Might and Intelligence

T.O.E. (Torch of Existence)

 

(dialogue)

   : sabi ng papa mo samin ka muna. Kaya tatawagin mo na 'kong Mama, okay?

   : Ma-ma...? pero... may mama na 'ko.

   : Hindi... Natutulog na ang mama't papa mo. Medyo matagal bago sila magigising ulit, kaya ako muna ang mag aalaga sayo okay?

   : Natutulog? E kelan po sila gigising?

   : Hindi ko alam. Matagal na panahon ang lilipas, anak ko. Pero ngayon, dahil sakin ka lalaki, Kaycee muna ang ipapangalan ko sayo, okay?

Kaycee: Kaycee...? Kailangan po ba iyon? SIge po... Kaycee. (ngumiti)

Tatlong taon palang si Kaycee nang mga panahong iyon. Madali niyang itinatak sa isip niya na iyon na ang bago niyang pangalan, at natutulog pa ang mga magulang niya. Sa Ferroviah siya nakatira, dito na siya lumaki. Dahil sa ito ay "Place of Wit", naging isang napaka-talinong bata ni Kaycee. Sa edad niyang 7, naintindihan na niyang patay na pala ang mga magulang niya, na hindi diretsahang sinabi sakanya ng nagaalaga sakanya. Naiintindihan niya iyon, kaya di na niya sinisisi pa ang nagaalaga sakanya. Wala rin namang kapatid si Kaycee, maliban sa namatay niyang nakatatandang kapatid sa aksidenteng naganap noong bata pa siya. Pero wala siyang nararamdaman na lungkot, awa, o galit, dahil di naman siya apektado sa emosyon noon dahil bata pa siya. Ngayon, naging isa na siyang seryoso, matapang, at matalinong tao. Wala nang mas importante pa sakanya maliban sa kaalaman. Dahil doon, parang nakain na ng katalinuhan ang pagkatao ni Kaycee, at dumating pa sa puntong kahit ang nagaalaga sakanya, e wala na ring maramdaman na pagmamahal mula kay Kaycee. Pero dahil din dito kaya naging "independent" na tao si Kaycee sa edad palang na 10. Mismong noong ika-10 kaarawan ni Kaycee napansin ni Julia ang pagbabagong ito ni Kaycee.

--------------- 10'th Birthday --------------

Pag bukas ni Kaycee ng pinto, madilim ang paligid. Nang buksan niya ang ilaw, sumalubong ang pagsabog ng confetti at ang malakas na: "Happy Birthday Kaycee!", at may cake sa gitna.

Julia: Happy Birthday anak ko! Na-sorpresa ka ba?

Nandoon ang mga kaklase, at pinsan-pinsanan ni Kaycee. Marahang tinignan ni Kaycee ang mga bisita. Walang ekspresyon ang mukha niya, at huli niyang tinignan ang cake.

Julia: Kaycee...? HIndi ka ba masaya?

Kaycee: Ipinanganak ako sa araw na 'to kaya ito sine-celebrate. Gano'n ba 'ko kahalaga sainiyo?

Julia: Siyempre naman! Ano ka ba naman, anak?

Kaycee: Wala naman akong magagawa kundi ang sundin ang tradisyon. Sige na, kumain na tayo. (dumeretso sa hapag kainan)

Nagtaka ang lahat sa ikinilos ni Kaycee.

Julia: Anak, kahit siguro ang mga siyentipiko nag cecelebrate ng kaarawan nila...

Kaycee: Kung ako nag tatanungin niyo, sasabihin kong hindi. Dahil palagi silang abala sa eksperimento nila. Tingin ko may posibilidad na makalimutan rin nila na kaarawan pala nila, dahil may mas importanteng bagay na nasa isip nila.

Julia: P-pano mo naman nasabi ang mga iyan...?

Kaycee: ...Dahil ang totoo, miski ako, nakalimutan ko nang kaarawan ko ngayon.

Nagulat silang lahat. Nakatingin ang lahat sa wirdong babae na ito, habang kumakain. Napa-buntong hninga si Julia at naisip na kasalanan rin naman niya dahil sa Ferroviah niya pinalaki si Kaycee. Minsan nang inaya ni Julia si Kaycee na lumipat sa Kolosel o Archland, pero ayaw rin naman ni Kaycee.

Walang kaibigan si Kaycee. Huli siyang nagkaroon ng kaibigan noong nasa anim na taong gulang palang siya, pero nung mga sumunod na taon, marami nang natatakot sakanya. Wala namang boring, at hindi boring sa mundo para kay Kaycee. Pero may tinuturing siyang "may kwenta", at "walang kwenta". Isa nga siyang pilosopo.

  Pero masasabi parin naman nating matino si Kaycee dahil nagagawa pa niyang mag mano, magpasalamat, magluto, at mamili ng magandang damit. Wirdo kung iisiping di niya kayang gawin iyon, pero iyon ang tingin ng maraming tao sakanya.

   : Aba! Marunong ka pa palang mag-mano sa matatanda at mang-opo? Amazing! Himala! Akala ko sa sobrang talino mo di mo na alam ang tamang manners!

Kaycee: (seryoso) Masasabi mo bang matalino ang isang tao kung ang praktikal na kaalaman ay hindi niya alam? (umalis)

Ang totoo, alam ni Kaycee na wirdo siya. Pero dahil dun siya masaya, wala na siyang magagawa pa. At tingin pa niya, iyun ang kapalaran niya. Ang maging "pilosopo".

                                                               <----------------------------------->

...the end...  

                  "Introduction of the first main character"...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet