Ang Alamat

Ben 10


"Ako nga pala si Bh0szxc Yo0nqih, but you can call me Yoongi."


Isang fantastic group, pitong miyembro. Isa na si Yoongi doon at siya ang assistant leader ng kanilang leader na si Mik NoojmaN, but you can call him Namjoon.

May bagong recruits; five plus two equals 7, kaya sila nasa school cafeteria na tila mga gangster ang dating - maliban sa dalawang bago. Introduction daw. To get to know each other better. Walang imik ang dalawa, daig pa ang patay, at lubos na nahihiya sa mga kasamang mala-Daniel Padilla sa She's Dating the Gangster.

Ang Bulletproof Boyscouts.

"Ang corny, pota," imik ni Jungkook XD (pronounced Jungkook Ex-dii) but Jungkook is fine. Maliban na sa isa sya sa mga pinakaunang miyembro ay siya rin ang pinakabata sa lahat, and the second best in swearing.

"Isa na lang, Jungkook," pagalit na sagot ni Yoongi.

Sa gitna ng mesa ay sina Jimin at Taehyung, the new recruits. Wala nang initiation, diretso na kung diretso, lumapit ka lang kay Jungkook miyembro ka na agad.

Kaso hindi talaga kilala ang grupong Bulletproof Boyscouts. Kaya nga limang members lang after 3 years (pito na ngayon), kahit ang dali lang sumali. Tila ba't nariyan lang sa harapan ang pinto patungong CR ngunit hindi pa rin ginagamit ng mga mag na-number 2, kahit halfway there na yung brown uod, kasi sira yung flush.

Founded on 2013, on a rainy afternoon, nung muntik nang mabaril si Namjoon dahil nasira niya yung railing ng Palawan Pawnshop. Nasiko lang, naputol na agad. Siyempre todo in action talaga si manong guard. "Hup! Taas ang kamay!" Sigaw niya noon, daig pa si Shaider.

Siyempre si Namjoon, kahit huminga lang sira na agad yung building. Pero inosente sya, nanonood pa ng Jeepney TV, mahilig sa mga bulaklak, at idol si Rizal.

"Mister, it was an accident!" Sigaw ni Namjoon.

Tumakbo na palabas ang mga tao sa pawnshop, pati yung mga nagtatrabaho don lumayas na. Siya nalang natira. He's surrounded. Nakakahiya, pero hindi naman talaga niya kasalanan yun. "I'm sorry," sabi nya habang kaway-kaway ang naputol na bakal, at yung putanginang guard na  parang pasmado yung kamay eh akalang aatake si Namjoon. Kaya ayon, beng, binaril niya.

Hindi agad nakapag react si Namjoon. Bumulagta sya, on the cold, hard, Palawan Pawnshop ground. Ang huli niyang nakita ay ang Palawan Express Rates poster na nakadikit sa pader. "," ungol niya sa sarili, "I've yet to live a good life, , , errday."

Akala ng lahat iyon na ang katapusan ni Namjoon. But they were wrong. He was alive. Na-trauma, pero buhay na buhay. Bakit nga ba?

Well, alam nyo ba yung maliliit na ulo ng kalabaw na inilalagay ng mga boyscouts sa green bandana na pang filipiniana style? (Pota ano daw) Suot niya yon, walang nakakaalam kung ano ang nakain niya noong araw na iyon kung bakit suot niya, at kung bakit may small kalabaw head sya in the first place. Hindi naman sya naging scout. Pero it saved his life. Yung ulo ng kalabaw ang natamaan. May impact ang pagtama ng bala, pero hindi tumagos, walang dugo.

"Potangina! Buhay sya!" Sigaw nung isang bata na nakasilip sa pader, sabay sampal ng nanay nya sa pisngi.

Lumapit si manong guard sa nakabulagtang katawan ni Namjoon. Humihinga pa. Buhay pa talaga. Nakatutok pa rin ang baril sa kanya.

"Please," iyak ni Namjoon, "I'm innocent. I just wanted to claim my money and eat." Naawa si manong guard, naiyak rin. Pero hindi pa niya kailangang pakawalan si Namjoon. Kailangan pa nilang tignan ang CCTV at kung may criminal records na ba si Namjoon.

Kaya ayon, tinignan nila ang na record sa CCTV, aksidente lang talaga. Nasiko lang. Featherlight elbow touch. At wala naman records na masama si Namjoon kaya pinalaya na sya, syempre. At kumain.

Syempre, humanga rin si Namjoon sa small kalabaw head.   Ni sarili niya hindi niya alam kung bakit suot niya yon. Pero hindi na niya iniisip yon, thankful lang talaga sya. "I'll treasure you forever," sabi niya sabay hikbi.

Pagkatapos niyang kumain ng siopao sa 7/11, dumiretso na sya sa apartment nya. Magbibihis na sana sya pero hindi nya mahubad si Tito Bao (si carabao head). "The ?" Sabi niya after ilang attemps, parang di ata magpapatalo si Tito Bao.

Balak sana nyang magpadoctor pero parang nakalunok talaga siguro ng buhay na ipis si Namjoon.

"Wait... this is probably a sign," sabi ni Namjoon, "maybe... maybe I should gather people to know Tito Bao's goodness...this is probably why it's forever stuck to me.

"Tito Bao... I am in awe of you... I will serve you forever... without you I could have died."

Kaya ayun. Tinawagan nya sina Hoseok, Yoongi, Jungkook, at Jin. Mga sira-ulo rin naman sila kaya sumabay naman sa gimik ni Namjoon.

Parang club lang. Or yung mga clan sa Facebook. "Bulletproof Boyscouts," dineklara ni Namjoon sa apat pa na members. "That's what we'll call ourselves. Because Tito Bao is bulletproof, and this is what boyscouts wear, right?"

"You are very correct!" Sagot ni Jungkook. Exciting na exciting daw, sabi niya.

"Teka, if di mo mahubad si Tito Bao, araw-araw na yang get-up na yan? Half boyscout ka na?" Tanong ni Jin.

"Exactly what you said, John," Sagot naman ni Namjoon, tumatango, "ipapasok ko na lang ang sarili ko sa washing machine if that's the only solution."

"Very smart!" Sigaw ni Jungkook.

And that's the story of how the group was made.

"Jimin, pwede ba mag backout?" Bulong ni Taehyung kay Jimin.

 

 

 

-

1; end

 

putangina niyong lahat hahahaha

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rumourhasit12
#1
Chapter 1: SHET =))))))
loilisweet #2
Chapter 1: potek HAHAHAHAHAHA laughtrip hmmmffff