Sticking with the plan

Bubble Gum

Ako si Park Jaeri. The one and only cute sister of pandak Jimin. Joke! Anyways, kanina pa ako naiinis kasi palakad lakad si kuya sa sala.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

"Hoy kuya! Ano ba! Kanina ka pa palakad lakad diyan mahihilo na ako sayo eh! Hay nako..." inis na sabi ko. "Tumahimik ka nga Jae! Nagiisip ako eh!" sabi nya at linagay yung kamay niya sa baba niya. "Ano ba kasi yang problema mo? Lalim ng iniisip... ahaha malalim parang tangkad niya!" asar ko sa nalilitong Jimin. "Huwag ka nga!" irip niya. "Eh ano nga ba kasi yung pinproblema mo? Huh?" tanong ko. Inayos ko yung upo ko sa sofa upang tignan siya ng maayos. Talaga 'to, dapat tangkad niya nalang inaalala niya eh. Hmph. 

"Mapapagkatiwalaan kita diba?" sabi niya. Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin.

"Oo na, oo na! Ano ba kasi yun? Parang awa mo na Park to the Jimin ano ba yun?" inis na inis na sabi ko.

"Ano kasi... uhm... may group project sa school... apat kami.... kasama si bubble-

"Oh my gosh si ate Y/N! Yung crush mo na binigyan ka ng bubble gum?!" tuwang sabi ko sakanya.

"Tumahimik ka nga. Oo siya nga! Siya nga! Hay dapat talaga di ko na sinabi sayo..." sabi niya at minasahe yung ulo niya. 

"Kuya~ Ayiee! Teka saan daw kayo magkikita? Dito sa bahay?" tanong ko sakanya. "Hindi eh... Love Cafe daw? Yung malapit doon sa binbilhan natin ng siopao..." sabi niya.

"Love Cafe?" ulit ko. "Oo nga Love Cafe! Pangalan palang kinakabahan na ako eh!" sabi niya at pinunasan yung noo niya. "Grabe nanadiya kung sino 'man nag sabi na doon kayo mag kita ha... anong oras? Anong susuot mo?" sabi ko sa kinakabahan na Park Jimin. "Ay oo nga pala! Jae naman ba't ngayon mo lang pinaalala?" sabi niya sakin. Hinawakan niya yung balikat ko at inalog ako ng pabalik balik. "Pinaalala ako ba ang pupunta?" sagot ko. Aha!

"Good idea... kung sumama kaya ako sa inyo?" sabi ko. "My God Jae..." binitawan niya yung balikat ko at minasahe yung ulo niya. "Best sister mo talaga ako no?" 

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

"Uy Jae okay na ba 'to?" tanong niya. Tinignan ko yung suot niya. Plain. Just too plain. "Una sa lahat, hindi basket ball* court yung pupuntahan mo. Kundi cafe. Isang cafe na medyo sosyal. Kaya dapat sosyal din ang tingin mo. Tingin mo magugustuhan ka ni ate y/n pag ganyan suot mo? Mas mukha kang pandak sa basket ball shorts na yan eh." sabi ko sa kanya. Huminga siya ng malilim at tumingin ng masama sa akin.

"Ano?" tanong ko.

"Huwag na nga. Papalitan ko nalang 'to." sabi niya. Nung nawala na si kuya sa pagmumukha ko, napangiti ako. Andami kong plano na iniilista sa utak ko ngayon. Mission #1, Senpai noticing pandak Jimin.

"Hoy ano yung nginingiti mo diyan? Okay na ba 'to?" biglang may boses akong narinig sa kanan ko, at nakita ko si kuya ng nakasuot ng puting polo at black slacks na medyo tight. "Yan!" sabi ko. "'Di ba masyadong formal?" tanong niya. "Asus. Sabihin mo nalang ako nag sabi na mag suot ka ng ganyan. Eh kahit di ko naman 'to sabihin ako parin sisihin mo." sabi ko as-a-matter-of-fact.

"Eh ikaw naman talaga-

"Oo na, oo na. May bibigay ka ba kay ate y/n?" biglang napatingin si Jimin sa baba at ngumiti ng konti. "Grabe 'tong manliligaw na 'to. Lika na nga, bili tayo ng maiibibgay. May pera pa ako galing kay mommy." sabi koat tinaas yung wallet ko.

"The best ka talaga!" sabi niya at yinakap ako. "Alam ko. Pero 'di basta basta ha. Tutulungan kita kung bibilin mo ako ng bagong earphones next week. Okay?"

"Naman... sige na nga! Pasalamat ka mabait ako." sabi niya at ngumiti ng malaki. "Sus mabait siya nga napagalitan kahapon dahil1"

"Tama na! Tama na! Bilisan na natin! 2:30 na oh!" 

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

"Kuya kung bubble gum nalang kaya bigay natin. Dami dito oh. Iba iba pang flavor." sabi ko at pinakita yung isang cabinet na puno ng bubble gum. "Kainis ka talaga Jae." sabi niya tumitingin parin sa ibang gamit. "Seryoso! Tignan mo nga oh!" sabi ko at binigyam siya ng 'Wetermelon Bubble gum'. "Sige na nga isama ko na 'to. Kulit mo rin eh no." sabi niya at kinuha yung bubble gum.

Marami siguro sa inyo ang nagtataka kung bakit "Bubble Gum" ang tawag namin kay ate y/n. Flashback muna tayo in 3, 2, 1. Tadaa!

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

*START OF FLASHBACK*

"Kaantok naman tong klase na 'to..." sabi ni Jimin sa sarili. Parang halos isang oras na siyang naka-upo nakanganga. "Hay..." bulong niya sa sarili. "Psst. Hoy." sabi ng boses sa tabi niya. "Huh?" tanong niya. Tumingin siya sa tabi niya. ISang babae na naka blue na sweater at skinny jeans* na punit punit. Ngumiti siya ng malaki at sabi "Gusto mo? Inaantok ka na diyan eh." inalok niya ynug bubble gum* na kulay asul at tinignan si Jimin. 

Tumawa ng konti si Jimin at kinuha yung bubble gum. "Thank you ha." 

"Iingay niyo ha! Ano yung nginunguya niyo diyan? Mr. Park, Ms. Lee kung pwede sa labas nalang kayo mag ingay." sabi ni Proffessor Do.

"Oo nga pala. Nasa uni na kami, wala na silang pake kung lumabas kami..." isip ni Jimin. Nung nakalabas na silang dalawa, siniko ni y/n si Jimin. "Ano?" Tanong ni JImin. "Pft. Ikaw kasi eh! Halata!" sabi ni y/n. "Sus. Eh dinamay mo ako eh!" sagot ni Jimin at pinutok yung bubble gum mo. "Ikaw talaga... Mamatay ka sa akin- Ano nga pala pangalan mo?" 

"Park Jimin. The one and only cute and mischievous Park Jimin."

"May ganoon pa ah. Edi ako si Batman. Di biro lang. Ako si Lee y/n. Yung babaeng dinamay ka gamit ang bubble gum."

*END OF FLASHBACK*

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Sarap siguro ma-inlove... sus inlove na nga ako sa pagkain eh. Ahaha.

"Hoy Jae! Okay ba ito?" tanong ni Jimin. Sinundan ko siya at nakita yung hawak hawak niya na bracelet. "Aba red string..." sabi ko at sinuntok ng mahina yung braso niya. "Eh the best nga ako diba? Tignan mo 'to tag isa kami." sabi niya. Tinignan ko si kuya at ngayon ko lang nakita yung side na ito sa kanya. Yung sobrang sincere ng ngiti niya... yung ewan... basta abot taenga yung ngiti niya. "Okay ha. Iba ka rin kuya noh? Ito wallet ko bayaran mo na." 

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Ayun, natapos na sa "shopping for y/n" namin. Pumasok kami sa Love Cafe at pinagmasdan ko yung cafe. Grabe... daming pag pipiliian na cafe. "Uy kuya tignan mo yun oh. Cute nila noh?" tinuro ko yung isang magkasintahan na waitress at customer. Grabe, buhay na buhay ang pag ibig dito... ang sarap sa pakiramdam. "Yo Jimin!" sigaw ng isang kaibigan ni kuya, ah si Namjoon. "Pormal naman 'ata ng suot mo?" sabi ng isa niya pang ka grupo na si Minhee. "Eh kasi ito ang kulit oh!" sabi niya at ginulo yung buhok ko. "Kuya naman oh!" irip ko at inalis yung kamay niya. "Ah kasama pala si Jae. Hi!" sabi ni Namjoon at nag hi-five. 

Nakalimutan ko sabihin sa inyo. Sumama rin ako dahil ka grupo ni kuya si crush. Minsan talaga nagpapasalamat ako na may kuya ako na sikat. "Bubble tea nanaman binili mo?" tanong ni Minhee kay y/n na biglang sumulpot. "Aba siyempre naalala ko bubble gum dito eh." sabi ni y/n at sinipsip yung inumin niya. 

"Ah Jimin!" sabi ni y/n at nag hi-five. "'Kaw talaga... nakakapagod tumayo upo na tayo."  sabi ni Jimin. 

Mission #1 success! Napansin na si pandak Jimin! Mission #2 is to give them moments.

"Right this way..." sabi ni Namjoon at dinala kaming lahat sa isang table. 

Bale lima kami, so dalawang upuan na magkatabi at tatlo na magkakatabi sa kabilang dulo... "Kuya tabi kami ni ate Minhee dito please!" sabi ko. Naiisip ko na mas maganda kung kami ni Minhee yung nasa dalawahang upuan tapos sila doon sa tatlo. "Huh oh sige..." sabi ni Jimin. Umupo si Namjoon sa kanang upuan. Perfect. Dalawa nalang natitira. Ahaha~

"Kuya Namjoon, bakit sa Love Cafe mo na isipan mag meet?" tanong ko. Di lang dapat si kuya ang may chance kay crush, dapat ako rin. "Cute..." bulong niya sa sarili na narinig ko. "May sinabi ka ba?" kunwaring di ko alam. Misan kasi dapat kunwari tanga ka eh. "Ah hindi wala. Uhm, naisipan ko dito kasi project namin mag sulat ng love story sa Literature. Diba parang perfect dito mag kita?" sabi niya. Hay nako ito ayaw ko sa lahat eh! Kapag matalino siya parang sobrang gwapo niya! Ang lakas ng tingin aatekihin na ata ako- 

"Hoy Jae huwag ka masyadong makipagdaldal kay Minhee kasi may project kami." paalala ni kuya. Panira naman nito. "Don't worry~ Ako pa." sabi ko at nag flash ng 'sarcastic smile'. "Malay mo makatulong pa si Jae sa atin. Diba?" sabi ni ate y/n at tumingin sa akin. "Hm... opo!" sagot ko. "Bakit sa akin di ka nag 'o-opo?'" "Pandak ka kasi." asar ko. Biglang tumawa silang lahat. Ah yung ngiti niya~ Namjoon ano ka ba!

"Simula na tayo!" sabi ni Minhee at ngumiti.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Sampung minuto na yung lumpias pero wala manlang sa kanila ang nakaka-isip ng plot. Hay buhay estudyante... "Kuya bibili muna ako ng maiinom ha." sabi ko at tumayo. "Hm.. sige." sagot ni kuya. Ang cute nila ni ate y/n tignan. Yung parehas silang nakatunganga sa papel tapos ang lalapit ng mukha. "Ate isang Frappe Latte po." sabi ko. "Ah okay. Anything else?" tanong niya. "Wala po." sagot ko. Bingay ko yung pera at inantay yung recibo* ko. "Kuya mo yun diba?" tanong ni miss cashier.

Bakit niya tinatanong? Alam kong gwapo si kuya pero please lang ha magiging taken na yan. "Opo." grabe yung two sides ko. "Bagay sila ng babae na yun oh! Parang magkakapalit na yung mga mukha nila! Ah ang cute! Sila ba?" tanong ni miss cashier. I take back what I said earlier. 

"Ahaha. Yes kuya ko yan! Bagay nga sila eh! Mag confess na siya mamaya!" sabi ko. Tumili kami ng mahina dahil sa kilig. Bagay talaga si kuya at si ate y/n eh! "Ate anong pangalan mo?" tanong ko. "Ah ito. Ms. Yui. Half chinese ako eh." sabi ni ate Yui. Ganda niya talaga. Lalo na yung mga mata niya. "Ah okay. Ako si Jaeri. Ganda pala dito sa Love Cafe babalik rin ako paminsan minsan." sabi ko. "Uy ikaw ha." bigla niya sabi at lalong lumaki yung ngiti. "Huh? Bakit?" tanong ko. "Nakita ko yung blush mo nung nag 'hi-five' kayo ni long legs ha. In fairness cute niyo." sabi niya. Ayun tuloy, nagkulay rosas yung pisngi ko. "Oh ito na kape mo. Enjoy!" 

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Nung bumalik ako, biglang nawala sila kuya at ate y/n. Eh kanina lang- haba siguro ng usapan namin ni ate Yui... "Ate Minhee, nasaan si kuya at ate y/n?" tanong ko. "Ah si Y/N may naiwan daw sa sasakyan... sumama si Jimin eh." sagot niya. "Ah..." sabi ko at umupo sa tabi niya. 

Mission #2 success! Mission #3 ay sana sila na... grabe si kuya marungnong mag 'The Moves'.

"Kanina pa ba sila umalis?" tanong ko. "Di naman gaano... mga kaninang... limang minuto (?)" sagot naman ngayon ni Namjoon. 

"Ah salamat... so may na simulan na ba kayo?" tanong ko sa dalawa. "Oo. Ito oh. Ang storya ay- Oh Jimin!" 

Napatingin kami lahat sa harap. Magkasama si kuya at si ate y/n na magkahawak kamay. Teka lang ha-

"Teka! Bakit- Kayo na?" tuwang sabi ko. "From this day on, it's official." sabi ni Jimin at naghiyawan kaming lahat. Sorry nalang sa mga employado pero magiingay kami dito. 

So that means, Mission #3 succes!

"Ate kita ko yang nginunguya mo ah! Ako pumili niyan!" sabi ko. Ang saya ng araw na 'to... sana ako rin balang araw...

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Sticking to the plan turned out well... paano ba kasi eh ako yung bubble gum na nagdikit sa kanila? Tigilan mo na nga Jaeri! So kung kayo ay mga evil but the best sisters na katulad ko, I advice you to just "Stick to the plan" kahit ano man yan. At! paparaan rin kayo kay crush ha! Until next time, Park Jaeri.


 

*basket ball- alam kong basketbol yun kaso ang awk kaya english nalang.

*skinny jeans- pantalon alam ko pero skinny..(?) ano yun masikip?

*bubble gum- chiklet tawag dun kaso di ko alam kung tama XD

*recibo- mali ata spelling ko .-.

Asianfanfics.com©

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet