Chapter 3

To Remember


Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa classroom namin. Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko at napatingin sa babaeng sumampal sa akin. Galit na galit ang mukha nitong nakatingin sa akin. 


Magsasalita na sana ako nang hablutin niya ang buhok ko at marahas na tinulak ako, kaya napahiga ako sa malamig na sahig. 


“Tama lang ‘yan, sa'yo! Ang landi landi mo kasing kaladkarin ka!” nanggagalaiting sigaw nito sa akin. 


Napayuko ako nang mapansin ang tingin sa akin ng mga kaklase ko, na tila ba'y nandidiri sila sa akin. Punong puno ng panghuhusga ang mga mata nila. Ano na naman ba ang nagawa ko sa kanya? Sa pagkakaalala ko, wala naman akong nilabag sa mga rules niya.


Si Chaejeong ang babaeng nagpapahiya sa akin ngayon. Kilala siya sa pagiging active niya sa mga activities dito sa school, and sa pagiging leader niya.


“I've heard that she seduced, Jun. That's the top issue in the underground website, right now. Have you seen it?” rinig kong bulong ng isa sa mga kaibigan ni Chaejeong.


“Oh, so that's the reason why gigil na gigil sa kanya si Chaejeong.”


Jun? Iyong lalaking bumastos sa akin n’ong nasa bar kami? 


“Well, It serves her right.” Saka sila nagtawanan.


Tumayo ako at pinagpag ang nadumihan kong palda. Inayos ko ang buhok ko at babaliwalain na lang sana ang nangyari, pero nabigla ako ng mariin niyang hawakan ang braso ko at kinaladkad ako papalabas ng classroom.


“B-bitawan m-mo ko!” Hindi niya ako pinakinggan. 


Sumunod na rin sa amin ang ibang estudyante. May hawak pang cellphone iyong iba at pini-picture'ran kami. 


Hindi ako pinakinggan ni Chaejeong. Nagpupumiglas ako, pero mas malakas siya sa akin. Hindi ko na rin namalayan na nasa gitna na pala kami ng field, binitawan niya ako at tinulak ulit ng malakas. Napasubsob na naman ako sa damuhan. Narinig kong nagtawanan ang lahat ng sumunod sa amin.


“Listen, everyone! This girl right here...is no other than the great, Minjoo Kim. The one who seduced my boyfriend, Jun. Remember her face! Huwag na huwag niyong iwawala ang mga mata ninyo sa babaeng ito, especially to those who have boyfriends here. Malingat lang kayo'y lalandiin niya na ang mga mahal niyo!” Nang sabihin niya iyon ay kanya-kanya ng tapon ng masasakit na salita ang mga estudyante sa akin. 


Pakiramdam ko, anytime ay kukuyugin ako ng mga nakapalibot sa akin. Sa tingin pa lang nila, bugbog sarado na ako. Hindi ko napansin na isa isa na pa lang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko kayang magpanggap ngayon. Sobrang nasasaktan na ako. 


“T-tama n-na...” pakiusap ko sa kanila. 


“Wow, Minjoo! Ano? Uma-acting ka na naman?! ‘Di ba malakas ang loob mo, ano ha?! Pa inosente ka na naman, even though you're not really innocent!” 


Susugurin na naman sana niya ako nang dumating ang mga kaibigan ko. Mabilis na napigilan siya ni Chaewon. Nasapak siya nito na dahilan nang pagkasubsob niya sa may putikan. Napasinghap ang mga nakikiusyoso. Akmang sisipain pa siya ni Chae, nang maawat ito nila Yena. 


Nilapitan ako ni Yuri at tinulungan niya akong makatayo. 


“You—” Hindi na natuloy ni Chaejeong ang sasabihin dahil puwersahang pinasok ni Hyewon ang dalang cupcake sa bibig nito. 


“Hindi mo deserve ang cupcake ko, pero para tumahimik iyang bunganga mong nakakarindi na,  sa'yo na lang iyan,” walang emosyon na saad ni Hyewon sa kanya.


“T-teka! Bitawan niyo nga ako. Uupakan ko pa ang babaeng 'yan!” 


“Chill, Chaewon. Baka mapatay mo pa iyan. Ano ka ba, nasa school tayo. Baka tayo pa ang mapasama. Alam mo namang madaming alagad 'yang bruha na iyan,” ani Yena. 


“Wala akong pake! Sinaktan at pinahiya niya ang baby Minmin natin. Kaya hinding hindi ko ‘to papalagpasin! Bitawan mo ko sabi, isa Yena ha! Hoy Chaejong o kung sino ka mang bweset ka, hali ka rito, kakalbuhin kitang papansin ka!” 


“Warfreak,” komento ng isa sa mga kaibigan ulit ni Chaejeong na nasa tabi na niya ngayon.


“Warfreak pala ha! Pwes, lapit ka rito at babaliin ko iyang leeg mong maitim! Gluta queen!” 


“W-what?!” 


Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil inilayo na ako ni Yuri doon. Pero rinig na rinig ko pa rin ang sigaw ni Chaewon, pati na ng mga alagad ni Chaejeong. 


“Okay ka lang ba, Min? Namumula iyang pisngi mo.” 


“I'm fine,” tipid na sagot ko. 


“Pasensya na, kung hindi ko lang kayo inaya na mag bar, hindi ito mangyayari. Hindi ka sana nasaktan ng baliw na Chaejeong na iyon,” nahihiyang saad ni Yuri habang nakaalalay pa rin siya sa akin.


Umiling ako. “Wala kang kasalanan. Choice ko rin namang sumama sa inyo, so, it's basically my fault.” 


“Ano ka ba. Huwag mo nga sisihin sarili mo. Alam ko namang gusto mo lang makalimot.” 


“Akala niyo ba talaga na gusto ko na siyang kalimutan?” 


Tumigil siya sa paglalakad at tinitigan ako. 


“W-what do you m-mean?”


“Hindi ko ginagawa ang mga bagay na iyon para makalimutan siya. Ginagawa ko iyon para makita ko na siya.” 


“M-minjoo...Ano—” 


Hinarap ko si Yuri saka isa-isang nagbagsakan ulit ang mga luha ko. 


“K-kung buhay pa rin siya hanggang n-ngayon, hindi ako m-magkakaganito, Yuri. N-never kong naisip na k-kalimutan na lang siya. I always and will a-always think of h-her. M-mahal na mahal ko pa rin siya. Gustong-gusto ko na siyang m-makita...” 


Kumalas ako sa pagkaka-alalay niya sa akin, saka ako naupo sa damuhan. Napayuko ako habang umiiyak. 


“Minjoo, I—h-hindi ko alam na—” 


“A-ayoko siyang kalimutan, Yuri. Pero nalulungkot ako...N-nalulungkot ako dahil sa tuwing naaalala ko iyong mga mga panahon na masayang masaya pa kami, iyong mga pinagsamahan namin...P-para akong binubuhusin ng malamig na tubig. Wala na pala siya. A-ako na lang pala mag-isang umaalala ng lahat ng iyon. S-sobrang nalulungkot ako ngayon, Yuri. Nalulunod na ako, and no one can save me from this. Buhay na buhay ako sa paningin ninyo but I-i am dead inside...” 


Naramdaman ko ang pagyakap ni Yuri sa akin. 


“Shh...tahan na, Minmin. Magiging okay din ang lahat. Nandito naman kami ng pamilya at mga kaibigan mo para sa'yo.” 


“G-gusto ko siyang makita.” 


“Tara, umuwi na lang tayo. Kailangan mong magpahinga.” 


“Y-yuri?” 


“Hmm?” 


“Kapag nakita ko na siya ulit. Magiging masaya na ako.” 


“A-alam ko iyon, Min. Sana nga payagan ka na nilang makita siya ulit,” makahulugang sabi niya. 


Payagan? Kailangan ba sila papayag na tapusin ko ang sarili kong buhay? 


***


“Aalis ka na sa Goldwilde, Min. Pababalikin na kita sa Korea, kasama si Hitomi.” 


Napaawang ang bibig ko ng marinig iyon mula sa bibig ni ate Eunbi. Bakit ngayon pa? 


“Good idea, ate Eunbi. Mas makakabuti iyan kay Minjoo ngayon. Malalayo siya sa mga masasamang elemento sa school,” pagsasang-ayon pa ni Chaewon ni kay ate.


“Hayaan mo na lang muna siyang mag stay sa Goldwilde, ate Eunbi. Trust me, one of these days...babalik iyong dating sigla niya,” Si Yuri, saka siya ngumiti sa akin. 


Pinandilatan siya ni Chaewon, pero hindi niya ito pinansin. 


“Buo na ang desisyon ko. Ayokong umabot pa ako sa puntong...hindi na ako makakapagpigil. Baka patulan ko na lahat ng sumisira sa kapatid ko.” 


“Support kita sa desisyon mong iyan, ate Eunbi! What do you think, Minmin? Okay lang naman sa'yo na umalis na 'di 'ba? Dadalawin ka na lang namin sa Korea tuwing bakasyon namin,” tatango-tangong sabi niya. 


Umiling ako, “Ayokong umalis.” 


“No, Minjoo. Sa ayaw o sa gusto mo, aalis ka,” mariing saad ni ate. 


Hindi na ako nagsalita. Ayokong makipagtalo sa kaniya. Not now. 


Lumabas ako ng bahay at dumeritso sa garden. Naupo ako sa ilalim ng malaking puno at isinandal ang likod ko roon. Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang masasayang araw namin ni Yuding. 


“Minmin, You're so beautiful toda—ah no, you're always beautiful. Will you marry me?” saka siya lumuhod sa harapan ako. 


Mahina kong kinurot ang tagiliran niya. Napa ouch naman siya.


“Ano ba, Yuding! So, papakasalan mo lang ba ako dahil sa maganda ako?” Umiling siya, saka ngumiti.


“No, of course not! I'll marry you beacause I love you. Para sa akin lang ikaw.” 


“Sus, ang bata bata pa kaya natin, tapos kasal na agad iyang nasa isip mo,” natatawa kong sabi.


“Why not? Eh, sa gusto kitang pakasalan. Walang makakapigil sa akin.” 


Niyakap ko siya,“Oo na, papakasalan naman kita. Ikaw pa ba, eh ikaw lang din naman ang gusto kong makasama habang buhay.” Yumakap siya pabalik sa akin at masuyong hinahaplos ang likod ko. 


“I am really hoping na walang aagaw sa'yo mula sa akin, Minmin. Well, confident naman din ako na akin ka lang. Pero sana...Sana magtagal tayo.” 


“Sayong sayo lang ako, Yuding. Ano ka ba, 'wag ka nga mag-isip ng ganyan. Magtatagal tayo, basta dito ka lang sa tabi ko ha.” 


“Gusto mong nasa tabi mo lang ako lagi? So, lilipat na ba ako sa bahay ninyo?” 


Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. 


“Basta, dito ka lang...” 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
yudaengdaeng_
#1
hello pls add tagalog or whatever language you're writing in to your tag so that people who can't understand it won't click on it only to be disappointed because it's not in English. thank you.
baejoohyunswife #2
Chapter 2: Yayyy. Add izone to the tahmgs to para mahanap agad. Hehehe btw cant wait for the next update
baejoohyunswife #3
Wahhh cant wait