True Love vs Destiny

Description

 

 

 

*NEW STORY*

TRUE LOVE VERSUS DESTINY

 

 

SHORT NOTE:

I made a new story even tho I am too lazy to update

I try to update more often ! Promise kkk ~!!

Probably Sooyoung and Yoona since I am SooNa shipper ! Hell Yeah

A story between Life and Death

I dunno what to say anymore ..

Damn it Im getting tired !

Yes this is a short note ..

But I think this is too short ..

! Im sorry for being idiot ..

But hope you like it ..

 

 

 

 

WHAT IF ONE DAY...

SHE DIES

 

 

ARE YOU GOING TO ACCEPT YOUR DESTINY?

OR FIGHT FOR IT?

 

 

WILL YOU TAKE THE CHALLENGE OF...

THE GAME OF LOVE?

 

 

 

 

Foreword

 

 

 

CHOI INDUSTRIES'S CHIEF OPERATING OFFICER CHOI SOOYOUNG INVOLVED IN A CAR ACCIDENT

 

 

         Nagulantang si Yoona habang binabasa ang newspaper na hawak niya. Parang binuhusan siya ng yelo sa kinauupuan nang mabasa ang article tungkol sa girlfriend niya na si Sooyoung. Gusto niyang sanang i-on cellphone niya, pero hindi siya makakilos. Wala siyang magawa kundi umiyak nalang. Nang makabawi siya sa pagkakagulat ay agad niyang in-on ang cellphone niya at nakita niya ang mga unread messages mula kay Sooyoung, mula sa mga kaibigan niya at galing sa mama ni Sooyoung.

 

         Isa-isa niyang binuksan ang mga unread messages, napansin niya kadalasan sa message ay nang galing kay Sooyoung. Ito pala yung text na natanggap niya kahapon, pero hindi niya ito binuksan dahil masama ang loob niya rito kahapon. Nagtatalo nanaman kasi sila kahapon. At gusto niya sanang iwasan muna ito. Huminga ng malalim si Yoona habang binabasa ang mga messages nito. Kadalasan sa message nito ay Sorry na babe. Please sagotin mo tawag ko. Kung hindi naman ay tinatakot siya nitong magpakamatay. Ito yung pinaka-ayaw niya rito. Dahil palagi nalang siya tinatakot nito. Nasasakal na kasi siya. Pero kahit ganito ito ay mahal na mahal niya parin ito, sobra! Yun nga lang madalas silang mag away.

 

         Naputol ang pagmumuni-muni ni Yoona ng may biglang tumawag. Agad niya itong sinagot. Ramdam niya ang kaba mula sa puso niya.

 

 

"Yeoboseyo?" kinakabahang wika ni Yoona.

 

"Yoona anak! Mabuti naman at nakontak na kita!" masiglang wika ni Mrs. Choi.

 

"Bakit po tita?" magalang niyang tanong.

 

"Yoona anak, si Sooyoung......." malungkot nitong boses.

 

"Anong hospital tita?!" agad tumayo si Yoona at umalis ng apartment niya.

 

 

 

 

 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet