Pantalan

Isla Dimarupoc
Please Subscribe to read the full chapter

Sa unang pagyapak ni Mina, maligayang pagbati ang kaagad na ibinungad ng puting buhangin sa kaniyang mga paa. Niyakap siya ng naghahalong init at lamig habang palubog ang araw sa kaniyang likuran. Sa wakas, pagkatapos ng ilang oras, nakarating na rin sila sa Isla Dimarupoc. 

 

Pagkatapos mag-inat, madaliang sinipat ni Mina ang malawak na tabing-dagat na magiging tahanan nila sa loob ng dalawang taon. Iilang bangka ang nakadaong sa mababaw na tubig-alat. Sa tapat nito, nakatayo ang bagu-bago pang “Lips on Lips Vacation Homes” na kulay rosas ang pintura. Ngayong gabi, dito muna sila mananatili — bilang bagong medical team ng isla. Binaling niya ang tingin sa kalapit na gusali. Saktong bumukas ang ilaw ng karatula nito na nagsasabing “Sip & Surf Restobar”. Mukhang may katandaan na ito, ngunit matatag pa rin dahil sa matibay na materyales.  

 

Tuloy ang inisyal na inspeksyon ng dalaga nang biglang nahablot ang kaniyang atensyon. Mula sa mga naglalakihang alon at patulog na araw, isang babae ang lumitaw. Biglang nag-init ang pisngi ni Mina (hindi dahil bagay ang itim na swimsuit na suot ng naturang babae ngunit) dahil sa determinadong tingin nito habang binabaybay ang rumaragasang tubig na kasayaw niya sa bawat galaw. Kung gaano ka-seryoso ang kaniyang tingin, ganoon din kalaki ang tawa nito pagka-abot sa dalampasigan. Akmang hahawiin ng babae ang kaniyang basang buhok nang—

 

“AHHH!” matinis na sigaw ni Sana. Sa kapabayaan ng kaibigan, tumaob ito at nahulog sa tubigan.

 

Kaagad siyang tinulungan ni Dahyun habang nagpipigil naman ng tawa si Tzuyu. Pati si manong na siyang naghatid sa kanila ay nagtatago ng ngisi. 

 

Umiling si Mina. Mukhang mahaba-habang panahon ang nag-aabang sa kanila.

 

 

Kung gaano katapang ang kalimbahing pintura sa labas ng Lips on Lips, sa loob, banayad naman ang limbaong kulay nito. Sa tulong ni Yuri Galang, nagpakilalang may-ari ng rentals, naayos kaagad ang mga gamit nila sa kaniya-kaniyang kwarto. 

 

“Hindi ko akalaing mahilig siya sa shades of pink,” pasimpleng bulong ni Sana kay Mina habang nagpapatuyo ito ng basang damit. Siniko siya ni Mina. Hindi niya rin inakalang matangkad at morenang babae ang may pakana sa hot pink na rentals, pero kulay lang naman ito at hindi pagkatao, kaya walang masama.

 

“Nakapag-ayos na ba kayo? Alam kong napagod kayo sa biyahe pero siguradong mas gutom kayo,” sabi ni Yuri na sinagod naman kaagad ng sikmura ni Dahyun. 

 

“Sorry po," nahihiyang sambit ng dalaga, "‘hindi pa po kasi kami nagta-tanghalian.” 

 

Ngumisi lang si Yuri. "Tara na sa ‘Surf, masarap pagkain d’on. Teka, d’on din kayo kikitain ni Seohyun ‘di ba?” tanong ni Yuri habang naglalakad sila patungo sa restobar.

 

“Seohyun po?” nagtatakang tanong ni Tzuyu. Napalingon din ang tatlo kay Yuri, nagtataka kung sino ang tinutukoy nito.

 

“Ay, sorry. I mean, sa ‘Surf din kayo kikitain ni Dra. Joohyun ‘di ba?”

 

“Yes po ate,” magalang na sagot si Tzuyu. Napakunot ng noo ni Yuri. “"Wag mo na 'kong tawaging ate. Dito sa tabing-dagat, tropa-tropa tayo kaya Yuri na lang okay?” sabay ngiti nito kanila. 

 

 

Sa loob ng Sip & Surf, mas mapapansin ang disenyo nito bilang modern bahay-kubo. Pinalibutan ng mga upuang buri at ratan ang mga mesang gawa sa kahoy sa semi-open side ng restobar habang upuang kawayan naman ang nakalinya sa counter ng mini bar. Bukod sa kanila, isang mag-asawang tila nasa honeymoon vacation, ang tanging customers ng bar. Pumwesto ang mga dalaga sa bukana, malapit sa malamig na hanging iniihip ng karagatan.

 

Tinignan ni Yuri ang kaniyang orasan. “Mukhang matatagalan pa si Dra. Mauna na tayong mag-order para sa lahat. Jeongyeon, menu!” sigaw ni Yuri. Kinawayan niya ang babaeng nagpupunas ng mini bar. 

 

Mabilis naman itong pumunta sa kanila dala ang menu. “Magandang gabi,” bati niya habang hinahawi ang maigsi at kulay-kaking buhok.

 

“Yuri, pakilala mo naman ako. Sila yung medical team di ba?,” ngumiti ito nang mas malaki habang pinapamigay ang menu.

 

“Siya nga pala si Jeongyeon Lualhati, kapatid ng may-ari ng restobar. Nga pala, nakabalik na ba ate mo galing mainland?” 

 

“Oo, nag-aayos lang sa likod pero palabas na rin ‘yon. Anong order niyo ladies?” Binaling nito ang tingin sa kanila, hindi nawawala ang ngiti.

 

“Bakit parang lahat sa islang ‘to hot?” pasimpleng tanong ni Sana kay Mina.

 

Tinapik niya nang mahina ang kaibigan. “Dalawang tao pa lang nakikita natin. Calm down,” pabulong na sagot ni Mina ngunit sumingit ang isip niya, Tatlo! Tatlo na ang nakita niyang taga-isla kung isasama ang surfer na hindi mawala sa kaniyang isipan.

 

Mukhang may bahid ng katotohanan ang sinabi ng kaniyang maharot na kaibigan.

 

“Di ako maka-pili, mukhang masarap lahat,” nanghihinang sagot ni Dahyun na mas lalong kumalam ang sikmura dahil sa menung hawak. Kahit si Tzuyu ay tila naglalaway na rin sa lahat ng nakikita.

 

“Oo nga, ang sasarap,” pilyang pagtugon ni Sana. Napailing na lang si Mina.

 

“I recommend Set A and Set B ma’am cutie. Best-sellers namin yan,” biglang singit ng panibagong babae habang nagtatali ito ng apron sa ibabaw ng kaniyang muscle tee.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Astraea21 #1
Chapter 1: 👍
LiMario_8 #2
Isla Demarupoc lol
Alex_Larson
#3
Chapter 1: very interesting. tbh i don't really read tagalog fics at all because i'm not used to it, no offense tho, it's just i got used to reading fics in english. but i have to admit this story got my attention and i'm really willing to read it until the end. hope to see more of this soon! thank you!
Alex_Larson
#4
taena yung Isla Dimarupoc. LT pre. HAHAHAHAHAHA