2017

Old & Cold

"Hayyy.." Sa dinami dami ng nilinis ko dito sa kwarto ko, yan nalang nasabi ko.

Sabado kasi ngayon, perfect time para matapon lahat ng pwede nang maitapon. Nasa malalaking box na yung ilang basura/gamit na itatapon ko, konti nalang okay na. Lilipat na kasi ako ng bahay next week. I'm already 26 and naisip kong kailangan ko na bumukod. Wala naman problema sa parents ko, mas gusto nga nila tong plano ko para daw maging independent na ako. So.. Yun. I'll be free!

Iidlip na sana ako, since past 3 na ng hapon. Pero ano yun? Narinig kong may bumagsak galing sa study table ko. Naknang! Bigla palang tumalon yung malaking mingming ko sa table. Nagkalat tuloy uli yung mga itatapon ko na. Kainis!

Pero.. What's that??

Pinilit kong bumangon sa kama ko, bigla kasi akong kinabahan. Yung feeling na parang may ayaw kang malaman? Napakunot noo nalang ako.

Dinampot ko yun sa sahig though nagkalat na yung mga laman nya.

It's a small box na binili ko pa sa Papemelroti. Kelan? I can't remember. 

Isa-isa ko naman dinampot yung mga laman nun.

Greeting card na galing kay Nanay.

Nakatupi na lalagyan ng Jollibee fries. 

Papel na may panagalan mo and smiley.

Strap ng Spongebob wrist watch.

Wallet size picture mo.

Scratched birthday letter.

And a tiny notepad.

Well.. All of this immediately reminds me of you.

Yes. All about you.

 

All about us.

 

Bae Joohyun.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet