Final

Tinatang(g)i
Please Subscribe to read the full chapter

2010

Sa di inaasahang panahon ay nakilala ni Jongin si Kyungsoo, naglalakad ito sa isang building kung saan magkikita sila ng mga kabarkada niyang si Chanyeol at Sehun. Habang palapit siya sa isang eskinita ay may narinig itong isang boses na nagsasalita.

“Ugh mom I won’t be late, I’ll just meet Baekhyun and some other friends. I promise I’ll be home early.”

“Fine, I’ll call dad as well, he will not make galit naman to me eh. I’ll just text you when I’m about to go home.”

Napahinto si Jongin sa paglalakad at nakinig, sa totoo lang ay wala talaga itong plano na makinig sa usapan ng ibang tao. Ngunit hindi mapagkakaila na nagustuhan ni Jongin ang boses ng lalaki kaya naman ay minabuti nitong makinig muna, kahit na mali at kahit na hindi nito kilala ang may-ari ng boses.

Tahimik ang paligid kaya naman ay rinig na rinig ni Jongin ang buo at magandang boses ng lalaki, kahit na mukhang galit na ito ay kalmado pa rin kung magsalita. Bahagyang nakalimutan ni Jongin ang lahat sa kakikinig sa naturang boses hanggang sa tumunog ang kanyang cellphone . Mabilis na sinagot ni Jongin ang tawag ni Sehun.

“Pare papunta na ako okay, kita na lang tayo.” sagot ni Jongin sa kaibigan.

Nang binaba na ni Jongin ang tawag ay napansin nito ang isang binata na nakatingin sa kanya. Hindi gaanong nakikita ni Jongin ang mukha ng binata ngunit napansin niyang may kaliitan ito at mukhang galit na nakatitig sa kanya.

“Nakikinig ka ba sa usapan ng may usapan?” tanong ng binata. Hindi nagkakamali si Jongin, siya nga ang may-ari ng magandang boses.

“Hindi, napadaan lang ako. Medyo nawawala kasi ako kaya ako huminto,” wika ni Jongin.

Bigla na lang tumalikod ang binata at naglakad papalayo sa kanya. Nag umpisa na rin maglakad si Jongin habang pinagmamasdan ang binata na naglalakad sa unahan niya. Napahinto na naman si Jongin ng napansin niyang huminto ang binata at humarap ulit ito sa kanya.

“Sinusundan mo ba ako?” tumingin si Jongin sa paligid ngunit napansin nitong siya lamang ang nasa likuran ng binata.

“Ha? Ako?”

“Sino pa ba?”

“Hindi ah, ang liit lang kasi ng daanan kaya di ako makasingit” sagot ni Jongin sabay ngiti sa binata, ngunit bigla na lang itong tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. Napabuntong hininga si Jongin at nagpatuloy na din ito sa paglalakad. Maya-maya ay tumunog na naman ang cellphone ni Jongin

From: Chanyeol

Pre dala ka ng yosi

Nang tumingin ulit si Jongin ay napansin niyang nawala na ang binata sa unahan. Binilisan na ni Jongin ang paglakad at pumasok sa isang 7/11 outlet para bumili ng isang kaha ng Marlboro para kay Chanyeol.

“Akala ko ba di mo ako sinusundan, bakit na nandito?” napataas ng ulo si Jongin at nakita nito ang binata kanina. Napakaganda pala nito at di maiwasan ni Jongin na mabighani sa kanya.

“Siguro ka ‘no at sinusundan mo ko,”

“Nako hindi, promise hindi kita sinusundan andito lang ako para bumili nito” wika ni Jongin sabay angat sa isang box ng Premier Ultra thin Air .

Nanlaki pareho ang mga mata nila ni Kyungsoo at ibabalik pa sana ni Jongin ang nakuhang box ng napansin nitong siya na pala ang susunod sa pila.

“Sir ito lang po ba?” tanong ng cashier

“Isang Marlboro din miss”  

Pagkatapos na bumili ay umalis agad si Jongin at hinayaan na lang yung magandang binata sa 7/11. Hindi niya na napansin na ngumingiti ito sa kanya

“Pota, pahamak na to,” wika niya sa sarili bago ipinasok ang sa bulsa.

Ilang minuto pa ay dumating na ito sa bar kung saan naghihintay na ang kanyang barkada, may kasama din silang ibang binata na di kalaunan ay ipinakilala ng dalawa na sina Baekhyun at Jongdae. Parehong second year music majors sa kalapit na unibersidad ang dalawa.

“Diba malapit lang ang apartment mo? Bakit ang tagal mong dumating?” tanong ni Chanyeol.

“Basta pre mahabang storya, bukas ko na iku-kwento sa inyo”

Biglang sumenyas si Jongin kay Sehun para magtanong kung kakilala ba nila ang dalawang binata, at dun lang nalaman ni Jongin na magkaibigan pala si Chanyeol ang binatang si Baekhyun kaya naman ay inimbitahan nitong makipag inuman.

“Actually hinihintay pa natin yung isang kaibigan nila” dagdag ni Sehun

“Ha?”

“Balak kasi nilang lumipat ng bar, pero hihintayin muna natin yung isang kaibigan nila bago umalis” sabi ni Sehun.

Habang hinihintay ay uminom muna si Jongin ng isang baso ng Red Horse. Hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang binata kanina. Pinapanalangin ni Jongin na makita ito ulit at kausapin ng matino, mukha din naman kasing mabait ang binata at gusto niyang makipag kaibigan dito.

Tumayo si Jongin para magyosi at magpahangin sa labas, doon na rin niya hihintayin sila Sehun tutal aalis din naman sila. Nagbabakasakali din ito na makita niya ulit ang binata kanina.

“Pasensya ngayon lang ako nakarating, may sira ulo kasing sunod ng sunod sa akin kanina”

Napatango si Jongin nang marinig ang pamilyar na boses. Pag tingin nito ay walang duda ito nga ang binata na nasa isip niya simula kanina. Siya si Kyungsoo Do, or Soo sa kanyang mga kaibigan. Isa-isang ipinakilala ni Baekhyun ang kaibigan kay Chanyeol, Sehun at Jongin. Noong aabutin na sana ni Jongin ang kamay niya para makipag-kamay ay nanlaki ang mata ni Kyugsoo.

“Ikaw na naman? Kanina ka pa sunod ng sunod sa akin.”

“Grabe ka naman, sabi ko sayo diba di kita sinusundan” satsat ni Jongin. Biglang nag tiningan ang lahat sa kanya.

“wait lang, magkakilala kayo?” Tanong ni Baekhyun.

“Hindi” sabay na sagot nina Kyungsoo at Jongin.

Walang magawa ang kanilang mga kaibigan kundi pagmasdan na lang ang dalawang binata. Bago pa magka-initan ang dalawa ay hinila na ni Baekhyun si Kyungsoo palayo kay Jongin at nauna silang lumabas kasama si Jongdae. Paglabas ay dun na ipinaliwanag ni Kyungsoo sa mga kaibigan kung paano niya nakilala si Jongin.

“Soo, mukha namang matino si Jongin, baka talaga nagkataon lang yung nangyari kanina since pareho lang kayong papunta dito,” wika ni Baekhyun

“Sige na magsorry ka na sa kanya,” dagdag nito

“Bakit ako?”

“Hihintayin mo pa bang siya ang mag sorry sa’yo?”

“Fine, gagawin ko na.”

Maya-maya pa ay sumunod na sila kanila Chanyeol, Sehun at si Jongin, hinintay ni Kyungsoo na dumaan si Jongin palapit sa kanya at hinawakan ang t-shirt nito. Napahinto si Jongin at tiningnan si Kyungsoo “Pwede ba tayo magusap sandali?” tanong niya kay Jongin at tumango lang ito.

Sa halip na sumunod sa kanilang kaibigan ay minabuti nilang mag-usap sa ibang lugar kung saan ay hindi gaanong maingay. Doon ay hinila ni Kyungsoo si Jongin sa labas ng 7/11 at umupo sa mga banko.

“Sorry pala sa mga inasal ko kanina, natakot lang talaga ako sa’yo kaya nasabi ko ang mga bagay na yun,”

Ngumiti si Jongin, “Yun lang ba? Sus! Walang problema yun, ako nga dapat mag-sorry sa’yo dahil nakinig ako sa usapan ng may usapan”

Nanglaki bigla ang mga mata ni Kyungsoo at tinitigan si Jongin “Akala ko ba sabi mo napadaan ka lang?”

Napa-kamot sa leeg si Jongin bago ikwenento ang totoong nangyari kay Kyungsoo.

“Sorry talaga ha, di ko sinasadya yun.”

Ngumiti si Kyungsoo

“Ang ganda kasi ng boses mo, kasing ganda mo” dagdag ni Jongin

“Bolero ka rin no?”

Nagtawanan lang silang dalawa hanggang sa nakalimutan na nilang sumunod sa kanilang mga kaibigan. Minabuti na lang nilang manatili sa labas ng 7-11 at magkuwentuhan. At dahil nagpaka gentleman si Jongin ay nilibre niya ng slurpee si Kyungsoo.  

“Sunod pa ba tayo sa kanila?” tanong ni Jongin.

Umiling si Kyungsoo habang patuloy sa pag-inom ng slurpee.

“Dito na lang tayo. Ayaw ko din talagang uminom ngayon kasi may flight pa ako bukas,” wika ni Kyungsoo.

“Saan ka ba magbabakasyon?”

“No, actually bukas na ako aalis papuntang Singapore. Dun ko na kasi ipagpapatuloy ang pag-aaral ko.”

Biglang nalungkot si Jongin sa nalaman. Bakit ba sa lahat ng araw na pwede niyang makilala si Kyungsoo ay ngayon pa kung kailan aalis na ito bukas.


  Hay ang tadhana nga naman oh, nanggagago.

“Anong oras ba alis mo bukas?”

“Mga seven ng gabi.”  

Tinitigan lang ni Jongin si Kyungsoo at pagkatapos ay nginitian ito habang si Kyungsoo naman ay halos hindi na maitago ang kilig. Inilagay ni Jongin ang kanyang siko sa mesa habang nakapalumbaba ito sa harap ni Kyungsoo.

“Ano ba Jongin, parang matutunaw naman ako niyan.”  

“Ang ganda mo kasi.”

“Ikaw ha, tama na ang pambobola,” wika ni Kyungsoo sabay ngiti kay Jongin.

Habang nagkukulitan ang dalawa ay biglang tumawag si Baekhyun kay Kyungsoo at hinahanap kung nasaan na daw ito ngunit sinabi ni Kyungsoo na may emergency sa bahay kaya umuwi na siya agad at di na nagpaalam. Noong una ay nagdududa pa si Baekhyun pero kalaunan ay naniwala naman ito kay Kyungsoo.

“Jongin pwede mo ba akong samahan? May bibilhin lang sa mall.” pakiusap ni Kyungsoo

Kahit hindi pa alam ni Jongin kung saan sila pupunta ay pumayag agad itong samahan si Kyungsoo. Sa totoo lang ay wala naman talagang bibilihn sa mall si Kyungsoo, gusto niya lang lumayo kaunti sa bar kung saan nandun sila Baekhyun at mga kaibigan nila. Habang naglalakad ay napag-isipan ni Jongin na maglaro ng question and answer game.

“May ganon bang laro?” tanong ni Kyungsoo, at tumango naman si Jongin

“Sige na nga, okay go”.

“Simple lang naman to, tanungan lang.” sabi ni Jongin na mukhang excited

“First question, Single ka ba?”

Umirap si Kyungsoo. “Wow, Jongin, wala bang ibang tanong?” tumawa si Jongin bago nito pinilit si Kyungsoo na sagutin ang tanong.

“Fine, yes single ako” sagot ni Kyungsoo

“Ako naman, hmm. Ikaw single ka rin ba?”

Tumango si Jongin kay Kyungsoo “Single at available”

Nagpatuloy ang question and answer game ng dalawa, naitanong ni Jongin ang mga bagay na tungkol sa kabataan ni Kyungsoo, ang mga paborito nito at kahit ano pa. Medyo natagalan nga sila makarating sa mall dahil sa tuksuhan nito at ng sila nga ay nakarating, saktong sarado na din ang mall.

“Paano na yan?” tanong ni Jongin sabay sa pagturo sa saradong entrance ng mall

“Coffee na lang?” Aya ni Kyungsoo, tumango si Jongin  

Buti na lang at wala gaanong tao sa coffee shop na kanilang pinasukan kaya naman ay nakaupo sila dun malapit sa bintana, maya-maya pa ay biglang bumagsak ang malakas na ulan. Dahil dito ay napatigil si Kyungsoo at pinagmasdan ang mga taong nagkagulo sa labas dahil sa ulan.

“Swerte natin no? Nakapasok tayo dito bago pa umulan,” sabi ni Jongin


  Swerte ko nakilala kita ngayon

Habang nakatingin parin si Kyungsoo sa labas ay pinagmamasdan naman siya ni Jongin sa gilid.

“Pwede mo naman akong picture-an,” wika ni Kyungsoo habang iniiwasan ang mga titig ni Jongin,. Ngumiti lang si Jongin at patuloy na tinititigan pa rin si Kyungsoo.

Sa huli ay humarap na din si Kyungsoo kay Jongin at tinititigan niya rin ito gaya ng ginagawa ng binata, hanggang sa sila ay nagtatawanan. Malakas pa rin ang buhos ng ulan at walang ibang magawa sina Kyungsoo at Jongin kaya naman ay naglakas loob si Kyungsoo na magtanong ng kahit ano tungkol kay Jongin.  

“Ha? Eh ano ba? Uhm...I’m in med school” nanlaki ang mata ni Kyungsoo, future doctor pala ang kausap nito.

“Actually I was in med school pero nag stop ako ng isang sem, hindi kasi pagiging doctor ang gusto ko. It was all my parents’ plan for me.”  

“Ano bang gusto mo?” tanong ni Kyungsoo.

“Maging professional dancer,”  sagot ni Jongin.


  Ay pota dancer, magaling pala ito sa kama.

“Pero ayaw ni dad kasi gusto niya ako maging isang doktor na gaya nila ni mom,”

Napabuntong hininga si Kyungsoo pagkatapos ay hinawakan nito ang mga kamay ni Jongin na nakapatong sa mesa

“Just follow your heart, kasi sa huli para sa kinabukasan mo din naman yan Jongin. Kung para sa akin I’ll choose the degree tutal pwede mo din naman ipagsabay yung dalawa diba?”

Hindi sumagot si Jongin ngunit hinigpitan nito ang paghawak sa mga malalambot na kamay ni Kyungsoo, pagkatapos ay ngumiti ito sa kanya. Ilang minuto din ang lumipas bago binitawan ni Jongin ang kamay ni Kyungsoo. Habang nag-uusap ang dalawa ay biglang tumawag ang mama ni Kyungsoo para paalalahanan ito na umuwi ng maaga. Buti na lang na umuulan pa at may rason pa siya na manatili muna sa coffee shop kasama si Jongin.

“Kyungsoo pwede ba hingin ang number mo?”

Tanong ni Jongin nung ibinaba na ni Kyungsoo ang tawag. Umirap ito kay Jongin at tinanong kung bakit.

“Para naman pwede kitang makausap kahit nasa Singapore ka na.”

“O pwede ba kita ma-add sa facebook mo kung ayaw mo ibigay ang number mo?” dagdag ni Jongin.

Umiling si Kyungsoo at sinabing wala siyang Facebook kaya naman ibinigay na lang nito ang kanyang phone number. Ang hindi alam ni Kyungsoo ay bago pa niya sinabing wala siyang Facebook ay nakita na ni Jongin ang profile nito at i-a-add na sana siya. Ilang minuto pa ay tumigil na ang ulan kaya naman minabuti na ni Kyungsoo na umuwi dahil gabi na rin at mahirap makakuha ng taxi.

“Hatid na kita sa sakayan” sabi ni Jongin.

“Nako di na, nakakahiya naman kasi,” sagot ni Kyungsoo.

“I insist, para may kasama kang nag aabang ng taxi.”

“Kung okay lang sa’yo.”

Nang makarating sila sa pila ay halos nawalan na ng pag-asa si Kyungsoo ng makita ang mahabang pila. Natawa lang si Jongin at nagsuggest na maglakad sila hanggang sa kabilang kanto baka kasi mas kaunti lang ang nakapila doon. Habang naglalakad ay tinanong ni Jongin kung anong klaseng love life ba ang gusto ni Kyungsoo.

“Ha? Ang random naman ata ng tanong mo Jongin.”

“Sagutin mo na lang kasi,” sagot ni Jongin habang pinagmamasdan si Kyungsoo.

“Uhmm, gusto ko yung tipong ipaglalaban ka talaga ng minamahal mo, yung hindi susuko kahit na anong mangyari sa inyo.”

“Kahit ba na pinaglayo kayo ng tadhana?”

Tumango si Kyungsoo, “parang nakakakilig kasi ang ganong klaseng pagmamahalan.”

Dahil sa seryosong pag-uusap ay hindi napansin nila Jongin at Kyungsoo na nakarating na pala sila sa sakayan ng taxi at saktong walang ibang naka-linya kundi sila lang. Bago pumasok si Kyungsoo sa taxi ay humarap ulit ito kay Jongin at ngumiti.

“Salamat pala sa pag hatid sa akin,” wika ni Kyungsoo

“Naku, walang problema yun,” sagot ni Jongin habang nakatingin din ito sa mga mata ni Kyungsoo.

Tumalikod na si Kyungsoo at papasok na sana sa taxi ng bigla itong tinawag ulit ni Jongin at sa pagharap ni Kyungsoo ay hinawakan ni Jongin ang kanyang pisngi at hinalikan ang kanyang labi, mabilis lang ang paghalik ngunit parang naging estatwa si Kyungsoo.

“Pasok ka na sa taxi mukhang magagalit na sa’yo si Kuya,” sabi ni Jongin

“Ha? Ay oo!” biglang nataranta si Kyungsoo at nagmamadaling pumasok sa loob at nakalimutan ng mag paalam kay Jongin. Habang si Jongin naman ay abot langit ang saya ng naramdaman ang malambot na labi ni Kyungsoo.  



2015

“Doc, tumawag yung secretary ni Doctor Lu to inform na may three-day convention daw po kayo.”

Tumango lang si Jongin, “Okay, paki-sync na lang yung hotel address sa planner app ko, tapos paki sabihan na lang yun mga parents ahead of time na may change of schedule.” Pagkatapos ay ipinagpatuloy niya ang pag-aayos ng kanyang files sa bago nitong computer.

“Uhm Doc, sa Singapore po yung convention.”


  Singapore

Napatigil si Jongin sa kanyang ginagawa at napabuntong hininga, Makikita na kaya kita ngayon? Tanong ni Jongin sa sarili. Halos limang taon na rin ang lumipas nang una niyang makilala si Kyungsoo at mula noon ay hindi niya na ito nakitang muli.

“Okay, paki ayos na lang din ang schedule ko,” dagdag ni Jongin.

Gabi na ng nakarating sila Jongin at LuHan sa Singapore at kinabukasan na ang unang araw ng convention. Gusto pa sanang lumabas saglit ni Jongin ngunit gabi na at maaga pa sila bukas.

“Bakit ba kasi gusto mong lumabas kahit gabi na?” tanong sa kanya ni Luhan habang kumakain sila ng hapunan.

“Gusto ko lang magpahangin.”

Tinitigan ni Luhan si Jongin na para bang nagsasabi ng wag-ako-Jongin .

“Fine! Well, nagbabakasakali lang na makita ko siya ngayon,” sagot ni Jongin.

Hindi na nito kailangan sabihin ang pangalan dahil alam na ni Luhan kung sino ang tinutukoy ng kaibigan. Bukod sa pagiging magkatrabaho ay malapit ding magkaibigan ang dalawa kaya naman alam ni Luhan ang kwento tungkol kay Kyungsoo.

“Pero Jongin gabi na at maaga pa tayo bukas para sa registration,” paliwanag ni Luhan

Tumango si Jongin, pero sa totoo lang ay gusto na nitong hanapin si Kyungsoo. Sana lang talaga ay makita niya ito ulit at sana ay makilala pa siya ng binata. Sabik na kasi si Jongin na makita si Kyungsoo at mayakap itong muli.

Dalawang araw na ang lumipas at hindi parin nakikita ni Jongin si Kyungsoo, matagal kasi natatapos ang kanilang convention at pagod na din ito para umalis pa sa kanilang hotel. Bukas ay ang huling araw ng kanilang convention at buti na lang na maaga sila matatapos. May panahon pa si Jongin na lumabas at magbaka sakaling makita si Kyungsoo.

“Doc Kim, do you want to come with us after our convention tomorrow?” tanong sa kanya ni Dr. Kang Seulgi.

Tumanggi si Jongin dahil may importante daw itong pupuntahan, hindi na nagtanong ulit si Dr. Kang habang si Jongin din ay nagpatuloy sa pagaayos ng kanyang gamit.

“Uy Jongin, ba’t mo tinanggihan? Mukhang may gusto pa naman sayo si Dr. Kang,” wika ni Luhan

“Sira ka ba Han? Alam mo namang may iba akong gusto.”

“But Jongin, it’s been five years since you guys first met. Hindi mo na nga alam kung kilala ka pa niya, nandito pa ba siya sa Singapore, o kung single pa siya hanggang ngayon.”

“Alam kong nandito pa siya Han, and whether he’s single or not, wala naman akong problema dun. Gusto ko lang talaga siya makita,” sagot ni Jongin pagkatapos ay bumalik ito sa kanilang mesa.

Kahit na ayaw aminin ni Jongin ay may point nga naman si Luhan sa pinagsasabi nito, lima

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sehunsright #1
Chapter 1: ang sakit aaa