Last Chance

Last Chance
Please Subscribe to read the full chapter

“Bakit mo ako iniiwasan? Bakit hindi mo ako magawang harapin? Bakit mo ako tinataguan? Bakit mo tinatago at pinipigilan yang nararamdaman mo?” Naluluhang sinambit ni Yujin kay Minjoo

 

 

Hindi nagsasalita si Minjoo, pinipigalan niya ang sarili niya at tinitiis niyang nakikitang nasasaktan si Yujin
Unti-unting lumalapit si Yujin kay Minjoo.

 

Nararamdaman ni Minjoo ang dahan-dahang paglapit ni Yujin sa kanyang likuran. Gusto na niyang harapin si Yujin at yakapin ito ng mahigpit ngunit kailangan niyang pigilan ang kanyang nararamdaman para dito.

 

“Kailangan mo ba talagang gawin to? Kailangan ba sa ganitong paraan? Kailangan bang sa paraang harap-harapan mo akong sinasaktan?” Aniya 
“Kausapin mo ako Minjoo! harapin mo ako hindi yung ganitong harap-harapan mo pa rin akong tinataguan.” 
“Maawa ka naman o, nakikiusap ako sayo kahit ngayon lang, kahit saglit lang. Gusto kong makita mga mata mo, gusto kong makita ang ganda mo. Kahit sa huling pagkakataon.”

 


“Huling pagkakataon?” Bulong ng puso at isipan ni Minjoo. “Bakit? Bakit ang kirot kirot sa puso ko? Bakit parang sinasaksak ako ng talikuran? Bakit Yujin?” 

 


“Ayos lang sakin kung wala kang sasabihin, ayos na sakin yun basta makita ko lang mga mata mo, yung ganda mo sa huling pagkakataon. Pag bigyan mo naman tong huling hiling ko sayo." Umiiyak na sabi ni Yujin. 


Hinawakan nito ang balikat ni Minjoo at dahan-dahan niyang iniharap ito sa kanya. 


“Hindi ko alam kung anong ginawa ko para gawin mo sakin to, pero wala na akong magagawa. Wala akong sagot na makuha sayo, nabibingi na ako sa katahimikan mo. Kuntento na ako sa ganito, ang masilayan ng mga mata ko ng harapan ang mga mata mo. Na mahawakan ko sa huling pagkakataon ang mukha mong kinababaliwan ko. “


“Huling hiling ko na to sayo, wala ka na maririnig sakin kahit kailan. Eto gusto mo, eto ang ibibigay ko para matahimik ka na. “

 

 

Tinatamaan na si Minjoo sa mga binibitawang salita ni Yujin.

 


“Sapat na to. Nakuha ko na ang sagot na kailangan ko mula sayo. Nakikita ko sa mga mata mo, nararamdaman ko kung paano mangusap mga mata mo. Ramdam na ramdam ko sa bawat buntong hininga mo, tumatagos sa buong pagkatao ko. “

 

Nakatingin si Minjoo sa mga mata ni Yujin at kitang-kita niya ang mga luhang umaagos dito. Ang mga luhang sinasayang ni Yujin para sa kanya. 

 


“Salamat Minjoo sa pagkakataon. Pero kahit kailan hindi mo ako pwedeng ipagtulakan sa iba, hindi mo ako pwedeng turuan kung sino ang dapat kong mahalin. Dahil umpisa palang alam kong tama ang nararamdaman ko, at alam kong kahit ipagtabuyan mo pa ako, sayo at sayo pa rin ako babalik nang babalik ng paulit-ulit.”


Nagsisimula ng tumulo ang mga luha ni Minjoo. Unti-unti na siyang bumibigay dahil nasasaktan na rin siya sa ginagawa niya kay Yujin.

 


“Ayos na to, napapagod na rin ako.” Mahigpit na niyakap ni Yujin si Minjoo. “Mahal na mahal kita. Maraming salamat."

 


Bumitaw ito sa pagkakayap kay Minjoo at hinawakan sa huling pagkakataon ang magandang mukha nito. Tumingin ito sa mga mata niya, sa mga mata niyang namumugto na kakaiyak. Bumuntong hininga si Yujin at dahan-dahang nilapit ang kaniyang mukha kay Minjoo, at hinalikan sa huling pagkakataon.


Bumitaw na si Yujin at umalis papalayo dito

 


Nanginginig at hindi makagalaw si Minjoo sa kinatatayuan niya “Ang sakit sakit, ang sakit sakit” aniya


“Yujin!!!” sigaw ni Minjoo. Damang dama ni Minjoo ang muling pagkawasak ng mundo niya

 

"Ahn Yujin!!!!" 


Tuloy-tuloy pa rin ang paglalakad papalayo ni Yujin

 


“Sige ituloy mo yan! Isang hakbang mo pa papalayo sakin hindi mo na ako makikita kahit kailan!!!”

 

Hihinto na dapat si Yujin

 


“Tangina naman Yujin! Ano ba?! Isa!” 

 

Napahinto si Yujin

 


“Sorry sinasaktan kita. Sorry hindi ko sinasadya. Sorry kasi kailangan kong gawin yun.”

"Pero ayoko na humingi ng sorry ng paulit-ulit. Ayoko na magpaubaya. Ayoko ng magbigay. Ayoko ng gawin yung mga bagay na alam kong masasaktan lang ako at mababalewala ang nararamdaman ko." 

“Ayoko na lahat kung eto lang naman magiging kapalit, ang tuluyang paglayo mo na naman sakin, ang pag alis mo ulit sa mundo ko kung kailan nahanap na ulit kita."

 

Nagsimula ulit maglakad palayo si Yujin..


“Pag humakbang ka pa ng isa pa papalayo, hinding hindi mo na maririnig at malalaman ang nararamdaman ko!”


Napahinto si Yujin “bakit? Ano ba nararamdaman mo? Sabihin mo hindi yung ginaganito mo ako” galit na isinigaw ni Yujin kay Minjoo

 


“Ano bang sagot ang nakuha mo sa mga mata ko?” “Ano bang naramdaman mo sa bawat pagbuntong hininga ko?" Pasigaw na sagot ni Minjoo.

 

Natahimik si Yujin

 

Makalipas ang ilang minuto humarap si Yujin kay Minjoo, nakatingin lamang siya dito.

 

"Patawarin mo ko Yujin. Hindi ko sinasadyang ipagtabuyan ka. Hindi ko sinasadyang ibasura ka, yung tayo." Hagulgol na sabi ni Minjoo. "Sorry kung ginaganito kita, alam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayedee
#1
Chapter 1: tagalog rlly hits diff huh… 🥹
ayedee
#2
Chapter 1: Tagalog fic! Ahhhhh ;;
Agyusshi
#3
Chapter 1: Wow! It's been a while since I read Tagalog fics! At IZONE pa! Uwu!!!! More of this please! You did a great job!