First Day School

A Night To Remember

1 month na si Sandra sa Pilipinas, and yes, pasukan na.

Monday, 6.05 am, ang agang nagising ni Sandra. Sobrang excited na itong pumasok sa new school nya.

After 1 hour na preparation nito ay umupo ito sa harap ng salamin at...:

Sandra: ready for school? (habang kinakausap ang sarili sa harap ng salamin habang sinusuklay ang kanyang buhok) yes. i'm ready. Pero, ask ko lang, bakit kaya ganito ang uniform nila? hay.-

Sandra's Dad- Sandy! (tawag ng ama nito) bumaba ka na dito, dito na si Toni, mag almusal na kayong dalawa.


Sandra- yes dad, i'm coming.
 (sagot nito)

Sabay prepare ito ng gamit at bumaba na ito. After nilang mag umagahan, ay umalis na ang mag best friend.

Sandra's parents- enjoy your first day of school.! bye!

Sandra and Toni- bye po. (smiling face)

Sabay sakay naman ang mag BFF sa kotse ni Toni, at tumungo na ang mga ito sa school nila.

Sandra- Toni, kamusta naman? maganda ba dun sa school?

Toni- ok naman ako. eh ikaw? namiss kita friendship! grabe! ahmm, sa school? oo, maganda, balita nga namin, madaming multo dun eh. hahaha!! (pabiro nitong pag describe sa school)

Sandra- ikaw talaga!! hindi nakakatawa noh! aga-aga, nanakot ka.! haha! (medyo natatako na sagot nito) by the way, i missed you too. (smiling)

Toni- eto naman, di na maloko. haha!

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din ang mga ito sa school nila. Sabay pinarada na ni Toni ang kanyang sasakyan at bumaba na sila dito. Pag baba palang nila ay napansin ni Toni na pinagtitinginan sila ng lahat.
 

Students sa paligid: "Uy, sino kaya yun?" ; "Bagong student oh"; "Parang kilala ko sya" ; "Oo nga.. Parang si.." ; "Si ano...."

Lance- Si Kasandra! (pa-surprise nitong pagkakabanggit)

Mga Students: "HUH?!" ; "TALAGA!?" ; "ANG GANDA PALA NYA SA PERSONAL!" (pagulat na sabi ng mga ito)

The Trio- Talaga?! Mas maganda sa amin?! (pagalit na tanong ng mga ito)

Sabay naman nag alisan ang mga studyante sa paligid ng mga ito.

Cathy- So, sya pala si kasandra. Mga girls, we have a new enemy. (pa taray nitong sabi)

Megan- Oo nga. first day palang nya dito, feeling nya sya na ang bida.

Anna- yeah right!, feeling nya napakaganda nya. Mas maganda kaya ako sa kanya!

Cathy- Anong sabi mo?! (taas kilay nitong tanong kay Anna)

Anna- ah, eh, wala.. Sabi ko, ahm, mas maganda tayo sa kanya, lalo ka na. (nerbyos na pasagot nito)

(sabay tawa naman ni Megan)

Habang naglalakad sina Sandra & Toni sa lobby ng school nila patungo sa kanilang classroom, kasalubong nila ang The Trio. Sabay napatigil ang 5 sa paglalakad, tiningnan ng masama ng trio etong si Sandra. (curious naman si Sandra kung bakit ganun nalang ang tingin ng mga ito sa kanya. Si Toni naman ay nakatingin sa trio. Habang ang trio ay tinitingnan ng mataray na tingin si Sandra) 

Toni- Di ka ba curious kung bakit ganun nalang tingin sayo ng trio?

Sandra- Bakit nga ba?

Toni- Ewan ko din. (smilling)

After 2 hours na leksyon, ay break time na. Toni And Sandra heading to the canteen para kumain.

Toni- Sandra, hindi ka ba naiilang sa mga tao?

Sandra- Bakit naman ako maiilang?

Toni- eh kasi naman po, lahat ata ng estudyante dito, sa'yo nalang nakatingin.

Sandra- ahmm, sanayan lang yan friend. total, ako naman lagi mong makakasama, so masanay ka na. (sagot nito)

Toni- (smilling at her BFF) ayoko lang namang iuwi ka sa inyo ng nakalagay sa bote. hahaha!!

Sandra- ikaw talaga  friend! haha (natatawang sabi nito)

Habang busy ang dalawa sa pagkuha ng food ay bigla naman pumasok ang Fabboys sa canteen at tila ang mga babae ay nagtitilian. Pero biglang....-:

Alex- Excuse me. (sabay tulak kay Sandra)

Sandra- "ouch!" (sabay tingin nito kay Alex ng naka kunot noo) ahmm, excuse me din, may pila po, respect mo naman yung ibang nauna sa iyo sa pila. (mahinhin nitong sabi kay Alex)

Fabboys- Woahhh..!!  (pero himala, si Ali, walang kibo, at nakangiti lang ito habang nakatingin kay Sandra)

Alex- ah, ehem, girl, don't you know me?, Don't you know us? Who??.... (biglang naputol ang sinasabi nito ng biglang nagsalita si Sandra)

Sandra- I don't even want to know who you are or who they are,  i just want you to respect the line. Get it? So please, excuse us, coz' we're done here. (pagkakasabi nito sa mahinhin na paraan sabay alis nila ni Toni at humanap na ng mauupuan.)

Fabboys- ohhhh man...

Alex- Girl, you know, we're not done yet!

Mike- Looks like natalo ka dun.

Ryan- yeah, tama si mile man. Wala ka nasabi ah.

Alex- shut up guys! May araw din yan.

Ken- Anong balak mo?

Alex- Basta.

Ali- Alam mo pare, wag ka ng magbalak ng kung ano jan sa girl na yan. Buti nga, hindi katulad ng trio ang ugali nya, kundi nabuhusan ka na nya ng tubig. (paliwanag nito)

Alex- ah, basta. di ko palalampasin ito.

Sabay nagsiupuan na ang mga ito sa kanikanilang upuan. Pero may napansin si Toni sa kabilang table. Tinititigan pa din nya si Sandra na para bang kulang nalang ay lapitan nya ito at yakapin.

Sandra- Toni???? ok ka lang?

Toni- ah, oo. may napansin lang kasi ako.

Sandra- ano yun?

Toni- si Ali, one of the fabboys, kanina ka pang tinitingnan.

Sandra- ano ka ba? diba sabi ko sa'yo, masanay ka na.

Toni- hindi eh, iba tingin nya eh. Parang feel ko, feel ko lang huh, may gusto sya sa'yo.

Sandra- HUH!? ano ka ba!? imposible naman, di naman kami magkakilala nyan eh.

Toni- pero meron pagkakataon na magkakilala kayo.

Sandra- wala! nako, kita mo naman, barkada lagi kasama.

Biglang may nagtakip ng mata ni Sandra.

Sandra- uhh! sino to?

Guy- hulaan mo.

Sandra- eh paano ko naman gagawin yun, kung wala naman akong kilala dito.

Guy- ok, i'm your ex classmate nung elementary.

Sandra- (napaisip ito) ahmm, Lance??

Lance- YUP! (smilling at Sandra)

Biglang napatingin si Sandra dito.

Sandra- Lance? ikaw ba talaga yan?

Lance- Yes?? it's me.

Sandra- di na kita makilala ah. (sabay hug kay Lance)

At dun naputol ang pagtingin ni Ali kay Sandra na para bang nagseselos. (wawa ka naman Ali)

After that, natapos din ang break time, tapusin na din natin ang chapter na ito, tumungo na tayo sa last day of first day of school.

Labasan na, si Toni and Sandra pa din ang magkasama.

Toni- Sandra, bukas ng hapon after school, gimik tayo sa mall.

Sandra- huh? eh, magaaral pa ako eh.

Toni- hoy Sandra! baka gusto mong batukan kita ng isa jan!? first day palang ng school, bet ko, wala pa kayong dapat pagaralan! Tamang-tama din at bukas hindi tayo naka uniform.

Sandra- ahm, sige na nga. Wala akong magagawa, pero basta pag walang dapat pag aralan for the next day. (smilling at her bff)

Toni- sige. mwuah.

Sa dami ng students na naglalabasan papuntang parking lot (syempre siksikan) hindi namalayan ni Sandra na hindi na pala kay Toning kamay ang hawak nya, and guess kaninong hand?

Biglang napatingin si Sandra sa katabi nya, na akala nya ay si Toni, pero laking gulat nito ng paglingon nya ay si Ali na pala ang may hawak ng kamay nya. ALI!!!!! Dahil sa sobrang sikip doon ay nayayakap na ni Ali si Sandra. and infairness huh!, holding hands pa sila. (holding hands, yakap mowd and eye-to-eye! grabe! kakilig naman yan! Sana mabasa mo to Sandra!)

Ngunit biglang natapos ang sweet moments ng dalawa dahil biglang may humila kay Sandra at inilayo ito kay Ali. Iyon ay walang iba kung hindi si Lance. (kontrabida talaga noh Sandra?)

Toni- San ka ba nagpunta Sandra? Akala ko nawala ka na.

Lance- buti nakita ko nga eh, halos halikan na yan ng Ali na yun.

Sandra- uy! sobra ka naman! (parang kinikilig na sagot nito)

Toni- hay nako, sinasabi ko na nga ba eh. well, btw,gimik kami bukas ni Sandra, sama ka Lance?

Lance- ah, anong oras?

Sandra- after school daw.

Lance- sure. why not. i'm not a busy man naman eh.

Toni and Sandra- Good.

Toni- So, una na kami, ihatid ko pa tong si Sandra eh.

Lance- oh sige, ingat kayo.

Sandra & Toni- bye Lance. ingat din.

Lance- bye.

At umalis na nga si Toni at Sandra para umuwi na. At dito nga nagtatapos ang chapter na ito. Abangan po ninyo ang next Chapter: Gimik day

******************************************************************

Pasensya na po at napahaba ang chapter.. hope you like it po. thanks for reading. Parang malapit ng makita ang kimerald....

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
enderez #1
thanks dito sa ff mo...
kimmy03 #2
hahaha.....kilig ah....pwedeng malaman kung anong real name mo? pm ka sa akin...ood luck...update ka now na....hahahaha....