Concert Experience! (Alive Con Manila)

 

So eto ilalahad ko ang mga natatandaan kong pangyayari at mga na experience ko kahapon sa concert ng BIG BANG. Dito na lang para isang kwentuhan na lang!

 

Before the con: 

So dumating ako dun sa venue ng 3pm or something. Hinanap ko mga chingus ko and luckily nakita ko si Mommy Cleng. Then umalis muna kami ng mama ko saglit para kumain ng lunch (yep saka pa lang ako nag lunch). Di na nga ako makakain ng maayos dahil sa excitement, wag ka! KFC yun favorite ko pero di pa rin tanggap ng tiyan ko! Pagbalik namin dumiretso kami sa bentahan ng merchandise at grabe! Lintek sa mahal ang mga merch! Buti na lang pumayag si mama na bumili ako ng light stick, kaso nabili ko lang yung 'Alive' light stick at hindi yung mismong crown stick. Pinabili niya din ako ng official shirt (yung makinang). So eh di solve na. Next, pumila ako sa Samsung Galaxy para makakuha ng blue bangle for mission blue at makapagpapicture dun sa capsule kasama ang Big Bang (oh di ba kahit sa ganun nakatabi ko sila hahaha!) Inabot ako ng isang oras sa paghihintay dito buti na lang di ako na-bored kasi nakakwentuhan ko yung VIP sa harap ko (Hi! Sana mabasa mo 'to ate! Kamusta experience sa con??? ^ ^/) Then picture picture din. After nun nakita ko na sila Mollie then tumambay muna ako sa side nila. Di muna ako pumila dahil magulo. Isang oras din akong ngumanga nun. Grabe may namimigay din ng finger lasers, libre na nga eh, pero di ako nakakuha pano ba naman sobrang agawan talaga yung mga VIPs. Kulang na lang kagatin nila yung kamay ng isa't isa para makakuha lang! Hahaha!

 

Then eto na! 6pm na! Pero hindi pa din nagpapapasok. Nung biglang nang pinapasok yung iba (around 6:20pm) nagtakbuhan na yung crowd! Akala ko nga magkakastampede. Sumama na rin ako sa pagpila, nakakwentuhan ko dun yung ibang VIPs. Grabe ha! 2 oras kaming naghintay makapasok lang! Ang bagal ng usad ng pila! Every 5 minutes lang ata galaw namin tapos mga limang hakbang lang! Sigaw na nga ng sigaw mga VIPs "PASOK NA!" Akala ko hihimatayin na ako sa init at dahil crowded talaga, medyo nahihilo na nga ako nun T.T pero thankfully hindi naman. Then after 2 hours nakapasok na kami pero SHET LANG NAGSISIMULA NA YUNG CON! Nagspazz na nga ako sa harap ni Manong guard! (Btw di niya chineck ng maayos yung bag so sana pala nagdala na lang ako ng camera takte paking shet) Tumakbo na rin kami nung friend ko papunta sa venue tapos ang masaklap pa nun eh dun pa ako sa kabilang area so tumakbo ako ng bonggang bongga! PARA AKONG NASA AMAZING RACE! Isa pa shet talaga yung ibang doors walang tao pero dun sa door ng area ko dun ung may tao! Susmaryosep kada bukas ng pinto nakikita ko yung yellow ocean with blue dots with matching sigaw pa ng VIPs at boses ng Big Bang hahaha gusto ko magwala at banggain na lang ung mga tao. AT SA WAKAS IT'S MY TURN! Pero pag pasok ko tapos na Intro at Tonight! HANDS UP NA!

 

 

During the con:

So yes nakapasok na ako. NA-AMAZE AKO GRABE! Overwhelming nung feeling na magiging bahagi ka na ng yellow sea at makikita mo na ang number one bias mo after ilang taon! Hinanap ko yung seat ko at thankfully malapit naman pala sa stage. (May free Jeju Air na pamaypay nga pala sa bawat seat). Napansin kong sa palibot ko di masyadong nagspaspazz mga katabi ko (pano mga ahjumma na tapos yung iba parang sinamahan lang anak nilang manuod). So eto ako walang pakielam. UMARIBA PAGKA-FAN GIRL KO! Todo wagayway ng light stick! Talon ng talon! Sing along na din! Halos hindi na ako nakaupo dahil saglit lang agwat ng bawat performance! Pero wag ka! Di ko naramdaman ang sakit ng paa ko hahaha! Hindi ko maalala arrangement ng mga kinanta nila dahil sa sobrang pagspaspazz ko. Hirap din akong manuod di ko alam kung sino tututukan ko hahaha! Pero basta kung sino man lumapit sa side namin dun ako nakatingin ng bongga! 

 

Nung pinatugtog na ang Fantastic Baby ayun! Feeling ko naputol na ugat sa leeg ko dahil kakasigaw! Grabe talaga party party!!! Ang sarap sabayan nung kanta sobrang energetic ng crowd! Next, ang bongga ng entrance nila with How Gee! Taeyang with his badass bike at yung gold na chuchu na sinasakyan ng GTOP. Grabe kahit rap nasabayan ko na hahaha! Feeling ko bewildered na nga sa akin yung mga ahjumma sa paligid ko dahil nakikikanta talaga ako tapos sigaw pa ako ng sigaw (lalo na nung lumalapit sila). Nung perf na ng GD&TOP grabe swag level 100% Hahaha kaso biglang nagala-cat walk model si TOP! Ang dami kong tawa si Bingu TOP ginagaya yung lakad ng dancers nila! Kinabog pa ang mga babae! HAHAHA! 

 

Tapos perf naman ni baby panda. Nagulat ako mala-action movie na yung stage sabi ko 'Ah si panda na sunod.' Then yun na nga lumabas na sya holding his gun and looking oh so y hahaha! Hati yung performance niya ng Strong Baby at What Can I Do eh halos puro sayaw pero amazing sumayaw ni Riri! :"> ♥ Next Gara Gara Go, eto tilian ulit ang crowd at todo sabay party party na naman hanggang Number 1 na 'to. Yung sa Cafe okay naman yung perf di ko masyadong makita lang dahil nasa center stage na sila malapit sa VIP 3. Then nung Bad Boy na, ayan! Grabe talaga yung wave ng light sticks sabay sabay na! Isa 'to sa mga kantang ang sarap talagang sabayan! Grabe! (May parang Reggae version ng Bad Boy) Next Blue, di ko kasi personal favorite ang Blue kaya di ako masyadong nakapag pay attention (sorry!). Yung Love Song pati steps sinabayan ko! Hahaha! Grabe pati din yung sa High high sinabayan ko yung steps.

 

Then nagulat ako kinanta nila ang MONSTER!!! Like OMFG! Kasi di ba sa ibang con di naman nila kinanta yun?! And forever wagas pa din ang tawa ko nung binuhat ng dancers si Taeyang :)) Tapos nung Feeling ayun party party ulit! Parang yung iba di alam yung kanta pero nevertheless nakisabay pa din ako. Especially dun sa "I'm crazy more than ever!" ang sinisigaw ko eh yung sinigaw ni Taeyang dati sa con nila na "I'm crazy modafvcker!" grabe feel na feel ko hahaha! Next eh yung perf ni Taeyang...okay smexy as ever na naman si Taeyang. Smooth moves at ripped na t-shirt XD Yung Only Look At Me hindi ko alam yung buong kanta pero nasabayan ko yung chorus XD Yung Wedding Dress naman sarap sayawin XD 

 

Next Wings naman! Super excited akong makita si Angel Daesung flying around the arena...kaso waley! TT.TT Sa stage lang siya nag perform and walang suot na wings pero ang ganda pa rin ng performance niya! Promise! NEXT YUNG HARU HARU naman. Beautiful!!! Yung acoustic version halos maiyak na ako habang nakiki-sing along ako! Promise lalo na nung nakita kong teary eyed na si Panda at si Jiyong grabe! Gustong gusto ko umiyak. Buong chorus kinanta ko na...that moment na feel kong lahat ng VIPs naging kaisa talaga ng Big Bang ♥ 

 

Tapos yung Lies, akala namin last na yun kasi parang nagpapaalam na sila. Pero grabe tulad ng Haru Haru ang dami ding naki-sing along sa Lies. Followed by Last Farewell, the crowd was jumping! VIPs are all waving their light sticks! Sa sobrang excitement ko lyrics ng Lies nakanta ko para sa Last Farewell! :)) Ayan! Tapos na! Encore na! VIPs are shouting na we want more pa! And yan na HEAVEN! Ang saya nila nagwawala na sila sa stage wala ng choreo masyado.  Then papasok na sila sa entrance nila kanina akala namin tapos na talaga. Hindi bumukas ung entrance!!! Pinupush nila pero ayaw! Akala namin technical difficulty lang tapos yun pala MAY ISA PANG PERFORMANCE!!! KYAAA!!! INULIT NILA YUNG BAD BOY!!! Grabe ang special ng feeling. Tapos inulit din yung Fantastic Baby at Feeling kaya parang nasa club ang lahat iba't ibang color na ang stage! Nung natapos na ang lahat, papasok na sila. They're saying Mahal mahal ko kayo. Daesung even did the Sandara wave. Tapos Salamat! Sumigaw din sila ng ganoon. Nung papunta na sila sa backstage hinila ulit ni Taeyang si TOP tapos pinasayaw niya!!! Ang cute ng mahal ko kayo ni TOP! ♥ 

 

 

After the con:

Medyo naghintay pa kami ng onti baka sakaling lumabas pa ulit sila. Pero nung umalis na din yung band sa taas yun na the concert is officially over. Noong nakipag kita na ako kila kuya napansin namin yung crowd. Hinintay naming lumabas na sila. Siguro mga kalahating oras kami naghihintay bago finally binuksan na yung gates and lumabas na ung car nila. Dahil sa maliit akong tao di ko sila nakita pero tumigil yung van sa harap namin may nagbukas ng window tapos sigawan. I asked ate sa harap ko kung sino yun si Taeyang daw! XD 

 

 

Music:

Okay naman ang music. In fact, halos nasa tabi ako nung mga stereo kaya feeling ko nabasag eardrums ko dahil sa lakas (Ang galing nung band congrats!). Pero may part ng songs na di ko marinig silang kumakanta, I don't know kung dahil hinihingal na sila at nagpapause sila (dahil grabe as in pawis na pawis sila! tagatak!) or may problema yung mga microphone nila. 

 

 

Songs:

Love the songs! Grabe! Di ko ineexpect na kakantahin nila yung Monster at uulitin nila yung Feeling and Fantastic Baby! Love it all! Though bitin ako sa iba, especially nung sa Crayon at One of a Kind, masaya pa rin (Ang galing mag beat box ni Tabi!!! Astig talaga!) Tsaka sayang din di nila kinanta yung Koe Wo Kikasete at Ego 3  

 

 

Performance:

Well, we all know naman na hindi ganoong focused ang Big Bang sa dance. Okay naman though minsan di sila sabay (TABI alam mo yan! hahaha!), pero dahil VIP ako sanay na ako dito. Tapos parang minsan may part na plain lang. Like when Tabi was rapping. Pag dating sa energy ang the best ay sila Seungri, Daesung at Youngbae eh. Ang galing din sumayaw ni Seungri! Grabe baby panda I'm so proud of you! Tapos si Daesung super energetic sa Wings performance! Lalo na yung sa dulo ng chorus ang saya! All smiles din siya kaya ang cute cute! Si Taeyang naman grabe tambling ng tambling! Natumba pa siya pero hindi halata dahil gumulong ulit siya (LOL napipicture niyo ba sinabi ko? hahaha!) Tapos nung Encore hala ayun bumanat ng paghuhubad na naman ng shirt at nagsasasayaw dun parang lasing! HAHAHA! Next si GD parang di ko masyadong napansin nung con. Ewan ko lang kung bakit. Okay naman though may part lang na normal lang din yung performance niya. Si TOP ayun! Umariba pagka CHOOM TOP! Sayaw ng sayaw naka-inom ata ng happy pills masyado! Sobrang likot eh! 

 

 

Missions/Fanchants:

EPIC FAIL! HAHAHA! Hindi nasunod ang happy birthday mission para kay Tabi. Yung mga fan chants napaltan na din ng sigaw at tili ng mga VIPs! Yung mission blue waley di nagpatay ng yellow light sticks ang VIPs! :)) Pero feeling ko kahit fail tayo sa missions natuwa pa rin ang Big Bang dahil sa sobrang lakas na cheer ng PhVIPs. Namahagi ang VIPs ng mga printed na signs. Mukhang nakita naman nila yung 'SALAMAT BIG BANG' na sign ♥

 

 

Fan service/interaction:

Si Seungri grabe punta siya ng punta sa side namin and jump siya ng jump ineencourage kaming mag cheer even louder so kami naman nagwawala tuwing pumupunta siya dun. Yung feeling na gustong gusto mo nang tumalon sa pwesto mo mayakap mo lang siya! (Ang gwapo niya ha! Leche! Kainlove!) Tapos nagturo rin siya ng steps ng Fantastic Baby! Tawa ako ng tawa! Ang cute din niya magenglish sobrang adorable grabe! Feeling ko pati si Taeyang natatawa sa English niya. 

 

Next si Daesung, nung bandang encore yung ibang members nag punta na sa front stage siya naiwan dun sa back. Tapos imbes na mag join siya sa ibang members nandun lang siya, switching from our side to the other. Tapos Kumakaway kaway din siya, all smiles pa! Isa rin siya dun sa mahilig mambasa ng VIPs hahaha! Noong siya naman binasa ni TOP and GD para siyang commercial model ng SunSilk kung makawagwag ng buhok! Hahaha sobrang saya pag siya pinapanuod ko! Ang cute mo angel!!! >w

 

Si Taeyang siya yung madalas nakikipag usap sa fans, well probably because siya pinakamagaling mag English. Anyway, ayun pinakilig niya ang mga VIPs, especially yung nasa Standing, sa pamamagitan ng pagsasayaw sa harap nila ng shirtless hahaha! Tapos alam ko medyo bumaba din siya ng stage. At syempre sinong makakalimot sa sinabi niyang "Manila is hot. Manila ladies are hot!" Oh di ba? Bongga! Sayang lang di ako tiga-Manila so hindi ako hot HAHAHA!

 

Si GD umupo dun sa gilid ng VIP side tapos dun kumanta. During Bad Boy performance din (yung last) grabe ang spazz ko! Nandun siya sa side namin nakatigil lang dun halos more than half ng kanta. May nagbigay ng doll sa kanya na kamukha niya sa Crayon tapos hawak lang niya. Ang gwapo niya grabe! Tinitigan ko siya buong perf ng Bad Boy grabe perfect ang nose tapos ang kinis ng mukha shete gwapo talaga mga teh! Sumigaw din ata siya during the con ng 'Sigaw!'. May sinasabi si GD during the con but I can't understand dahil sa sigawan ng VIPs. 

 

Si TOP naman sapat ng fan service yung bumalik siya sa stage at sumayaw sabay sabi ng 'Mahal ko kayo!' KYAAA!! LOL nagspazz ako dun. Si TOP ang may pinakamaraming fans kagabi tuwing part na niya sigawan talaga. Tapos nung bandang patapos na yung con nandun siya sa gitna ng stage nagrarap tapos nakatinginsa may camera tapos parang ang funny nung face niya nun. Basta! Tapos nung may nagbato ng bra sa kanya tinignan lang niya tapos medyo lumayo siya. Akala ko stuffed toy yun, yun pala bra na! Hahaha! HOT mo kasi Tabi kaya binabato ka na ng underwear! Tapos natawa ako nag salita din siya at one point sa con kaso jusko in Korean! Tabi alien ka talaga!

 

Tapos buong Big Bang nagbato ng goodies sa stage. Siguro three times nakapag bato ng items sila sa side ko kung mas mababa lang ung row ko ng upuan nakuha ko na yung binato nila! Grabe!!!! They kept on asking kung how are we doing na tapos yung repeat after them daw. Tapos sabi din sila ng sabi ng 'Salamat' at 'Mahal ko kayo'. Bae, Dae and Jiyong said na gustong gusto nila dito. One of the best crowds daw ang Philippines. Kung di ba naman kami halos maputulan na ng lalamunan kakatili at kanta tapos di pa rin matawag na best crowd ay ewan ko na lang! HAHAHA! Dae said that the con is important to him ♥ And they promised to be back here soon ♥

 

 

Rate:

In a scale of 1-10, ang ibibigay kong grade sa con na ito ay 8! (^o^)\m/ 

 

 

CONCLUSION:

Sa lahat ng paghihirap ko: Pagtayo ng halos limang oras; Pagtiis ng uhaw; Pagkahilo sa pila; Halos mabutas ang bulsa dahil sa gastos; Pinulikat sa kahihintay sa kotse nila; Pagsisisi dahil wala akong camera; Pagsakit ng lalamunan kakasigaw at kakakanta; at ang halos maubos ang energy ko dahil dito...masasabi kong WORTH IT ANG LAHAT NG ITO.  Habang naglalakad ako palabas ng Arena napaisip ako, 'Best time of my life' Lalo na nung sinabi nila na PhVIPs ang isa sa best crowd talaga.Two hours and a half ang buong concert ganun katagal pero feeling ko parang 10 minuto pa lang ang lumipas dahil nagenjoy talaga ako!  Gusto ko umiyak dahil pakiramdam ko special talaga ang Philippines sa Big Bang. I feel so proud na nag-enjoy sila dito. At isa lang pinagdadasal ko, "SANA MAY NEXT TIME PA" ♥

Comments

You must be logged in to comment
ellisd #1
And yeah when the dancers carry Taeyang in their
Monster choreo I laugh too! Lol
ellisd #2
Aww. I feel that you really had a blast at the con by readinh your fanaccount. You're so lucky you were able to attend! Our boys are so cute and adorable! And I'm proud of the
PhVIPs reaction to them! "One of the best crowds" surely they'll come back! And hopefully I'll be able to watch! Uhm I'm from Manila Taeyaaanng! Lol. Anyway, who wouldn't be teary-eyed at the PhVIPs singing to all of the songs right? Oh and may I ask how much was the Alive lightstick and the crown lightstick?
xara10
#3
so happy for you, it was worth the wait .. CHOOMTOP FOREVER ... BB FOREVER ...