Santa Cruzan

Your Highness

"That was fun!" nakangiting sabi ni Jane pagkatapos naming sumali sa iba pang mga palaro. 

Kita ko sa mukha niya na sobrang nag enjoy siya sa lahat ng mga pinaggagagawa namin ngayon and I really enjoyed watching her this happy. Ang sarap niyang panoorin lalo kapag nakangiti siya. 

Nakaupo kami ngayon dito sa buhanginan sa ilalim ng puno ng buko habang pinapanood yung mga naglalaro ng luksong baka. Napagpasyahan kasi naming magpahinga na muna bago kami umuwi kina Nanay Esther. Kailangan niya na kasing maayusan para sa sagala mamayang alas tres. 

"Grabe ang saya talaga! Para kong bumalik sa pagkabata" bulalas ni Seulgi na ngayon ay kasama naming nagpapahinga dito habang katabi niya naman si Irene.

"Jane, did you enjoy?" tanong ni Irene. 

"I did" masayang sagot niya naman habang tumatango ang ulo. 

"Which one do you enjoyed the most?" tanong ulit ni Irene. 

"I really enjoyed everything but the pokpok paluyok is my favorite" 

Hindi naman namin maiwasang matawa kung paano niya sinabi yung pukpok palayok. 

Nagtaka siya at kumunot ang noo dahil sa kakatawa naming tatlo. 

"Why are you guys laughing? Did I say something wrong?" kunot noong tanong niya. 

"I'm sorry, sorry, Jane. It's just that it should be pukpok palayok and not pokpok" pagpapaliwanag ni Irene habang kaming dalawa ni Seulgi ay nakahawak na sa tiyan namin sa kakatawa. 

"Is that even different? It actually sounds the same for me" sabi niya naman while pouting her lips. 

Ang cute niya talaga sarap pisilin ng pisngi!

Hindi pa rin kami makarecover ni Seul sa kakatawa kaya nagulat ako ng bigla niyang hampasin yung braso ko. Pagtingin ko sa kanya ay halatang naiinis na yung mukha niya kaya naman pinigilan ko na ang sarili kong tumawa coz she's literally glaring at me now. 

Alam kong naiinis siya dahil hindi niya alam yung rason kung bakit tawang tawa kami ngayon kaya naman para mawala na yung inis niya ay lumapit ako sa kanya. I leaned towards her ear and I whispered the meaning of the word pokpok to her. 

Her eyes went wide and her beautiful lips automatically formed an 'o' shape nung magets niya na kung anong ibig sabihin nung salitang binanggit niya. 

"I'm sorry I didn't know" sabi niya naman sabay ng pagkagat niya sa ibabang labi niya. 

Hiyang hiya siya nung malaman niya kung anong meaning nun. Napangiti naman ako and I find it really hot looking at her while she's biting her lip. 

"Ehem" it was Seulgi who interrupted me from staring at her. 

Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako kay Jane, specifically sa labi niya. I tear my gaze away from her and I saw how Seulgi is smirking to me. 

I glared at her bago ko naisipang tumayo na. It's quarter to two na rin kasi at sa tingin ko baka hinahanap na kami ni Nanay Esther. 

"Mabuti pa bumalik na tayo sa inyo Seul. Baka hinahanap na tayo ng nanay mo. Malamang kailangan niya na si Jane" 

 

 

 

 

 

 

Andito na kami sa bahay nina Seulgi ngayon at inaayusan na nila si Jane dun sa loob ng bahay habang kami naman ni Seul eto at naghahanda na nang mga isusuot namin para mamaya sa Dance contest. 

"Kinakabahan ka ba Lis?" tanong ni Seul. 

"Hindi naman, sakto lang" 

"Sabi sakin ni V magaling daw yung mga makakalaban natin mamaya na taga kabilang isla. Champion daw yun sa barangay nila" sabi niya pa habang nagsisintas ng sapatos niya. 

"Edi mas mabuti yun para may thrill, saka bat tayo kakabahan, eh tayo rin naman champion ng barangay natin ah" sagot ko sa kanya. 

"Sabagay. Yan ang gusto ko sayo eh, wala kang inaatrasan pagdating sa sayawan" 

Napangiti lang ako sa sinabi ni Seulgi dahil totoo naman. Isa sa mga passion ko ang pagsasayaw bukod sa photography. Kaya lang these passions aren't enough for my parents, ang babaw kasi ng tingin nila sa gusto kong gawin, kaya nagdesisyon ako na umalis samin kasi nasasakal na ko. I want to pursue what I want and hindi ko naman pinagsisisihan coz I am the happiest while doing it. 

I suddenly felt down nung maalala ko yung mga nangyari sakin dahil sa kagustuhan kong tuparin yung photography kaya naman agad kong ibinaling yung atensyon ko sa iba. 

"Ikaw ba Seul di ka natethreatened?" tanong ko sa kanya. 

"Saan sa mga kalaban natin mamaya? Hindi ah, sabi mo nga mas okay yun para may thrill" nakangiting sagot niya. 

I smirked kasi hindi naman yun ang tinutukoy ko.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin. I was actually referring to Mark. Balita ko siya mamaya ni Irene ah?" 

Napasimangot naman siya sa sinabi ko bago siya tumingin sakin. 

"Hmf! Hindi ako mate-threaten dun, alam kong ako ang gusto ni Irene" mayabang na sagot niya naman sakin. 

Napaka yabang talaga ng oso na to, hindi naman magawang magtapat kay Irene!

"Yabang mo! Magtapat ka muna!" sabi ko sa kanya sabay bato ng kinuyom kong papel sa kamay ko. 

Sapul naman siya sa mukha and she glared at me. Inambaan niya ko na babatuhin niya rin ako ng papel pero agad kong hinarang yung kamay ko sa mukha ko while closing my eyes. 

"Holy shi----" 

"Seulgi bunganga mo!" 

Napadilat naman ako dahil una walang papel ang nag landing sa mukha ko. Pangalawa, nung marinig ko si Nanay Esther na sawayin si Seulgi mula sa pagmumura. Pagkadilat ng mata ko ay agad tumambad sakin ang itsura ni Seulgi. 

Nanlalaki yung singkit niyang mata at bahagyang naka buka naman ang kanyang bibig. Mukhang amaze na amaze sa nakikita niya sa bandang likuran ko. 

Napakunot noo naman ako at ibinaling ko ang tingin ko kung saan nakatingin si Seulgi at katulad niya di ko rin maiwasang mapanganga. 

Putcha ang ganda! Buhay pa ba ko o baka naman nasa langit na ko? Parang sinusundo na ata ako ng anghel na nasa harap ko ah!

It's Jane and she looks breathtakingly gorgeous wearing a black elegant umbrella style ballgown. Her hair was pinned in a messy up do which was definitely ironed to create loose waves. She looks a little bit flashy but not too formal. Sakto lang at bagay na bagay sa kanya. She' holding a small cross habang naglalakad siya papunta sa kinatatayuan namin ni Seul ngayon. 

When she lifted her head up ay agad na nagtama ang mga mata namin. She smiled at me and she put me into a light trance. Hindi ko na nagawang magreact and the last thing I knew she was already in front of me.

"Hey! Hey Lisa! How do I look?" tanong niya sa akin while waving her right hand right in front of my face. 

I blinked my eyes too many times bago ako nakabalik sa katinuan ko at kita ko naman yung pagngisi ni Nanay Esther at ni Seul na ngayon ay nakatayo na sa gilid ni Jane. 

"Y-you... Ehem.." I coughed dahil parang bigla akong natuyuan ng laway. 

She chuckled but she never break her gaze on me. 

"I mean y-you look fine" this tongue for stuttering. 

Your gorgeous!

She rolled her eyes on me and pouted her lips bago niya ko tinalikuran. She looks disappointed. 

Ambobo mo Lisa! You look fine? Ano yun! Damn! 

When I lifted my head up, sinimangutan naman ako ni Nanay Esther at ni Seulgi and I just mouthed them 'what' 

They shrugged their shoulders on me at tinalikuran ako sabay irap.

Actually, I want to say how gorgeous she is kaso di ko magawa. Di ko den alam kung bakit. Pagdating kay Jane, di ko masabi yung gusto kong sabihin. Natatameme ako eh, anong gagawin ko?

Pinanood ko si Jane na nakatalikod sakin ngayon habang nakikipag usap siya kina Nanay Esther nang may biglang dumating. 

"Ate Jane!!!" sigaw ni Leo na tumatakbo papunta kay Jane. 

"Leo!" bati naman ni Jane sa kanya. 

Kasunod naman ni Leo sina Sarang, Lili, at Louis. Hindi ko alam kung paano niya nakilala ang mga batang to pero sa tingin ko close na sila agad. Pagkalapit ni Leo kay Jane ay agad niya hinablot ang kamay nito at hinalikan. 

"Wow! You're beautiful!!!" sabi ni Leo. 

Jane with the other girls giggled at what Leo said kaya naman agad na yumuko si Jane at hinalikan ang bata sa pisngi. 

"Daig ka pa nung bata!" pang aalaska ni Seulgi sabay siko sa tagiliran ko. 

Sinamaan ko naman siya ng tingin samantalang tinawanan niya lang ako. 

"Pagdating kay Jane natatameme ka no? Nasan na yung charm mo sa mga babae Lisa?" 

"Tigilan mo ko Seul baka di kita matantiya" 

Tinawanan niya lang ako bago siya lumayo sakin dahil alam niyang pag di niya ko tinigilan makakatikim talaga siya sakin.

Lumapit naman sakin si Nanay Esther. 

"Lisa anak, manonood pa naman kayo ni Seulgi ng Santa cruzan diba dahil mamaya pa naman ang laban niyo sa sayaw?" tanong niya sakin at tumango naman ako. 

Ngumiti naman siya sabay sabing, "Mabuti. So, ikaw na muna ang maging professional photographer ni Jane ha" 

"Sige nay" sagot ko naman bago ako napatingin kay Jane na nakatingin na din sakin ngayon. 

She glared at me first bago niya ibinaling ulit sa mga bata yung tingin niya. 

Anong problema nito!?

 

 

 

 

 

"Smile" sabi ko naman habang kinukuhanan siya ng litrato kasama yung niyang si Leo. Buti na lang talaga siya si Reyna Elena at bata ang kapartner niya at hindi kung sinumang lalaki dito. 

Napansin kong pilit yung mga ngiti ni Jane sa mga kuha ko. Maganda pero may kulang eh, hindi genuine at nagrereflect yun sa mga pictures. 

Ayoko ng ganitong outcome, gusto ko kasi genuine na emotion yung makukuhanan ko. Kaya naman agad ko siyang nilapitan. 

"Jane" tawag ko sa kanya. 

Tumingin naman siya sakin pero walang emosyon sa mukha niya. Mukhang nagtatampo nga siguro to sakin dahil sa sinagot ko kanina. 

Ambobo mo naman kasi Manoban!

Pinakita ko sa kanya yung mga litrato niya sa camera ko pero wala naman siyang naging reaksyon o komento. Tumingin lang siya sakin. 

I heave a deep sigh bago ako nagsalita. 

"You're smiles in each pictures are not genuine. Look, I just want to say that what I've said earlier towards you is an understatement. I was just stunned that I wasn't able to describe correctly how you look so gorgeous right now" 

We were now looking at each other's eye at kitang kita ko naman how her mood changed. Nawala na yung kunot sa noo niya at lumitaw na yung ngiti sa mga labi niya. Yung paborito kong ngiti niya, her gummy smile. This is what I want my camera to capture. Yung ngiting halos mawala na yung mata niya. At dahil sa ngiting yun hindi ko na rin maiwasang mapangiti.

 

 

 

 

 

 

 

 


Nagumpisa na ang Santa Cruzan at katulad nga ng sabi ni Nanay Esther pinanindigan ko yung pagiging official photographer ni Jane. Nakapila na siya ngayon kasama ng iba pang mga kasaling kababaihan sa sagala habang nakahawak sa kamay niya si Leo. Samantalang kami ni Seul ay nakatayo lang sa badang gilid nila. 

"Wow! Napakaganda naman ng Reyna Elena ngayon!"

"Parang ngayon ko lang nakita ang babaeng yan sa lugar natin? Sobrang ganda! Mukha talaga siyang Reyna!"

Napangiti naman ako sa mga komento ng mga kabarangay namin. Di ko alam pero I felt really proud. Kaso nawala yung tuwa ko nung marinig ko yung ilang kalalakihan na pinaguusapan si Jane. 

"Napakaganda nung Reyna Elena pare. Mamaya pagkatapos ng Santa Cruzan magpapakilala ko" 

"Gago! Narinig ko kanina Englisera eh hindi ka naman marunong mag english! Di ka papansinin niyan!" 

"Wala akong pakialam. Putcha pre! Ngumiti ansarap halikan! Pustahan sasama sakin yan mamaya pagkatapos. Mas masarap yan ikam--" 


Seulgi looked at me pero walang kahit na katiting na bahid ng takot sa mukha niya. Alam niya na kung anong tumatakbo sa isip ko. I've had enough. Pinilit kong wag na lang pansinin kaso bastos bunganga ng mga to eh. I would never let them lay a single finger towards her. So with clenched jaw, humarap ako sa mga lalaking naguusap usap tungkol kay Jane na nasa bandang likuran ko lang. 

"Wag mo nang ituloy yang sasabihin mo tungkol sa syota ko kung ayaw mong paduguin ko yang nguso mo" pagbabanta ko sa kanila. 

"Li--Lisa" nanlalaki matang sabi nila matapos kong magsalita. 

"Syo--syota mo?" tanong nila. 

"Oo kaya kung ako sa inyo mananahimik na lang ako" nakangising sabi ni Seulgi habang tinataas baba yung mga kilay niya. 

Napalunok naman sila pagtapos sabihin yun ni Seulgi. Halatang natakot sila sa sinabi ni Seul dahil pare pareho silang namutla. Kilala kasi kaming palaging napapabasag ulo dito sa amin pero hindi naman kami yung nagsisimula ng gulo. Pero hindi lang yun yung dahilan kung bakit takot sila sakin.

"Pasensya na. Hi--hindi namin alam" 

Lumapit ako dun sa nagsalita and I leaned towards his ear. 

"Ayoko nang makakarinig ulit na nambabastos ka ng kahit na sinong babae dito dahil pag may nalaman ako, sisiguraduhin kong hindi mo na ulit makikita yung kama mo" sabi ko sa kanya sabay tapik sa balikat niya. 

Tumango naman siya at dali dali nang umalis mula sa harapan namin. 

Tumawa naman si Seulgi. 

"Syota. Syota" tatango tangong sabi ni Seul habang nakangisi, halatang nang aasar. 

Di ko na siya pinansin at muling ibinaling na lang ang aking atensyon sa napakagandang babaeng nasa harapan ko. She waved her hands toward me with a smile in her face and I did the same. 

I pointed my camera on her and capture those beautiful smile of hers pagtapos ay agad kong tinignan yung picture. 

Napangiti naman ako. 

"Napaka ganda" bulong ko sa sarili ko. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Anyone who knows how to insert pic here sa AFF?

Comments

You must be logged in to comment
Jendeukie_16 #1
Chapter 44: Update soon author. 1 chapter only? Myghad, I'm not ready for that ? I want more chapters ?
DarkSilhouette_15
#2
Chapter 38: So hot!
Jung97 #3
Chapter 37: Wahhhh❤️❤️
yogirl_jasmin #4
Chapter 35: go go go!
erzcaps27
#5
Chapter 35: OMG!!! Lalisa is coming, wait for her Jennie
Jendeukie_16 #6
Chapter 34: We trust you author, you're the best ☺️
PinyaNiSeulgi
#7
Chapter 34: Engaged sya kay jennie oof
yogirl_jasmin #8
Chapter 34: alam ata ng daddy ni Lisa lahat pero tinago niya lang? alam ng daddy ni lisa na hawak niya sa jennie ganon? ?
Jendeukie_16 #9
Chapter 32: Author, wag naman ganyan please ? patalsikin mo na si kai ? nakakaawa naman na naiipit si jennie sa ganung sitwasyon ? napakasama ni kai ? patayin mo nalang siya ?
yogirl_jasmin #10
Chapter 33: konting sakit pala ah? ?