Behind Every Joke

One Shot.

"Mahal kita."

 


Madalas nyang sabihin sakin ang mga salitang yan. Walang araw na hindi ko naririnig ang mga katagang yan mula sa kanya. Nung una naiinis ako, pero habang tumatagal, parang hindi na kumpleto ang araw ko pag hindinya ko sinasabihan nyan.


Kaya lang laging may karugtong na "joke lang" sabay tawa ng malakas.

 

Shempre masakit. Kung pwede nya lang sana alisin yung 'joke lang' eh. Kaya naman hindi ko sineseryoso yung mga sinasabi nya. Kasi alam kong nanti-trip lang sya.


Pero nagbago ang lahat ng yun ng tinuro nya saakin ang sinasabi nilang,


"Some jokes are half meant"


Hindi ko makakalimutan nung unang beses na pinagtagpo kami ng tadhana. Third year highschool pa lang kami nun, first day of classes. Habang papunta ako sa classroom namin, nakarinig ako ng malakas na tawanan ng mga lalaki na nanggagaling sa corridor na dadaanan ko.

 

"psst miss!" sabi nung sang lalaki doon sa babaeng padaan sa harapan nila. "ang ganda mo naman!"


"oo nga!" dagdag pa nung isa "pakasal tayo gusto mo"


Inirapan lang sila nung babae at nagsimula ng maglakad papalayo. Napailing na lang ako. Mukhang wala atang matinong magawa ang mga lalaking to. Nakaharang pa sa dadaanan ko.


Dahil wala akong choice kundi dumaan sa harapan nila, yumuko nalang ako at dire-diretsong naglakad ng hindi sila nililingon. Kaso nagulat naman ako ng pagdaan ko sa harap nila, tahimik silang lahat, pero ramdam kong sinusundan nila ako ng tingin. Nang makalagpas na ako, nagulat ako ng sumigaw yung isa nilang kasama.


"Miss! Yung naka pink na bag!"


Napahinto ako sa pglalakad at napatingin sa bag na hawak ko. Color pink. Nilingon ko yung lalaking tumawag saakin at nakita kong nakatingin sya saakin ng seryosong seryoso.


"uhmm m-may sasabihin ako sayo" sabi nya sakin ng may seryosong tono ng boses at mukhang nahihiya.

"ano yun?" tanong ko sakanya.

"k-kasi, ano, mahal kita." sabi na ng seryosong seryoso.

 


Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at parang nabingi ata ako sa narinis ko. Ano daw ulit sabi nya? Mahal nya ko? Totoo ba to? May lalaking nagtatapat saakin ngayon, dito sa maingay at puno ng estudyante na corridor sa iskwelahan namin?


Ano ang dapat kong i-react?


Tinignan ko lang sya ng seryoso nun dahil parang umurong ang dila ko. Hindi ko alam ang dapat kong isagot sakanya.


Nagulat nalang ako ng bigla syang ngumiti ng nakakaloko sabay sabi ng mga salitang "di, joke lang" at biglang tawa ng malakas na akala mo eh wala ng bukas kung makatawa. Sinabayan pa ng mga kabarkada nya ang pagtawa nya.


Sabay sabi nung isang kasama nya "nice one pare!"

 

Tinalikuran ko sila at naglakad na papuntang room namin.


Ayun ang araw na sinumpa ko ang pangalang Gerald Anderson. Ang kauna-unahang alalking pinagsigawan na mahal nya ako sa harap ng maraming estudyante sa corridor ng school namin. Yun nga lang may pahabol na 'joke lang' sa dulo.


At kung mamalasin kka nga naman talaga, kaklase ko pa pala sya. Pero dahil nga sa nangyari sa corridor, hindi sya pinapansin at hindi rin naman nya ako kinakausap in return.


Dalawang buwan na ang nakakalipas matapos start ng classes. English subject namin nun at may pinapakabisado saming piece para sa speech. Nakaupo ako sa assigned seat ko habang binabasa ko yung piece. Kabisado ko na naman siya pero binabasa ko parin para wala na talaga akong makalimutan pag turn ko ng mag recite. Naramdaman ko namang may nag occupy ng seat sa katabi ko.

 

"Hi! Kabisado mo na?"

 

Napatingin ako sa katabi ko at imbis na yung seatmate ko ang makita ko, si Gerald ang naka occupy dun sa upuan.  


"Oo" sagot ko sa kanya sabay balik ng paningin doon sa piece na binabasa ko.


"Wow! Ang galing mo naman!" sabi niya sakin "Sige nga i-recite mo sa harap ko"

 
"Mamaya na lang, pakinggan mo ko" sabi ko sa kanya ng hindi parin nakatinggin.


"Ganun? Ay ano nga pala pangalan mo? Dalawang buwan na tayo magkaklase pero hindi parin kita kilala."


"Kim. Kimberly Sue Yap Chui."

 

"Ako naman si Gerald. Gerald Randolph Anderson."


Hindi ko na siya pinansin ulit at tinuloy ko na ang pagbabasa. Besides hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa niya saaking pantitrip dati.


Dumating na ang teacher namin kaya naman bumalik narin siya sa proper seat niya. Nagsimula ng magtawag ng mga estudyante para isa isang mag recite sa harap hanggang sa dumating ang turn ko. Matapos kong i-deliver ang speech ko, nagpalakpakan ang mga classmates ko.


Kaso mukhang may nanti-trip na naman saakin.


Sa dulo ng classroom, sumigaw si Gerald Anderson ng "ang galing mo talaga Kim! Kaya mahal na mahal kita eh! Ay hindi, joke lang!" sabay tawa ng malakas. Pati ang mga kaklase ko nagtatawanan din dahil sa kanya.
 

Pulang pula akong bumalik sa upuan ko habang binubulong sa sarili na 'wala talagang matinong magawa ang isang yan!'


Araw-araw ganoon ang ginagawa niya. Sinasabihan niya ako na mahal niya ako tapos biglang idudugtong ang mga salitang "..joke lang." Lagi kaming inaasar ng mga kaklase ko pati narin ang mga teachers. Naging 'loveteam' of the year pa nga kami eh. Syempre asar na asar ako dahil alam kong nag eenjoy siya sa pang t-trip saakin.

 

Isang araw nag usap usap ang klase namin about sa field trip namin na gagawin kinabukasan. Binigyan kami ng adviser namin ng mga rules and regulations habang nasa trip kami. Bigla namang sumingit si Gerald

 
"ma'am may tatanong po ako"


"what is it Mr. Anderson?" tanong nung teacher sa kanya.


"kasama po ba sa field trip si Kim?"
 


Napayuko naman ako habang naririnig ang mga pangaasar ng mga kaklase ko. Nakita ko pang napangiti ang adviser namin sa tanong niya.


"yes, kasama siya" sagot ng adviser namin sa kanya "bakit mo naman naitanong?"
 

"wala naman po ma'am. Kung pwede lang kasi gusto kong palaging kasama si Kim, dahil masaya ako pag nandito siya sa tabi ko."


Mas lalong lumakas ang hiyawan at asaran ng mga kaklase ko. Ako naman pulang pula na dito. Nakisali pa yung adviser namin. Mukhang pati ang mga kaklase ko nakikisali na sa panti-trip saakin.

 

Dumating ang araw ng field trip namin. Sa tagaytay kami nagpunta. Syempre nag tour kami around the city. Mga bandang tanghali nung pumunta kami sa picnic groove para kumain ng lunch. Pero grabe pala sa tagaytay, kahit tanghali malamig gawa ng hangin. Hindi pa naman ako nakapagdala ng jacket.

 

Nung matapos ako kumain ng lunch, naupo naman ako sa isang banda doon habang tinitignan ang ganda ng paligid. Nagulat ako ng biglang may nag lagay ng jacket sa balikat ko. Pagtingin ko si Gerald.

 

"malamig, baka sipunin ka" nginitian lang niya ako sabay alis.

 

Nakita ko siyang bumalik doon sa mga kaklase namin then kumuha ng guitar at nagsimulang kantahin ang I'll Be ni Edwin McCain. Pinanuod ko siya habang kumakanta ng biglang..

 

 

Dugdug dugdug dugdug.


 

Napahawak ako sa chest ko at nagtaka sa naramdaman ko. Hinikpitan ko ang hawak doon sa jacket ni Gerald dahil parang nanlamig ako bigla habang pinapanuod ko siyang kumanta. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at pinagsawalang bahala yung nararamdaman ko nung mga panahon na yun.


 

Nung matapos ang fieldtrip namin, kinantyawan si Gerald ng mga kaklase ko na ihatid ako sa bahay pauwi.


 

"Tara na Kim, ihahatid na kita. . . . . .dito sa puso ko" sabi niya saakin ng may nakakalokong ngiti.


 

Mas lalo pang nagkantyawan ang mga kaklase ko sa banat niya kaya in the end wala na kong nagawa kundi magpahatid sa kanya, sa bahay hindi sa puso niya.

 

Malay ko bang nung mga panahon nayun na papunta narin pala ako sa puso niya.

 

Dumating ulit ang pasukan. Ganoon parin siya, araw araw akong sinasabihan na mahal niya ako tapos biglang may kadugtong na 'joke lang.' Isama mo pa yung mga mala-kesong mga banat niya saakin.

 

 

Isang beses hindi siya nakapasok sa iskwelahan kaya naman walang nanti-trip saakin. Wala ring nagsasabi ng "mahal kita.. di, joke lang" sabay tatawa ng malakas. Akala ko magiging masaya ang araw nayun dahil panandaliang matatahimik ang buhay ko. Pero mali. Hindi ko alam na nakakabingi at nakakalungkot pala ang sobrang katahimikan. Hinanap hanap ko yung taong nagiingay sa buhay ko. Pag wala pala siya parang hindi kumpleto ang araw ko. Kinabukasan naman pumasok ulit siya. Nagka LBM daw siya kaya hindi siya nakapasok. As usual inasar na naman niya ako at sinabihan ng kanyang famous line na "mahal kita.. di, joke lang." Pero nung mga panahon na yun parang ang saya saya ko ulit. Doon ko lang nalaman ang totoo kong nararamdaman. Kaya naman gabi-gabi akong nagdadasal na sana, tanggalin na niya ang salitang 'joke lang' pag sinasabihan niya akong 'mahal kita'

 

Kaso hindi. Sa araw araw na ginawa ng diyos, hindi na maalis alis ang salitang 'joke lang' sa dulo ng 'mahal kita.' Siguro dahil pinag ti-tripan lang talaga niya ko. Pero grabe ng biro ang ginagawa niya, dahil natuluyan na ko. Natuluyan nang mahulos sa kany\

 

February 13. Isang araw bago ang Valentines Day, may isang lalaking nagtapat saakin na gusto niya ako at tinanong ako kung pwede daw ba siyang manligaw saakin. Hindi siya si Gerald, kundi ang pinsan niyang si Rayver. Para ngang nakakapang asar kasi sa harap pa talaga ni Gerald siya nagtapat saakin. Inabutan niya ako ng isang box ng chocolates sabay sabing "matagal na kitang gusto, pwede ba kitang ligawan?"

 

Ang reaction ni Gerald

 

"aba aba popormahan mo ang labs ko pinsan? Pero dahil pinsan kita ipagkakatiwala ko sayo ang mahal ko! Wag mong paiiyakin yan ha! Mahal ko yan! Hahaha! Hindi, joke lang"

 
Tawa siya ng tawa habang inaasar niya kaming dalawa ni Rayver. Syempre nasaktan ako ng mga panahon na yun. Dun ko napatunayan na laro-laro lang pala yung saaming dalawa. Hindi niya ako totoong mahal, sadyang napagtripan lang asarin. Masakit. Sobra.

 

Pinayagan kong manligaw saakin si Rayver. Siguro kailangan ko ng bigyan ng chance ang taong seryoso saakin. Mahal ko nga si Gerald, pero kung laro lang naman ako para sa kanya, ano pang use para mahalin ko siya?

 


Pero kahit na nanliligaw saakin ang pinsan niya, patuloy parin niya akong sinasabihan ng "mahal kita.. di, joke lang." Kada sasabihin niya yun, nasasaktan ako. Kaya naman isang araw hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasigawan ko siya.


"pwede ba tigilan mo na nga yan! Akala mo ba natutuwa ako kada sasabihan mo ko niyan?! Sinasabi ko sayo, hindi ka na nakakatuwa!!"
 


Matapos kong sabihin yun, nag walk-out ako at dumiretso sa girl's restroom at doon nagiiyak.

 

"bwisit na joke na yan, mamatay na ang nagpauso.." sabi ko sa sarili ko habang umiiyak.

 

Matapos ang araw na yun, hindi na ko ulit kinausap ni Gerald. Nalungkot ako nun. Nakakamiss siya, sobra. Parang mas preferred kong asarin na lang niya ako kesa hindi niya ko totally pansinin. Halatang iniiwasan niya rin ako.
 

Pero naisip ko, mas ok narin siguro to. Mahirap na baka lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya.

 

Isang buwan ang nakalipas ng hindi namin pagpapansinan ni Gerald. Isang buwan at kalahati naman na nanliligaw saakin si Rayver. Nung mga oras na yun nakapag desisyon na ako sa kung ano ang dapat kong gawin. Tinext ko si Rayver na mag meet kami dahil may mahalaga akong sasabihin sa kanya.

  

Nauna siya sa meeting place namin. Nung makita ko siya, huminga ako ng malalim.

  

'Kaya ko to!' sabi ko sa sarili ko.

 

Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ko na sa kanya lahat ng dapat kong sabihin. Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib matapos kong sabihin lahat ng yun. Alam ko, hindi ako nagkamali ng desisyon.

 
Naunang umalis si Rayver dahil may kailangan pa daw siyang asikasuhin. Ako naman nagpaiwan muna dahil gusto kong magisip isip.

 
'Sana talaga hindi ko pagsisihan itong desisyon ko' nasabi ko sa sarili ko 'Pero kahit na, nagawa ko na eh. Bahala na kung masaktan ako pero wala ng urungan ito'

 

Nagulat naman ako ng biglang may sumigaw ng pangalan ko

 

"Kimberly Sue Yap Chui!!"

 

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Gerald na nakatayo habang pawis na pawis.
 

"Gerald?"


"Mukhang huli na ata ako" sabi niya saakin ng may malungkot na expression "pero kailangan ko ng sabihin sayo to, dahil pag hindi, kahit kailan hindi ko na ulit to masasabi sayo. Dati pa kita kilala kahit hindi pa tayo magkaklase. Nung unang beses na nakita kita, na cute-an ako sayo kaya naman tinanong ko sa kabarkada ko kung ano ang pangalan mo. Kimberly. Hindi lang pala ikaw ang cute pati din ang pangalan mo. Isang beses ni-required akong manuod ng quiz bee dahil nag vandal ako sa armchair ko. Nung una bored na bored talaga ko. Sino ba namang hindi ma bo-bored sa panunuod ng mga estudyanteng nagpapatalinuhan di ba? Kaso nabuhay ang dugo ko nung makita kitang umakyat sa stage. Kada right answer mo napapapalakpak ako. Kada naman may mali kang naisasagot napapasigaw ako ng 'ok lang yan!' Ang saya saya ko nung nanalo ka. Sa English quiz bee pa! eh pinaka ayaw ko na atang subject ang English. Tapos ayun, isang beses nakita ko sa bulletin board na nag champion ka rin pala sa art contest. Nakapost pa nga yung drawing mo dun eh. Naisip ko ang dami mo namang masyadong talent. Ang hirap mong abutin. Kaya nakontento na lang ako sa pagtingin sayo sa malayo." Nagulat ako sa mga sinasabi niya at lahat ng iyon ayaw mag sink-in sa utak ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya pinili ko na lang na manahimik at makinig sa kanya. "Kaso hindi ko inaasahan na pagdating ng third year natin naging magkaklase tayo" pagpapatuloy niya "Ang saya ko nun. Inabangan ka namin ng mga kabarkada ko sa may corridor nung first day ng pasukan. Alam din kasi nila na may gusto ako sayo. Nung makita ka namin na parating, binulungan ako ng kaibigan ko. Sabi niya magtapat na daw ako sayo. Ginawa ko nga, kaso nadugtungan ko naman ng '..joke lang' yung sinabi ko. Kinabahan kasi ako nun na baka ireject mo ko. Kumpara kasi sayo sino ba naman ako? Isang troublemaker at sakit sa ulo ng mga teachers. Sabi ko sa kabarkada ko mukhang wala na kong pag-asa sayo. Sa galing at talino mo paano mo pa ko mapapansin. Sabi naman niya magpapansin na lang daw ako sayo gamit ang bagay kung saan ako magaling. Eh sa kalokohan lang naman ako magaling eh. Kaya ayun, nagpapansin ako sayo gamit ang kalokohang taglay ko. Lagi kitang sinasabihan ng 'mahal kita, di joke lang' sa pagaakalang alam mo yung sinasabi nilang some jokes are half meant. Kaso hindi pala." Napakamot naman siya sa ulo niya at mukhang nahihiya. "Yun nga lang isang araw nagalit ka na saakin, siguro dahil akala mo pinag t-tripan kita kaya itinigil ko na. Pasensya ka na sa mga ginawa ko ha? Pero nung time na nagtapat sayo ang pinsan ko, nasaktan ako nun. Sa harap ko pa kasi. Lalo na nung pumayag ka pa. At malamang ngayon, kayo na. Alam kong masyadong huli na kung sasabihin ko sayo to, pero kailangan. Walang halong biro, mahal kita. Mahal talaga kita.

 

Katulad nung unang beses niyang sinabi ang mga katagang yan, pareho din ang nararamdaman ko ngayon. Para akong nabibingi at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ireact. Hinihintay ko na sabihin niyang joke lang lahat ng sinabi niya pero wala. Hindi niya binawi. Katulad ko nakatayo lang din siya at nakatitig saakin.


Lumapit ako sa kanya. "bat ngayon mo lang sinabi lahat ng yan? Alam mo bang huli ka na? may boyfriend na ako. Dapat dati mo pa sinabi saakin yan!!" galit kong sabi sa kanya.

 

Napayuko siya "k-kayo na ni Rayver?" tanong niya saakin


"Oo" sagot ko

  

Tinignan niya ulit ako "Ah. G-ganun ba? C-congrats" sabi niya ng may malungkot na tono. "Ah.Sige una na ko" sabi nya
 

"Hoy Gerald! Lumingon sya. Nginitian ko siya sabay sabing "Hindi, joke lang."

 

Nagliwanag naman bigla ang mukha niya "i-ibig mong sabihin..?"

 
 

"Hindi ko sinagot si Rayver. Sabi ko kasi may mahal akong iba, kaya lang lagi akong pinag ti-tripan nung taong yun. Nagalit na nga ako sa kanya eh kasi laging may kadugtong na 'joke lang' pag sinasabihan niya kong 'mahal kita.' Malay ko ba dun sa sinasabi nilang jokes are half meant. Pero ngayon oras na para makaganti ako sa taong yun" tinitigan ko siya sa mata "mahal din kita, walang halong biro" 

 

The End.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Luckyeight #1
Aww..ang cute ng first story! sana mag tuloy tuloy yung update mo..