Nang Dahil Sa Bola 2

Nang Dahil Sa Bola
Please Subscribe to read the full chapter

 

"MINJU, hindi ka ba sasama sa amin ngayon?" nakangusong tanong ng isa sa mga kaibigan ko na si Hyewon.

"Hindi eh. Maglilibot kasi kami ngayon ni Yujin."

Napatili naman ang dalawa ko pang kaibigan. Alam kasi nila na gusto ko si Yujin at suportado naman nila ako. Lovewins daw, eh.

"Hayaan na natin si Minju, guys. Pag-ibig na iyan, wala na tayong laban dyan," natatawang saad ni Chaewon. Ang pinaka bitter sa amin.

"Una na ko sa inyo ha, baka hinihintay na ko ni Yujin ko sa tagpuan namin."

"Lakas maka 'Yujin ko' at 'tagpuan' ah, pang teleserye," sabat naman ni Yuri.

Hindi ko na ito pinansin at iniwan ko na sila sa room. Dumeritso ako sa field, naroon na nga si Yujin ko. Nakaupo siya sa damuhan kasama ang mga ka volleyball team niya. Nakita ko na naman si Wonyoung, nakakasira siya ng araw.

"Yuding," tawag ko sa kaniya at agad naman niya akong nilingon.

"Oh, hi minmin! Napaaga ka yata. I thought lunch break mo ko pupuntahan dito." Ay shet! Seryoso? Magpalusot ka, Minju! Dali.

"Eh ka--

"Napapaghalataan si Minju", singit ni Wonyoung. Niyakap pa niya ang Yuding ko. Pigilan mo ang sarili mo, Minju!! Naku, papatulan ko na to.

"Tara na nga, Wonyoung.. Hwag mo na yakap-yakapin iyang si Yujin,, mukhang mag ta-transform na ang isa riyan." Ako ba iyong tinutukoy ni Yena?

Tumawa si Yujin at nilapitan ako. Pasalamat ka talaga Wonyoung at narinig ko ang tawa ng mahal ko kung hindi, ay ewan ko na lang.

Nginitian ko siya, "Nagpaalam ka na ba sa kanila?"

"Yeah, kanina pa. Wala rin naman kaming practice. Wait, nagugutom ka ba? Baka gusto mong kumain muna tayo?"

"Hindi pa naman, tsaka marami namang booth ng mga pagkain na nakakalat, eh."

"Akala ko iyang tiyan mo na naman ang sasagot ng tanong ko," natawa ulit siya. Aba!

"Hindi nga kasi ako gutom. Tara na nga." Hinila ko na siya paalis ng field.

Itinuro sa akin ni Yujin  ang isang lumang building na nasa dulo ng field. Napapalibutan ito ng maraming puno kaya hindi ko ito napansin noong una akong napadpad dito.

"Ang building na 'yan ay ang dating Education Department. Dyan sana kayo ngayon kaso ipapa-ayos pa daw 'yan dahil medyo luma na nga. Alam mo bang haunted ang building na 'yan." Mukhang nananakot pa ang cutie na  'to.

"Talaga ba? Parang hindi naman," tnaasan niya ako ng kilay.

"Hindi ka naniniwala?"

"Naniniwala pero miyembro kasi ako ng club na to see is to believe, eh," mas lalong natawa si Yujin sa sagot ko.

"Pinaglololoko mo ko, Minju ha. Anyway, alam mo ba kung saan ang main library ng university na 'to? Kung hindi pa, let's go there."

"Tatlong buwan na ko sa unibersidad na 'to pero hindi ko man lang alam na may main library dito. Kaya pala feel ko kulang-kulang ang mga libro sa Education Department Library."

"Eh, di tara don!" Iginaya niya na ako papuntang main library.

Habang naglalakad kaming dalawa, hindi ko maiwasan na isipin na mukha kaming mag jowa. Kahit tatlong beses lang yata kaming magkita at magkasama ni Yujin sa isang linggo parang feeling ko kami na. . . kahit walang kami. Kung hindi lang talaga straight ang babaeng ito, iisipin ko na type niya ako pero parang imposible rin. Ganito rin naman yata siya sa lahat ng mga kaibigan niya, eh, sweet and caring. Haaay. . .Minju.Kawawa ka naman. Napakasakit, kuya Eddie.

"We're here, Minmin!"

Napa nga-nga ako nang makita ang kabuuan ng main library. Library ba talaga 'to? Mas malaki pa ‘to sa building ng department namin, ah.

"Itikom mo 'yang bibig mo baka pasukin ng langaw."

"Che! Pero grabe, Yuding! Ang laki. Mas malaki pa yata to sa lugar namin."

"Exagge ka masyado. Hindi naman siguro. Gusto mo pumasok sa loob?"

"Gusto ko, ate Yuding!" na e-excite kong sagot.

"Don't call me ate, 'di bagay sayo. Malas pala natin, closed pala 'to today. Sorry." 

"Arte naman. ‘Ba yan tapos dinala-dala mo ko rito. "

"Pwede ka naman pumunta rito after the festival, lunurin mo pa sarili mo sa mga books dyan, okay na okay lang."

"O, sige na nga. Saan na next destination natin, Miss tour guide?" Pinisil niya ang ilong ko at inakbayan ako. Huta! Kinikilig ako.

"Saan mo pa ba gusto, Miss ganda?" inirapan ko siya. Papakasalan ko na 'to.

"Ano ba yan, ikaw ang tiga tour sa akin kaya dapat alam mo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lovechaekura
Ako'y nababaliw na. . .

Comments

You must be logged in to comment
xxthedarkguyxx #1
Chapter 3: Ganda ng kwento hahaha! Pero matanong ko lang, sino si Megan? :)
aesyeppi
#2
Chapter 3: Hala!!??
-Athena-
#3
Chapter 3: HAHAHAHA, SO IMAGINATION LANG PALA LAHAT? Nice story, author!
TakuyaKen
#4
Chapter 2: ang ganda hehe ok dn pla tagalog n jinjoo
cskyn_ #5
Chapter 3: Wait. Ang galing mo magpaasa author lmaooo.

Nice story tho. Nakaka-enjoy basahin
nakotan
#6
Chapter 3: WAITTT SO IMAGINATION LANG NI MINJU LAHAT NG YUN? WHAT IS GOING ONNN SJDJFKFHN
erzcaps27
#7
Chapter 2: Awww. Wawa naman si Minmin. Yaan mo na bawi na lng daw si Yujin sayo hehehe
erzcaps27
#8
Chapter 1: Waahhh. Sequel po author. Please hehehe
TakuyaKen
#9
Chapter 1: nadouble yata pag paste mo? pero cute story hehe