Gwapo.

→50 Shades of Grupo Gwapitos┊↷ [ Pearl of the East Story Telling *^* ]

Matagal ng malumbay si Minho dahil ang kanyang minamahal ay nawala. Sobrang broken hearted na din ang peg niya onting push nalang at magw-wrecking ball na siya sa sobrang lumbay. Sa sobrang kalungkutan niya pumunta siya sa 6969 Gwapoville, Gwapo City. Nagbiyahe muna siya upang malimutan ang kanyang nararamdaman. At sa bus siya lang magisa. Isama na natin ang konduktor na si Kwon Jiyong at driver na si Choi Seunghyun na mas kilala sa alyas na T.O.P.

“Tol, pagpasensyahan mo na ang bus namin dahil walang sumasakay ah.”  sabi ni Jiyong na kukunin ang bayad kay Minho.

“Okay lang tol. Eto nga pala 100. Keep the change. Kung saan na ako dalhin ng hangin , basta makalimot.” sabi naman ni Minho habang tumitingin sa alapaap ng bintana.

“Tol, babae ba ang problema?” tinanong ni T.O.P.

“Oo eh.”

Nagkakwentuhan na sila hanggat umabot sila sa 12345 Poeville. Napakalayo na ng narating nila.

“Alam niyo mga tol. Gwapo kayo, gawa tayo ng frat. Joke. De, gawa tayo ng grupo. At punuin natin tong’ bus puro gwapito lang.” suggest ni Minho habang nasa bus stop.

“Magandang idea, mga gwapito lamang.” sabi ni T.O.P. habang nilalantakan yung juice.

“Mula ngayon tayo na ang Grupo Gwapitos!” sabi ni Minho habang medyo sumasayaw sa kantang ‘Jumbo Hotdog’ ng Masculados na nakaplay sa bus stop.

“Pano naman kaya mapupuno ang bus kung tatlo lang tayo?” tinanong ni Jiyong na nagrerefill ng gas.

“Magpapaaudition ako. Hehehe.” Tumayo si Minho at pumunta ng National Bookstore para bumili ng pentel pen at cartolina.

‘GWAPO KA BA? AUDITION NA!’

Sa araw na yun nakakuha sila ng halos 5 miyembro upang makasali, kailangan sagutin ang mahiwagang tanong ni Minho.

Bumalik na ang bus ng Gwapito sa 6969 Gwapoville. Ng may kasama na sila 5 na miyembro. Habang pabalik sila, may nakita si Minho sa kalye na parang hagardo na itsura na lalaki.

“Teka Pareng T.O.P. paki para nga muna may nakikita akong potensyal na gwapito.” At itinigil ni T.O.P. bumaba si Minho para tignan yung lalaki.

“Pare, ako nga pala si Minho. Kamusta ka?” tinanong niya.

“Ako nga pala si Daehyun. Okay lang ako…” sabi ng lalaki habang nakatulala.

“Sigurado ka ba? Pansin ko gwapo ka tol ah.” Ngumiti si Minho at nabuhayan si Daehyun.

“Talaga?!”

“Oo, sali ka sa Grupo Gwapitos.” Nagngiting tanduay si Minho.

Hindi nagtagal pagbalik ng bus ni Minho kasama si Daehyun.

“CONGRATULATIONS SA IKAPITONG NAKAPASA SA AUDITION. Daehyun You are an official gwapo. Welcome to GRUPO GWAPITOS!!!” yung inalog alog na coke ang nagsilbing champagne ng lahat at binuksan ito para gumawa ng fountain.

“Woohoo!” nagsigawan ang ibang gwapito.

Lumipas ang ilang araw…

Dumami lalo ang gwapitos.

Dumami ang lahi.

At ngayon mayroon na silang 30 na miyembro.

Ikaw ba, gwapo ka ba?

MAG AUDITION KA NA.

 

sali na kayo sa pearl of the east ;)

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kookenjams
#1
Chapter 1: Grabe tawa ko dito!!!!!! ;))))))))