*cue Back To December

Napagtripan ko lang to, sana hindi niyo to naiintindihan, pero yeah, 3.

Classmate kami nito nung elementary kami at noong grade6 naging mag bestfriend kami, sinabihan pa nga niya ako ng “Hindi kami talo” eh noong minsan inasar kami nung elementary friends ko, at nagsink in sakin un, hindi kami talo...

Noong high school, same school pa din kami, pero never kaming nagging magkaklase. Iba barkada niya, iba barkada ko. Pero hindi naman un nagstop para maging magbestfriend kami. Nagkakatx pa din kaming dalawa, minsan magkatawagan, na namura pa ako ng tatay ko kasi hindi daw ung kausap kong lalaki na yun (NOTE:Wag kayong magloud speaker pag malapit parents.haha), every Wednesday sabay pa kami umuwi with my crush na nakilala ko through him. Super kilig pa ako at kasama ko crush ko, pero mas natutuwa akong kasabay ko sya kasi ang dami niyang kwento. Haha. Tuwang tuwa ako sa mga kwento niya, para kasing bakla, madami pa saking kwento, kulang at byahe naming pauwi sa mga kwento niya. Minsan may event sa skul, eh gabi yun, yung kasabay ko pauwi nauna na pala umuwi, eh lahat ng kaibigan ko taga bauan. Eh di yae na, ako nalang magisa uuwi, pero nakita ko sila, yung mga barkada niya na lagi kong nakakasabay na umuwi, sabi ko sasabay nalang ako. Dito ata nagsimulang mag iba ang tingin ko sa kanya. Syempre gabi yun, puro lalaki kasama ko, mabibilis maglakad. Nahuhuli kaming dalawa ni crush kasi baka parehas kaming mabagal maglakad, pero bigla niya akong inakbayan at sinabing dalian ko daw maglakad at baka mahila ako ng kung sino. Hayst. Blurry na yung ibang events at kung anong year yun, pero tinatawag niya ako “baby”, tapos tinawag ko nalang syang “babybes”. Wala lang sakin yun, kahit na aminin kong okay may konting kilig. Tapos nagkaroon ako ng kaMU pero nawala uli, syempre alam niya un ay yung si kaMU gusto uli itry, pero para sakin hindi ko masyadong sseryosohin, wala pa talaga akong balak magbf nun, napagsabihan niya ako, wag daw akong makipaglaro sa lalaki. =___= Pero walang nangyare kay kaMU, pero sa aming dalawa nagkasomething. Graduate nko nito, April, celebration ng  elementary friends namin magkatx pa kami, dun sya nagsimulang maglambing at magsabi ng stuff more than friends, college na kami nito.. Ako syempre shocked, pero sinakyan ko nalang. Hanggang sa lumalim, minahal ko sya, sya hindi ko alam kung nilalandi lang ako o ano. Whenever we’re together, wala kaming napapag usapan about us, tungkol lang lagi sa ibang tao. Natakot ako, tae, may trust issue dahil sa parents ih. A week after his birthday, I told him na mas mahal ko sya bilang bestfriend ko. Natakot akong masaktan naming ang isa’t isa. Naghanap din ako ng assurance, para kasing sa text nga lang sya magaling. Mahirap kasi hindi ko kayang makipagusap sa kanya ng mausap, samantalang sya nagttext pa din sakin or something, ako tinataboy sya. Tapos sa mga may experienced kong friends may mga nagsabi din na kung wala din nmn akong mapapala or something, before stop kesa mahulog pa ako lalo, eh ndi ko alam sa sarili ko na malalim nap ala talaga.

Three months after nun, nagkatx kami uli, tumawag siya, mabait ako sa kanya at hindi ko sya tinataboy kasi may inom ako. Pero bigla na naming nag Iloveyou, tangna putek, anong problema nito. Basta nagsasabi ng ganung mga salita, ang hirap basahin kong ano bang meron. Hanggang sa nagkagap na kaming dalawa. Ilang months na hindi naguusap, nakita ko lang sya minsan, gamit ung gift ko. Pero walang communication. Tapos April, sabi niya lilipat na daw sya ng skul. Dream school niya to, pangarap niya, hindi dito sa province namin. Nagtry kaming magkita before siya umalis dito, pero hindi na kami nagkaroon ng time, busy at minadali pag alis niya.

For almost three years minahal ko tong taong to ng walang kasiguraduhan kung minahal din ba talaga ako o nilandi lang. Pero palagi ko syang pinagtatanggol sa nagsasabing nilandi lang talaga ako, kasi naniniwala akong hindi niya ako sasaktan. Pero ang tanga tanga ko, recently nabigla na lang ako sa chat niya, tinanung kung galit ako sa kanya, sabi ko ndi, kasi hindi naman talaga. Sabi niya gusto daw niyang bumalik kami sa dati, sabi ko okay lang sakin un pero hindi instant, hindi overnight ang pagbabalik ng friendship. May nagpipigil sakin makipagfriends uli sa kanya, yung takot na masaktan ako, kahit nasasaktan pa din ako, at yung thought kung minahal nga ba ako o hindi, at ang confusing pa niya kasi tuwing bumabait ako sa kanya, tatawagin na naman niya akong baby o mahal o whatever endearment it is. So tinanung ko siya kung minahal ba niya ako o hindi. Sabi niya, “Noon, oo. Promise. Tapos narealize kung walang mangyayare tapos saying ang friendship, kaya nagspace out nalang ako. Tapos ang scary mo pa naman noon.”

HUDASBARABASHEKTAS. Putek na takot na yan, putek na reasons na yan. Edi sana kung hindi ako natakot, kung hindi ko sya tinaboy, yung pagmamahal ko for almost three years hindi na sayang, ay ang bobo ko. Tanga tanga. Hindi ko alam kung anong plano niya sa buhay niya, pero ako gusto ko nalang muna talagang alisin lahat ng pagmamahal at feelings ko para sa kanya, for a new beginning. Gusto niya friendship, pero I could never give it to him. Ang unfair ko sa kanya, pero nagging unfair din ako sa sarili ko. Hindi ko pinagbigyan ang puso ko, sinunod ko ang utak ko, mas nasaktan tuloy ako. Kaya kahit nanghihinayang ako, I should let go of this, I should let go of the thought that we could be together. Maybe we’re better off as friends, maybe we’re not meant to be. Pero kung someday, magsabi ka sakin ng maayos, hindi puro pahangin at panlalandi, maybe we could give this love a chance. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

...hindi ko pa din alam trip niya sa buhay niya, nilalandi pa din niya ako, pero dinededma ko nalang sya. :<

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet