TALUMPATI FOR FIL

TAYO ANG BOSS

            Karamihan sa atin ang nag-iisip na tayong simpleng mamamayan, mga kabataan ay walang magagawa laban sa mga makapangyarihang tao na naglalaban-laban upang makakuha ng posisyon sa gobyerno. Ngayong umaga, ako ay nasa harap ninyo upang sabihin na sa bansang ito, tayo ang boss. Ang pagpili at paghalal ng mga opisyal ng gobyerno ay responsibilidad natin bilang boss. Huwag tayong magpadala at magpakabulag sa mga kasinungalingan ng mga politikong tumatakbo sa para sa eleksyong 2016.

            Kalat na sa balita ang mainit na labanan ng mga politikong tumatakbo para sa eleksyon. Posisyon ng presidente, bise-presidente, senador, konsehal, at mayor ang iilan lamang sa kanilang pinaglalabanan. Ngunit kaakibat ng mga posisyong ito ang mga napakabigat na responsibilidad sa ating bansa na hindi pwedeng ipagkatiwala lamang sa kung sino-sino. Bilang kabataan, bilang boss, nasa kamay natin ang pagpili ng mga ihahalal na mamuno sa ating bansa ngayon at sa hinaharap. Gawain ng mga boss ang kilalanin at mamili ng maayos, masipag, at tapat na manggagawa para manilbihan sa kanyang kompanya, at iyon din ang dapat na gawin natin. Hindi natin dapat iboto ang isang tao dahil lamang namatayan siya ng kamag-anak o isa siyang sikat na artista, dapat isaalang-alang natin ang kaniyang kaayahang manilbihan sa ating bansa.

            Kailangan natin ng maayos na mamumuno upang kaniyang maiayos ang baluktot na sistema ng hustisiya. Isang masipag na mamumuno at hindi nagdedepende sa ibang tao ang lubhang kailangan ng isang bansa. Bilang mamumuno, sakanya nakadepende ang kaniyang nasasakupan, dapat marunong siyang manindigan upang mapagtanggol niya ang bansa at dahan-dahang maiahon ang bansa sa kahirapan. Pagiging tapat, Iyan ang isa sa pinaka-importanteng katangian na dapat taglay ng isang mamumuno. Ang iahon ang bansa sa korupsyon at kabalastugan ng ibang mga politiko ay dapat na maisagawa.

            Bilang mga boss dapat tayong mag-isip ng maayos at mamili ng mga matitinong tao upang manilbihan at mapagkatiwalaan sa pamamalaad ng ating bansa. Malaki ang nakasalalay dito kaya huwag maging “BOBOss” o “BOBOtante” at pag-isipang mabuti ang pipiliing politiko. Higit sa lahat huwag ding pabayaan ang resposibilidad bilang mamboboto, rereklamo-reklamo sa baluktot na pamamalakad ng gobyerno, ngunit wala namang ginawa upang ito’y mapigilan. Gawin natin ang ating parte bilang mga boss.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet