Akin to, akin ka.

Description

Parehas na cafe at flavor; pero kung sayo yun dapat sayo lang diba? "Uy bumalik ka dito akin yan!" 

Foreword

Sinong magkaka-akala na dahil sa isang Iced Americano ay magkakatagpo silang dalawa?

"Kung ano ang sa akin, akin lang. Kung ano ang sayo, bahala ka na sa buhay mo." Yun ang paniniwala ni Myungsoo pagdating sa mga bagay na pagmamay-ari niya

Si Myungsoo ay isang photographer at part-time model sa kanyang companya. At doon, nagkaroon siya ng matatalik na kaibigan.

"Ey, Myungsoo! Anong hinahanap mo?" tanong ng kabigan niya na si Dongwoo; si Dongwoo ay isa sa matatalik niyang kaibigan sa companya. "Yung bamboo pillow ko? Nakita mo ba?" tanong ni Myungsoo sa kaibigan niya habag kinakamot yung ulo. Bigla namang tumawa si Dongwoo sa tanong niya. "Tanga. Ayun oh nasa likod mo!" sabay turo niya habang tumatawa. 

"Myung, bago tayo mag meeting mamaya bili ka ng kape. Pito; alam mo na kung ano, anong flavor." at isa pa na si Sunggyu. A.K.A, manager niya. Sa totoo lang, ay ni Myungsoo ang mautusan lalo na kung ibig sabihin nun lalabas sa kanilang bahay. "Bakit ako?" inis na tanong niya, nakahiga parin sa lapag habang akap yung kanyang unan. "Alam mo naman ako ang manager mo, kung ayaw mo mawalan ng tra-"

Ito yung nakakainis eh. Manager siya. 

"Ah oo na, oo na. Susi ng sasakyan?" 

Natalo rin si Myungsoo sa huli; inis na inis sa manager niya. Ngayon, nasa counter siya ng Love Cafe, kukunin nalang yung cape niya; hirap na hirap hawakan yung anim pang iba. "Tagal naman nito.. Kanis ka manager. Yung pillow ko-" 

"One iced americano for Myungsoo and Y/N"

"Ah thank you po!" sabi ng babae sa kanyang tabi. Kinuha niya yung baso at tumakbo paalis. Tinignan niya yung basa ngunit pangalan ng babae ang nakusalt, 'di pangalan niya. 

"Uy bumalik ka dito! Akin yan!"

*PHOTOS ARE NOT MINE CR TO OWNER*

 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet