(1)

Hints

"Kailangan ko ba talagang gawin 'yon?" Hindi ako mapakali sa sobrang nerbyos. Sa lahat naman kasi ng ipagagawa niya sa'kin, 'yun pa talaga!

 

"Oo, Ju. Simple lang naman gagawin mo e, lalapitan mo lang siya at i-kikiss mo sa lips. 'Yun lang. Tapos." Ani Coleen habang nagreretouch ng kanyang make-up. Nandito kaming dalawa sa garden ng school, nakaupo at hinihintay dumaan ang magiging biktima ko. talaga! Hindi ko naman 'to first kiss pero sobrang kabado ako! Limang segundo, limang segundo lang ang kailangan ko at matatapos rin 'to. Bakit siya pa kasi?!

 

"Una, natalo ka sa bet natin. Pangalawa, ito na yung chance para makapag-revenge ako kay Jenny dahil sa ginawa niya sakin. Nakalimutan mo na ba kung gaano nakakahiya yung nangyari?!" Nasabi ko ba nang malakas 'yun? Napalakas ang pagsara ni Coleen sa kanyang foundation dahil sa galit. Humarap ito sa'kin at hinawakan ang pareho kong kamay, "Please, Ju, do this for me? Please please please?"

 

I sighed. "Una at huling beses ko na 'tong gagawin. Sa susunod na matalo ka sa bet natin, mag-ready ka na, okay?" Wala na rin akong magagawa. Sigurado akong ito rin ang ipagagawa niya sakin kapag matalo ako sa susunod naming bet. Better to do it now than later.

 

 

Ilang minuto pa ang lumipas at maya-maya'y natatanaw ko na ang biktima ko, papalabas ito ng Arts Building at mukhang nagiisa siya. Mabuti naman at madali kong magagawa ang mission ko.

 

Tumayo ako sa kinauupuan ko at niready ang aking sarili. Inhale. Exhale. Kaya mo 'to, Ju! Para sa kaibigan mong binuhusan ng juice!

 

 

Naglakad na ako papalapit sa kanya, narinig ko pa ang sigaw ni Coleen na, "5 seconds, Ju! 5 seconds!"

 

! Pakiramdam ko natutunaw na mga binti ko sa nerbyos! May panahon pa naman ako para mag-back out, di ba? May ibang paraan pa para makapaghiganti si Coleen kay Jenny?

 

Ilang metro na lang ang layo niya mula sa akin. Napakagwapo niya talaga, isa siya sa mga lalaking pinalad magkaroon ng powers na magandang magdala ng school uniform. Un-buttoned na ang polo nito at nakalantad na ang white shirt sa loob. Kahit nakasabit ang kanyang bag sa kaliwang balikat ay para parin itong model kung maglakad. Sumasabay ang itim niyang buhok sa ihip ng hangin. Napakagandang tanawin. Pakiramdam ko nag-slow motion ang lahat at siya lang ang nakikita ng mga mata ko.

 

Hindi ko namalayan na tumigil pala ako sa paglalakad at nalampasan niya na ako. , 'yung mission ko!

 

Agad ko siyang hinabol. Hinila ko siya sa kanyang braso, iniharap sa akin, at hinalikan sa labi. Sobrang lambot ng mga labi niya. Hindi ako makagalaw, nanatili akong nakakapit sa kanyang braso habang ang kabilang kamay ko ay nakahawak sa kanyang dibdib. Hindi ko alam kung ilang segundo na ang nakalipas, lumampas na yata ng limang segundo. Lalayo na sana ako nang maramdaman ko na mas inilapit niya pa ako sa kanya; one hand on my back, the other at the back of my head.

 

"Wai—" Hindi niya ako pinatapos at agad akong hinalikan ulit. I felt him deepening the kiss. Nakaramdam ako bigla ng mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nagrerespond na pala ako sa halik niya.

 

"Is it done?" Tanong niya nang matapos ang eksena namin sa gitna ng garden. Ang lalim ng kanyang boses, I could listen to his voice all day at hindi ko ito pagsasawaan. Nakahawak parin ito sa baywang ko at ilang sentimetro lang ang agwat ng mga mukha namin sa isa't isa.

 

"A-ano, uh, ka-kasi, ano, o-oo tapos.. na.." Hindi ako makapagsalita nang maayos. Ang lakas ng tibok ng puso ko na pakiramdam ko rinig na rinig niya.

 

Tumawa lang ito nang marahan at iniwan na akong gulat na gulat sa pangyayari sa gitna ng garden. Hindi ko napansin na marami pala ang nakasaksi sa eksenang ginawa ko—namin pala.

 

 

What the crap just happened?!    

 

--------

DUN DUN DUN~

My life's been crazy ever since I heard these guys. SOOOBRANG TALENTED AND THEY SOUND SOOOOO FRICKIN GOOD LIVE!!!!!  I'm so addicted to the point na walang araw na dumaan na hindi ko sila pinakikinggan. T_______T

 

Also, I'm so sorry Jae, Mr. Steal Yo Fans got me as well. But I still love you of course!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Smiley_Noona
#1
Chapter 1: Bes hahahaha di ko kinaya ahahahaha