[Block B Fanaccount] Part 4: Ang Fountain at si Jaehyo. The fangirls. Si P.O, ang troll.

[Fanaccount] Part 4: Ang Fountain at si Jaehyo. The fangirls. Si P.O, ang troll.

My fangirl account when Block B visited Manila in September 2011.

9 September 2011 at 00:54

Part 4.

Feel ko malapit na kong mapatay ni Hermes at Tin kaya eto na! BAHAHAHAHAA!

 

DAY 2.

 

                Nagkasundo kaming 6am kami pupunta ng New World Hotel. BTW, ROOM 717 sila. XD Pero 6am ako nagising! WAGASSSS!!! >____< Si Hermes ung nauna sa hotel at minumura na nia ako sa phone na dalian ko daw. Kung pwede lang naman kasing paliparin ung fx at bus eh ginawa ko na. Nung nandun sha, tumawag sha ng mg 8am para sabihin na lumabas si Ukwon at nagtititingin at naghahanap (ano namang hinahanap nia? Nawawalang kuting?) kasabay ng mura LOL. Antawa ko nun. Dapat hinila nia muna si Kitty kwon eh~ baka nawawala so ayun, NASA EDSA AKO! TANGNA! LUMABAS SI P.O AND JAEHYO! Mura ako ng mura at minumura ko na ung driver dahil gahaman sa pasahero, langya. Mapupulbos na dapat ung upuan sa harap ko eh, ung katabi ko nakatingin na sa ken. Ang SAMA NA NG TINGIN KO SA KUNDOKTOR! If looks could kill ika nga. Intercontinental Hotel palang bumaba na ko pero tangna ulit ANG LAYOOOOO NG SAKAYAN NG TAXI! Pucha. Tumatakbo ako para maghanap ng taxi habang nagmumura kausap sa phone si Hermes. Si Tin naman tulog pa. XD Tas nung nakasakay na ko. . . wala na si Jaehyo and P.O. 60php ung binayad ko sa taxi kasi isang tumbling lang pala ung hotel sa pinagsakyan ko ng taxi kasi sober lapit. PUCHAAA.

 

Hermes with P.O the troll and Jaehyo the derp. (Nasabi ko bang nabobo ako sa kwento ni Hermes sa group XD andrama kasi nung kwento eh XD? *sinakal ni Hermes*)

 

                Andun sha sa tapat ng hotel (actually sa side. Ung bar. XD), tas biglang lumabas si Jaehyo and P.O sa hotel. Medyo nasa tamang katinuan pa naman sha at hindi nia sinugod ang mga lalaking un at baka matakot sa kanya so si Derp and Troll eh nagpalakad lakad sa tapat ng hotel. Lumapit ung dalawa dun sa guard ng hotel, nakikipagkausap ng alien language (asan daw ung pedestrian lane) kaso medyo slow si Manong at hindi nia nagetz so hindi din nalaman nung dalawa habang si Hermes eh tinititigan ung dalawa (naka hoodie at pajamas daw ung dalawa. LOL). Dahil walang matinong maisagot si manong eh kay Hermes nagtanong si P.O and Jaehyo. YAP! NILAPITAN NI JAEHYO AT P.O SI HERMES! Haba ng hair!. LOL. Narecognize naman ni P.O na sha si Hermes dahil. . . .lahat na lang ng lugar andun sha. XD So ayun si Jaehyo ung nagtry na makipag-communicate sa kanya. He put his fingers in the back of his palm and ung walking signs and asked “Eodi?”. Tas si P.O naman tinatanong sha “Chingu~? Eodi? Eodi chinguya?”. UYY! Si Tintin! HINANAP!. ASTEEGGG~~

 

                So dahil mabait na fangirl si Hermes, tinuro nia kung saan ung pedestrian lane. Tas naglakad silang tatlo papuntang pedestrian lane. Dahil medyo high si Hermes sa mga kaganapan (ikaw ba naman lapitan ni Jaehyo and P.O ewan ko na lang. TAE!), muntik na shang sagasaan ng jip! Joke. . . ng sasakyan kasi tinatry niang kontakin ako habang ako eh sa tingin ko eh mura na ng mura ng mga panahong nian. Buti na lang nahila ni Jaehyo ung collar ng shirt nia at binalik sa piling nia. BAHAHA. (UYY! AMBAET! IKAW NA)

 

                Dahil stalker si Hermes, sinundan nia si P.O and Jaehyo, baka kasi mawala sa Pilipinas at kidnapin ng fangirls. May distance between them, mga 1 or dalawang metro. Shempre napapansin ni Jaehyo and P.O sha. XD So ayun sinasabihan sha ng “Kaja! kaja”, asking her if she wanna come with them. (TAENA~ AKO NA NAIINGIT!) Pero hindi, ayaw daw nia (wushu~). Susundan na lang nia ung dalawa, kasi. . . shempre, timawa tong si Hermes eh at hindi sumabay kina jaehyo (*shot by Hermes*~ kung ako un! DINALA KO SA SOGO SI JAEHYO!) Keber naman ung dalawa na sinusundan sila ni Hermes. So ayun, medyo malayo-layo din ung nalibot nila at pinagod nila si Hermes. Si P.O, nagstope-over sa tapat ng restaurant na nagtitinda ng Manok (tindahan ni Onew!) at kakain ata kaso sarado pa. XD

 

                Si Jaehyo nagpaka-derp ulit. . . dinamay si P.O. Alam nio ung daanan kung san nagdedetect kung me bomba kang dala? (bomba talaga eh noh! Baka hindi tanggapin si Bomb. O_O charr~ =.=) Diba para sa entrance un? Pero hindi, dun din sila nag-exit. Akala ata nia required dumaan dun. Tas nung mag-eexit na sila, tinanong nila ung guard kung dadaan daw sila sa bomb detection chorva (Tanga si Jaehyo. Kawawa naman si Manong, NOSEBLEED!) pero me pagkahenyo ata si manong guard at sinabi niang “No” pero dumaan pa din dalawa. It’s fun daw! (Papagawa ako ng ganyang ka-chorvahan tas ipapagift-wrap ko~ ibibigay k0 kay derp. XD)

 

                Ayun, masaya si Hermes **bitter** at nakabalik naman ng buhay ung dalawa sa hotel. Shempre shock sha, kasi sha lang ung fan dun. XD At ang baet ni Jaehyo! (OHMEGAD! PANIRA KAYO NG BIAS LIST!!)

 

                Isa pa pala. Nilapitan si Hermes nung dalawang manager ng Block B (ung don’t pushie and si manager long hairedXD ). Sinabihan sha na kahapon pa daw sha nakikita sa airport, sa KCC sa hotel. LOL. TAs ang sinabi na lang ni Hermes, hindi naman daw sha threat sa Block B, gusto lang daw nia makita ung Block B (or kidnapin, halayin kahit gustuhin pa niang pagnasaan si Baby Taeil). Tas ayun, chovah. Fly na sila. XD

 

Maka-Taeil na sha. Pero ang alam ko nung una. . . . si Zico ung bias nia. Labo mo boy. XD

 

Hotel.

 

                So ayun, nakita ko sa Hotel si Hermes at medyo speechless na hindi dahil todo kwento sa nangyari habang ako eh minumura ko silently ung bus na sinakyan ko. Pumasok kami ng hotel. LOL. Tas ayun pinapatay ung oras. Andun na din sina ate Hazel and others na kasama namen nung gabi na nagstalk kami. Tapos may mga dumating na ibang fangirls. +_________+ Merong 4 then dalawa. Di namen sila kilala and I dunno where the hell they knew where Block B were (kami na madamot). Tasbang ginawa namen. . . ayun. Spazz. Dumating si Ate Tin, wala pa ring Block B na nagpapakita, pati si Joanna. Nagkape muna kami ni Hermes and ate Tin sa Coffee Bean at pumatay ng oras. Then bumalik kami.

 

                Then after a while, LUMABAS SI P.O AND JAEHYO!!! May dala silang bag. Tas nung narinig nilang grineet namen sila, napatingin sila sa men tas ngumiti pero tumakbo. LOL! NATAWA AKO SA ITSURA NI P.O! Nagwave sha sa men labas ung dila. Tumakbo ung dalawa sa exit ng hotel. Akala siguro nila susundan namen sila. Spell ASA? ANG BV PART! Hinabol nung mga fangirls ung dalawa HOMEGAD! Sumama din si Ate Hazel tapos kami naiwan kami sa may sofa at tawa ng tawa kay P.O and Jaehyo. From the wall, dumaan sa harap namen si Jaehyo and P.O nagwewave at nagtrotroll, todo wave din kami. GAD! NATATAWA AKO KAY P.O! GOSH! ANG PUTI NG MUKA! HAHA MUKANG MCDO! Si Jaehyo naman ngumiti din sa men, maka-foundation din, wagas. Tas ang layo layo ng inikot nila papuntang pedestrian lane. LOL. Hindi na namen alam ung mga nangyari dahil wala ng kami at hindi namen sila sinundan. HELLO! GUSTO NG DALAWA NG QUALITY TIME TOGETHER! (OTP! OTP!) Bukas na kasi ung mall nun. Tas ayun, after a while bumalik si Ate Hazel, nagkwento kung anung nangyari. UNG MGA BATA! JUSME~ Sinundan ng sinundan ung dalawa, ang nakakairita, binoblock nila napapastop tuloy ung dalawa  para magpirma ng kung ano-ano. 3 times daw napastop ung tatlo kasi nahahabol sila, tas nagpapapirma ng kung ano anong kapapelan. >.

 

                So ayun, hindi pa rin sila nakakabalik at naisip naming pumunta ng National Bookstore kasi wala pa kaming fansign para sa event. Habang naglalakad kami, nagkwekwento si Ate Hazel, BV sha dun sa mga babae. AHAHA parang kami lang. Tas umalis kami ng sketch chorvah na store tas nagtanong tanong kung asan ung national bookstore. Habang naglalakad kami, nakasalubong namen sina Jaehyo and P.O. Nagwave sa men si P.O (paulit-ulit na wave) tapos kami wave, ngiti. Haha napagod na. Ewan ko lang ha, pero napansin naming lahat na BV si Jaehyo. Ang serious ng muka nia. And then nakita namen ung mga fangirls na sumunod sa kanila na pawisan na kakalakad. LOL. Tas kami, keber. . . at BV. Kasi namannn~~ WOOOO!!! XD Tas ayun, hinayaan na lang namen. Napadaan kami sa may mga fountain tas sabi ni Hazel, pinagtatawanan daw ni Jaehyo ung fountains. LOL (Sorry~ Derp.) Hangdaming fountains pa naman sa Greenbelt (ilang bese kaya sha tumawa?). Tas bumili na kami sa national ng kung ano anong bagay pangfandom. LOL! NAKALIMUTAN NAMEN UNG GUNTING!

 

                Bumalik kami ng hotel, only to find na naubos ung notebook na binili ko kakapilas panggawa ng fanletter. Dumating din si ate Sabel XD BOMB fan tas sinasabi namen kung anu ung mga nangyrai nung namit namen si BOMB~ DISCOURAGE! XD LOL. Lumabas ulit ng elevator si Jaehyo na may kasamang staff ata, isang babae at isang lalaki PERO ANUNG NANGYARI! TANGNA! HINARANG NUNG MGA FANGIRLS NA SUMUNOD SA KANYA SA GREENBELT! AMPOTAH! Ayun, nakita namen ung staff na napapatingin na lang sa exit ng hotel tapos si Jaehyo naiwan sa exit kasi blinock ng fangirls ung katawan nila sa exit. TANGNA talaga. Pinagtitinginan silang lima or seven ata sa exit (Jaehyo and the fangirls tas meron pa atang dalawa. ME NOT SURE). No choice. Bumalik ng elevator si Jaehyo dahil un lang ang nag-iisang refuge area nia habang kaming Tintin, Hermes, Hazel, Joanna eh nakatitig lang sa mga fangirls at sa kanya. Tatakbo sana si Hermes eh~ kasi bibigay nia ung fanletters kaso wala na si Jaehyo. HOOT! Tapos ayun. Sinabihan namen si Hermes na pagsabihan ung mga fangirls na yun. Pinagalitan ni Hermes kasama si Joanna ung 4 ata sila. Calma lang ulit habang puputok na ata ung veins ko sa utak sa sobrang inis. Tapos nun, after a while, ung isang staff ng hotel lumapit kina ate Hazel tas sa men. PINAPALAYAS NA KAMI NG HOTEL! JKAHDAHDJADLDHFLAKD!!! TangNa. Iyon eh dahil nagsumbong si Jaehyo kay Manager Hyong na blinock ng fangirls sha kaya hindi sha nakalabas. ANG BV PART! UNG MGA NANGHARASS HINDI PINAALIS! LIKE. WTF. TANGNA.LECHE.TENGENE.NILA.IT’S.OVER.OH.MY.GOD.

 

                Si Bomb, Park Kyung, Taeil, Ukwon, Jaehyo and P.O nakalabas ng buhay nung wala sila, behave kami TAPOS KAMI UNG PINAALIS. POTEK TALAGA. WTTTTTFFF!!! Ang sarap pumugot ng ulo ng mga oras na un. XD HINDI NAMAN KAMI UN! Pero dahil kilala na kami ng manager hyung. . .plus pinagsabihan na nia si Hermes, ayun. . . napilitan kaming umalis ng hotel. Pinaubaya na lang namen ung fanletters namen kay manong staff. T____T Tapos ung mga PESTENG LECHE TANGNA HINAYUPAK BABOY AT LANGYANG FANGIRLS NA NANGHARASS! ANDUN! WALA LANG! TANGNA. Hayy~ BV Noh? NA.KA.KA.BV. PUCHA. Tas ayun, medyo napachika pa kami sa guard sa labas ng hotel. LOL (close) Pinapasakay kasi kami ng dollar taxi tas si Hermes sabi ng sabi “MAHAL DYAN!” LELZ. Tapos nun. Hindi na namen alam ung nangyari sa kanila HAHA. Si Joanna pala! Naiwan! HOHO.

 

--bukas na lang ulit ung kwento. NAKAKATAMAD XD BV NA NAMAN AKO KAPAG NAALALA UNG MGA NANGYARI XD~

 

NP: Strong- P.O and Kyung.

 

Panira ng bias list si P.O and Taeil. Lalo ka na Kyung. Ikaw na pampam ka. XD

 

PHANTOM! ♥

 


My fangirl account when Block B visited Manila in September 2011.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet