Warning: God of Destruction is Approaching [Namjoon]

Warning: God of Destruction is Approaching

Chapter One : Life

 

Kung hindi ko narinig ang mga mumunting tahol ng alaga kong aso na si nami hindi pa siguro ako magigising hanggang ngayon, it’s passed 9 am na dapat ay kasalukuyan na akong nag aasikaso ng morning patients ko sa clinic.

 

aish! crx kasalanan mo talaga to!

 

Kung hindi pa sana naginarte ang babaitang yon kahapon, hindi sana kami gagabihin ng pag uwi. ano ang kinalabasan ngayon? late ako? 

 

Mabilis ang naging kilos ko saka nag-ayos pagkatapos kong maligo, kaunting make up lang ang nilagay ko dahil hindi ako sanay sa heavy make up. mabigat yon sa mukha at hindi ako komportable.

 

Tiningnan ko ang gawi ng alaga kong si nami na nasa itaas ng higaan ko, kinakagat nito ang maliit nitong buntot habang umiikot ikot. “Thanks nami!” bulalas ko habang marahang naglalagay ng face powder sa mukha, Tanging ang mumunting tahol lang nito ang natanggap ko bilang sagot.

 

“kailangan nang bilisan” bulong ko sa sarili habang kinukuha ang susuotin kong rubber shoes na nakapatong sa shoe box nito.

“Gotta go nami!” Paalam ko sa alaga at nagmadaling pumanhik palabas ng kwarto ko.

 

Halos halikan ko ang lupa ng makarating ako sa ground floor which is yung parking lot, sa taas ba naman nang condo unit na inuupahan ko lagpas tatlong limang minuto bago makababa ang elevator dito. Agad akong lumapit sa nakaparadang itim na toyota vios, wala na akong sinayang pa na oras at pumasok na sa loob upang paandarin yon, papuntansa clinic ko. 

 

At the age of 21 years old nakapundar ako ng maliit na coffee shop, kasalukuyan akong nagaaral sa med school noon upang kuhanin ang course na dentistry hindi rin nagtagal ay gumraduate ako, dala dala ang diploma at ebidensyang nakapagtapos ako naghanap ako ng mapapasukang trabaho, para sa aking mga pinansiyal na gastusin, naka ipon ako at nagdesisyong magpatayo ng sarili kong business walang iba kundi ang coffeshop ko, dati ko pa ‘yong minimithi kaya imbis na unahing mag open ng dental clinic inuna ko ang pagpapatayo ng coffee shop. 

 

Nang lumago ito ay saka ako nagdesisyong magpatayo na ng clinic which is yung propesyon ko talaga, naging maayos ang buhay ko sa mga sumusunod na taon.

 

Nakabili rin ako ng condo unit sa makati na kasalukuyan kong tinutuluyan ngayon, nakabili rin ako ng bahay at lupa para sa mga magulang ko kung sakaling makapasyal sila rito sa maynila. Colehiyo palang ako nang magdesisyong umuwi ang mga magulang ko sa probinsya at doon mamuhay ng tahimik at payapa.

 

Pero ako ay hindi nila pinatatahimik dito sa maynila, they keep on telling me na kailangan ko na daw’ng mag asawa nang mabigyan ko na sila nang apo na pinakahihintay nila.

 

“Hi miss lili!” bungad saakin ng assistant ko na si morta, bukas na ang clinic ko ng maabutan ko ito, all thanks to morta. “Kamusta? dumating na ba ang inaasahan nating pasyente ngayong araw?” tanong ko rito ng makapasok ako sa opisina.

 

“Yes miss, inaasikaso na po sila ni Doc. Alacer, bilang sub mo” balita nito saakin, rumehistro ang gulat sa mukha ko ng marinig ang binanggit nitong pangalan.

 

“Doc. Alacer? you mean si Marcos?” Tanong ko pa rito, bago umupo sa swivel chair na nasa tapat ng lamesa ko. ano namang ginagawa nang lalaking iyon dito?

 

“Opo miss, yung gwapong suitor niyo? ahihihi” kinikilig pa na banggit nito, kung hindi ko lang talaga ito kilala ay matagal ko na sigurong pinatalsik to sa trabaho niya. k-harot harot may boyfriend na e.

 

“Uh,okay. anyway tell marcus to report at my office bago siya umalis” Paalala ko rito, tumango lang ito saka tumalikod palabas ng opisina ko. 

 

Mabuti at hindi gaanon karami ang pipirmahan kong papeles ngayong araw kumpara noong nakaraan na tambak ako, agad ko nang sinimulan basahin ang ilang mga portfolio na nakapatong sa mesa ko bago ito pirmahan. 

 

Nakarinig ako ng ilang katok sa pintuan mula sa labas, kaya agad ko itong pinapasok. agad sumungaw ang nakangising mukha ni marcos sa pintuan.

 

Meet Doctor Marcus Alacer.

 

“Hanap mo daw ako?” Maang-maangan nitong bungad saakin nang makalapit sa mesa ko, at umupo sa isa sa mga upuan na nasa tapat nito.

 

“Bat napapad ka dito?” tanong ko at tutok parin sa binabasang papeles.

 

“Ayaw mo ba?” may lungkot sa boses nitong sambit.

 

Ibinaba ko ang hawak na portfolio’ng binabasa at binigay ang buong atensyon ko rito, matabang akong ngumiti bago nagsalita. “Thanks for the help you can go now” pagpapaalis ko rito saka akmang tatayo narin nang pigilan ako nito.

 

“Why are you so distance?” Takhang tanong nito, rumehistro ang lungkot sa maamo nitong mukha ngunit hindi ko ito pinansin kundi ang kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko. agad naman niya itong binitawan ng mapansing nakatitig ako rito.

 

“Sorry, I have many things to do. let’s hang out sometimes. I’m just too busy today” Paalam ko rito, hindi na hinintay pa ang sagot nito at naglakad na palabas ng clinic. Ipinaubaya king muli kay morta ang clinic, siya ang nagsisilbing secretary slash assistant doctor ko rito na pinagkakatiwalaan ko, kaya hindi ko siya mabitawbitawan kahit na naiinis na ako sa kaharutan niya minsan.

 

I’m currently heading out to my café

Retrophiles Café, Retrophile is a kind of a person who love artifacts and aesthetics from the past so I desided na gawing makaluma ang theme ng café and to feel the old vibes of the philippines way back year 80’s.

 

Traffic ang bumungad saakin pagdating sa edsa. as expected! damit!

 

Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng dashboard saka idenial ang number ni rye. Ang kasalukuyang manager ng café

 

“Hello Ma’am” 

 

“How’s the café?” Bungad ko rito. Ilang segundo ito bago sumagot, narinig ko pa ang mahinang pagpapakawala nito ng buntong hininga.

 

“Ah— Ma’am k-kase kanina, nagkagulo po dito sa café” Sambit niya, dahilan ng aksidenteng pagkahampas ko sa manobela ng kotse.

 

Sadya ko pala.

 

“Ano!, Bakit anong nangyari?” okay natataranta na ako. ack. my precious café.

 

“Ma’am may isang k-idol lang naman ang pumunta dito sa café natin kanina” Halata sa boses nito ang kilig, habang nagsasalita. 

 

“Huh? sino naman?” Hindi man niya nakikita alam kong nasa isip nito ang kasalukuyang pagkunot ng noo ko. 

 

“Yun nga Ma’am e hindi ko nakita” dismayado akong inabante ang sasakyan ng unti unti nang umuusog ang traffic.

 

“E bakit sabi mo may pumunta, paano mo naman nasabi? at kung magkwento ka daig mo pa ang nakakita” 

 

“Kwinento lang saakin ma’am hehe” Nahihiyang sambit niya pa. “Uh, anyway ano? kamusta? may mga damages ba ang shop?”

 

“Luckily wala ma’am, maaga kase kami nagbukas kanina ni jeff, at iilan palang ang customer so ayon ma’am”

 

“Good, anyway papunta na ako diyan, na traffic lang ako dito sa edsa.” 

 

“Okay ma’am ingat” 

 

Ibinaba ko na ang tawag ng makapagpaalam ako rito, medyo umuusad narin ang traffic sa edsa.

ngunit napatigil  ang atensiyon ko sa isang Billboard na nakasabit sa kaliwang parte ng edsa.

 

“They’re totally back” Bulong ko sa sarili at ibinalik na ang atensyon sa pagmamaneho.

 

                             *

 

Lumipas ang trenta minutos at nakarating na rin ako sa cafe, agad ko nang ipinark ang sasakyan ko sa tapat nito saka pumasok. 

 

Bumungad agad saakin ang halimuyak ng kape at tinapay, sumalubong saakin ang ilang mga nagseserve sa costumer ng mapako ang atensyon ko sa isang costumer na nasa sulok na nakasuot ng cap at black mask.

 

creepy.

 

Hindi ko na ito pinansin pa at dumiretso na sa cashier para batiin ang manager na si rye.

 

“Hi Ma’am magandang umaga” Galak na bati nito, naabutan ko itong may tinitingnang papel na tila ineeksamin ito.

 

“Ano yan?” Tanong ko at ipinatong ang dalang bag sa kalapit na bakanteng lamesa rito.

 

“Sketch po ng isang regular customer natin na nakakita sa sinasabi kong k-idol kanina dito” Paliwanag niya habang ang buong atensiyon nito ay nasa papel.

 

“Ako nga patingin” inabot naman niya ito agad saakin at tinaggap ko agad bago umupo sa katapat nito silya.

 

Gulat ang rumehistro sa mukha ko nang makita ang sketch na inabot saakin ni rye. detalyado ang pagkakaguhit nito. parang isang fictional character ang inisketch nito dahil sa hulma ng mukha nito mapanga at matangos ang ilong ito, ang parang buhay na buhay nitong mata na nakatingin saakin, I’m wondering if this man is really existing dahil parang isa lang itong kathang isip kung titigan mabuti.

 

“Are you sure na ito nga talaga ang nakita niyang k-idol?” takang tanong ko at inabot muli sakanya ang papel.

 

“Oo naman Ma’am, regular customer natin yun, si mira? hindi mo ba natatandaan?” 

 

“Si mira? yung architecture student?” Paninigurado kong tanong, tumango ito saka muling ineksamin ang sketch. Parang pamilyar ang mukha noong inisketch niya, parang nakita ko na siya pero hindi ko maalala kung saan.

 

“Enough about that man rye, go back to work.” tanging tango lang muli ang sagot niya saka itinupi ang dala nitong papel at tumayo papunta sa cashier upang tumulong rin.

 

Retrophiles café only have 3 cashiers and 4 waiters. May mga schedule ang pagpasok nila at day off para makapagpahinga rin sila at hindi paspasan ang trabaho, Halos lahat ng nagtatrabaho saakin kung hindi highschool student ay college student. They say that they need extra incomes para matugunan ang pangangailangan nila bilang studyante naiintindihan ko naman iyon dahil naranasan ko na iyon noon. I only accept 18years old and above dahil baka naman makasuhan ako ng Child labor. 

 

“Can I order one vienńa coffee please” Rinig kong order ng isang ginoo, walang ni isang kahera ang nakapwesto sa pinilahan niya dahil busy ang ilan sa mga orders maging si rye. Tumayo ako at naglakad papunta sa cashier 1 upang kuhanin ang order nito.

 

he’s they guy with cap and black mask.

 

“Can you repeat your order sir?” Tanong ko rito at pinindot ang pc na kaharap ko.

 

“One Vienńa coffee without cream powder” He spoke modestly. 

His voice sounds so familiar kaya imbis na pindutin ang oorderin nito sa computer ay napatitig ako sa mga mata nitong natatakpan ng bangs. those glazing brown eyes. parang nakita ko na ‘to.

 

“Have we met before?” Bulalas ko habang nakatitig parin sa mga mata nitong natatakpan ng bangs. 

 

“No, I think.” Simple niyang sagot at umiwas ng tingin.

 

am i too awkward?

 

“Uhh.. S-sorry I thought you’re someone I know. 89.75 pesos sir” banggit ko at itinapat ang screen dito para ipakita ang presyo ng babayaran, agad naman itong dumukot sa bulsa niya at hindi pinansin pa ang sknabi ko. Inilabas nito ang isang itim na card mula sa leather wallet nito.

 

 

“Do you accept card?” He asked. 

tumango ako. inabot niya ito saakin na agad ko namang tinanggap at inislide sa gilid nang pc.

 

“Here, you can now back to your sit sir, we’ll serve your order within a sec.”  Ibinalik ko ang card nito kasama ang resibo at umalis na sa harapan ko.

 

Lumapit saakin si rye upang pumalit sa pwesto ko upang kunin ang order ng mga ilan pang nakapila customers, kailangan ko rin kaseng pumunta muna sa office upang tingnan ang sales ngayong buwan ng café kung tumaas ba o bumaba.

 

Pumasok ako sa kitchen area kung saan ang daan ng opisina ko sa likod.

Nang makapasok ay agad kong inopen ang aircon saka umupo sa sofa na nakalagay rito.

 

Simple lamang ang disenyo ng opisina ko rito sa café, may nakalagay na painting ng isang tasa sa kanang bahagi ko pag pasok sa kabilang bahagi naman ay ang mga collection ng libro ko, nakalagay ito sa isang cabinet na transparent ang Pintuan. nakapatong lang ito sa sahig at may taas na anim na dangkal, nakapatong sa itaas nito ang family picture naming buong maganak at ang picture noong opening nang café.

 

Gusto mo munang magpahinga saglit kaya humiga ako sa sofa na nasa gitnang parte ng office, malaki ang office rito kumpara sa opisina ko sa clinic, lumiit lang naman ang itsura noon dahil sa mga ginagamit kong equipment sa paggawa ng postiso at ang ilang mga chemical na naroroon.

Tumunog ang cellphone ko na nakalagay sa loob ng dala kong bag.

 

 Brat Calling...

 

Napabuntong hininga na lamang ako ng makita ang pangalan na nakaregister sa caller id ko.

 

“Hi, lili!”

 

“Hello”

 

“About the concert, I already bought 2 svip ticket for us Yiieeeeee!” agad kong inilayo ang cellphone sa taenga ko dahil sa pagtili nito.

 

“Ano ba, masakit sa tenga”

 

“Sorry, ‘bout that lili. anyway it’s a two day concert kaya nag rent na din ako ng hotel para saatin malapit sa concert area, don’t worry it’s a five star hotel so pack up your things!” Halata sa boses nito ang tuwa sa ibinalita, napairap nalang ako ng wala sa oras dahil sa pagwawaldas niya ng pera.

 

“You’re wasting too much money crx”  Imbis na matuwa ay pinagsabihan ko na naman ito, well sino bang matutuwa sa mga pinaggagawa niya? in these days money is more important than happiness, you can’t buy your needs using that stupid happiness of yours. Hindi ako mukhang pera, I’m just being practical.

 

“Lili, how many times do I have to tell you na hindi mo madadala ang kayamanan mo sa kabaong?, why are you so kuripot when it comes to happiness” Kung nasa harapan ko lang ito ngayon ay paniguradong nakatikim na siya sakin ng kurot sa singit.

 

“Tita moma and Tito Papa is in good condition right now, napaparanas mo na sakanila ang kaginhawaang nais mo lang na iparamdam sakanila ngayon. Si Rory gagraduate na at magiging engineer for sure he’ll earn much money to help you, hindi mo na kailangan magtrabaho ng magtrabaho, aanhin mo ba ang kayamanan  mo kung hindi ka naman masaya sa pinaggagawa mo, you have your clinics and Café pero namomoblema ka parin sa pera” now the table has turned. Ako naman ang pinapangaralan niya.

 

“It’s not about that, crx ano ka ba syempre magkakaroon ako ng sariling pamilya at anak, I need to earn more para mapaghandaan yon. at hindi dahil sa sinasabi mong kayamanan. my only treasure is my family, you’re one of my family so i treasure you, ayoko namang ikaw ang mawalan pag. dating ng panahon dahil sa kaadikan mo sa mga concert na yan” 

 

“Hays, Let’s stop arguing na nga. you’re starting to act like my mother” 

I bet she’s currently rolling her eyes right now.

 

“Hay nako, ewan ko sayo. sige na ibaba ko na to” 

 

“Hep, wait! I also want to remind you na sa condo mo ako matutulog for the next few days, simula ngayong araw. para malapit nalang tayo sa nirentahan kong hotel” 

 

napabangon ako sa gulat sa sinabi nito. “Adik ka ba? ang tagal tagal pa nung concert tas kung makapagplano ka e akala mo ay bukas na!” Hindi ko maiwasang taasan ito ng boses dahil sa inis.

 

“Baket? may tinatago ka bang lalake doon sa condo mo at ayaw mo akong patirahin don, for your information sa sabado na ang concert at martes ngayon. at uulitin ko! for your information ay nasa cavite ako. ayokong umuwi sa bahay namin sa pasig dahil ayoko, kaya diyan ako titira sa condo mo, gustuhin mo man at hindi!” 

 

Akmang bubuka palang ang bubunga ko ng biglang naputol ang linya.

 

“Stupid brat!” 

 

Tumunog ang text tone ko at nagpop ang message ng babaita.

 

From: Brat

PICK ME UP LATER 7PM  AT SM DASMA. ASAP!

 

Aba naka capslock pa, ano para dama ko? aba’t sumusobra na ah, maghanda ka mamaya. matitikman mo ang paghihiganti ng isang Maily Pascua.

 

Bumalik ako sa paghiga sa sofa at ipiniki muna ang mga mata para makapagpahinga.

 

 

 

 

 

                             

 

 

                        ———

 

 

Naalimpungatan ako ng biglang may narinig ako ng iilang katok mula sa pintuan ng opisina ko, dali-dali akong bumangon at kinusot ang mata bago lumapit sa pintuan upang buksan iyon, bumungad agad saakin ang nakangitin itsura ni rye.

 

“Ma’am, Our café is already closed” Sambit niya na ikinataas ng kilay ko. itinaas nito ang kanang brasong may suot na relo.

 

anong oras naba?

 

“It’s passed 9pm na ma’am dito po ba kayo matutulog?” Takhang tanong niya ng maibaba ang braso nito.

Nagsimula na akong mataranta,agad mong kinuha ang bag ko na nakapatong sa mesa saka muli itong binalikan sa pintuan.

 

“Hindi ako dito matutulog i have to go, let’s talk later on fb I really need to go, pasensiya na sa paghihintay” Nagmamadaling paalam ko, hindi ko na hinintay pa ang sagot nito saka dumaan sa back at lumabas.

 

Kinuha ko ang cellphone na nakalagay sa loob ng bag ko, halos mapamura ako sa nabasa.

 

‘58 missed calls from brat’

‘You have 29 unread messages from brat’

 

Una kong binasa ang huling huli nitong text message.

 

“You daughter of Tita moma! I will ing sue you for not fetching me! sumakay ako ng public vehicles dahil sa paghihintay ko sayo! magsasara na ang sm hindi ka parin dumadating! ukinginamo!”

 

Nasapo ko na lamang ang noo ko sa nabasa at nagmadaling pumasok sa kotse at pinaandar ito pabalik sa condo ko sa makati. Agad kong dinial ang number ni crx at bin-luetooth ito sa speaker ng sasakyan. Agad naman niya itong sinagot at sunod sunod na mura ang natanggap ko.

 

“Can you please calm down, crx!” Sigaw ko pabalik habang nagmamaneho parin ng kotse.

 

“Nakatulog ako sa opisina sa café kaya hindi ko namalayan ang oras” pag papaliwanag ko rito.

 

“Ayan! kase trabaho ka ng traba—.”

 

“Shut-up crx”

 

“Shut up mo mukha mo! Pinaghintay mo ako sa wala! ano kalahi mo na ba si klein!” pasigaw na tanong niya saakin.

 

Klein is her ex-boyfriend na nagmigrate sa us para magaral klein make a promised to her that he will comeback as soon as possible, but years has passed hindi parin ito bumabalik pati ang communication nila ay nawala, hindi pa sila nag b-break ng umalis ito, ngunit ng ilang taon na ang nakakalipas at hindi parin ito nagpaparamdam ay siya na mismo ang nag anunsiyo sa sarili na break na sila. Hays Long distance relationships  is really .

 

“Stop comparing me to your ex-boyfriend crxtel” 

 

“ewan ko sayo!, bilisan mo na nga lang ang pagdadrive at bumalik kana dito sa unit mo wala namang makain dito!” Reklamo niya, hindi na ako nagulat nang sabihin niyang nasa loob na ito ng condo ko, kilala na ito ng mga staff sa building ng inupahan kong condo kaya binibigyan siya nito ng spare key.

 

“Ang sabihin mo, hindi ka lang marunong magluto. for your information kaka grocery ko lang noong nakaraan”

 

“Fine! bilisan mo nalang okay!” and she cut the line again.  And by that okay na kami. ganon kami magbati.

 

 

Anyway forget about the revenge, tinatamad na ako.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet