Ang Dragon at ang Nyebe

Ang Dragon at ang Nyebe [tagalog oneshot]

 

“Layas.” Iyan ang sikat na linya ng kilabot ng Kingdom-Castle na si Yongguk “Dragon Master” Bang. Nakuha niya ang palayaw na “Dragon Master” mula sa kanyang angking kasungitan at init ng ulo. Hilig niya ang magpalayas kapag ayaw na niyang makakita ng tao. Kadalasan ay siya lang at ang kanyang katiwa-tiwalang sekretaryang si Himchan “Americano” Kim ang nasa kanyang opisina.

Ang kanyang sekretarya ay kilala bilang “Americano” dahil sa hilig sa kapeng Americano at sa hilig sa paggamit ng wikang Ingles na may kasamamng kasinglutong-ng-chicharong punto ng isang tunay na Americano.

Nagsisimula ang umaga ni Dragon Master sa tunog ng kanyang alarm sa cellphone. Pangggising niya sa umaga ang kantang Inosente Lang Ang Nagtataka ng Rivermaya kasama si Raymund Marasigan ng bandang Sandwich. Pagkagising niya ay agad magsesepilyo at maliligo. Matapos maglinis ng katawan ay magpapahid siya ng mga pampapogi – facial sunscreen, moisturizing body lotion, antiperspirant deodorant at signature perfume. Pupunta siya sa kanyang magarbong walk-in closet at pipili ng corporate attire for the day niya. Kasama na riyan ang solid gray suit, cotton button-up, makulay na necktie, itim na medyas, waterproof na relo at mas-mahal-pa-sa-kaluluwa mo na leather black cap toes.

Matapos magbihis ay kukunin niya ang kanyang Samsung Galaxy Note 3, Samsung ATIV Book 9 Lite at Garrison No. 147 Vintage Black Leather Briefcase. Paglabas niya mula sa kanyang condo unit sa 23rd floor ay sasakay siya ng elevator kasama ang kanyang kapitbahay at sekretarya na si Secretary Kim. Bawal sumakay ang kahit sino kapag siya ang nasa elevator. Napapalayas ang sinumang pangahas na sumabay sa kanya dail siya ang nagmamay-ari ng buong condominium.

Paglanding ng elevator sa ground floor, rarampa ang Dragon Master habang lahat – as in lahat – ng tao ay nakatungo. Kapag nakatakap na sa labas ng lobby ang mga paa niya ay saka magsisikilos muli ang mga tao.

Araw-araw sinusuong ng Rolls-Royce Phantom Extended Wheelbase ni Yongguk ang traffic sa kalsada ng Gangnam – at siyempre, hindi siya ang driver. May kakayahan din si Secretary Kim na lusutan ang trapiko, at kahit mismo ang mga pulis trapiko.

Katulad ng mga tao sa lobby ng kanyang condominium, lahat ng empleyado ng Kingdom-Castle ay nakatungo sa kanyang pagdating. Pagpasok niya sa knayang opisina sa 30th floor, uupo siya at sisimulan na ang trabaho. Nagbabasa siya ng balita ukol sa ekonomiya, sa lagay ng panahon at sa pasok ng pera sa kanyang kumpanya. Pumupunta siya sa mga miting para mapag-usapan ang mga problema sa kumpanya at mga produkto/serbisyo nila at paano mas lumakas ang kita ng kumpanya. Idagdag pa ang mga espesyal na bisita tulad ng mga investors, business partners at mga lumalandi sa kanya na padala ng kanyang tita.

Natatapos ang araw niya sa pagkain ng padalang authentic ramen ng bise-presidente ng Kingdom-Castle na tito niya rin. Pagsakay niya sa kotse pauwi ay trabaho pa rin ang inaatupag. Nakakapagpahinga lang siya kapag nakauwi na siya. Magbibihis siya, kakain ng hapunan, maglilinis ng sarili at matutulog nang mahimbing.

Ganyan ang ikot ng buhay ni Yongguk araw-araw. Organisado at paulit-ulit lang. Nagkakaroon lang ng kasiyahan kapag kaarawan niya o kaarawan ng tita niya.

 

Isang gabi, nagmaneho mag-isa si Yongguk habang umuulan nang malakas. Hindi niya kasama ang kanyang sekretarya sa kadahilanang may lagnat siya.

Habang sinusuong niya ang basang daan ng Gangnam, may namataan siyang kamay na kumakaway sa kanya. Nang malapitan niya ito, isa siyang babaeng nakakapote. Nilagpasan niya lamang ito at nagtampol sa pagdrive. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, tumigil ang makina ng kanyang sasakyan. Nagtatatakbo ang babae papunta sa kanyang sasakyan at sumakay. Pagpasok niya ay amoy na amoy ang kumapit na halimuyak ng alimuom at ang tamis ng alak. Napatingin si Yongguk sa babae na may kasamang panghuhusga. Nagulat na lang siya nang umandar na muli ang kanyang sasakyan.

“Maraming… m-maraming salamat po, ma… –sinok–  mabuting ginoo~ hee hee~” ang bati ng babae sa kanya habang siya ay nagmamaneho.

“Saan ka bababa?” galit na itinanong ni Yongguk sa nakisakay sa kanya.

Ngumiti ang babae at hinubad ang kanyang basang kapote. “Kung saan ka baba  –sinok–  ba~ hee hee hee~”

Naman… bakit naman babaeng lasing at amoy lupa ang nakisakay sa maganda kong kotse? Eh kung iiwan ko na lang ito sa waiting shed sa kanto? Tutal di naman kami magkaano-ano nitong hampaslupang to. At ipapalinis ko pa ito bukas. Ititigil niya sana ang kotse niya sa tapat ng isang waiting shed ngunit bigla itong nawalan ng preno. Naitigil niya na lang ang kanyang kotse nang marating na niya ang condo niya.

“Hee hee~ andito na pala tayo~  –sinok–” sabi ng babae habang nakasilip sa bintana at nakatingin sa magarbong condominium building.

“Alam mo kung saan ako nakatira? Sino ka ba ha? Nanadya ka ba? Manghihingi ka ba ng pera? CSW ka ba? Eh bakit ganyan kapangit ang suot mo, ha?”

Inilapit ng babae ang mukha niya sa kanya at sinagot ang kanyang katanungan sa napakalambing na boses. “Hindi mo ba ako naaalala… Tigger?”

Nanlaki ang mga mata ni Yongguk sa gulat. “S-SINO KA? Si Cha Heejo lang ang natawag sakin nun! Kaano-ano mo siya, ha?”

Inilapit pa lalo ng babae ang mukha niya at sumagot, “Si Heejoo ito. Namiss mo ba ako?” Dumapo ang kamay ng babae sa mukha ni Yongguk at biglang nahimatay, saktong nasalo naman agad ni Yongguk.

“Lintik na – ay nako naman! Baliw na ba itong babaeng ito? Siya, si Chae Heejoo? Eh ang pangit ng babaeng to  –inamoy ang buhok ng babae–  at amoy lupa pa! Bakit naman kasi ngayon pa nagkasakit si Secretary Kim?!” Wala na ring nagawa si Yongguk kundi bitbitin ang babae papunta sa condo unit niya.

Nagulat ang lahat ng tao sa lobby nang makita nila na may bitbit na babae sa likod si Yongguk. Naririnig niya ang mga bulungang “Hindi naman pala bakla si Dragon Master eh.” Nainsulto man siya sa una, pero naisip niya na mas mabuti nang panindigan niya ang pangyayari. Pagpasok niya sa condo unit niya, binalibag niya ang babae sa kanyang leather sofa.

“Aray! Ang epal mong hayop ka! Isama kita sa hukay ko eh!” sigaw ng babae paggising niya.

“At sino ka naman para pagsabihan ako, ha?”

Tumayo ang babae at tinitigan siya mulo ulo hanggang paa. “Mababang uri talaga ng mga tao kayong demokratiko. Hindi mo ba ako kilala?”

“Patawa ka rin, no?” biro ni Yongguk sabay batok sa kanya. Biglang nahimatay ang babae na saktong nasalo niya. “Lintik na – LAYAAAAAAAAAAAS!!!” Inilapag niya nang maayos ang babae sa kanyang leather sofa at umalis saglit upang kumuha ng maiinom para kumalma. Pagbalik niya ay gising na muli ang babae at nakaupong parang aso.

“Awooo~” sabi ng babae na may ligaya sa boses.

Tinakpan ni Yongguk ang kanyang mukha ng kanyang mukha ng kanyang kamay. “Hindi ko na kaya ito.” Hinablot niya ang babae at nawalan nanaman ng malay. Napaatras siya sandal at napaisip. Nakadroga ba itong babaeng to? At parang yelo siya sa lamig? Pero nahinga naman siya. Teka nga, ano to, Frozen? Baka may sakit to. Binuhat niya ang babae sa kanyang mga bisig papunta sa kama niya.

“Ang babaeng ito…  –tumingin sa mukha ng babae–  maganda naman,  –tinignan ang katawan–  mukhang may kurba naman,  –pinagmasdan ang mga binti at hita–  sayang nakapantalon, pero amoy lupa. Kung malamig ang katawan niya pero buhay siya… di kaya taga-perya to? Hmm… magandang investment to.”

Umalis siya para magbihis pamtulog. Pagbalik niya ay nakita niya ang babaeng nagsisimulang maghubad ng kanyang damit. Agad siyang tumakbo sa babae para pigilan siya. Nahimatay muli ang babae. “Nababaliw na ako.”

Napansin niya ang nakaumbok na wallet sa bulsa ng pantalon ng babae. Kinuha niya ito nang maingat at binungkal ang mga nilalaman: isang driver’s license, ₩5000, picture niya na may kasamang isa pang babae at rosary card. Binasa niya ang driver’s license ng babae para malaman ang kanyang pangalan. “Elsha Mae Lee? Kakaibang pangalan. Pero mahurap naman ang babaeng ito. Ni walang credit card o ID bukod dito. –binato ang driver’s license ng babae–”

Dumilat ang babaeng si Elsha Mae na ikinagulat niya. Dali-dali niyang hinawakan ang kamay niya para makatulog siya ulit. “Hay naman. Bukas ko na kakausapin ang aking bagong investment.”

 

Nagising si Elsha Mae na may kahawak-kamay. Pinagmasadan niya mula ulo hanggang paa ang lalaki.

“Ang gwapo naman nito. Kahit naka-sando ang y pa ring tignan. May girlfriend na kaya ito? Pamilyar yung mukha niya pero di ko maalala. Napaginipan ko na ata siya. Siya kaya yung… Hay… –tingin kay Yongguk–  Bakit naman kasi yun pa panaginip ko? Ba’t di na lang ako?”

Nabigla siya nang dumilat si Yongguk at hinila siya, napahiga siya sa dibdib niya. “Anong klaseng babae ka ba, ha?”

Napakamot ng ulo si Elsha Mae at sinabing, “Isa akong babaeng nakakakita, nakakausap at sinasapian ng mga multo. Sino kaya sumapi sakin at dito ako napunta? Sino ka nga pala?  –nagsenyas kay Yongguk na huwag sagutin ang tanong niya–  Mali, magpapakilala muna ako dahil alam kong naguguluhan ka.

“Ako nga pala si Elsha Mae Lee, isang alalay ng manghuhula sa Itaewon. Nakatira ako sa isang maliit na apartment, sa may rooftop. Bata pa lang ako nakakakita na ako ng mga multo pero itinuring ako na malas kaya ibinigay ako ng mga magulang ko sa bahay-ampunan. Lahat ng mga foster parents ko sumuko sa kakaiba kong kakayahan, dahil ang mga taong nakakasama ko ay nakikita na rin ang mga nakikita ko. Lumaki akong mag-isa.

“Pero nung narating ko ang edad na labingwalo natuto kong tanggapin ang kakayanan ko. Ang kinakatakot ko lang sa kakayahan ko ay kapag mahimbing ang tulog ko o kaya lasing ako ay sinasapian ako. Naranasan ko nang magising sa gitna ng sementeryo at sa isang Buddhist temple. Ngayon ko lang naranasang magising sa tabi ng isang katulad mong gwapo. He he~

“–kumawala kay Yongguk at nag-inat ng katawan–  Sino nga pala ang sumapi sakin? Asawa mo? Girlfriend mo? Nga pala, –inilabas ang palad niya–  ₩2000 ang bayad sakin kapag nakipag-usap ka sa namatay mong kaanak gamit ako.”

Napatayo sa gulat ni Yongguk. “ANO? Matapos mong makisakay at makitulog, babayaran pa kita? Bayarang babae ka ba, ha?”

Binatukan ni Elsha Mae si Yongguk at nagpaliwanag. “Gago to. Kung bayarang babae lang din naman ako, eh bakit ganito suot ko? Hoy, ako si Elsha Mae ‘Queen Elsha’ Lee. Bukod sa aking angking kakayahan, kilala ako sa pagiging malamig. Malamig ang katawan ko. Miski hininga ko malamig.”

Lumapit si Yongguk sa kanya at binulungan siya, “Ako si Bang Yongguk, ang president ng Kingdom-Castle. At palagi akong mainit. Kayang-kaya kong pawalain ang lamig mo. –lumapit pa lalo kay Elsha–  Wala ka bang napapansin?”

Tinitigang mabuti ni Elsha Mae ang mukha ni Yongguk sabay sagot sa tanong niya, “Wala. Bukod sa gwapo pala ang president ng Kingdom-Castle. Sabi nila halimaw ka raw eh, kaya Dragon Master ang bansag nila sayo. Teka…  –natawa–  Hindi ba ibig sabihin ng Yongguk ay… DRAGON SOUP? Ha ha ha ha ha ha ha, dami kong tawa, mga trenta.”

“Pinagtatawanan mo ba ako?”

“Nah, just a derision. Joke lang. Pangit ang pikon~ Kkaebsong~”

“Kkaebsong mo mukha mo!”

“Pero matanong ko lang, sino ba si Cha Hee Joo sa buhay mo at nakabuntot pa rin siya sayo hanggang sa mamatay siya? Baka matulungan kita…” biglang palit niya ng usapan.

“Si Cha Hee Joo ang ex-girlfriend kong tinangay ang ₩10 million kwintas ng aking nanay. Namatay siya matapos ma-hit-and-run, pero alam kong sinadya yun. Dahil nung kinuha ang katawan niya, wala na sa kanya ang kwintas.”

“At sinapian niya ako kagabi at nagkaroon ka ng pagkakataong makausap siya, tama ba ako?” biglang singit si Elsha Mae.

“Ngayon, gusto kong makipagsundo sayo–”

Niyakap siya ni Elsha Mae nang mahigpit. “Akala ko galit ka eh. Yeeey~ bati na tayo ah~”

“Ah…” ang tanging nasabi ni Yongguk. Napayakap na rin siya. Ang lamig nga niya. Para siyang bangkay. Nanlaki ang mga mata niya nang may maramdaman siyang nakaumbok sa may dibdib niya. Hindi flat…

Nang pumiglas na sa pagkakayakap si Elsha Mae, tila ba natulala at nabitin si Yongguk. Dinadama ko pa eh… Nagising siya bigla sa katotohanan nang makita niyang papaalis na si Elsha Mae. “Teka lang,  –hawak sa balikat ni Elsha Mae–  may sasabihin ako sayo.

“Gusto ko na maging radar kita at hanapin ang kwintas ko. Babayaran kita, wag kang mag-alala. Gagawin kitang display girlfriend para hindi ka mahirapang hanapin ang hayup na yun. Wag kang mag-inarte.” Tanggapin mo kung hindi yari ka sakin.

Mangiyak-ngiyak si Elsha Mae sa narinig niya. Ohmaygad babayaran ako ng Dragon Master para makasama siya? Kahit masama ugali nito, gwapo pa rin. Pwede na~ “Sige, sabi mo may bayad eh~ Kelangan ko pa ng pera para sa comeback ng Big Bang!”

At kailangan kong malaman bakit mabilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita kita…

 

“Good morning, Dragon Master. Mukhang maganda ang araw mo ngayon ah?” bati ni Secretary Kim sa kanya pagpasok niya ng elevator.

Inaayos niya ang kanyang necktie at nagtanong, “Bakit mo naman nasabi?”

“Nabalitaan kong may kasama kang babae sa iyong condominium, tama po ba ako? Kung mali man ako ay hahanapin ko agad ang sinumang nagkalat ng maling–”

Tinignan siya ni Yongguk na may kasamang ngiti sa labi, “Tama yung balita.”

Nanlaki ang mga mata ni Secretary Kim sa kanyang narinig. “May girlfriend na po kayo?!”

“Parang ganun na rin,” sagot niya, napangiti nang maalala niya ang mukha ni Elsha Mae.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet