chapter 1: Winter Pamintuan

Instant Mommy?!
Please Subscribe to read the full chapter

baby you’re all that i want

when you’re lyin’ here in my arms 

isn’t hard to believe  

we’re in heaven

 

 

"Tay! Umagang-umaga naka todo yang bryan addams niyo!"

 

 

"Bumangon ka na kasi riyan."

 

 

"Babangon na po."

 

 

Oops teka, walang introduction. Ako nga pala si Winter Pamintuan ng Brgy. Sto Cristo, 22 years old! Naniniwala sa kasabihang maging mabait wag lang manakit.

 

 

Hindi ako nakapagtapos na kolehiyo dahil isang tricycle driver ang tatay ko habang labandera naman ang nanay, meron akong dalawa kapatid. Babae at lalaki.

 

 

Ako ang bunso sa pamilya namin, kapos kami kaya wala ni-isa samin ang nakatungtong ng kolehiyo.

 

 

Ang kuya ko ay nagt-trabaho sa isang paresan sa kanto namin habang ang ate ko naman ay naghahanap pa ng trabaho.

 

 

Gusto ko mag aral ng kolehiyo at makatapos sa kursong nursing. Kaya naisip ko imbes na maging pabigat sa pamilya ko, naisipan kong maghanao ng trabaho.

 

 

Taga deliver ng parcel

 

 

shapee

 

 

shapee 

 

 

shapee

 

 

Tama na introduction, heto nga't nag-aayos na suot ko syempre as usual long sleeves na puti dahil mainit at itim na pants ternohan pa ng itim na rubber shoes na nabili ni nanay sa ukay-ukay.

 

 

"Winter!!"

 

Nanay ko yun at ang megaphone niyang bibig.

 

"Po?!"

 

"Baba na nak! Kakain na!"

 

Agad akong nag ayos at nag i-spray ng pabango.

 

Amoy baby na mukhang mommy.

 

Cheret!

 

 

Naka baba na ko at bumungad sakin ang tatay kong nakaupo sa upuan at ang nanay ko na nagsasandok ng kanin.

 

 

"Ano po ulam?" Tanong ko.

 

 

"Tingnan mo jan sa ref."

 

 

"Nay wala naman tayong ref eh." Sabi ko at sabay kamot ulo

 

 

Hoy wala akong kuto ha! Eme ka jan!

 

 

Narinig ko namang tumawa si tatay, loko siya ah!

 

 

"Edi wala tayong ulam, common sense anak."

 

 

MAMA KO HUHUHUHU

 

 

"Bakit po wala?"

 

 

"Hindi ako nakabili, meron jan toyo yun na lang."

 

 

Bigla naman sumulpot ang kuya kong naka bihis na, papasok na ata sa trabaho niya.

 

 

 

"Nay, heto po pera. Ibili niyo ng uulamin natin sa susunod na araw, 'yan lang po muna ngayon baka sa katapusan na po ako makapag bigay ulit." Sabi ni kuya sabay abot ng pera kay nanay.

 

Isang libo at limang daan iyon, kasya na yun samin sa totoo lang.

 

 

"Nako salamat anak, pasensya na kayo ha. Kapos pa nga kita ng nanay dahil madalang lang ang nagpapalaba ngayon."

 

 

"Oo nga nak, mahina rin ang pasada ko sa nakalipas araw." Sabi ni tatay.

 

 

Napa kagat na lang sa ako sa loob ng pisngi ko.

 

 

Ito ang isa sa mga rason kung bakit ko gusto mag aral na kolehiyo.

 

 

Ang mai-angat ko ang pamilya ko sa kahirapan.

 

 

"Nay, Tay, ayos lang ho. Wag po kayong mag alala kaya na namin yan nila kuya." Sabi ko.

 

 

Natawa na lang ang magulang namin

 

 

"Nako bert, hindi nga tayo swinerte sa buhay pero tingnan mo nga naman hano. Ang swerte natin dahil may mabubuti tayong anak." Sabi ni nanay sabay kurot sa pisngi namin ni kuya

 

 

Masakit siya ah, hmp!

 

 

Ang cheeks ko..

 

 

"Tama ka nga soledad, nabiyayaan tayo ng masisipag at mabubuting anak." Dugtong pa ni tatay.

 

 

"Ano ba yan nay tay umagang-umaga nagda-dramahan tayo. Nay paabot na po ng toyo." Sabi ko na ikinatawa nila

 

 

"Alis na po nay tay." Paalam ni kuya sabay mano sa magulang namin.

 

 

"Hindi ka na kakain?" Tanong ni nanay.

 

 

"Hindi na po, malalate na rin po ako."

 

 

"Sige, ingat ka anak."

 

 

"Bye kuya, uwi ka pares mamayang gabi ha." Sabi ko at nag thumbs up naman siya sakin.

 

 

"Oh siya, magsi-kain na tayo."

 

 

Sarap adobong kanin

 

                                         —

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
uberina
Hindi po itez ghosted ah, busy lang sa acads at sa baby ko... will be back soon

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 12 streak #1
Author?
LetterK
#2
Chapter 1: Chap 1 palang pero ang ganda na HAHAHAHAHA
Kannakobayashi09 12 streak #3
Chapter 9: Hm pinaampon siguro si mj kasi if ever mayaman sila imposibleng hindi ipahanap ng magulang yung Isang kambal 🤔 can't wait sa next ud!
Kannakobayashi09 12 streak #4
Chapter 9: Well I hope hindi si mj si win para mas maganda hahaha and I really think na may selosang magaganap 😁
Skyblue1111 #5
Chapter 9: I think minjeong's dead and they're twins with winter. I just don't know who adopted who.
Ardem_Joseph23
18 streak #6
Chapter 9: May napanood ako dati, kambal sila pero nawalan ng memory yung isa at napunta sa pamilya nung kambal nya.
cleofierayne 11 streak #7
Chapter 9: Chapter 9: Okies so both nasa rich family sila Karina at Minjeong. Feel ko si Winter ay nawawalang anak or baka may nangyari sa past kaya nahiwalay siya sa totoong family niya at inakalang patay na at walang memories si Minjeong na may kakambal siya. So, si Minjeong ay mukhang CEO since ibinigay na sakanya ang posisyon na usually tinurnover na sa kanya. Yung business trip yata dahilan kaya na widow na si Karina.

Hahahaha wala na akong hope na iisa sila. 🤣😭 Pwde rin yung ibang possibility na ipinaampon si Minjeong 🤣
zxyhruu #8
Chapter 7: author ask ko lang po. hilig mo din ba manood ng bubble gang?
imlivingnotknowinwtd #9
Chapter 8: Mag double update ka din ngayon author kung mahal ko kami 😇
Wemon_ #10
Chapter 8: awww amy and eli:(((