Joy kanina bago maligo. Sinabit sa cabinet at hinanda na din ang bag na gagamitin. Maya maya lang ay pumasok na din ng kwarto si Joy. 

Napalunok si Seulgi. Agad agad kasing nagtanggal din ng towel ito at naiwan lang ang nakapaikot sa ulo. Seeing Joy in all her glory made Seulgi feel a lot of things. Hindi bago sa paningin pero nakakabighani padin every time. y dynamite nga naman talaga.

"Yes babe?" Sabi ni Joy with matching na pangasar na smirk ng mapansin niyang nakanganga yung tinatanong. 

Napalunok ulit si Seulgi. "I SOOOOO wanna do so many things to you right now babe. I don't think a quickie would be enough" 

Natawa si Joy sa sinabi ni Seulgi. Kitang kita kasi sa mukha ang pagkasabik nito. Hawak na niya ang kanyang underwear pero dahan dahan niya itong ibinaba ulit. "Who says we don't have enough time?" 

Two hours later.... 

"Babe... as much as I want to do this all night until I can't walk, we still have to go to my parents' house" hingal na sabi ni Joy. Kumalas naman si Seulgi at humiga na sa tabi nito. 

Tumingin sa oras at napabangon ulit nang makitang 7PM na. Usapan ay 5PM ang birthday celebration with Joy's family. Nagmadali na sila parehong magayos and buti na lang ay may nabook agad silang Grab kaya by 745 PM ay nakarating na nga sila sa family house nila Joy. 

"Ganda ng 5PM ate ha. Gutom na gutom na kami" bati sa kanila ng bunsong kapatid ni Joy. 

"Sorry sis. Late na kami nagising eh" sagot naman ni Joy habang lowkey na hindi pinapahalatang hirap siyang maglakad. 

"Wooshoo. Late daw nagising. Wag ako ate. Alam na namin ginawa niyo" sabi naman ng isa pa niyang kapatid. Pumasok na sila sa loob at binati ang mga magulang at ilang kamaganak nila. 

Pumalibot na sila sa dining table kung saan sari't sari ang nakahandang pagkaen. Matapos siyang kantahan ng happy birthday at ipablow ang kandila sa cake na may disenyong chick ay nagsimula na silang kumaen. 

Nang mabusog na silang lahat ay nagbigayan naman ng mga regalo ang mga bisita. Panganay sa magpipinsan si Joy at medyo malayo ang agwat sa sumunod sa kanya kaya naman for years naspoil siya ng mga magulang at mga tito at tita niya dahil siya lang ang bata. At kahit ngayong malaki na siya ay paminsan minsan pa din siyang sinospoil. Hindi rin naging issue sa parents niya nang ipakilala niya si Seulgi bilang girlfriend niya dahil nakilala din naman nila ng maayos si Seulgi. 

Turn na ni Seulgi para ibigay ang kanyang regalo kaya naman ay sumenyas na siya sa kapatid ni Joy para ilabas ang gitara. 

Landas natin ay pinagtagpo
Kahit 'di natin plinano
Tinakdang pangako na mahulog ako sa'yo
Unang pagtingin alam ko na
Ikaw ang bubuo sinta, ng aking mundo
Pati na rin ang puso

"I have some good news guys. Because of everyone's hard work in pioneering the account, we'll have six additional seats. They will  be joining us later for a meet and greet before they officially start next week so I'm assigning each of you a newbie to mentor" paganunsyo ni TL Irene sa limang nakaupo sa harap niya. Pioneer sila ng bagong account sa company at dahil maganda ang naging paglaunch ng account pati nadin ang performances nila ay nagdecide ang client na magdagdag ng tao.

Later that day, nasa loob na ng aquarium ang team at inaantay na lang dumating ang mga magiging new team mates.

"Sana naman may chix. Yung pwedeng jowain at hindi lang totropahin" sabi ni Seulgi.

Natawa ang mga kaibigan at naging libangan na nila na pag may bagong mga mukha sa production floor ay iiidentify nila kung tropa o jowa material. Nakaharap si Seulgi sa production floor kaya kita agad kung may papasok galing sa lobby. Nakita niyang pumasok na si TL Irene at may kasunod na anim na bagong agents. Unang lapag pa lang ng mata niya sa direksyon ng pinakamatangkad na naglalakad papunta sa aquarium ay bumilis na ang pagtibok ng puso niya.

"Tol" bulong ni Seulgi kay Wendy. "Nakita ko na ang babaeng magpapaligaya ng buhay ko" sabay pasimpleng turo sa pinakahuling pumasok ng aquarium.

Sumagot naman si Wendy. "Pwede pwede. Basta ako si TL pa din"

Pinaupo na ni TL Irene sa harap ng mga pioneer ang newbies. "Alright. So these folks are the ones who pioneered the account and they will also be mentoring you. So any question you may have, you can just ask them"

Pinagpakilala sila isa't isa at ganun din naman sa mga bago.

"Hi po. My name is Park Sooyoung but you can just call me Joy"  Joy looked around the room and finally landed her eyes on the mono-lid, bear looking girl beside the hamster looking one and she can't help but smile.

Sa ating paglalakbay, maaaring maligaw
Pero itong mga kamay
Hindi bibitaw

Saktong kay Seulgi naassign si Joy at dun nagsimula ang kanilang kwentong pagibig.

It was during one of their after shift sessions nang magoffer si Seulgi na ihatid si Joy. Agad naman itong tinanggap ng isa at sa tatlong oras nilang biyahe papuntang Cavite ay marami na silang napagkaalaman sa isa't isa. When Joy said she was biual, hindi na nagdalawang isip si Seulgi na tanungin kung pwede ba siyang manligaw. Three months later sinagot din niya ito at tsaka pinakilala sa mga magulang. As usual may awkwardness dahil big news din ito sa family ni Joy pero eventually tinanggap naman nila ng buong buo si Seulgi bilang girlfriend ng anak nila.

Ikaw ay akin at ako'y iyo
Kalawakan man gumuho
Kahit na ba sa kabilang buhay ay 'di maglalaho dahil
Ikaw ay akin at ako'y iyo
Lagi at kailanman ay pinangakong
Mamahalin kita ng buong-buo
Puso'y iyong iyo

Honesty. Yan ang isa sa mga bagay na pinapahalagahan nilang dalawa at kasunod nito ang trust. Kaya naman ay wala silang tinatagong kahit ano sa isa't isa. Mapakalokohan man ito ng team top ay nalalaman ni Joy dahil agad na nagsasabi si Seulgi and Joy appreciates it very much dahil ilang beses na siyang niloko.

"Joy. Your name fits perfectly because you've been nothing but my source of happiness. The way we hit it off in the beginning was automatic like it was really meant to be. The more I got to know you made me realize that you don't know how to pretend or fake your reactions cause being your natural self is always the best. When things don't go the way we wanted it, you're the first one to put a smile on my face, and it makes me melt like ice cream and your cute pout is like icing on a cake. I get my dumb moments but you're always the one to say that it's okay cause people tend to makes mistakes sometimes. They say loving someone is like playing Russian Roulette cause you never know what you'll get but I'm glad I took the risk and I'm no rookie when it comes to a heartbreak. So when I saw the sign, I asked right away if you would be mine. When we had our first kiss, I can still remember the taste of that red flavored lip gloss you wore. It was your favorite, still is actually. We get childish at times and play games like peek a boo but you know how I at even the simplest games but you never made me feel bad about it cause you let me win. Your hugs powers me up after a tiring day and I could never understand how anyone dared to hurt you in the past who thinks he's better than anyone else when he's just a really bad boy who's a psycho for letting you go. But I'm glad he did cause we wouldn't be here right now. Park Sooyoung, my Joy, my babe, you are my Queen and I want nothing more than to be your light through your dark days, to never let go of the hand that wiped my tears and worries, to shower you with all the love you deserve. It's always better when we are together and so I ask, will you be mine forever?"

Lumuhod na si Seulgi matapos ang mahaba niyang speech na ilang araw din niyang pinagisipan at nilabas ang singsing na matagal na niyang tinatago. Pareho silang umiiyak at miski ang mga magulang at kapatid ni Joy. Lahat nagaabang sa magiging sagot ni Joy kahit alam na naman nila kung ano ito.

Nagpunas ng luha si Joy gamit ang tissue na inabot ng kanyang kapatid. Saglit na nagpakalma sa kilig na nararamdaman dahil hindi niya ineexpect na magpopropose si Seulgi.

She was about to say something kaso may naunang magsalita sa kanya.

"Hi! Anjan po ba si Sooyoung?"

Lahat napatingin sa may pintuan kung saan may lalaking nakasuot ng buttoned up white polo, khaki pants at leather shoes. May hawak itong bouquet ng flowers at paper bag ng isang mamahaling brand.

Nanlaki ang mata ni Joy sa bagong dating at ang kanina lang na masayang ngiti ay napalitan agad ng panlilisik ng mata.

"Anong ginagawa mo dito Seob?"






A/N:
- Dreamcatcher makes some minor appearance.
- I tried to fit all RV's korean title tracks pero di sumakto yung iba.
- Y'all already know who the last person was.
- Song Used: Iyong Iyo by Zack Tabudlo

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
97 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1710 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
97 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡