.001

Paano

Pagbigyan niyo na ako.

 

Paano kita aagawin kay Coco Martin?

Ilang taon na rin tayong magkasama pero parang tila sa iba nakatingin ang iyong mga mata.
Para kang lutang na dalaga ngunit napaka ganda,
Naalala ko tuloy yung una kitang makilala, pucha!
Nagningning ang aking mga mata, na pasabi ako sa sarili ko na “Uy. Lord siya na ba?”
Ngunit may problema.
May gusto ka daw na iba—Si Coco Martin pala.

Kailan mo ba ako mapapansin,
 yung tipong tayong dalawa lang tapos walang sisingit sa atin.
Handa naman ako ibigay ang gusto mo,
naalala mo ba nung wala kang upuan?
Agad akong Tumayo, inalok yung akin sabay sabi na “Pwede bang makuha ang iyong pangalan?”

Bumilis ang tibok ng puso dahil sa mga labi mong kay pula ang tawang kay sarap sa tenga.
“Roa”
Kusa itong nadagdag sa akong bokabularyo,
Handang palitan ang ibig sabihin ng Marikit ng Pangalan mo.

 

Naalala mo pa kaya yung ako yung kumukuha ng tubig mo kasi ayaw ko na napapagod ka,
Yung iooffer ko yung payong ko tuwang umuulan kahit ako na ang mabasa pero tangina nakaka pito ka na.

 

Tuwang tuwa ako nung unang araw na nagka-time tayo sa isat-isa.
“Nanunuod ka ba?” tapos tinanong kita “ng probinsya no ba?”
Aba pucha! Yung parang may magic naka ngiti ka kaagad,
Kulang na lang tanungin mo si Coco ano sikreto niya para mapangiti ka

 

Di naman sa nanliliit pero mas matangkad pa ako sa kanya
Kailan ko rin bang maging maliit para maging katulad niya?
O di naman kaya maging bulol sa ‘S’ para mapasaya ka.

 

Naalala ko nung araw na nakanuot ang aking mga noo,
Naka tingin ka sa phone mo,
at tila ba abot langit ang ngiti mo
Akala ko may iba nang nagpapatibok ng iyong puso
Nanunuod ka lang pala ng probinsyano.

 

 

Di ko na napigilan ang sinearch yung favorite mo,
Nagmarathon ako nung palabas niya para naman lumakas ako sayo,
At nagbunga lahat ng paghihirap ko nung nagtanong ka,
“Nanunuod ka ba?” automatic ko naman na sinagot na Oo,
Para bang tumama ka sa lotto kasi may mas-share-an ka na ng pag fafangirl mo kay Coco.

Halos siya na ang laging lumalabas sa bibig mo,
Paano naman ako?
Nagmamahal sayo, lugi pa nga ako kasi halos dalawang taon na tayong magkasama pero
Si Coco pa rin yung dahilan ng pag ngiti mo.

 

Pero dahil nga nag research ako tungkol sa kanya,
Sabay na tayong umuuwi habang pinaguusapan siya,
Minsan na bobore na ako kasi puro siya ang sinasabi mo pero pinigilan ko dahil baka isumpa mo ko sa dulo ng empyerno.

 

Isang araw pagod na pagod ako ngunit pinilit ko buksan ang aking T.V
Kakatapos lang ng tV Patrol at napangiti ako kasi next na yung paborito mo.
Ilang beses na Cardo nakulong sa kulungan pero di pa rin tapos ‘to napapamura na lang ako
Kasi di ko alam nagustuhan mo dito.

Kinabukasa, malungkot ang iyong mga mata tapos tinanong kita
“Di kasi ako nakanuod kagabi” ang sagot mo,
Tapos pucha tinake advantage ko na ang panahong iyon
Agad kitang tinabihan tapos kwinento ang mga pangyayari,
Nakita kong nanumbalik ang iyong mga ngiti,
Pinatong mo yung baba mo sa ibabaw ng iyong mga kamay sabay tingin sa akin.

Mahal ko na Si Coco. Sigaw ko sa isip ko
Kasi dahil sa kanya nagging close ako sayo.

 

Pero kalian kaya kita mapapangiti ng ako ng dahilan.

Isang araw habang tayo ay magkasama, pinahiram ko sayo yung jacket ko
Kasi ayaw ko na mahamogad ka.
“So anong tingin mo sa kanya?”

Napainhale ako ng matagal,
“Promising siya, ang galing niya mag deliver lalo pag action scenes na.”
“Iba talaga si Cocoa”
Kumunot ang iyong mga noo “Cocoa?”
Tapos sabay sabi ko “Bakit ano ba?”
“Coco” Sabi ni Roa
“Ay, oo nga coco pala” palusot kong sabi habang pinipigilan ang tawa.

 

 Hinampas mo ako sa aking braso, di ko alam kung napalakas ata
O talagang bayolente ka,
Pero okay lang kasi napatawa kita.

 

“KYUNGWON ANO YAAAN?” Napatigil sa pagsusulat si Yuha ng biglang may nagbukas ng pinto ng kanyang kwarto. Agad niyang sinara yung notebook na nakapatong sa table niya.

“M-minkyung!” Yung ngiti niya pilit pero napaniwala niya yung babaeng nag invade ng space niya.

“Ano ‘yang ginagawa mo?” Kulit ni Minkyung habang pinipilit na umupo sa tabi ni Yuha. “Nagsusulat ka?”

Napailing naman si Yuha. “Wala!” Sabi niya sabay tuloy na may kasamang nginig na tawa. “Anong ginagawa mo rito?”

Napa-pout naman si Minkyung, “Tara na!” Sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Yuha “Probinsyano na, gusto ko manuod ng kasama ka!”

 

“Bukas sabay ulit panuorin yung probinsyano na may ngiti sa ating mga mata pero this time hawak hawak na kita.”

 

Sabay silang umalis sa kwarto ni Yuha ng biglang napatigil si Minkyung “Mauna ka na!” Sabi niya at agad naman tumango yung isa. Hawak ni Minkyung yung door knob habang masama ang tingin sa mga poster na naka dikit sa pader ng kaibigan niya.

“Paano Kaya kita aagawin kay Liza?”

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
lisayuha
#1
Chapter 1: KINILIG AKO HAHAHAHA
gentlewans
#2
Chapter 1: PUTA ANG GANDA HAHAHAHAHAHAHA AYLABET ANG SAD PERO DAMI KO TAWA
supergirl678 #3
Chapter 1: Hala ka hahahahaha kilig si aqoe
internationalFan #4
Chapter 1: HAHAHAHAHAHAHHAHAH DAMN HAHAHAH
MOGURITHEGAY #5
Chapter 1: jusko po. HAHAHAHAHA