CHAPTER 1

You Only Live Once
Please Subscribe to read the full chapter

KELLEN'S POV:

I heard gunshots. Wait, bakit hindi ako makagalaw, ang dilim, ang init. Merong umiiyak! Unti-unting lumiliwanag ang paligid, pinilit kong maingat ang ulo ko, at sa wakas may nakikita na ako. Mayroong bata na nakahiga sa kabilang silid, tiningnan niya ako, umiiyak siya, napaiyak na rin ako, hindi ko alam bakit nagkakaganito ako. Familiar ang mukha ng bata sa akin, para bang nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Sa ilang saglit lang, may pumasok na babaeng naka puti at naka mask. Binuhat niya ang bata. Mas lalaong umiyak ang bata, at para bang humihingi ng tulong ang batang babae sa akin. Gusto ko siyang tulungan, pero hindi ko magalaw ang katawan ko! Anong nangyayari dito?! Nasaan ako? Inilagay ng babae ang bata sa isang kama, may mga kagamitan siyang inilabas, mga operating tools? Ano to? Bahagyang tutusukan na niya ng injection ang bata. Gusto kung sumigaw pero walang boses ang lumabas sa lalamunan ko. Tumingin sa akin ang batang babae, parang kilala ko siya, gusto ko siyang tulungan! ! Sa mga nakikita ko ngayon, susugatan na nya ang batang babae sa ulo nito, para bang hihiwa-in na niya, pero nararamdaman ko ang sakit nito. ITIGIL MO TO! HINDI! HUWAG! MAAWA KA! MAAWA KA SA KANYA! 

"HUWWAAAAAAAAAGGGG!!!!!!!!!" napa buntong hininga ako. Nanaginip na naman ako. Hindi ko maintindihan kung bakit pa ulit-ulit ko na lang to napapaginipan. Punong puno ng pawis ang katawan ko. Alas 11 na ng madaling araw, kailangan ko nang tawagan si dad at ang mga miyembro. Nang tumayo ako sa aking higa-an, naramdaman ko ang hapdi ng sugat ko sa likod na natama ko kagabi sa pakikipaglaban. Puno ng dugo ang bed sheet, kailangan na naman palitan. Kumuha ako ng abdominal binder sa drawer ko and sinuot ko. Pupunta nalang ako sa clinic mamaya. Nararamdaman kung nahihilo at nanghihina ako pero wala akong panahon sa hilo hilo at panghihina na ito, may kailangan pa akung gawin. Kumuha ako ng pain reliever sa drawer ko, uminom narin ako ng energy drink para hindi ako manghina. Napakasakit at hapdi talaga ang likuran ko. Biglang nagvibrate ang phone ko, tumatawag si dad, I sighed as I received the call. This is going to be a scolding again.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet