The Red USB

Lullabies From Noane

 

 

 

 

 

Rosie

 

 

 

Papunta na ko sa tech room ng mabangga ko ang isang lalaking naka red hoodie. I heard him apologize but I didn't recognize his face. I proceed to the tech room and gave the staff my bunny usb. After that I waited backstage and sat in line with my fellow trainees. I was the fourth to perform. Nakita ko rin si kuyang naka red hoodie and saw his feet drumming restlessly on the floor.

Kabado siguro siya.

Oh well, these things are inevitable. The one beside me was holding a piece of paper and it seems that minememorize niya ang lyrics ng song na ipeperform niya mamaya. There's also a pretty girl na walang sawang nagpapaganda ng mukha. Meron ding isang guy na nagprapractice ng dance moves sa hallway. Ang isang babaeng blonde ang buhok ay nagrarap ng mahina sa tapat ko.

Hindi nagtagal ay tinawag na kami isa isa. Nauna si dancer boy at base sa narinig ko, hindi nagustuhan ni Rain ang performance niya. Kasunod naman si rapper girl. She performed a cover song by Cheetah and though she stayed on beat, kulang ng conviction ang pagrap niya.

I rolled my eyes at nagaya ko si red hoodie na hanggang ngayon ay tinatap pa rin ang Gucci shoes niya sa floor. Umabot sakin ang kaba. Ngayon, hindi na ako sure kung papasa pa ko.

Mayamaya pa ay tinawag na rin si Student ID 1395. Tumayo ang lalaking katabi ko. I turned my head towards him,

"Good luck." I smiled at him and he smiled back. He looks cute, but I think that goes for half the students here in Star Ac. If the person's not cute, then he's probably a CGV. I think no one in this place looks below average when it comes to visual. Either you're cute but y, or foxy as a CGV.

"Thanks."

Nang lumabas siya ay tumahimik ulit ang mga trainees.

"State your name, age and talent."

"My name is Julian Park, my friends call me Chim, 17 years old, I can sing and dance."

I felt more supportive of him when I heard Julian shares the same last name as mine. Although marami sa Korea ang magkatulad ng last name, hindi naman ibig sabihin nun, magkamag anak na kami. Malamang siguro noong unang panahon, pero ngayon masyado ng maraming Park family at hindi lang sa Korea, maging sa buong mundo pa. 

"Okay, the floor is yours Mr. Park. What are you going to sing?"

"I'm going to sing Wedding Dress by Taeyang."

Julian Park did better than expected. He nearly sounded like Taeyang and the mentors sounded impressed. The next person called was red hoodie guy. He introduced himself as Theo Van Kim and his talents were singing and rap. Pdogg asked him to rap and I think he regretted it. Theo Kim aka red hoodie guy rapped to Epik High's Born Hater at hindi siya pinatapos ng mga mentor.

Narinig ko ang pahapyaw na halakhakan ng mga trainees na nanonood.

"Please, pakantahin niyo na lang po ako. I just needed the advanced placement." Pagmamakaawa niya.

Hindi ko gets kung bakit desperate siya para sa advanced placement kung titingnan sa lagay naman ng porma niya ay hindi siya nagtitipid ng pera. Siguro may hinahabol tong si Kuya...

Binigyan naman siya ng second chance at pinakanta siya ni headmaster Bang.

Nakita kong pumasok ulit ng backstage si Julian Park para kunin ang dala niyang knapsack. Nakita ko siyang tumango sa akin at nagfist bump. Nagpakilala siya at ganun din ako.

"I'll be singing Lay Me Down by Sam Smith." Rinig kong sabi ni Theo sa labas.

Yes I do, I believe
That one day I will be, where I was
Right there, right next to you

Sa unang note pa lang ay kuhang kuha na niya ang damdamin ng kanta. Napamangha ako sa boses niya na parang gusto kong lumabas at panoorin ang evaluation round niya!

Tiningnan ko ang mga kasama kong abala sa kanikanilang ginagawa. Pero nakita kong si Julian Park ay tulad kong nakikinig din, ang pagalis niya ay naudlot dahil sa pakikinig kay Theo. Nagkatinginan kami at nakita kong tumangu-tango siya.

"Puta, ang galing niya no?"

Nakanganga lang akong tumango. Dumating ang cover ni Theo sa chorus at naramdaman kong nangilid ang luha ko. Inabot ko ang bote ng tubig sa tabi ko at uminom. Natapos ang chorus ay pinatigil na siya ni Mr. Bang at sinabihan na maghintay ng resulta next week.

He'll surely get that advanced placement, no doubt in that!

Nang makita kong bumalik si Theo ay napatayo kaming dalawa ni Julian Park para icongratulate siya.

"Salamat." Sabi niya. Noon ko lang rin napansin ang itsura niya. Kagaya ng boses niya, ay napakaamo rin ng kanyang mukha. At tulad ni Thomas ay mukha rin siyang isang anime pero may kung ano sa mukha niya na animo'y misteryo. Na para bang sa likod ng napakagwapo niyang mukha ay napakarami niyang sekreto.

"Let's call in student number 1197."

FML. That's me.

"Miss, ikaw na ba yung kasunod?" Baling sakin ni Julian.

"Ah, O-oo. See you guys!"

"Good luck!"

I swallowed hard and faced the limelight. Mejo nasulo pa ko sa tama ng spotlight pero kinaya ko naman. Napatingin ako sa harap at nahanap ko ang silhouette ni Thomas na kumakaway sakin.

"Hi, my name's Rosie Charlene Park, 16 years old. I'm a singer." Sabi ko at dumako ang mga mata kay Psy na uber seryoso kung makatingin. Iniwas ko ang mata sa kanya at sa halip ay tiningnan si Mr. Bang.

"What are you going to sing us Ms. Park?" It was Psy who asked. I smiled warmly at him kahit sobrang kabado na ko.

"I'm going to sing Titanium."

Nakita kong nagbulungan ang mentors pero hindi ko iyon pinansin. Nang binigyan ako ng signal ni Mr. Bang ay sinimulan ko nang kumanta. Nagpasalamat ako sa lakas ng ilaw na dala ng spotlight. Kung hindi dahil dito, siguro'y mas kinabahan ako dahil makikita ko ang reaksyon ng mga ka-batch kong nanonood sakin.

You shout it out
But I can't hear a word you say
I'm talking loud not saying much
I'm criticized but all your bullets ricochet
You shoot me down, but I get up

Every time I sing, I always wait for the feeling. Yung parang butterflies sa tiyan pero mas ramdam mo. It's the feeling na iniingat ingatan mo na special, iyon bang hindi mo hahayaang maagaw sa'yo ng iba dahil sa'yo lang iyong feeling na iyon.

And from that moment on, I lost myself in the song...

I'm bulletproof nothing to lose
Fire away, fire away
Ricochet, you take your aim
Fire away, fire away

At itong damdamin kong ito ang dala ko sa tuwing umaawit ako ng kanta. I always save my emotions inside. Sometimes people get the idea that I'm always happy because I seem to smile a lot. But they don't know me. I'm also just a girl and I get hurt just as much as any other normal human being. And through singing, I let them know my pain and pour the emotions I'm bottling up inside.

You shoot me down but I won't fall, I am titanium
You shoot me down but I won't fall
I am titanium

When I finished the song, everyone was giving me an odd look. But it was Adela who acknowledged my skill. I sighed in relief ng makita ang mga mentors na nakangiti sa akin. That's a good sign right?

"That was excellent Ms. Park. You may head back to your seat now."

Hindi ako sure kung nagustuhan nila yung pagkanta ko pero para sakin I did my best. And I think that's what's important. When I went to the backstage wala na iyong boys at natira na lang is si pretty girl. I tried to be friendly pero she was aloof so I just wished her good luck and went back to the seat nearest Thomas.

Papalapit pa lang ako ay nakita ko na siyang pumapalakpak.

"Galing natin ah!" He said raising a high five at me at binalik ko naman.

"Thanks!" Pagkaupo ko, nakita ko sina Julian and Theo na palabas sa fire exit at mukhang may pinaguusapan silang importante. Binalewala ko na lang sila thinking that it's not a very good idea to make friends with a lot of boys. Eh ngayon pa nga lang na si Thomas ang kasama ko may nakikita na kong umiirap sakin eh! What more pa kaya kung kaibiganin ko si Julian at si Theo, baka mabully pa ko dito.

Truth is, I don't have many girlfriends. Mas magaling akong maging kaibigan ng mga lalaki kasi may pagkacasual ang dating ko at hindi ako ganoon ka-girly. Pero admittedly, I prefer the company of men. Mas simple kasi sila and I had a really bad experience hanging out with girls one time in middle school. At gusto ko na lang ring kalimutan iyon.

After pretty girl's performance which was lacking as such, Mr. Bang proceed to give us a few reminders of upcoming campus events and even more rules.

"Later this evening, we'll have our annual induction party held at the Hallyu grounds to welcome new students! But unfortunately for those who are under 18, you will not be allowed to attend the event because there'll be alcohol and some song number inappropriate for the youth."

Luminga-linga ako sa mga katabi at nakita ko ang pag protesta ng ibang trainee.

"Bakit bawal?" Tanong ko sa katabi ko.

"It's a party Rosie," sagot niya na parang di ko nagets yung sinabi ng headmaster. "The school discourages underage 'clubbing' so bawal talaga tayong umattend kahit party pa inside the campus. They're imposing discipline but I doubt everyone obeys that rule."

"Bawal ka rin? Meaning, magkasing age tayo?"

"Nope. I actually just turned 18 so technically pwede akong umattend pero I'm not the party type."

"Cool, I guess we'll have the whole year to get to know each other?"

"What makes you think I want to be your friend? Ang cool ko kaya!" Sabi niya at tiningnan ako na parang nandidiri siya sakin.

"Ang kapal ha!"

"Joke lang" Sabi niya at nagpeace sign. "Wag mo kong seryosohin ah, kakakilala mo pa lang sakin baka iwan mo ko."

"Oo, at maswerte ka dahil ako ang naging kaibigan mo! I don't judge people."

"Weh? Di nga?"

Napatawa na lang ako.

 

 

 

 

"Uh, excuse me! I'm for the evaluation?"

Nawala ang kwentuhan namin ni Thomas ng may lalaking lumabas galing sa backstage. He was wearing a plain white shirt, acid wash jeans and a pair of Timberlands. Unlike most kids here, he doesn't look like he needs expensive clothes to standout. His stage presence alone was strong and domineering like he already knows he'll get what he wants and he'll win in the end.

Nakita kong inabot ni extra guy ang ID niya kay Mr. Bang at may ipinaliwanag siya dito. Mukhang na-late siya ng dating.

Tiningnan ko si Thomas at gaya ng reaction ko ay clueless din siya kung bakit may naiwang tao sa backstage at ngayon lang nagpakita.

"Akala ko tapos na ang evaluation for advancement?" Sabi ni Thomas.

"Yeah, same."

Bumalik sa upuan niya si Mr. Bang at iminuwestra kay extra guy ang stage. "You're lucky we haven't had rules on late comers."

Nagkamot ng ulo si extra guy at nagbow sa table ng mentors.

"I'm going to sing If You by Big Bang sunbaenim*."

"Hehe, ang cute niya." Natutuwang sabi ni Thomas. I gave him a weird look na hindi niya naman pinansin.

"Hindi ba siya magpapakilala?" Sabi ko. Kabado tong isang to, nakalimutan niyang magintroduce eh.

"Ayee, curious. Type mo no?"

"Um, no thanks." I surveyed extra guy's body built. He's probably a gym guy. I know he's wearing a large shirt but everyone could tell he's fit. I saw some girls giggling nung tumagal na siya sa harapan. Lalaking lalaki kasi ang tindig niya.

You're a liar. He's definitely your type! Dammit, shut up thoughts!

When I looked back at him, he was looking down the floor. Then his song played and he started to sing. His face straightened up and he looked up straight at me. He made my heart ram so hard I almost got convinced he was singing the song for me. But I know better kasi alam kong bulag siya sa harap ng spotlight.

She is leaving

And I can't do anything

Love is leaving

Like a fool, I'm blankly standing here

"Oh my gosh" Rinig kong sabi ng babae sa harapan ko. Bumaling ako kay Thomas at nakita kong nakapikit siya.

Ginaya ko siya at pumikit na rin para marinig ko ng husto ang awit.

Natapos na ang chorus pero hindi pa rin siya pinapatigil ng mga mentors. Hindi na siguro kailangan pang magtraining ng lalaking ito. So ano pang kailangan niyang paghusayan at napadpad siya dito?

How about you?

Are you really fine?

Guess our break up is setting

I should forget you but it's not easy

When I opened my eyes, I felt my cheeks and realized they've gone damp because of my tears. Sinalubong ko ang tingin ng lalaking ito na may boses na parang anghel. His technique was breathy but the way he was singing was so full of emotions that you can't help but sympathize with him. Na para bang ang kantang iyon ay nagdudulot ng matinding sakit sa kanya at sa pagawit niya ay ang tanging paraan para malaman ng lahat ang sakit na nararamdaman niya.

IF YOU

IF YOU

If it's not too late

Can't we get back together?

IF YOU

IF YOU

If you're struggling like I am

Can't we make things a little easier?

I should've treated you better when I had you

Dahil sa bigat ng impression na binigay niya sakin kung may pinagdadaanan man siya ay nakikiramay ako.

Natapos na siyang kumanta ay wala pa rin nagsalita sa mga mentors. Nakakaiyak naman ang rendition niya. I don't think I'll listen to that song the same way again. Nagpupunas punas pa ko ng luha ng marinig kong magsalita si TY.

"Alam mo, he's kind of like you?"

Nagulat ako sa sinabi niya.

"What hindi ah! Pano mo naman nasabi? " Anong sabi ni Thomas? He likes me daw? "Wala iyang nakikita sa harap, kaya pano mo naman nasabi na gusto niya 'ko!"

"Sira! Sabi ko he's kind of like you! Namiss mo yung preposition. Di ko sinabing may gusto siya sa'yo, ang sinasabi ko, may pagkakapareho kayo." Paglilinaw ni Thomas. "Huwag mo nang ideny na crush mo tong si..si"

"What's your name late comer?" Tanong ni Mr. Bang.

"Jared King Jeon, 16 years old." Pakilala ni extra guy.

Nagsnap naman ng daliri ang katabi ko at bumaling sakin. "Iyan iyan! Crush mo yang si Jared!"

"Manahimik ka kung ayaw mong mawalan ng magandang kaibigan!"

"Thank you for a lovely performance Mr. Jeon, pwede ka nang bumalik sa boys dorm. We'll give you our verdict after a week." Sabi ni Mr. Bang.

"Thank you po!" Sabi ni Jared sa mahinang boses at nag bow ulit sa mga mentors.

"So that's it! I hope you'll have a marvelous journey here on Star Academy and welcome aboard!" Pagdidismiss ni Mr. Bang. Nagsitayuan na rin ang mga mentors at lumabas na rin kami ni Thomas sa concert hall. Paglabas namin ay tumambay muna kami sa isang café sa may north exit dahil kailangan ko ng energy pampasaya sa pagkaemo ko dahil sa kanta ni Jared.

Nang makuha ko ang caramel macchiato ko ay inintay ko naman si Thomas pumili ng order niya. Tumitingin din ako ng cakes ng maalala ko na may nakalimutan akong gawin sa loob.

"TY!" First time kong pagtawag sa palayaw niya.

"O ano? Huwag mong sabihing magpapalibre ka, di pa tayo ganun ka-close."

"Yung usb ko, nakalimutan kong kunin sa tech room!"

"Usb lang yun, marami pa nun sa online."

"Eeeh, pero si Cony yun ng Line Friends!" Favorite ko kaya yung bunny character na yun. Kaya never ko siyang iiwan kahit maliit na usb pa siya!

"Sige go, baka umiyak ka pa. I'll wait for you here." Sabi niya at binigyan ako ng pekeng ngiti. Halata naman na siya yung tipo ng lalaki na madaling mabored at hindi pinaghihintay.

Lakad takbo ang ginawa ko makabalik lang sa loob patungo sa tech room. Ng makarating ako doon ay nadatnan ko si Adela, ang isa sa mentors, na naroon sa loob. Tinanong ko siya kung may nakita siyang usb. Ngumiti naman siya at tinuro ang dinescribe kong bagay.

"Gaad, buti na lang di ka nawala. Madalang pa mandin magstock nito sa area namin." Sabi ko at hinalikan ang usb.

"Ms. Adela, thank you po dito. Uhm, sige po una na ko." Bati ko pero bago pa ako makaalis ay tinawag niya ako.

"Rosie, pakibalik din ng usb na iyon sa may-ari. Sayang kasi, baka itapon lang iyan ng mga janitors dito." Bumilis ang tibok ng puso ko ng tinawag niya ko sa pangalan ko. Di ako masyadong fan pero ramdam ko ang genius aura niya.

"P-po?"

"Iyun o, yung red na usb. Baka sa mga naunang trainees iyan. Pakibalik naman, sayang din." Pakiusap niya.

"Ah, sige po."

"Salamat!"

Kinuha ko ang red usb na may label na salitang "made in gold" sa putting font na nakalagay sa gitna ng pahabang usb at lumabas na. On my way back to the café, I saw Jared Jeon pacing back and forth by the hall. Nakayuko siya sa cellphone at animo'y pinagiisipang mabuti ang sasabihin sa katext.

Bago pa niya ako mapansin ay may isang babaeng lumapit sa kanya.

Baka naman sa kanya tong usb na to. I decided to ask him pero bago pa ako makalapit ay dinagsa siya ng mga kabatch kong babae. Napaatras ako nang magtiliian sila ng pumayag ang lalaking magpapicture at di ko maiwasang ijudge ang personality niya. Mukha siyang mahiyain pero hindi siya tumatanggi sa biyaya. May kinuha siya sa bulsa ng pants niya at kasabay ng pagkuha niya ng panyo ay ang paglaglag ng usbing pula. Nakita iyon ni Jared at muling ibinalik sa bulsa.

Mukhang hindi naman sa kanya itong "made in gold" na usb. Mapuntahan na nga lang si Thomas baka iniwan na ko nun.

"Tingnan mo nga naman ang agwat ng dalawang iyon..." Nasabi ko ng makita na pinagkumpulan din ng babae si Thomas. Ang pagkakaiba niya lang kay Jared, Wala siyang pinansin ni isang babae na umaaligid sa kanya, imbes ay mas busy pa siyang naglalaro sa telepono. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay tumayo na siya at nagpatiuna.

Nilingon niya ako at dinala ang aking palapulsohan palabas ng north exit. Nakita ko ang pagirap ng ibang babae sa akin bago pa kami tuluyang makalabas ng Star Dome.

"Sungit ah!" Pang-aasar ko.

"Bilisan na natin, nahihiya ako sa atensyon na binibigay nila. Hindi ako sanay!" Pahayag niya ng bitiwan niya ako at natawa ako ng mapansing namumula siya.

Tanghali na ng makaalis kami sa Star Dome. Kagaya ng ilang trainees ay nilibot namin ni Thomas ang campus. Sinamahan niya ko sa loob ng boys building dahil curious lang. Joke. Actually, gusto ko lang maghanap ng guwapo. Hindi naman ako nadisappoint dahil marami akong nakita. Sa pag iikot namin sa basement area nila, nakasalubong namin ang room mate niyang si Danny Kang. Pero mukhang busy rin ito na tinoutour ang kasama nitong girl friend na ipinakilala niyang si Momoo Hirai. Hindi exclusive for boys ang training building nila di gaya ng boys dorm sa likod. Same din sa girls. Our training building is open for everyone but not our dorm.

"Buti ka pa kilala mo na room mate mo, ako mukhang mas senior sakin yung room mate ko." Sabi ko kay TY habang kumakain kami sa food court ng building nila. Wala naman masyadong pinagkaiba yung building ng boys sa girls. Mas masculine lang ang interiors ng building nila. Pero mejo nainggit ako dahil may video games area sila. Samin kasi, parlor lang ang makikita sa basement at ilang branded apparel stores. Ang boys walang shopping stalls sa basement, pero may theater din sila at yung video games nila may VR version. Nakakainggit.

"Ba't senior?"

"I saw her Andromeda statuette."

"Ah."

The Lady Andromeda statuette is like the Oscar award pag nakapasa ka from one level up to the next. Nakakita kasi ako nun sa bookshelf ng room mate ko. I only know her name, Jessilou Kim. At kundi ako nagkakamali, 2 years na lang ay makakagraduate na siya.

"Nakita mo picture? Chics ba?"

"Sorry, wala kahit sa frame eh. Picture ng aso niya yung nakita ko."

"Psh."

Mayamaya pa ay inexcuse na si Thomas ni Danny at nagsabing may pameeting daw ang head boy ng boys dorm at kailangan nilang magtipon. So naiwan akong inuubos ang burger kong magisa. May mga girls din naman na kumakain pero ako lang ang naiwang magisa sa table.

Nang maubos ko na ang pagkain ay nagplay na ang sumunod na kanta sa playlist ng food court. Bumungad ang sweet na boses ni GDragon habang kumakanta ng If You, ang kantang kanina lang ay iniyakan ko dahil sa pagkacover ni Jared Jeon. Tumayo na ko at nagpasyang pumunta na sa dorm ng makita ko sa labas si Julian Park. He was heading towards the boys dorm pero di ko siya pinalampas. Pagkakita ko sa kanya ay naalala ko yung usb sa bulsa ko.

"Uy, Rosie diba?" Sabi niya sa nakabungisngis na mukha pagkakita sakin.

"Hi! Um, sa'yo ba tong usb na to? May nakaiwan kasi kanina sa tech room." Sabi ko sabay pakita sa kanya ng usb. Tiningnan niya ito at sinuri pero binalik din sakin.

"Sorry, hindi sakin yan. Red is not my thing." Sagot niya.

"Baka naman kay Theo?"

Pagkabanggit ko sa pangalan niya ay nawala ang ngiti niya. "U-uhm, sige itatanong ko sa kanya pero, imposible ng maihatid ko yan sa kanya...nagkaron kasi siya ng emergency eh. Nagpalipat siya ng campus." Sabi niya sabay kamot sa ulo.

"Ha? What happened?"

Nag alangan siya kung sasabihin niya sakin and after a few seconds ay nagpawalang bahala na lang siya. "Okay, he's got some personal issues to resolve, he opted for a transfer sa kabilang campus."

"So you mean, sa Busan siya magtetraining?" Sa Busan City kasi ang isang campus ng Star Academy which is 4 hours away by bullet train mula sa Seoul.

"Yeah, so I suggest keep that usb kung sakaling sa kanya man iyan."

I nodded my head and kept the usb back in my pockets.

"Look Rosie, I promise itatanong ko sa kanya if I get the chance to contact him pero I need to go na. Kahahatid ko lang kay Theo galing sa bus stop and baka hinahanap na ko sa dorm. May meeting daw kasi."

"Sige. No worries!" I said and lightly punched his shoulder.

"Thanks. See you around!" Sabi niya at dumerecho na sa loob ng dorm na panlalaki.

I sighed nang matanto kong magiging malungkot pa rin ako kung wala akong magiging kaibigang babae. Sana naman bago matapos ang araw na to, may maging girl friend na ko.

 

 

 

 

 

 

 

* sunbaenim – means senior in the field

/Cast

Theo - TH of BTS

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet