The Story of Kim Chiu

Hello , My Mr. Yesterday

   Sandaling pinagmasmasdan ni Kim ang kanyang repleksiyon sa salamin bago siya sa pupuntahang job interview ay hindi niya hahayaang kainin niyon ng sistema niya. Kailangan na niyang magkaroon ng trabaho. Siyam na buwan siya sa Maynila. Dalawang taon na mula nang matapos siya ng kolehiyo sa Cebu, na kung saan siya ipinanganak at lumaki. Dati ay isang maliit na sekretarya ngunit napakalit ng sweldo niya.

   Lima silang magkakapatid. Siya ang pang-apat at tanging nakapagtapos ng kolehiyo. Ang Ate Twinkle niya ay nasa ikatlong taon pa lang ng high school nang mabuntis at mag-asawa. Si Twinkle, nag asawa na rin pagkatapos nitong maka-graduate ng high school. Ang kuya william niya, ay kasulukuyang nagtratrabaho sa isang talyer na pagmamay-ari ng kaibigan niya. Hindi naman gaano kalaki ang sweldo nito pero kayang buhayan ang asawa niya at ang dalawang anak nito. Ang bunso naman nilang si Paul ay nag-aaral ng mabuti at aaminin niya si paul ang matalino sa kanilang magkakapatid.

  Maswerte ang Ate Twinkle niya sa napangasawa nito. Sa Davao ito ngayon nakatira at nasa abroad ang asawa nito. Tatlo naman ang anak nito na pulos lalaki. Sa kanila naman nakatira ang pamilya ni Twinkle.Dalawa na ang anak nito ngunit batugan ang napangasawa nito. Walang ibang alam ang bayaw niya kundi ang magsugal at mag inom. Ang tanga niyang kapatid ay hinahayaan lang ang asawa nito. Sa pamangkin niya siya naaawa.

   Tapos siya sa kursong Business Management. Call center ang unang in-apply-an niya pagtuntong niya sa Maynila. Natanggap naman siya. Kayang-kaya niya ang trabaho at malaki ang sweldo. Nasanay na siyang gising sa gabi at tulog sa araw. Malimit kasing graveyard shift ang nagpupunta sa kanya.

   Sa ikapitong buwan niya sa pagiging call center agent ay napilitan siyang mag-resign. Hindi dahil nahihirapan na siya sa schedule niya o nagkasakit siya kundi dahil sa supervisor nilang si Simon. Matanda lang sa ito sa kanya nang apat na taon. Guwapo, palangiti, at mabait ito sa kanya. Ang akala niya ay ganoon talaga ito sa lahat. Kaya naman pinapaunlakan niya itong ihatid siya pauwi sa boardinghouse na tinutuluyan niya. Kapag niyayaya siyang mag-coffee ay sumasama rin siya rito.

  Nahulog ang loob niya kay Simon. Kaya nang magpahayag ito na manliligaw sa kanya ay kinilig siya. Feeling niya, ang haba ng hair niya. Marami siyang magagandang kasamahan sa trabaho ngunit siya pa ang napili nito. Kahit gusto niyang sagutin ito ay hindi muna niya ginawa. Pinahirapan muna siya ito ng kaunti sa panliligaw sa kanya.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

sorry kung medyo boring ang unang chapter.!mas na-featured kasi ang buhay ni kimmy kaysa ka ge.!wait lang muna kayo.!!huwag kayong hot hot hot diyan!mataas taas pa naman ang fanfic nato.!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TheArvie99 #1
update mo na 'to please ...... thanks
TheArvie99 #2
this is a nice story.... any updates? ...thanks
KG4life #3
Waaaaa wala pang KG moments...
tatak_KG #4
Update pls...ang ganda nung story.TENCHiU!
KG4life #5
We'll wait for ur next update...thanks! :)
lysa_kg #6
tnx sa mga comment.mga ilang araw pa ako makaka update.!sorry :( busy lang talaga
buang03 #7
Waaaaaaaa. Nakakaintriga! Please please please. Sana makaupdate ka na agad!!! Waaaaaa. Demanding much? Waaaa
KimGerald #8
Chapter 1 agad plsss!
KG4life #9
Interesting! Please update soon :) thanks!
kgmelagi #10
mukhang maganda ito ha ,,pls update,,pangakong napako pala bakit kaya????????????