Out of the Country

Ship Wrecked!!!!

Taeyeon's  POV

"Unnie na saan yung libro ko!?"

"Maknae bulag ka na ba!? Ayun sa may mga CD."

"Kyaahhhhhh!!!!!! Sooyoung para mamaya pa yang pagkain eh."

"Gutom na ako eh!!!"

"Napaka patay gutom mo talaga. Kakakain lang natin!!!"

"Nagsalita ang hindi patay gutom!!!!"

"Sica unnie paabot ng sapatos ko."

"Abutin mo na lang."

"Guys!!! Anong mas maganda etong stripes na pink and white o itong polka dots na pink and white din? Pls hindi ko alam susuotin ko."

Ang gulo nila sa salas. Buti na lang tapos na ako mag-impake ng mga gamit ko. Mag aout of the country for 1 1/2 month. Ngayon nagkakandaugaga sila sa paghahanda.

After ng 7 minutes natapos na sila at lumabas na kami ng bahay. Nakita ko na ang BOYFRIEND. Mga pinsan namin yan nila Yuri, ako, Yoona, Sooyoung and Hyoyeon.

"Insan ayan na ang susi. Kayo na bahala sa bahay."

Sabi ni Hyoyeon kay Donghyun at binigay ang susi.

Ako na ang nagdrive dahil mga tamad sila. After ng kalahating oras nakarating na kami sa pier.

Nag-intay pa kami ng 1 oras. Ayaw daw nila mag eroplano kasi mabilis daw. Gusto nila magbarko para daw makita nila ang dagat. Ang tanong, malinis ba?

"Philippines to South Korea, Please board Ship 3. The ship will depart in 5 minutes." Announcer

Dali dali kaming naglakad papuntang Ship 3. Maliit lang ang barko pero napansin ko rin na konti lang ang sasakay.

Binigay ko ang mga susi ng kwarto nila para naman maibaba na nila ang kanilang bagahe. Pagdating ko sa kwarto nilagay ko muna ang gamit ko sa isang sulok at humiga agad ako sa kama.

Kai's POV

Nandito na ako sa Ship 3 at pumunta sa Room 4.

Pagdating ko nilapag ko muna ang mga gamit ko at nagpalit agad ako ng damit. Pagkalabas ko nakakita ako ng babaeng kasing itim ko tapos nakasuot siya ng maikling shorts and yung blouse na kita puson. Witwew y.

"Yuri lika na, inaantay na tayo ni Unnie." Sabi ng isang babae na kamukha niya pero maputi.

"Una ka na Yoona. Kukunin ko pala muna cellphone ko pati shades ko." Sabi ni YURI.

Pumasok na siya sa room niya at ako naman pumunta nasa deck. (A/N: Isipin niyo na lang po na pang mayaman yung barko.)

"Kai nakikita mo yun." Sabi ni Chen tapos may tinurong 8 babae.

Maya maya may dumating na isang babae. Wait? Yun yung nasa harapan ng room ko ah.

Nilapitan ko nga siya then hinahawakan ko sa bewang niya.

Humarap siya sakin at .....

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet