MagkaiBIgan O MagKAibigan? [One-shot]

by themagiczebra
Tags   comedy   donghae   eunhae   eunhyuk   romance   superjunior   tagalog   | Report Content

A A A A

 

From: Donghae Lee

To: Hyukjae Lee

Subject: Sa Pinakamamahal Kong Hyukjae

 

Nang una kitang makita, sa totoo lang, hindi kita kaagad nagustuhan. =))))))) Medyo kakaiba kasi ‘yung itsura mo na para bang may mali o may kulang sa mukha mo o sa buhok mo o sa kung ano mang parte ng katawan mo na n’ung mga oras na ‘yon ay ‘di ko pa naisipang tingnan ng mabuti kasi payatot ka. Pero nang nagsalita ka na, nang ngumiti ka na dahil lang sinabi ko na ako nga pala si Donghae, kakapasok lang na trainee dito sa SME, nagbago ng kaunti ‘yung pananaw ko sa’yo. Tsaka lang kita ginustong mas makilala pa sa kadahilanang sa labinlimang taon ko na pamumuhay sa mundo, sa pagkakataon lang na ‘yon ako nakakita ng ngiting kasingganda ng sa’yo. :”>

 

Nagsimula tayo sa mga walang kwentang pag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay na hindi ko na nga matandaan ngayon, tapos nadisukubre ko na lang na wala lang pala sa’yo ang paghawak ng kamay, pagyakap, at paghalik sa pisngi kaya naman paulit-ulit ko lang ginawa ‘yung mga ‘yon sa’yo. =] Pinakanatuwa ako n’ung nainis ka nang kinuha ni kuya Yesung ‘yung kamay mo pagkatapos ng praktis, pero nang tinawag mo ‘ko mula sa kabilang dulo ng kwarto at malapit na kitang maabot, tinuwad mo ang braso mo kasama ng kamay mong nakabukas. Pinanood ko ang kakaibang pangyayaring ‘yon ng mga tatlong segundo bago may biglang parti na naganap sa loob ko nang natanto ko kung an’ong gusto mong mangyari. Siyempre, para hindi halata ang nagbabaga ko ng damdamin, hinawakan ko ang ‘yong kamay ng walang imik tsaka tayo lumabas ng magkasama. =^________________^=

 

Si kuya Yesung tuloy nagalit sa ‘kin ng sumunod na araw. Nagselos ata siya. >________> Mahirap pala maging espesyal sa’yo, pero siyempre, hinding-hindi ako nagreklamo at nakinig na lamang sa mga halos monologo ng mga taong sumunod kay kuya Yesung na nagtataka ng bonggang-bongga kung bakit nga ba ako na lang ang laging pinapansin ng pinakamagaling sumayaw na trainee na si Hyukjae. Nagkikibit na lang ako ng balikat at sinasabing, “Siguro kasi hayop ako sa kapogian,” ang pangungusap na naka-ani na ng hindi mabilang na masasamang tingin. ^^; Hindi ko naman talaga alam kung bakit tayo sobrang click na click, kung bakit kahit away tayo ng away nagbabati rin tayo sa loob ng araw ding ‘yon, kung bakit ang pinakaunang speed dial sa telepono ko ay hindi ang nanay ko kundi ikaw (dapat gagawin mo din ‘yon pero natakot ka nab aka madiskubre ng nanay mo na mas importante pa ‘ko sa kanya, isang malaking kasinungalingan). Sadyang gan’on lang siguro tayo—dalawang magkasundong nilalang na tinadhanang magkakilala at magkasama sa habang panahon.

 

Teka. Parang mali yata ‘yon ha.

 

O______________O

 

Ay ewan. Bahala na si Batman.

 

Akala ko ba naman nang mag-debut na tayo na magiging okay na ang lahat, na wala na ‘kong magiging problema sa pagiging pinakamatalik mong kaibigan. Nagkamali ako. Si kuya Yesung na naging ka-miyembro natin ay hindi pa pala naka-get over sa isyu tungkol sa ‘tin at patuloy na tinangkang paghiwalayin tayo. Tingnan mo ngayon, lagi ko na siyang sinasamahan para ‘di na siya magselos. Oo, mabait si kuya at masayang kasama, pero ibang-iba pa rin kapag ikaw ‘yung kasama ko. Pati kay Siwon gan’on din ang pananaw ko…

 

Minsan ng may magtanong sa ‘kin kung bakit sa kahaba-habang panahon na nasa tabi tayo ng isa’t-isa, mukhang hindi pa rin tayo nagkakasukahan sa pagmumukha ng bawat isa. Napangiti na lang ako. May isang eksplanasyon lang naman ang gan’ong klase ng bagay ‘di ba?

 

Mahal kasi kita kaya hindi kita pinagsasawaan. At, kahit na hindi ko pa naririnig sa’yo ang mga katagang ‘yon, alam kong gan’on din naman ang nararamdaman mo.

 

...

 

Bilang kaibigan ‘yan, okay? KAIBIGAN LANG!

 

……

 

Dapat siguro tapusin ko na ‘tong sulat ko sa’yo. Wala lang kasi akong magawa dito kaya naisipan kong sulatan ka. Hindi naman kita matawagan sa telepono. Madami ka bang ginagawa d’yan sa Korea? Gustung-gusto ko ng marinig ang boses mo, lalo na ang tawa mo. T___________T Sagutin mo lang ang e-mail na ‘to at tatawagan kita kaagad kahit na mahal. Mas mahalaga ka kasi sa ‘kin kaysa pera. ^^

 

 

 

From: Hyukjae Lee

To: Donghae Lee

Subject: Sa Pinakamamahal Kong Donghae

 

Pan’u ba ‘yan, eh mahal kita bilang higit pa sa kaibigan?

 

 

 

From: Donghae Lee

To: Hyukjae Lee

Subject: !!!!!!!!!!!!!!!!!!

 

PUTANG INA ANO!? HUWAG MO NGA ‘KONG GINAGAGO!!!!!!! ;_____________;

 

Grabe ka, Hyukjae. Makakatikim ka sa ‘kin pagbalik namin d’yan.

 

 

 

From: Hyukjae Lee

To: Donghae Lee

Subject: …………………….

 

Kung kelan ako nagsasabi ng totoo tsaka ka ganyan mag-react. Ewan ko sa’yo. ‘Di kita papansinin pagdating mo dito at ‘di ko rin sasagutin ‘yang mga tawag mo. Belat.

 

 

 

From: Donghae Lee

To: Hyukjae Lee

Subject:

 

;_________________________________________;

 

 

 

From: Hyukjae Lee

To: Donghae Lee

Subject: Huwag Ka Ngang Magtampo, Lechugas

 

Kung maniwala ka na lang kasi na mahal kita as in mahal na gusto kitang halikan sa labi, eh ‘di sana kanina pa tayo nag-uusap.

 

Ulul.

 

 

 

From: Donghae Lee

To: Hyukjae Lee

Subject: Nako

 

Kapag tatawagan kita ngayon din sasagutin mo naman ba!? T_____________T

 

 

 

From: Hyukjae Lee

To: Donghae Lee

Subject: Okan

 

Kapag hindi ako sumagot ibig sabihin nagsisinungaling ako.

 

Peste. Dalian mo. Hindi ko na kayang hanggang e-mail lang. Gusto kong mag-usap tayo hanggang sa marindi ako sa boses mo. =)))))))))

 

 

 

From: Donghae Lee

To: Hyukjae Lee

Subject:

 

Taena. Sinagot mo nga. O__________________O

 

 

 

From: Donghae Lee

To: Hyukjae Lee

Subject: Babalik Na ‘Ko D’yan!!!!!!!!!!!!!!!!!!

 

Tanungin ko sa manager namin kung pwede akong mauna bumalik bukas. =DDDDDD

 

 

 

From: Hyukjae Lee

To: Donghae Lee

Subject: Susmaryosep

 

Donghae Lee, wala pa tayong isang araw. Huwag ka ngang malibog. ♥

Comments

Comments are moderated. Keep it cool. Critical is fine, but if you're rude to one another (or to us), we'll delete your stuff. Have fun and thanks for joining the conversation!

You must be logged in to comment.

MyMiniMin () says about chapter 1:
HAHAHA GRABE TAWA AKO NG TAWA DITO XDD LAUGH TRIP HAHAHAXD

haehyukluv2000 () says about chapter 1:
uh.... please translate this to english

szujufan27 () says about chapter 1:
Pan’u ba ‘yan, eh mahal kita bilang higit pa sa kaibigan?

...

PUTANG INA ANO!? HUWAG MO NGA ‘KONG GINAGAGO!!!!!!! ;_____________;

---
^THIS!!! PUNYETA! ANSAKIT SA TIYAN NI DONGHAEEEE!!! LOVE THIS, SIS! <333

park_jinchan () says about chapter 1:
Donghae Lee, wala pa tayong isang araw. Huwag ka ngang malibog. ♥



da best tong part nato!!! :D wahahaha nakanaman,, ang bongga ng aminan nila!!! XD

143040415 () says:
"Nang una kitang makita, sa totoo lang, hindi kita kaagad nagustuhan. =))))))) Medyo kakaiba kasi ‘yung itsura mo na para bang may mali o may kulang sa mukha mo o sa buhok mo o sa kung ano mang parte ng katawan mo"

-HAHAHAHA!

"tinuwad mo ang braso mo kasama ng kamay mong nakabukas. "

-HAHAHAHAH! Tengene may iba akong naiisip dito.

"Dapat siguro tapusin ko na ‘tong sulat ko sa’yo. Wala lang kasi akong magawa dito kaya naisipan kong sulatan ka. Hindi naman kita matawagan sa telepono. Madami ka bang ginagawa d’yan sa Korea?"

-Haha, parang OFW lang ah. :))))

" From: Hyukjae Lee

To: Donghae Lee

Subject: Sa Pinakamamahal Kong Donghae



Pan’u ba ‘yan, eh mahal kita bilang higit pa sa kaibigan?"

- HAHAHAH! Tangina! Sa hinabahaba ng message ni Donghae, yan lang ang reply ni Hyukjae. Kung ako si Donghae, binato ko na yan ng kung ano. :))))

" PUTANG INA ANO!? HUWAG MO NGA ‘KONG GINAGAGO!!!!!!! ;_____________;



Grabe ka, Hyukjae. Makakatikim ka sa ‘kin pagbalik namin d’yan."

- OMG! Parang ang hot nila pag nagmumura ng tagalog. LOOOL!

" Kung maniwala ka na lang kasi na mahal kita as in mahal na gusto kitang halikan sa labi, eh ‘di sana kanina pa tayo nag-uusap.



Ulul."

- Dapat reply ni Donghae dito: Ulul ka rin! Pakyu! :)))

" Donghae Lee, wala pa tayong isang araw. Huwag ka ngang malibog. ♥"

-HAHAHAHAH! Amputragisnaknampuchangina! =))) OMG! <3

Grabe, sakit ng tiyan ko kakatawa! =)))

Actually, sa LJ ko to nabasa, pero OMG ang hahaba ng comments nila jusko. Nakakahiya naman kung ganito lang kaikli ung comment ko. Kaya dito ko na lang naisipang mag comment. LOL.

Tuwang tuwa talaga ako dun sa kuya yesung na yan, lintik na buhay nga naman to oh. =))) Pero I swear, ang hot nila pag nagmumura ng tagalog. HAHAHAHA. Naiimagine ko si Hyuk nagsasabi ng "Putang ina mo!" "Gago!" "ulul!" Hahaahaha.

momoiroislove () says about chapter 1:
PUTAPETE! DAMI KONG TAWA DITO HAHAHAHA

chelii () says:
Laughtrip. POTANGINA. HAHAHAHAHA

rhenny () says:
GUMUGULONG SA SAHIG KAKATAWA! Ate! ang galing mo! ang bangis nito! una kong nabasang tagalog fic <3

banana1015 () says:
XD Naiimagine ko lang talaga na sila yung nagsasalita. Weird pero.. IT WORKED. YOU SHOULD WRITE MOREEEE!! >:D<

mailabs () says:
nakaka.luko ii hahahaha xD

View all comments >>


^ Back to Top