Bang University

When Everything's Gone
Please Subscribe to read the full chapter

Dara's POV

 

It's Monday.. At ngayon nag-aayos na ko ng sarili ko para pumasok sa bago kong school.

Hay..... Napapabuntung hininga na lang ako, di pa rin talaga mag sink in saken na bago na ang school ko. Bakit ba kasi di man lang ako kinausap ni mama bago siya nagdesisyon... Sa bagay kailan ba naman sila nagka oras saken?

 

Bumaba na ko sa sala pagkatapos maayos ang sarili ko.

"Iha kumain ka na muna."

Si manang yan.. ang matandang mas naging magulang pa saken kesa sa totoo kong mga magulang.

"Opo manang." 

Umupo na ako sa hapag at agad naman inihain ang niluto niyang sinangag at beef steak.

"Wow manang, namiss ko ang sinangag ninyo."

Paborito ko talaga ang sinangag ni manang. Pero kahit na ito ang araw-araw na gusto kong almusal ay di ko pa rin ito matikman. Niluluto lang kasi ito ni manang kapag wala sina mama. Ayaw kasi ni mama na kumakain ako ng sinangag, pangmahirap daw.. Tsk, kung ganitong pagkain ang pangmahirap ay okay lang na maging mahirap.. hahaha...

"Huwag mong sasabihin sa mama mo na pinagluto kita niyan ha. Ilang araw ka kasing di kumain kaya naisipan ko na ipagluto kita niyan tutal wala din sina ma'am."

 

"Oo naman manang! promise po! Ipagluto niyo po ule ako bukas ha! The best po talaga sinangag ninyo!"

Nagthumbs-up pa ko kay manang habang ninanamnam ang almusal ko. Napangiti naman si manang at pinagpatuloy na ang paglilinis sa bahay.

Nang makatapos kumain, nagpaalam na ko kay manang at nagpahatid na kay Mang Ed sa Bang University. Sabi ni Bom, International University daw yun. Kaya lang bakit ganun, international university tapos parang ang panget naman ata ng pangalan ng school. Haha.. kakatawa parang namamaril lang ang pangalan eh..

"Miss nandito na po tayo."

 Di ko napansin na nasa school na pala kami.

"Ah sige Mang Ed, salamat po."

 

Agad na kong bumaba sa sasakyan at hinarap ang eskuwelahan sa harapan ko. BANG UNIVERSITY. Tsk.. ang panget talaga ng pangalan. 

 

Habang naglalakad ako, pinagtitinginan ako ng mga estudyante dito. Siguro dahil sa bago lang ako dito.

 Kaya lang bakit ganun sila makatingin? parang diring diri sila sa akin..

 

"DARA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Halos matumba ako ng bigla akong yakapin ni Bom.

"Bommie sandali lang, hindi ako makahinga."

Grabe, balak ata ako nitong patayin sa pagyakap niya saken eh.

"Oh sorry." Agad din naman siyang bumitaw nung napansing namumutla na ko.

"Buti naman at pumayag ka na dito na pumasok."

"As if naman may choice pa ko, di ba?"

Nagkibit balikat lang si Bommie at kumapit na sa braso ko.

Patuloy pa din sa pagtingin saken ang mga estudyante dito.

"Bommie bakit sila ganyang makatingin saken?"

Tiningnan naman ni Bommie ang mga estudyanteng habol  ang tingin sa akin at pagkatapos ay pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. 

"Nagtaka ka pa. Sinabi ko naman kasi sayong kakaiba yang fashion mo. Yang suot mong yan, pangmahirap yan sa school na 'to."

 

Napatingin naman ako sa suot ko. Ano bang mali sa suot ko. T-shirt na black. white jeans at sneakers. Ano ba talagang problema?

 

"Ayos lang naman suot ko ah. Branded naman to."

 

"Tsk.. Bahala ka. Basta ang sinasabi ko sa'yo magbago ka na ng style. Siguro kaya kong tiisin ang kabaduyan ng style mo pero sila.."

 

Agad namang iginala ni Bom ang mata niya sa mga estudyanteng nakatingin pa rin sa akin.

 

"hindi nila matatagalan yan at magiging outcast ka pa."

 

"Tsk.. pwede ba. Wala akong pake. Dito ako komportable noh. Kesa naman magsuot ako ng mga damit na labas na ang kaluluwa."

 

"Ay naku. oo na lang sayo. Halika na, ikot muna tayo sa school, maaga pa naman eh. Mamaya pa klase mo."

 

Hinihila niya ko ng tumigil ako sa paglalakad kaya naman napatigil din siya at agad naman na tumingin saken.

 

"Teka, parang alam mo schedule ko ah."

 

"Malamang, malalaman ko yun. Eh parehas lang naman tayo sa schedule eh."

 

"What do you mean?"

 

"Ganito yun bestfriend kong pagong. Ang ibig kong sabihin ay magkaklase tayo."

 

Sinabi niya yun ng walang kagana-gana. Ako naman parang timang na nagtatalon.

 

"Really??? Magkaklase tayo??? WAaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.... Ang saya naman, araw-araw tayong magkasama."

 

"Oo na. Tumigil ka na dyan. Mukha ka ng palaka kakatalon."

Nagsimula na ule siyang maglakad. Ako naman humabol. Aba iwan ba naman ako. Kinukulit ko pa rin si Bom habang siya inis na inis. Pero ang pangungulit kong yun ay nawala na lang ng makita ko ang taong natatakot akong makita pero alam ko sa sarili kong gustong gusto kong masilayan kahit ilang segundo lang.

Napatigil ako sa kinatatayuan ko habang tinitingnan siya mula sa kinatatayuan ko. Nandoon siya sa isang bench. Nakaupo, nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Bakit sa pagkakataong 'to parang gusto kong tumakbo na lang sa kanya at yakapin na lang siya ng mahigpit. 

"Dara..."

Nabalik naman ako sa ulirat noong tawagin ako ni Bom. Ganunma

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet