Pansamantala


Hindi ko din alam kung paano ba ako nalagay sa ganitong posisyon sa buhay mo.

 

Hindi ko nga din alam kung bakit ba tayo naging close ng sobra.

 

Mayaman ka, may kotse, maganda at matalino.

 

Sino nga ba ang hindi magkakagusto sa isang tulad mo?

 

Lagi kong sinasabi sa sarili ko na close friend lang tayo pero minsan kasi sumosobra na yung ginagawa natin sa normal eh.

 

Minsan ang sweet mo, mas sweet pa sa asukal. Yayakapin mo ko tapos ikikiss kung saan saan.

 

Ayoko namang mag-assume na may iba kang pagtingin saken.

 

Kasi alam kong “KAIBIGAN LANG” talaga.

 

Ang weird lang din kasi may boyfriend ka. Oo may boyfriend ka.

 

Yan lang yung tanging hadlang kung bakit hindi ko masabi sayo na mahal kita.

 

Wala din naman akong palag kung bigla mo nalang ica-cancel yung matagal na nating plano para sa biglaang lakad nyo ng boyfriend mo.

 

Wala akong karapatang magalit o mainis sayo kung bigla nalang ang cold mo saken kasi nakita mo kaming magkausap ni Tzuyu.

 

Samantalang ako halos sumabog na yung puso ko sa tuwing makikita ko kayo ng boyfriend mo na naglalambingan sa harapan ko.

 

Ano nga ba talagang role ko sa buhay mo?

 

Pag nagtext ka na nang “Nasaan ka? I need you. :((“ ibig sabihin nun nag-away kayo na naman kayo.

 

Ako naman tong si Tanga na always to the rescue sa ganyan mong estado.

 

Isa lang Ibig sabihin nun, saken ka na naman tatakbo at iiyak.

 

Ako na naman ang pansamantalang unan mo sa tuwing nahihirapan ka at ako na naman ang pansamantalang panyo mo sa tuwing nasasaktan ka.

 

Bakit nga ba saken ka palaging tumatakbo?

 

Muka ba akong fun run na pwede mong salihan sa tuwing ika'y nasasaktan?


Ano ba ko sayo? Taga salo mo tuwing nasa alanganin ka?


Hindi naman tayo ah.


Hindi.

 

Sa totoo lang naguguluhan nako sa sitwasyon natin. Pero wala akong magawa kasi mahal kita.

 

Ayoko namang mawala ka kasi hindi ko naman kaya.

 

Pero pag ako ba ang nawala, kakayanin mo?

 

Sino nalang ang sasalo sayo kung mawawala ako?

 

Sinong aayos sayo sa tuwing nagiging magulo kayo?

 

Minsan iniisip ko kung sino ba talaga saming dalawa ng boyfriend mo ang mas mahalaga sayo.

 

Minsan kasi para kang girlfriend kung maka akto ang sarap mong sapakin sa lungs Or baka naman masyado ka lang manhid kaya hindi mo maramdaman yung feelings ko para sayo.

 

Nakakasawa na din minsan kasi paulit ulit na.

 

Paulit ulit kitang sinasalo sa tuwing nadadapa ka.

 

Paulit ulit kitang pinapatahan sa tuwing iniiyakan mo siya.

 

Hanggang kailan ko kaya kayang tiisin yung sakit sa tuwing nasasaktan ka?

 

Kaya ko pa ba kahit alam ko namang isa lang ako sa iyong mga pansamantala sa tuwing nahihirapan at nasasaktan ka?

 

Siguro nga kailangan ko ng tanggapin yun.


Na Isa lang akong pansamantala.

Comments

You must be logged in to comment
yeolow #1
Chill lang bes, keri mo yan.