Chapter 2 *Eun Hye's Brother*

SHES-K: The New Girl Group (Ft. Bigbang)

(Young Taeyang and Eun Hye

(Young Taeyang and Eun Hye. 

(A/N-- syempre sa kwento lang)






 

Seven years old si Taeyang nang mamatay ang kanyang ina.

Noong libing nito walang ibang pumunta maliban kay Taeyang, sa lola niya sa mother side at sa kanyang tatay.

Hindi na nagtanong si Taeyang kung bakit. Noon niya pa kasi alam na galit ang mga kamag-anak ng tatay niya sa kanyang ina.

Bakit?

Siyam na taon si Taeyang nang malaman niya ang kasagutan.

Mula sa kanyang tiya nalaman niya na minsan palang pinagtaksilan ng kanyang ina ang kanyang ama, pero hindi nagalit ang kanyang ama, tinanggap nitong muli ang mama niya. Naging maayos ang samahan ng mga magulang niya hanggang sa ipanganak siya.
At noong pitong taon siya, namatay nga ito.

Kahit sinabi ng tatay ni Taeyang na huwag mag-iba ang tingin niya sa kanyang mama dahil sa nalaman, di niya nagawa. Sumama talaga ang loob niya
Hanggang sa may makilala siya na isang batang babae.

Nakilala niya ito noong tenth birthday niya.

"Sino ka?" tanong ni Taeyang nang makita ang di pamilyar na bata sa kanyang party.

"A-Ako si Eun Hye. Nakatira ako sa bahay ng lola mo ngayon," sagot nito.

Napakunot ng noo si Taeyang. "Hindi ko alam na may bata palang nakatira sa bahay nina lola."

"K-Kailan lang ako lumipat sa kanila," nabubulol na sagot ng batang si Eun Hye bago ito nag-abot ng regalo.  "Para sayo. Happy Birthday!"

"Salamat!" nakangiting sabi ni Taeyang bago kinuha ang regalo."Halika! Maglaro tayo," aya niya.

Parang nagulat si Eun Hye. "P-Puwede akong makipaglaro sa inyo?"

"Oo naman!" bibong sagot ni Taeyang sabay hawak sa braso ng batang babae. "Halika na, Eun Hye!"

"Ah. M-Mas matanda ako sayo ng two years kaya puwede mo kong tawaging ate," suhesyon ni Eun Hye.

"Ate?" napaisip si Taeyang. Mayamaya pa ay muli itong ngumiti. "Sige! Ate Eun!"

Magmula noon, lagi nang bumibisita si Eun Hye sa bahay nina Taeyang para makipaglaro. 
Minsan din ay tinutulungan siya nito na gumawa ng mga Homework. 
Pinapanood din siya nito tuwing sumasayaw siya. Isa kasi iyon sa mga hilig ni Taeyang. Ang sumayaw.
Hangang-hanga si Eun Hye sa husay niya kaya iningganyo siya nito na mag-audition sa DB Entertainment. 11-years-old noon si Taeyang. At dahil sa angking talento,  nakapasa siya na maging trainee.
Salamat sa tulong ng kanyang ate Eun.

***

Gusto sana ni Eun Hye na masubaybayan ang pagsikat ni Taeyang, ngunit di nangyari matapos nitong malaman ang katotohanan.

Ang tita ni Taeyang  ang nagsabi.

"Hindi mo ba alam? Ang batang iyan ang bunga ng pagtataksil ng iyong ina."

Tama. Si Eun Hye ay anak ng mama ni Taeyang sa lalaking sinamahan nito noon.

Ang gusto lang naman ni Eun Hye ay ang makilala ang kapatid kaya dumalo siya sa party nito. Wala sa plano niya na mapalapit dito. Lalong hindi niya binalak na paglihiman ito.

Pero nangyari iyon.
At ito ang naging resulta.

"Bakit di mo sinabi sa akin?" tanong ni Taeyang. Bakas sa mukha nito ang matinding pagkabigla.

"N-Natakot kasi ako na baka magalit ka," naiiyak na sagot ni Eun Hye.

"MAGAGALIT TALAGA AKO! GALIT NA GALIT AKO!" sigaw ni Taeyang. Para itong bulkan na biglang sumabog. "Sinungaling kayo! Ikaw at si mama. Parehas kayong sinungaling!" giit nito.

"Taeyang!" Hinawakan ni Eun Hye ang kamay ng kapatid.

"Bitiwan mo ko!" Hinatak ni Taeyang palayo ang kanyang kamay. "Simula ngayon ayaw na kitang makita!"

Magmula nga ng araw na iyon, hindi na nakipagkita pa si Taeyang kay Eun Hye. Kinausap ito ng lola at tatay niya, pero walang nangyari. Di na talaga nito pinansin si Eun Hye.

Hanggang sa pauwiin na si Eun Hye ng kanyang ama sa kanilang bahay.
Bukod sa kanyang ama, kasama rin ni Eun Hye rito ang kanyang stepmom at step brother.

Alam ni Eun Hye na ayaw na siyang makita ni Taeyang, pero hindi siya susuko.
Gagawin niya ang lahat para maibalik ang dati nilang samahan.

***

"Eun Hye!" Biglang tumayo si Kaew at niyakap si Eun Hye.

Si Suzy naman ay di na mapigilan ang paghikbi.

Napapatingin si Shin Hye kina Suzy at Kaew. "Kailangan ko rin bang umiyak?"

"Ano ka ba, hindi ka ba nalungkot sa kuwento ni Eun Hye?" tanong ni Suzy.

"Hayaan mo, Eun Hye. Tutulungan ka namin na makausap siya!" sabi ni Kaew.

"Talaga Kaew, gagawin mo 'yon?" Hindi makapaniwala si Eun Hye.

"Oo naman! Di ba Suzy? Shin Hye?" Tiningnan ni Kaew ang dalawa.

"Oo! Tutulong ako!" mabilis na sagot ni Suzy.

Confuse pa rin si Shin Hye.

"Salamat, pero sana sa atin-atin na lang 'to. Ayoko kasing kumalat ang tungkol sa problema ng pamilya namin."

"No problem!" Inilagay ni Kaew ang kanang kamay sa dibdib. "Magaling ako magtago ng sikreto."

"Ako rin!" sabi ni Suzy.

"Teka Teka..." Si Shin Hye. "Hindi ko makuha ang pinag-uusapan n'yo, pero sa pagkakaintindi ko gusto ni Eun Hye makausap ang kapatid niya kaya tutulungan natin siya, tama ba?"

"Tama!" sabi ni Kaew sabay palo sa balikat ni Shin Hye.

"Maganda 'yan," napapatangong sabi ni Shin Hye. "Pero paano natin gagawin?" tanong niya.

"Ahhh..." Napatingin si Kaew kay Suzy.

"No problemo! Alam ko kung paano," sabi ni Suzy sabay kindat. "Pero mamaya ko na lang sasabihin ang plano pagkatapos ng training natin."

***

5:00 pm natapos ang training nina Eun Hye.
Puwede na silang umuwi pero sa halip na gawin iyon ay nagdesisyon sila na mag-stay muna sa kuwarto kung saan sila nag-aaral sumayaw.

"Bakit di pa tayo aalis?" tanong ni Hyorin. Si Hyorin ang pinakamatangkad sa kanilang lahat. Morena ito at maganda ang hubog ng katawan.
Sa kanila, ito lamang ang di nakarinig sa kuwento ni Eun Hye.

Inakbayan ni Kaew si Hyorin. "Tutulungan natin si Eun Hye na makita si Taeyang," sabi nito.

"Taeyang? Si Taeyang ng Bigbang?"tanong ni Hyorin sabay tingin kay Eun Hye. "Bakit?"

Hindi nakapagsalita si Eun Hye. Hindi niya alam kung dapat niya rin bang sabihin kay Hyorin.

"Wala iyon. Nagbibiro lang si Kaew," sabi ni Suzy sabay hila kay Kaew. "Sige na Hyorin, mauna ka na. Baka may date pa kayo ni Taecyeon."

Napangiti si Hyorin. "Sige, una na ko," sabi nito.

"Bakit mo siya pinaalis?" tanong ni Shin Hye pagkaalis ni Hyorin. Habol pa nito ng tingin ang kasamahan. "Isang team tayo, hindi ba dapat wala tayong sikreto sa isa't-isa?"

"Oo nga naman Suzy," pagsang-ayon ni Kaew.

"Iba kasi ang pakiramdam ko kay Hyorin," sabi ni Suzy. "Anyway, sasabihin ko na sa inyo ang plano  kung paano natin makikita si Taeyang."

"Paano?" Excited na tanong ni Kaew.

"Eh di pupunta tayo sa bahay ng Bigbang!" sagot ni Suzy.

Napakunot ng noo sina Kaew at Eun Hye. 
"Seryoso ka ba?" tanong nila. Duda sila na magagawa nila iyon.

"Magtiwala lang kayo sa'kin!" sabi ni Suzy taglay ang matamis nitong ngiti.

Kasunod noon ang pagyaya nito sa kanila sa parking area.

Nagkatinginan na lamang sina Kaew at Eun Hye nang malaman na may kotse pala rito si Suzy.

"Sakay na girls!" sabi ni Suzy bago ito pumasok. Siya ang magda-drive ng kotse.
Umupo sa tabi niya si Kaew. Samantalang sa likod naman sina Eun Hye at Shin Hye.

"Nakatira sa isang exclusive subdivision ang Bigbang. May sticker ako 'ron kaya sure na makakapasok tayo,"sabi ni Suzy pagka-start niya sa sasakyan.

"Sa simula pa lang alam ko na na mayaman ka, Suzy, pero ang malaman ang bahay ng Bigbang...Paano mo iyon nagawa?" tanong ni Eun Hye.

Ngumisi si Suzy. "Marami lang akong source. "

"Source?" ulit ni Eun Hye.

"Ang ganda mo talaga girl!" puri ni Kaew sabay kapit pa sa buhok nito.

Di nagtagal, narating na nila ang exclusive Subdivision na ayon kay Suzy ay tinitirahan ng Bigbang.

"Ito na 'yon!" sabi ni Suzy.
Huminto sila sa tapat ng isang malaking bahay.

"Wow! Bigatin pala talaga ang Bigbang. Ang laki ng bahay nila!" komento ni Kaew.

"'Yan ba talaga?" tanong ni Eun Hye.

Bumaba na ng sasakyan sina Suzy at Kaew.

"Suzy! Kaew!" tawag ni Eun Hye. Bigla siyang ninerbiyos.

"Baba na rin tayo, " aya ni Shin Hye.

Huminga muna nang malalim si Eun Hye bago sila bumaba ng kotse.

Nag doorbell na si Suzy.

Kumabog ang dibdib ni Eun Hye.
Ready na ba siya na makita si Taeyang?

Si Taeyang...
Naalala niya iyong sandali na sinabihan siya nitong sinungaling.

"Ah! Hindi ko pa kaya!" sabi ni Eun Hye sabay takbo pabalik sa kotse.

*

"Eun Hye!" tawag ni Shin Hye. Susundan niya sana ito pero di niya nagawa nang makita na at ease lang sina Kaew at Suzy.

"Ayan, may magbubukas na!" sabi pa ni Kaew.
Di man lang naalis ang mata nito at ni Suzy sa gate.

"Ano ba kayong dalawa! Nakatayo pa kayo riyan, eh nagback out na si Eun Hye. Umalis na rin tayo!" sabi ni Shin Hye.

Napanguso si Kaew. "Umalis? Eh narito na tayo."

"Teka nga..." Naningkit ang mga mata ni Shin Hye. "Iyong totoo, gusto n'yo ba talagang tulungan si Eun Hye o gusto n'yo lang makita iyong Bigbang?"

Napangiti si Suzy. "Gusto namin tulungan si Eun Hye, pero siyempre gusto rin namin makita ang Bigbang," sabi nito.

"Ano?"

"Maiintindihan mo rin kami, Shin Hye kapag nakita mo sila," wika ni Kaew.

Biglang bumukas ang gate.

**

Mula sa kotse, nakita ni Eun Hye ang pagpasok ng kanyang mga kagrupo sa loob ng bahay ng Bigbang.

Kasama rin dapat siya sa papasok roon, pero umatras siya.

Makikita niya na dapat si Taeyang, pero iniwasan niya.

Bakit ba siya pinanghinaan ng loob? 
Dahil ba natatakot pa rin siya na malaman na hanggang ngayon, galit pa rin sa kanya si Taeyang?

Pero kung hindi ngayon, kailan pa siya magkakaroon ng tapang?

Tama. 
Kailangan niyang labanan ang takot.

Nagpasya si Eun Hye na bumaba ng sasakyan para sumunod kina Suzy.

Lumapit siya sa gate para mag-door bell.

Magdo-dorbell na siya nang may mapansing lalaki na nagja-jogging.

Ah!
Napatakip si Eun Hye ng bibig.
Hindi kasi siya maaaring magkamali. 
Ang lalaking iyon ay si Taeyang.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sayuriMa
This story is about a girl group (OC) x Bigbang

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet