Chapter 1 *The Trainees*

SHES-K: The New Girl Group (Ft. Bigbang)

Nasa silid niya si Eun Hye, nakaupo sa kanyang study table habang nakatingin sa screen ng kanyang laptop.

Sa wakas magkakaroon na rin tayo ng pagkakataon magkausap, sabi ni Eun Hye sabay hawak sa screen.

Ang screensaver niya ay si Taeyang, member ng sikat na boyband na Bigbang.

Si Eun Hye ay isang 22-year-old na dalaga na walang sawang nag-I-istalk sa Bigbang. Iyon ay para malaman ang kaganapan sa buhay ni Taeyang.

May taas si Eun Hye na limang talampakan at anim na pulgada. Mahaba ang kulay tsokolate niyang buhok na siyang nagpapalitaw sa kaputian niya. May kalakihan ang unahan ng kanyang ngipin, pero di nakababawas sa kanyang kagandahan.

Nasabi ni Eun Hye na magkaka-chance na sila magkausap ni Taeyang dahil natanggap siya sa *DB Entertainment, ang Music Agency kung saan kabilang ang Bigbang.

Tandang-tanda niya pa kung paano siya nag-audition. Hindi iyon naging madali kaya nga parang panaginip nang sabihin sa kanya na isa siya sa limang napili para mapabilang sa bubuuing girlgroup ng DB.

At dahil nga nakapasa siya, kailangan niya munang magpaalam sa kanyang mahal na silid. Ganoon din sa mga magulang at nakababata niyang kapatid dahil sa dorm na laan para sa mga trainee ng DB Entertainment na siya titira.

Naniniwala si Eun Hye na ito na ang magiging pinto upang mangyari ang matagal na niyang gusto, ang makausap si Taeyang.

***


Dorm

Sinalubong si Eun Hye ng magiging manager nila na si Mr. Hiroto. Isa itong guwapong lalaki na may mahabang buhok.

Nakilala na ito ni Eun Hye noong orientation na ginawa matapos mapili ang limang female artist na gagawing girl group.

"Nasa loob na ang mga kasamahan mo," sabi ni Mr. Hiroto. Halata sa boses nito ang kaba. Di na nakapagtataka dahil baguhan pa lamang ito. Ang grupo nila ang una nitong hahawakan.

Pagpasok ni Eun Hye sa kuwarto, nakita na niya ang apat niyang magiging kagrupo.            

May kanya-kanyang ginagawa ang mga ito habang nakaupo sa kanilang mga kama, pero siyempre huminto nang makita siya kasama ang kanilang manager.
Tulad ng kanilang manager, nakilala na rin ni Eun Hye ang mga ito noong orientation.

"Girls. Narito na si Eun Hye," sabi ni Mr. Hiroto.

"Hi!" sabay sabay na bumati kay Eun Hye ang apat niyang makakasama.

"Magpahinga na kayo ngayon dahil bukas magsisimula na ang training n'yo," bilin ni Mr. Hiroto bago ito umalis.

"Dito ka Eun Hye!" sabi ng isa sa makakasama ni Eun Hye na si Shin Hye. Isa itong magandang dalaga na may mahinhin na tinig. Itinuro nito ang katabing kama.

May tatlong kama sa silid.

Dalawang double deck at isang single bed.
Sa ibaba ng double deck na nasa kanan ang magiging puwesto ni Eun Hye. Nasa tapat niya ang single bed kung saan nakapuwesto si Shin Hye.

"Doon mo naman ilalagay ang mga gamit mo." Ang magiging closet naman ni Eun Hye ang itinuro ni Shin Hye.

Bukod sa mga higaan at closet, may sariling banyo rin ang kuwarto nila. Mayroon ding balkunahe pero bawal silang tumambay roon.

Inayos na ni Eun Hye ang mga gamit niya. 
Ipinagpatuloy naman ni Shin Hye ang pakikinig nito sa headset.
Iyong babae na nasa itaas ni Eun Hye, si Suzy ay nagpatuloy sa pagtatanggal ng make-up
Iyon namang dalawa na nasa kabilang kama na sina Hyorin at Kaew ay itinuloy ang pagbabasa ng libro at pagsusulat.

Talaga nga bang bubuo kami ng isang grupo? Biglang tanong ni Eun Hye sa isip nang masulyapan ang mga kasama.

Kinabukasan

Maagang naghanda si Eun Hye para makapunta agad sa Cafeteria. Umaasa kasi siya na makakasabay niya sa almusal si Taeyang. Kahit sikat na ito, bahagi pa rin ito ng DB Entertainment kaya may posibilidad pa rin na kumain ito rito.

Sumilip si Eun Hye sa Cafeteria.
Tulad ng inaasahan niya kaunti pa lang ang tao.

Pumasok na si Eun Hye at naupo sa isa sa mga lamesa.

Makikita ko na kaya si Taeyang? tanong ni Eun Hye sa isip.
Plano niyang mag-stay sa Cafeteria hanggang 8:00 am since 8:00 am pa naman ang simula ng kanilang training.

"Eun Hye!" 
Nagulat si Eun Hye nang marinig niya na may tumawag sa kanyang pangalan.
Ang mga kasamahan niya lang pala na sina Shin Hye, Suzy at Kaew.

"Nandito ka na pala. Bakit di mo kami hinintay?" tanong ni Shin Hye gamit ang mahinhin nitong boses. Umupo ito sa tabi ni Eun Hye.
Kasabay nitong naupo sina Suzy at Kaew.

Medyo nahiya si Eun Hye. Puro kasi si Taeyang ang nasa isip niya. Nakalimutan na niya ang mga kagrupo.

"Sorry," sabi na lang niya.

Nginitian lang naman siya ng mga ito.

Tumayo si Kaew para tumingin ng mga pagkain."Ano kaya iyong di nakakataba dito?" tanong niya.
Maiksi ang buhok ni Kaew at may pagkaboyish ang dating. May punto rin siya kung magsalita.

Pumunta na rin sina Eun Hye, Suzy at Shin Hye sa may counter para tumingin ng makakain.

"Isa pong Rice meal, fresh milk at apple ang sa akin," order ni Suzy. 
Nang magsalita ito ay saka lang napansin ni Eun Hye na kanina pa pala nakatingin dito ang mga tao sa Cafeteria.  Siguro ay dahil napakaganda talaga ni Suzy. Matangos ang ilong nito, mahaba ang buhok, maganda ang kutis. Para itong super model. Wala nang kuwestiyon na ito ang pinakamaganda sa kanilang lima.
Pare-pareho sila ng inorder at sabay sabay na kumain.

Si Shin Hye na mahinhin kung magsalita ay  mahinhin din kung kumain. Iyon ang napansin ni Eun Hye. 
Maging si Suzy, mahinhin ding kumain. Halatang anak mayaman.

Si Kaew lang ang kung kumain ay parang nasa bahay. Di nga nahihiya kahit dumighay.

"Nasaan pala si Hyorin?" tanong ni Eun Hye. Kanina niya pa napapansin na wala ang isa pa nilang kasama.

Tumingin muna sa paligid si Shin Hye bago binulungan si Eun Hye. 
"Nagpaalam sa amin si Hyorin. Pupuntahan niya lang daw sandali iyong boyfriend niya."

"Ano, boyfriend?" napasigaw si Eun Hye.

Agad tinakpan ni Kaew ang bibig niya. "Tumahimik ka nga d'yan!" sabi nito.

"S-Sorry..." sabi ni Eun Hye.

Doon lang tinanggal ni Kaew ang pagtakip sa bibig niya.

"Nabigla lang ako. Kasi di ba bawal iyon?"komento ni Eun Hye.

"Pamangkin si Hyorin ng may ari ng DB Entertainment kaya okey lang iyon," sabi ni Shin Hye.

"At isa pa, ang boyfriend ni Hyorin ay member ng sikat na boyband na 2pm," dagdag ni Kaew.

"Pamangkin? 2pm?" Namilog ang mga mata ni Eun Hye. Hindi niya kasi akalain na ang nakasabay lamang nila noon sa audition na si Hyorin ay bigatin pala?

"Ang galing!" nasabi na lang niya.

"Ang swerte niya no? Si Taecyeon na member ng 2pm pa talaga ang naging boyfriend niya," nangingiting sabi ni Kaew.

"Huh! Di naman iyon nakakabigla. Mas magugulat ako kung ang boyfriend niya ay isa sa Bigbang," sabi ni Suzy.

Napatingin si Eun Hye kay Suzy. Siyempre dahil ang binanggit nitong boyband, ang Bigbang ang kinabibilangang grupo ni Taeyang.

"'Yung Bigbang... kumakain ba sila rito?" biglang natanong ni Eun Hye.

"Asa ka naman. Malabo iyon!" sagot agad ni Suzy. "Iyong mga sikat na grupo madalang ng kumain dito," dagdag pa nito.

"Ganoon ba." Napatungo si Eun Hye.

"Oh, bakit parang nalungkot ka?" tanong ni Kaew sabay hawak sa balikat ni Eun Hye.

"Don't tell me may crush ka sa kanila?" tanong naman ni Suzy.

"Di naman iyon nakapagtataka," sabi ni Kaew.

"Teka teka..." sumingit si Shin Hye. "Sino iyong Bigbang?"

Napatingin sa kanya ang lahat.

"Nag-jo-joke ka ba? Hindi mo kilala ang Bigbang?" gulat na gulat na tanong ni Kaew.

Umiling si Shin Hye.

"Are you serious?  Saang planeta ka ba naggaling?" napabulalas si Suzy.

Ngumiti lang si Shin Hye.

"Hay naku! Wag ka ngang magjoke," sabi ni Suzy. "Balik tayo sayo, Eun Hye." Tumingin uli si Suzy kay Eun Hye. "Ano? Sino iyong crush mo sa Bigbang?"

"A-Ang totoo niyan... si Taeyang..." nabubulol na sabi ni Eun Hye.

"Si Taeyang?" sabay na sambit nina Kaew at Suzy.

"Ang Dance floor prince na si Taeyang pala ang crush mo?" excited na sabi ni Kaew.

"Ah, teka. Hindi. Hindi." Isinenyas ni Eun Hye ang kanyang kamay. "Hindi ko crush si Taeyang."

"Hindi mo siya crush? Eh bakit mo siya binanggit?" nagtatakang tanong ni Suzy.

"Ah..." parang nahihiyang magsalita si Eun Hye.

Nakita niya ang matiim na tingin sa kanya nina Kaew at Suzy.

Napalunok siya.
Ayaw niya sana itong sabihin sa kahit kanino, pero mukhang wala na siyang pagpipilian. Kung sabagay mukha namang mapagkakatiwalaan ang mga kasama niya.

"Si Taeyang, half brother ko siya."

***

S T A R R I N G

S T A R R I N G

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sayuriMa
This story is about a girl group (OC) x Bigbang

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet