Witch 1

The Witch Story

CHAPTER 1: STORY OF A WITCH

 

Binabalutan ni Mitchie ng pink na ribbon ang isang box na naglalaman ng regalo sa loob. Ito ay isang scrap book para sa kanyang best friend na si Nikki. Ngayon kasi ang araw ng ika-anim na aton nilang pagkakaibigan.

Nang matapos siya sa pagbabalot ng regalo, pumunta na siya sa bahay ni Nikki. Nang makarating siya roon, nag-doorbell siya at kaagad naman siyang pinagbuksan ng katulong. Mayaman ang pamilya ni Nikki kaya napakaganda at napakalaki ng kanilang bahay. Napansin niyang malungkot ang mukha ng katulong nang makita siya nito, tatanungin niya sana ito pero tumuloy na lang siya sa loob.

Pagkapasok niya pa lang sa loob ay narinig niya na ang iyak ng mga magulang ni Nikki. Bigla siyang kinabahan.

 

“Tito, tita, ano pong nangyari? Bakit po kayo umiiyak? Nasaan po si Nikki? Pasensya na po, pero pwede ko po ba malaman kung bakit kayo umiiyak?” Tanong niya sa mga ito nang makalapit siya sa mga ito. Tumingin sila sa kanya. Nilapitan siya ng ina ni Nikki at  niyakap siya.

“Bakit po?” Mas lalo siyang kinabahan kung ano ba talaga ang nangyayari.

“Mitchie, hija… S-si Nikki… Si Nikki… Ang prinsesa ko…” Hindi na nito naituloy ang sasabihin at bumalik na sa asawa at humagulgol ng iyak.

 

 

Tumakbo siya paakyat sa kwarto ni Nikki. Pinanlambutan siya ng tuhod sa nakita kaya napaupo siya sa may pintuan.

 

Ang bestfriend niyang si Nikki ay nakahiga sa kama nito habang ang pulso nito ay puno ng dugo. Nandoon pa ang kutsilyo sa katabi nitong mesa sa may lampshade.

Nagpakamatay ang best friend niya dahil hindi nito kinaya ang pakikipaghiwalay sa kanya ng boyfriend nito.

 

Nanginginig pa rin ang tuhod niyang lumapit dito at saka lumuhod sa tabi nito.

 

“Nikki, bakit mo ako iniwan? Diba sabay pa tayong ga-graduate? Di ba sabay pa tayong mag-aaral sa university na gusto natin pag nag-college tayo? Diba pareho pa tayo ng trabaho na papasukan? Diba sabay pa tayong tatanda at mag-aasawa?” Hindi niya namamalayang umiiyak na pala siya, napansin niya lang iyon ng may makita siyang mga patak ng tubig na bumabasa sa kama.

“Ngayon pa naman ang best friend’s anniversary natin, pinaghandaan ko pa naman to, may regalo pa nga ako sa’yo” Ipinatong niya ang regalo sa tabi nito.

“Ginawa ko pa naman to para sayo, pinaghirapan ko…”

“Kahit kalian ang daya mo talaga!” At doon na siya humagulgol sa pag-iyak. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha niya. Palakas rin ng palakas ang pagngawa niya.

 

Maya-maya ay dumating na ang mga taong kukuha sa bangkay nito. Nakatulala lang siya. Tinanong siya ng mga magulang nito kung sasama ba siya pero hanggang ngayon ay tulala pa rin siya at di nagsasalita. Minabuti na ng mag-asawang Kang na iwan siya sa loob.

 

 

Nang medyo nakabawi at nahimasmasan siya, pumunta siya sa bahay ng ex-boyfriend ni Nikki na si Nico. Kumatok muna siya at pagkabukas na pagkabukas nito ng pinto at sinampal na niya ito ng ubod ng lakas. Halatang magulat ang lalaki sa ginawa niya base sa ekspresyon ng mukha nito.

“Hoy! Mitchie! Anong trip mo at bigla-bigla ka na lang susugod dito at mananampal?!” Sigaw nito sa naiinis na tinig.

Imbes na sagutin niya ito ay binigyan niya ito ng isang malakas na suntok na nagpadugo sa ilong nito. Napasigaw ito at kinapa ang tumutulong dugo mula sa ilong nito at saka tiningnan nito ang daliri. Nanlilisik ang mata nito na tumingin sa kanya.

“Mitchie Lee! Nakakapikon ka na ha! Ano ba at bakit nanununtok ka?! Ano bang ginawa ko sa’yo at nagkakaganyan ka?! Kung di ka lang kaibigan ni Nikki matagal na kitang pinatul—“

 

Hindi na nito naituloy ang sasabihin at binigyan niya ito ng maraming mga sipa at mga suntok,”Bwiset ka! Wala kang kwenta! Duwag! Walanghiya ka!” Sigaw niya habang walang tigil itong ginugulpi at umiiyak.

Hindi na nakatiis si Nico at hinawan niya si Mitchie sa magkabilang kamay at isinandal sa pader, hindi niya ito makontrol at kitang-kita nito ang galit kahit umiiyak ito.

“Mitchie Lee! Tumigil ka na! Bakit ka ba nagkakaganyan at mukhang galit na galit ka sa akin?” Tanong niya rito. Medyo kumalma na rin ito.

 

Binigyan niya ng matalas at masamang tingin si Nico. Sa takot ni Nico ay binatawan na nito ang kamay niya.

“Hindi lang ako basta galit sa’yo, Nico Han. Isinusumpa kita!” Sabi niya sa nanlalaking mga mata. Pagkasabi niya nun ay biglang kumidlat at bumuhos ang malakas na ulan. Kinilabutan ito lalo sa kanya.

At dahil din sa umuulan ay basing-basa na sila pero hindi nila yun alintana sa ganitong sitwasyon.

 

“Dahil sa’yo namatay ang kaibigan ko! Namatay si Nikki! Sinayang niya ang buhay niya dahil sa walang kwentang katulad mo!” Kumidlat ulit at kumulog ng sobrang lakas.

 

Nabigla si Nico sa sinabi niya, “A-anong… Ibig mong sabihin? Anong patay na si Nikki?” Tanong nito.

 

“Isa kang malaking tanga dahil pinakawalan mo siya! Dahil sa’yo nagpakamatay siya! Naglaslas siya ng sarili niyang pulso! Oh! Naiintindihan mo na ba!” Sabi niya sa nanginginig sag alit na boses.

 

Hindi makapaniwala si Nico sa narinig. Ang kahapon lamang na kasama niya bago sila maghiwalay ay patay na pala. At ang pinakamatindi pa ay ang dahilan ng pagkamatay nito ay siya. Nagpakamatay ito dahil hindi nito natanggap na nakipaghiwalay siya dito. Tama nga si Mitchie, tanga siya dahil pinakawalan niya ang babaeng mahal naman talaga niya. Pero maling nagpakamatay ito. May mali. Malakas at masayahing babae si Nikki. Naalala pa niya ang nangyari kahapon, ang araw na nakipaghiwalay siya dito.

 

*FLASHBACK*

 

“Uhhmm… Nikki… I’m sorry, pero pwede magbreak muna tayo?” Sabi niya sa dalaga naka-upo sa bench ng park habang siya ay nakatayo at nakatalikod dito.

“P-pero bakit naman? May nagawa ba ako? Ano yun? Sabihin mo!” Tanong ni Nikki na nasa tabi niya na.

“Alam mo kasi, nakakasawa rin na palaging tayo ang magkasama, i-try naman nating maghiwalay kahit sandal lang.”

“Nagsasawa ka na ba sa akin? Ganon ba yun?” Parang iiyak na ito.

 

“Nikki… Haay! Sandali lang naman tayo maghihiwalay eh! Ie-enjoy ko lang saglit ang pagiging single. Oh ano, ok na ba?”

"Nico..." Kumapit ito sa braso ni Nico na tila nagmamakaawa.

"Sige na. Bye," Ang huling sinabi ni Nico bago niya tuluyang iwan si Nikki.

 

*END OF FLASHBACK*

 

"Bakit niya ginawa yun? Bakit siya nagpakamatay nang dahil lang sakin? Bakit Nikki?" Lumuhod si Nico at saka umiyak.

"Wag ka umarte ng parang inosente ka, Nico. Pagbabayaran mo 'to. Sinisiguro ko sayo." Sabi ni Mitchie kasunod ng isa pang ulit na malakas na kulog at nakakatakot na pagkidlat.

 

 


 

 

SUBSCRIBE AND COMMENT ♥

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet