One day, Isang Araw

Puto, Bibingka, Kutsinta!
Please Subscribe to read the full chapter

 

~~~

 

"Anak, wag ka nang magtanong pa tungkol sa tatay mo. Basta ang sabi nya Chinese sya at yun na yun period."

 

Sa totoo lang, ansarap sabunutan ng nanay ko. Kasi ilang beses na akong nagtatanong sa kanya kung Chinese ba talaga ang tatay ko o hindi. Kasi naman po laging sumasagi sa isip ko kung bakit ba Chinese ang Tatay ko gayong sa Japan nagtratrabaho ang Nanay ko bilang isang entertainer.At isa pa, dun ako ipinanganak sa Japan. Malaking pala-isipan noh?

 

Siguro naglakbay pa ang Tatay ko patungong Japan para lang makilala ang Nanay ko na hayop sa kagandahan. Hay jusko po!

 

"Hay naku Kuya! Pasalamat ka nalang maganda ang genes ng Tatay mo! Compare mo rito sa'kin na sabi ni Mudra, Arabo daw Tatay ko! Eh hindi naman ako naggandang Arabo kundi naging abo yung lahi ko!" Hirit ng kapatid ko na si Kiray na feeling nya talaga Arabo Tatay nya.

 

Oo, magkaiba kami ng Tatay nitong kapatid ko na ubod ng self-confidence kahit kapos sya sa kagandahan. Ewan ko kung anong nangyari't naging ganyan hitsura nya. Siguro sa genes yan ng Tatay nya. Eh talaga namang magkaibang-makaiba kami ng hitsura nitong nag-iisa kong kapatid.

 

Oo, na ako na po ang maganda sa pamilya namin. Biruin mo naman si Obama, pati lalaki nagkakagusto sakin. Hay jusko! Hindi naman ako bakla pero ewan bat lagi akong nakakatanggap ng mga love letter at ang masaklap pa di galing sa crush kong si Liza o sa mga babae kundi dun sa mga kaklase kong lalake na ubod ng kapal ng mukha. Palibhasa naging legal na ang same mirriage sa Amerika lakas na kung makahirit! Hoy sa Amerika lang yun legal! Sa Pinas hindi! Hay ansarap talaga pambatukan yung mga kurimao na yun!!

 

Anyway, balik tayo sa istorya ng life ko. So ayon, may kapatid akong babae na ang pangalan ay Kiray. Well, Nanay ko pala ay single mother at ang pangalan nya ay Pokwang. Dati syang entertainer sa Japan at ngayong tumatanda na sya naglalako nalang sya ng mga kakanin para mapagtapos kami nitong kapatid ko kahit highschool man lang.

 

"Hay naku Luhan, Kiray ilako nyo ta tong mga toh", ani Nanay habang inaayos ang mga paninda naming kakanin sa sisidlan nitong bilao. Agad naman naming itong inilako ng kapatid ko.

 

Tuwing Sabado at Linggo at kahit anong araw basta walang pasok at pagkatapos ng klase namin ay tinutulungan naming maglako ng puto, bibingka at kutsinta ang Nanay namin. Well, di porket ChiNoy ako't ArabNoy tong kapatid ko eh mayaman na kami. Iniwanan lang naman kasi ng mga walang kwentang Tatay namin yung Nanay namin matapos malaman nitong pinagbubuntis na kami ng maganda naming Nanay.

 

"Kuya, kailan kaya tayo yayaman?" Biglang tanong sakin ng kapatid ko na may bibit na basket ng bibingka.

 

"Tumahimik ka na nga lang dyan, Kiray. Mabuti pa magconcentrate ka nalang dyan sa pagbebenta nang saganun eh maka-uwi tayo nang maaga."

 

"Kuya naman! Nagtatanong lang naman ako eh. Pero Kuya, kung yayaman man tayo eh talagang hahanapin ko si Itay ko't sasabihin ko sa kanya na anak nya ako't Nanay ko si Pokwang yung babaeng nakilala nya sa Japan."

 

"Ang tanong, kakausapin ka kaya nun? Eh hitsura mo pa lang eh di ka na mapagkakatiwalaang anak ka nang isang gwapong Arabo."

 

"Kuya naman! Ang mean mo! Palibhasa crush na crush ka nung Koreanong kapitbahay natin na si Ryan-oppa!"

 

Bwesit naman oh! Sa totoo lang ewan ko kung bakit may iba't-ibang lahing nakatira rito sa squater's area na tinitirhan namin. Kasi naman po hindi lang mga pure Pinoy ang mga nakatira rito kundi may mga half Pinoys and half etc rito, mapa-Amerikano man o Asyano. At higit sa lahat hindi lang mga halfers ang nakatira rito may mga pure foreigners rin na dito namamalagi sa Pinas. Dumadagdag sa kahirapan ng bansa. Hay harujuskoo!

 

Gusto ko na sana rito samin eh kung hindi lang dumayo rito yung Koreanong nagngangalang, Ryan Bang. Eh sino ba naman ang hindi maiirita sa lalakeng yun kung araw-araw ba naman pumunta sa bahay para dalhan ako ng mga masasarap na pagkain na hindi ko naman gusto. Nanay ko naman tenotolerate yung mokong. Sabi pa nya, mas mabuti pa't kung maging jowa ko raw si Ryan para araw-araw yung pagdadala nya ng siopao at siomai.

 

Pweh! Over my dead body! Mas gugustuhin ko pang tumatandang binata at hintayin na maging akin ang crush kong si Liza kahit alam kong wala na akong pag-asa kasi magiging sila talaga ni Enrique na kaklase ko rin at current boyfriend ni Liza. Ang saklap ng lyf ko noh? Idagdag nyo pa riyan ang kagustuhan ng Nanay ko na makapag-asawa ako ng napakagwapong Adonis na mayaman. Jusko!

 

"Annyeong Luhan-baby!"

 

Muntik ko nang mabitawan yung pasan kong bilao sa ulo ko nang biglang bumungad sa harapan ko ang mokong na si Ryan.

 

"Kuya Ryan!!!" Atat na atat namang binati ng kapatid ko ang mokong. "Magandang umaga, Kuya!! Bili ka ng kakanin namin oh!"

 

"Hahaha aba sheyempre naman, Kiray kung mahal. Talaga namang hinintay ko kayong dalawa na mapadaan rito at talagang papakyawin ko tong lahat ng paninda nyo", aniya.

 

Nakatitig lang ako sa kanya habang sa isipan ko bumubulong ako na sana lamunin na ako ng lupa pero nang banggitin ni Ryan na papakyawin nya lahat ng paninda namin eh para namang sumigla yung buong pagkatao ko.

 

"Talaga Kuya?!?! Papakyawin mo?!?!" Tanong muli ni Kiray sa kanya.

 

"Oo! Di ako nagbibiro sa inyo."

 

"Teka nga lang, baka naman magtatae ka niyan kung ikaw lang mag-isa ang kakain ng mga kakanin namin. Eh ang dami pa naman nito oh tas papakyawin mo?!?"

 

"Luhan-baby", aniya saka hinimas-himas nya ang balikat ko. Agad ko naman syang itinulak papalayo sakin.

 

"Wag mo nga akong hahawak-hawakan. Baka maihampas ko sa'yo tong bilao ng kutsinta!"

 

"Luhan naman! Gusto ko lang naman maging sweet sa'yo."

 

"Sweet mo pagmumukha mo!"

 

"Kuya! Ang mean mo talaga kay Kuya Ryan!" Hirit ni Kiray sakin na nakapameywang pa. 'Tong batang toh. Baka may gusto tong kapatid ko rito sa mokong na toh. Ay lintik na! "Kuya Ryan, pagpasensyahan mo na ang maganda kong Kuya sadyang meron sya ngayon kaya medyo highblood sya."

 

Tumango naman ang mokong na si Ryan na wari bang naiinitindiahan nya yung kapatid kong mala-Ursula ang kagandahan. Ansarap namang sabunutan nitong bruha kong kapatid. Ipagsabi pa naman na nireregla ako kaya ako highblood kay Ryan. Jusko! Pigilan nyo ko baka masakal ko tong dalawang peste na to!

 

"Pero Kuya Ryan bat mo naman biglang papakyawin tong mga paninda namin. Birthday nyo po ba?" Tanong muli ni Kiray. Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila.

 

"Darating kasi yung kapatid ko na galing Korea. Kaya bilang selebrasyon ng pagdating nya gusto ko ipatikim sa kanya tong paninda nyong kakanin."

 

"Talaga Kuya?!?! Darating yung kapatid nyo galing Korea?!?!"

 

Di ko naman mapigilang humirit sa kanilang dalawa.

 

"Teka, may kapatid ka?" Tanong ko at talagang natatawa pa akong iniisip na may kapatid pala tong mokong na toh.

 

"Oo at ang gwapo pa nun. Tyak hihimatayin kayo sa kagwapuhan ng kapatid ko", aniya at di ko na mapagilan pa ang tawa ko.

 

"Lalake yung kapatid nyo? Kuya Luhan! Tumahimik ka nga dyan!"

 

"Di nga Ryan, gwapo yung kapatid mong lalake?!?! Nagjojoke ka ba?!?!"

 

"Hindi ako nagjojoke, Luhan baby. Totoo ang sinasabi ko!"

 

"Oo nga Kuya! Hindi naman talaga nagsisinungaling tong si Kuya Ryan! Eh talaga namang gwapo sya at nafefeel ko rin na gwapo yung kapatid nya!"

 

"Ikaw din naman?!?! Naniniwala ka sa mokong na toh?!?!" At talagang napahalakhak nalang ako sa kanilang dalawa. "Jusko! Kiray, wag ka ngang magbulagbulagan riyan at wag kang magpapa-uto sa mokong na toh! Binibiro ka lang ni Ryan."

 

"Hindi ako nagbibiro!"

 

"Ang mean mo talaga Kuya! Palibhasa di ka lang gwapo, maganda ka pa! Kaya ganyan ka nalang kung makalait sa'ming dalawa ni Kuya Ryan!" Bigla naman akong napatigil sa narinig ko mula sa kapatid ko. Sorry na. Eh sadyang nakakatawa tong si Ryan eh.

 

"Eh? Nagsasabi lang naman ako ng totoo!"

 

"Oo nagsasabi ka nga ng totoo! Pero nakakasakit ka na! Tara na nga lang Kuya Ryan at pumunta na tayo dun sa bahay nyo para mailagay nyo tong bibingka at puto na bibilhin nyo. Iwanan nalang ho natin pansamantala tong medyo bruha kong Kuya", ani Kiray saka nagsimula silang umalis ni Ryan at iwanan ba naman ako.

 

Lintik! Kailan pa nagwagi si Ryan sa pagkuha ng loob ng kapatid ko?!? Eh dati rati naman kamping-kampi sakin yang kapatid kong yan. Jusko naman oh! Nag-iba ata ng ihip ang hangin ngayon. Palibhasa darating raw yung 'gwapo' nyang kapatid galing Korea. Gwapo?!?! Ikain mo nalang yan ng kutsinta! Gutom ka lang Ryan!

 

---

 

Payapa akong natutulog nang bigla akong makarinig ng mga  hiyawan at sigawan ng mga tao na naging dahilan ng maaga kong paggising. Bwesit naman oh! Kung kelan napanaginipan ko si Liza na naging girlfriend ko na raw sya at magkikiss na sana kami eh saka pa naman ako nagising dahil sa mga pesteng sigawan mula sa labas. Ang hirap naman talaga pag nakatira ka sa squaters area walang soundproof yung mga haligi ng bahay namin at labas masok yung sigawan kapag may away o may dayong mala-artista ang kagandahan rito sa lugar namin.

 

And speaking of that, baka may nag-away na mag-asawa na naman dahil sa kabit-kabit. Hay jusko! Pero teka nga lang habang pilit kong inaabsorb yung ingay mula sa labas ng bahay namin eh mukhang wala namang may nag-aaway sa labas. Eh mukhang may artista pa ngang dunating eh sa may narinig ba naman akong, 'Ay ang gwapo nya!', 'Shet! Nakakasilaw yung kagwapuhan nya', 'Ang yummy naman nya', 'Masarap kaya sya?!'. Jusko!

 

Pilit ko mang ipikit muli ang mga mata ko ay di ko na magawa pa kaya ayun naisipan ko nalang ang bumaba't hanapin ang Nanay at kapatid ko. Pero kahit anong hanap at tawag ko sa kanila pagkababa ko eh walang sunsagot sakin at ni anino nila di ko maaninag.

 

Punyeta! Nasan na ba ang Nanay ko't kapatid ko?!?!

 

Nang lumabas ako nga bahay namin eh talaga namang di ko mawari ang mga tao na tumatakbo patungo sa bahay ni Ryan. At mukha pa talagang mga nababaliw ang mga to habang bulong-bulong nila ang salitang gwapo. Leche! Talaga bang gwapo yung kapatid ni Ryan na sinsabi nyang darating mula Korea?!? Di ko nga alam kung kelan yun darating di naman nya nasabi sakin. Pero mukhang kapatid nya nga yung pinagkakaguguluhan eh talaga namang di mahulugang karayom yung mga tao sa bahay nila na ang iba ay sadyang umakyat pa talaga sa bubong. Hay Lord!

 

Naki-usyuso naman ako. Eh sa may pagkachismoso rin ako eh. Leche! Kaya ayun tulak here, tulak there. Hanggang sa makarating ako sa may front door ng bahay ni Ryan at talaga ba namang nasurpresa ako. Akalain nyo naman may men in black ba na tamang nakatayo rito.

 

At agad naman akong pinigil ng dalawang men in black. Eh sa gusto kong pumasok eh sa nakita ko lang naman yung kapatid ko sa loob ng bahay nya.

 

"Papasukin nyo ko! Kapatid ko na nasa loob!"

 

"Sir, sorry bawal po talaga. Utos po samin yan ni Sir Ryan."

 

"Punyeta! Tawagin nyo si Ryan at sabihin nyong ilabas nya yung kapatid ko!"

 

"Sir sorry po talag-"

 

"Sino yan mga Kuya?!" Agad namang bumukas yung pinto at sa wakas nasilayan ko rin si Ryan at aba imbis na matakot sa pagmumukha ko ngumingiti pa sakin ang mokong. Mukhang tuwang-tuwa pa syang nakita ako. "Luhan baby!"

 

"Wag mo akong mababy-baby! Ilabas mo yung kapatid ko!" Nagpupumiglas naman ako mula sa mga kamay ng men in black. Shet. Ansakit lang naman nila kung makahawak sakin.

 

"Relax ka nga lang dyan, Luhan baby. Andito yung kapatid at Nanay mo busy sila sa pakikipag-usap sa kapatid ko. Halika pasok ka para makita mo", aniya at saka nya sininyasan ang mga men in black na bitawan ako at saka nya ako pinapasok.

 

Pagpasok ko ay nakita kong masayang nag-uusap ang Nanay at kapatid ko sa isang lalakeng di ko makita ang pagmumukha eh sa nakatalikod sya eh. Pero infairness, ang tangkad nya at may fashion sense ang mokong. Naka simple white-shirt lang sya at denim pants at naka sneakers pero grabe di sya jeje tingnan instead ang gwapo nya kahit nakatalikod.

 

"Kuya Luhan?!?" Tawag sakin ng kapatid ko at akma na sanang puputak ang buchi ko nang biglang humarap yung lalakeng nakatalikod at animo'y parang nagslowmo yung paligid nang ito'y hunarap sakin.

 

At para naman akong binugahan ng napakalakas na hangin nang masilayan ko ang pagmukmukha nya. Shet. Bagong gising lang ako at tyak may tulong laway pa ako na naninigas na.

 

Bwesit! Ang gwapo lang naman ng lalakeng humarap sakin. Tinalo pa nya si Piolo at mas itinumba nya ang kagwapuhan ni Paolo Avelino na idol na idol ko.

 

"Sya nga pala, Luhan baby. Kapatid ko, si Sehun. Sehun si Luhan nga pala kapatid sya ni Kiray at anak sya ni Aling Pokwang na kapitbahay natin", ani Ryan.

 

"Hi Luhan. Ako nga pala si Sehun."

 

Di ko na alam pa kung anong gagawin ko. Eh sa nakakalaglag panga lang naman kasi yung kagwapuhan nya eh. Bwesit! Di ako mapagsalita at higit sa lahat di ko mahanap ang boses ko. Di ko maigalaw ang buong katawan ko at ang mga mata ko'y nakapako lang sa kanya. At mas naging wild ang puso ko nang bigla syang ngumiti sakin. Shet.

 

"Kuya, mahiya ka naman. Tumulo yung laway mo oh", ani Kiray na naging dahilan upang magising ako. Leche! At talagang tumulo yung laway kaya pala nakangiti sya sakin. Leche!!!!

 

Agad ko naman pinahiran yung laway ko gamit yung t-shirt na suot ko. At leche lang talaga di ko tuloy alam kung pano ko sya haharapin tyak nahilo na sya sa amoy ng bibig ko. Nakalimutan ko di pa pala ako nakapagmumog.

 

"Oh di ba sabi ko sa'yo gwapo talaga yung kapatid ko!" Natatawang sabi sakin ni Ryan.

 

"Hahaha ayaw nya kasing maniwala sa'yo Kuya Ryan eh!" Hirit ni Kiray saka naghigh five silang dalawa ni Ryan.

 

"Umuwi na po tayo", nakatungo kong sabi sa kanila. Di kayang iangat yung tingin ko kasi pakiramdam ko nakatingin pa rin sya sakin. Shet.

 

"Naku anak! Mamaya na! Mabuti nga't pumunta ka rito. Inimbitahan kasi tayo ni Sehun na sabayan sya sa pag-almusal. Kaya go na anak", ani ng Nanay ko na wari'y na-eexcite pa talaga na makakasabay namin sa pagkain itong si Sehun na kapatid daw ni Ryan. Jusko! Kapatid ba nya talaga toh?!?! Eh ang layo ng mga hitsura nila!

 

"Pero Nay-"

 

"Wag ka na ngang choosy dyan, Kuya! Bumili pa naman si Kuya Sehun ng mga paborito nating Korean foods!" Hirit ni Kiray.

 

Jusko! Nakakahiya tong Nanay at kapatid ko.

 

"Nay! Kiray! Ano ba umuwi na nga lang tayo! Nakakahiya kay S-sehun", hirit ko naman. Pero kahit na nakatitig sya sakin eh talagang inangat ko yung tingin ko deadma na kung deadma sa nakakamatay nyang tingin.

 

"It's okay. Actually, I was very excited to meet you all. Si Ryan hyung kasi kwento nang kwento sakin tungkol sa inyo", aniya at talagang nagulat ako. Nakakapagsalita sya ng Tagalog?!?! Shet. "Di ko tuloy mapigilan maexcite na mameet kayo especially you. He has been sending me pictures of you telling me you were beautiful. At talaga namang ang ganda mo nga kahit na bagong gising ka lang."

 

Strike two! Laglag na naman ang panga ko!

 

"Oi Kuya Luhan! Kinikilig na yan", tukso sakin ng kapatid ko.

 

Gusto ko pa sana pagsabihan ang kapatid ko pero inaya na sila ni Ryan na kumain at talagang naiwan kaming dalawa nitong si S-sehun. Shet. Di ko man lang masabi nang maayos ang pangalan nya. Jusko!

 

"Uh s-sige uwi lang muna ako", palusot ko. Shet. Di ko na talaga alam kong anong gagawin ko.

 

Akma na sana akong aalis nang pigilan ako ni Sehun. Shet. Ang weird lang naman ng puso ko. Buruin nyo naman bigla naman bang tumibok nang mabilis nang biglang hawakan ng malalambot na kamay ni Sehun yung kamay ko. Shet. Shet. Bitiwan mo ko please lang! Ayokong himatayin!!!!!

 

"Bitawan mo ko please lang!" Shet. Hindi to tama.

 

Nagulat naman sya nang bigla ko syang pagtaasan nga boses. Agad naman nya akong binitawan at agad naman akong tumakbo palabas at pauwi sa bahay namin. Tinutulak-tulak ko pa nga ang mga tao na nakakasalubong ko. Wala kong pakialam kung nadapa na ba sila o kung ano pa basta ang sakin lang eh makauwi na ako't gusto ko nang ikulong ang sarili ko sa kwarto ko.

 

Punyeta! Aya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
RedPrincessRen
#1
Chapter 2: Ay sheet sana all talaga luhan pinagpala hahahaha
tallpanda
#2
Chapter 1: Pota wait hahahahahahagahaha jusque ang tagal tagal ko nang gustong malaman kung papaano ko mav-view lahat ng stories mo tas kailangan lang pala maging friend kita? Jusque bat ngayon ko lang yun ginawa huehue bat eneways, shet ang kyot hahaha basta ang kyot kyot na nakakaloka kasi laptrip tapos sehon y so igop haha akala ko may chanbaek din na ganap tas homo din si baek but yeah, ito siguro yung unang pinakamatinong tagalog fic na nabasa ko dito hahahahahaahha ka enjoy sheet
frostythesnowman #3
Chapter 1: Ay shet saya. Naloka ko teh hahaha! Sobrang hunhan deprive ako ngayon kaya ayun sige hanap fanfic. Tas nakita ko to tagalog, first time, odi yun basa. Masaya naman! galing!
tootzhie
#4
ay nuks tagalog wehehehehe me iz so exoitedddd
Thehun07943 #5
Chapter 1: Naenjoy ko talagang basahin to 1am in the morning enebeyen kekekeleg asdghjll!! >w< yung moment na pinipigilan mo lng tumili cuz ebribadi is asleep na hoorrrii suu nmn authornim!!!!<3
ohHunEza
#6
Chapter 1: Hahaha!!!!! First time ko lang makapag basa ng tagalog dito...nung una nanibago ako pero shet ang ganda nito lalo na hunhan! Like wow! May forever sa hunhan! Sana makapagbasa pa ako ng ganto alam mo ung mapapaluha ka nalang sa ganda at kilig?...sana gumawa ka pa ng gangito ngayon ko lang kasi to nabasa eh...hahaha first time ko rin mag comment ng tagalog ;)
interrobanglife #7
nakakaiyak to ng sobra hahaha kilig na kilig ako lalo na dun sa suman ni sehun
anneanneanne31 #8
Chapter 1: Punyemas ang kulit wahahahahaha
Greyson #9
Chapter 1: Pishingina!! SUMAN PA NI SEHUN!!! Jusko!! Dami ko tawa, mga 520!! Ahahahahaha i cant believe na magkapatid si ryan at sehun! Hahaha grabe ang astig nito!!
hahahaharlequin
#10
Chapter 1: Kaiyak naman to.. shet kelerg much... ganda naman ng lahi ni luhan. Maganda naman si pokwang, maganda rin s kiray. Enevey, luhan... Ryan Bang please. Jusko lord ano ba to. Sehun ughh. Kill me now. Pelt me with luhan's puto, bibingka, and kutsinta...

Magha-hatinggabi na, pero nagutom ako (para sa suman ni sehun, lol) nang di oras... Gusto kog makabili kina luhan ng kakanin, though. Kamusta na kaya pamilya nila ryan at sehun??

"Like duhh hindi sya si Paolo Avelino na idol mo na kailangan mong paghandaan nang bongga."

^ Fave line. Actually, fave ko yung lahat, bentang-benta ehh. To the highest level pa man din. Ito din nga pala ang pinaka-overused cliche sa mga teleserye/movie, pero bumenta pa rin sakin, kahit ilang beses ko nang nabasa/napanood ang ganitong klaseng kwento.