Agent 5

Lady Devonshire aka Agent Issyl

Agent 5  

 

 

 

[Seoul, South Korea]

 

 

 

"Agent Issyl do what I say, try to seduce mister Park so that, we can do the mission faster." utos ni Agent Loushane sa akin.  

 

 

"Yes yes yes. Ginagawa ko na nga eh." sabay tingin ko sa matandang hukluban na si mister Park. Kaderder naman ng matandang ito. Ang tanda tanda na nga gusto pa makipag-something something. Seductive pose. Hmn... Ui tanda mahumaling ka na sa kagandahan ko. Mga readers isa po akong e ngayon. Pasimple lang akong nagsasalita. I wearing black pearl earring. Its not just simple earring. Its an earphone. And I wearing micromini mouthpiece. Nakalagay yun sa loob ng bibig ko. Sa part ng ilalim ng tongue ko nakalagay. Kaya di nahahalata. Ganyan lang talaga. Wag kayo mandiri. Agent kami eh. Ganyan lang talaga ka-weird yung gadgets.  

 

 

"Agent Issyl wag ka namang ganyan makangiti." sabi ni Alexius. Isa itong businessman na naghahanap ng mabibiktima ngayon.  

 

 

"Bakit naman?" nagtataka kong tanong. Ngumiti ulit ako sa matanda and halata, humaling na sya sa kagandahan ko.  

 

 

"Nagseselos ako." sagot ni Alexius.  

 

 

"Ano?!" sabay naming tanong ni Agent Loushane. Wala namang ganyanan. Gumagawa na nga ako ng paraan para maka-move on.  

 

 

"Wag ka nga manigaw Loushane." sita ni Alexius kay Agent Loushane.  

 

 

"Be serious Agent Alexia. Mahalaga itong mission na ito." -Agent Loushane.  

 

 

"I'm serious."  

 

 

"Papunta na sya dito agents." come closer oldie.  

 

 

"Hey there," papansin na si mister Park. "Are you filipina."  

 

 

"Issyl, ingat sa pagsalita. Be seductive." paalala ulet ni Agent Loushane.  

 

 

"Yes."  

 

 

"You know what? I like you. We can go somewhere." mr. Park.  

 

 

"Can we? Of course. Lets go baby." lets go. Patay ka sa aking, manyak ka.  

 

 

Lumabas kami ni Mister Park. "Be ready Anamae."  

 

 

"Copy."  

 

 

By the way, anyway. Di po si Agent Icarus kausap ko. Si Agent Anamae ay Vince in real life. In-explain ko lang po ng mabuti. Baka kasi malito kayo. "Were here."  

 

 

Biglang nawalan ng malay si Mister Park. Agent Anamae use the sleeping gun. Parang needle yung bullet na kapag tumama sa leeg ng target tulog kaagad ito.  

 

 

"Good agent Anamae." ang bigat naman ng kaderder na matandang ito >.<  

 

 

"Hindi ako yun." gulat na sabi ni Agent Anamae.  

 

 

"Eh di si---"  

 

 

"Ako." singit ni Alexius.  

 

 

"Grrr! Baket di ka sumunod?" kainis naman nito. Di nakinig sa plan. Well do the plan b. "Haloo... Mister... Help us!" sigaw ko para makuha ko attention ng mga bodyguards ni mister Park.  

 

 

Lumapit sa amin yung mga bodyguards. Mga filipino!  

 

 

"Anong ginawa mo kay boss?" -bodyguard1  

 

 

"Wa---"  

 

 

"Hayaan mo na. Baka yan yung isa sa mga ibebenta." -bodyguard2  

 

 

"What baka yan yung isa sa mga ibebenta?" maarte kong tanong.  

 

 

"Ipasok mo na sa loob ng van." -bodyguard1  

 

 

"Oo." -bodyguard3  

 

 

"Hey! Wag mo nga akong hawakan!" pinasok na nila ako sa loob ng van. Nagsimula nang magdrive ang driver ng van. May mga katabi akong guards. "Agents you know what to do?"  

 

 

"Copy."  

 

 

By the way before I forgot. Ito na ang mission na binigay sa amin ni chief. Maliligtas ko na ang kabaro ko.  

 

 

"Ingat Issyl." concern na sabi ni Alexius.  

 

 

"Tss. Wag ka nga panira ng concentration." nakakainis naman itong si Alexius.  

 

 

"I'm just concerned."  

 

 

Just concerned. Agent po tayo kaya nasa risk buhay natin.  

 

 

Huminto yung van na sinasakyan ko sa isang warehouse. Dyan nakakulong yung mga babaeng biktima ng human trafficking.  

 

 

"Be ready Katara, Graciela and Minus." -Agent Loushane.  

 

"Copy." sabay na sabi ng tatlong agent.  

 

 

"Bakit tayo nandito?" tanong ko. Kunwari kinakabahan ako.  

 

 

Nagtawanan ang mga panget na bodyguards na ito.  

 

 

As if naman. Walang nakakatawa sa tanong ko.  

 

 

"Ito ang pinakamagandang gabi na mararanasan mo." -bodyguard4  

 

 

"Pinakamaganda pala ah!" bulong ko sa sarili. Biglang natumba yung isa sa mga bodyguards. Its showtime. Kinuha ko ang stun gun ko sa loob ng boots ko at cl-n-ick ko yung small botton sa gilid ng isang boots ko at lumabas sa bandang takong ang isang knife. Binaril ko si bodyguard3. Boom tumba.  

 

 

Sinugod ako ni bodyguard2. Come to mama! "Hiyah!" I kick him and may sugat na ito sa tagiliran. Keribels ko 'to. Sugod lang.  

 

 

"Argh!" -bodyguard4  

 

 

Huh? Sino bumaril dun? Di ako yun ah. Siguro sila Agent Katara yun. "Sino yun?"  

 

 

"Hindi ako." -agent Graciela.  

 

 

"Hindi rin ako." -agent Minus.  

 

 

"Ako." singit ni Alexius.  

 

 

"Ang kulit mo talaga." tinadyakan ko na ang last na bodyguard na kalaban ko. Wala nang nagbabantay. I'm gonna love this. Pumasok ako sa loob ng warehouse. Nagtago ako sa likod ng mga malalaking kahon dito sa warehouse.  

 

 

"Agent Issyl nandito na ako sa bubong." -agent Minus.  

 

 

"Copy."  

 

 

"I'm here with Minus." -agent Graciela.  

 

 

"Issyl anong nakikita mo?" -agent Loushane.  

 

 

"Aaaah!" -tili ng isang babae. She looks like twelve years old. Bigla itong sinuntok ng isang lalaki.  

 

 

"Wag kang umiyak! Walang magagawa yang pag-iyak mo." sigaw ng lalaking sumuntok sa teenager na babae.  

 

 

"Now you know." sagot ko kay Loushane.  

 

 

"Do the plan Issyl." - Loushane.  

 

 

"Roger." ni-ready ko na yung lip gun. Its a small color pink gun that have lipstick style bullet. Kapag malapit na sa target ang bullet ay lalabas ang isang net at kusang pupulupot yun sa target.  

 

 

"Don't use that gun Agent Issyl." biglang sabi ni Loushane.  

 

 

"Aw, wag ka nga manigaw. Bakit naman di ko 'to pwedeng gamitin?"  

 

 

"Pangmalayuan lang yan." -Agent Icarus.  

 

 

"Wow Icarus nandyan ka pala."  

 

 

"Kanina pa ako dito. Your belt Issyl use it a sword. Di gumagamit ng gun ang ibang nagbabantay dyan. They use sword insted gun."  

 

 

"Bakit ngayon mo lang sinabi na." kinuha ko ang belt sword ko at winasiwas ko then nagstraight sya and viola! Naging matalim na sword. "Sarangheyo Icarus."  

 

 

"Same to you Issyl." -Icarus.  

 

 

Now, its showtime. Sugod mga kapatid.  

 

 

*Shing shing shang buy 3in1 coffee shing*  

 

 

Chaka ng peg mo author. Tss.  

 

 

*Ping ping ping ping*  

 

 

"Hiyah!" hala umepal si Alexius. Belt sword din gamit nya.  

 

 

"Tss. Ang kulit mo! Di ka nakikinig!" sita ko kaagad kay Alexius.  

 

 

"Kailangan mo... Rin ng kasama!"  

 

 

"Di ko kaila---Shoot!" natamaan ako sa braso.  

 

 

"Issyl!" lumapit sa akin si Alexius at sinaksak nito ang tangkang sumaksak sa akin.  

 

 

"Dapat kasi di ka na pumunta dito." para di ako na-attract. Tss. Kahit kailan nawawala ang concentrate ko kapag nakikita ko si Alexius. "Hiyah!" nakipaglaban ulit ako kahit na marami na akong sugat. Napalayo ako kay Alexius. "Lumabas na kayo!" utos ko sa mga babaeng nandoon sa warehouse. Umiling yung iba. Takot silang lahat. May trauma sila.  

 

 

Tumingin ako kay Alexius. O.O Mababaril si Alexius nang di nya nalalaman. "Alexia!" tumakbo ako papunta sa kanya at hinarang ko ang sarili ko sa kanya.  

 

 

*beng*  

 

 

"Issyl!" sigaw ng mga kasamahan ko. Nakita kong bumaba galing bubong sila Agent Graciela, Agent Katara at Agent Minus. Sila na ang nakipaglaban sa mga nagbabantay sa loob ng warehouse.  

 

 

Bigla akong kinarga ni Alexius. "Ibaba mo ako! Kailangan din ako dito."  

 

 

"No way!"  

 

 

"Ibaba mo... Ako..." unti unting nawalan ako ng malay.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet