Dalaga
Bakit ba gusto nating saktan ang isa’t isa?
Bakit ba gusto nating may masawi pang iba?
Hindi na ba sapat na tumutulo ang luha
Ng kawawang batang batuta na ngayo’y isang dalaga
Kala niyo okay lang siya kahit siya’y tahimik
Kayo pala ang dahilan kung ba’t di siya umiimik
Kunwari masaya kapag kasama niyo gumikik
Ngunit deep inside, gustong gusto niyang bumalik
Sa bahay nila, kung saan walang makakakita
Este, kwarto pala kung saan bumubuhos ang luha
Luha, o ang tumutulo niyang luhang banal
Luha, na nagpaparamdam na siya’y isang hangal
Walang ibang kausap, kaya sa Diyos nagdarasal
Feeling niya kasi isa siyang malaking sagabal
Sabi ng mga tao sa kanya, “Magpakatotoo ka.”
Pero bakit sila pa ngayon ang unang humuhusga?
Noon siya’y iiyak-iyak, na para siyang isang tanga
Ngayong siya’y masaya, sabi nila siya’y parang gaga
Hangal! Bakit niyo pa siya kasi pinatahan
Kung kayo ang dahilan kung bakit siya nasasaktan
Gusto niya lang gawin ang gusto niyang gawin
Kaya ngayon sa Diyos nalang siya nananalangin
“Tanggap niyo sana ako, kahit ako’y isang pasanin
Sa lahat ng tao, bakit kayo pa ang humusga sa’kin”
“Kayong mga magulang ko, ang aking naging salamin
Sa mga katotohanang matagal niyo nang gustong aminin
Kahit masakit, tatanggapin ko, sige itaga niyo,
Na para niyo na rin akong gustong saksakin”
Minsan naiisip ng dalaga
Na sana siya nalang ay nagkaroon ng amnesia
Dahil iyon lang ang magbibigay ng hustisya
Sa isip ng mga taong punong puno ng malisya
Naisip niyang, palagi nalang siya ang kawawa
Dahil sa totoo lang, siya’y sawang sawa
Sa buhay niyang palagi nalang inaapi
Ng mga taong nagsasabi na wala siyang silbi
Sa huli, wala siyang ibang magawa
Ang isip niya’y blanko, walang wala
Kasalanan ito ng henerasyong mapanghusga
At dahil na rin dito wala nang silbi ang kanyang mga baga
Hindi raw kasi siya, o hindi makahinga
Dahil sa mga paratang di kumakalma
Gabi-gabi, ang dalaga, tinitiis ang lahat
Kahit ang sakit sa puso’y kasing lawak ng dagat
Payo ko lang sa inyo kung may kaibigan kayo
Sana tratuhin niyo na para bang pasko
At huwag niyong saktan na parang siya ay napapako
Dahil sa kalooblooban siya’y naghihinalo
----
YO GUYS. NO PLAGIARIZING PLEASE. ;) --selcachiii
I made this rap/poetry for my friend
yo! peaceout. ;)
Comments