Ikalawa

My Baby Maker
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi ako manginginom. Sa katunayan niyan nasusuka ako sa lasa at amoy ng alak. Pero dati iyon dahil ngayon halos maging matalik na kaibigan ko na alak although hindi pa naman ako alcoholic. Umiinom lang ako tuwing stress ako at may problema katulad ngayon.

“Alam mo ngayon lang ako nakakita ng taong wala na nang pera nagagawa pang mag-inom sa mamahaling bar.” Sarkastikong sabi ni Joy habang nakatingin at nakataas ang kilay sakin at pinapanood kung paano ko laklakin ang isang bote ng beer.

“Ahh.” Sabi ko sabay pahid ng beer na tumulo sa baba ko.

“Eww. Kadiri ka.” Nandidiring sabi ni Joy habang hinagisan ako ng tissue. Tumawa lang naman ako at kinuha ang tissue na inihagis niya at pinunasan ulit ang baba at labi ko.

“Love mo naman ako.” Nakangiti kong sabi sa kanya dahilan para umismid siya.

“Gago. Anon a naman bang problema mo at naglalasing ka?”

“Wala akong pera.” Maikli kong sagot.

“Tangina Seulgi. Wala kang pera pero dito ka pa nag-iinom sa mamahaling bar.” Pagalit na sigaw ni Joy sa akin.

“Kaya nga tinwag kita eh. SIyempre ikaw magbabayad.” Nakangiti kong sabi sa kanya at hinagisan naman niya ako ng mani na kanina pa niya kinakain.

“Ulol. Ano ako? Sugar mommy mo?”

“Puwede ba?” pabiro kong sabi sa kanya.

“Gago.” At pareho kaming tumawa.

“Pero seryosong usapan, dahil na naman ba ito sa mga pinagkakautangan ninyo?” seryosong tanong ni Joy sa akin at tumango lang ako.

Kung may isang taong nakakaalam ng mga problema ko sa buhay si Joy iyon. Siya lang ang nakakaunawa at nakakaalam sa mga pinagdadaanan ko sa buhay.

“Anong plano mo?” tanong niya.

“Ewan ko.” Sabi ko naman at uminom ulit ng beer.

“Bakit hindi ka humingi ng…”

“No” pagpuputol ko sa sasabihin niya.

“Pero Seul…”

“I said no Joy. Kahit kalian hindi ako hihingi ng tulong sa kahit na kanino lalong-lalo na sa kanya.” Seryoso kong sabi habang humigpit ang hawak ko sa bote ng beer.

Mas gugustuhin ko pang maghirap kaysa humingi ng tulong sa taong iyon. Never. Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa lumapit sa kanya.

Naramdaman kong hinawakan ni Joy ang kamay ko na nakahawak sa bote beer.

Tumingin ako sa kanya at kita ko sa mga mata ang pag-aalala.

Pinikit ko ang mga mata ako at humingi ng malalim. Unti-unti ay lumuwag ang hawak ko sa bote.

“I’m fine Joy. Don’t worry.” Mahinahong sabi ko sa kanya at ngumiti.

Napabuntong hininga na lang sya at umayos ng upo.

“Basta if you need help andito lang ako.”

Kahit minsan nakakainis at pasmado ang bunganga ni Joy, alam kong hinding-hindi niya ako pababayan.

“Thank you. Ikaw magbayad ng mga ito huh.” Sabi ko habang tinuro yung mga ininom namin.

“Putangina.” Bulaslas ni Joy dahilan para tumawa kami pareho.

 

Lampas 12 na rin nang umalis kami ni Joy sa bar at gaya ng sinasabi ko siya ang nagbayad. Mayaman naman siya kaya ok lang. Nag-offer siya na ihahatid na ako sa apartment na tinutuluyan ko pero tinanggihan ko. Gusto kong maglakad-lakad muna para malinawan at makapag-isip-isip.

Sa totoo lang hindi naman ganito ang buhay ko noon. Buhay prinsesa ako noon, lahat ng gusto ko nakukuha ko agad nang walang kahirap-hirap. May mapagmahal akong magulang. Pero lahat ng iy

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 3: omg, kaka-hook poooo! :D
heesica10 #2
Chapter 3: i divorce na yan!
vanillacookiescream
#3
Chapter 3: Hi salamat sa update! Stay safe rin otor-nim! Bogum hon mahal na mahal naman pala
vanillacookiescream
#4
Chapter 2: hm nakakaintriga, kanino nangutang si seulgi, sino yung sumira sa pamilya niya, kanino siya pwedeng manghingi ng tulong pero ayaw niya, at ang pinakamahalagang tanong, sino asawa huhu pakilala lang niya the previous chapter ay "irene bae" char
vanillacookiescream
#5
Chapter 1: teka nung july pa to???? di ko nakita??? napansin ko lang dahil sa a/n. lakas ng foreword, straightforward