ang unang pagkikita

My Guardian Demon
Please log in to read the full chapter

Muli kong pinasadahan ng tingin ang mundong kinalakhan ko. Kita ko rin ang mga malulungkot na mukha ng mga itinuring kong kaibigan. Hah, hindi ko kayo mamimiss.

 

“Karina,” tawag sa akin ni Yujin at saka lumapit, isa siya sa mga kaibigan ko. “Magpakabuti ka roon ha.”

 

Dati ba itong baliw? Ako? Na isang demonyo? Magpapakabuti?

 

“Tangina, sira ka ba?”

 

Natawa siya. “Basta mag-ingat ka, tatanga-tanga ka pa naman,” sabi niya habang nakayakap sa akin. Tinapik ko ang likod niya. “Paalam, bro.”

 

“Paalam, bro.”

 

“Babye, Karina.” Magkasabay na sabi nina Minju at Yena.

 

“Babye guys, dadalaw na lang ako rito minsan.” sabi ko saka naman sila ang niyakap ko.

 

“Sus, kahit huwag na.” sabi ni Minju.

 

“Masaya nga kami mawawala ka na,” sabi naman ni Yujin. Tangina, eh mukha nga siyang natatae dahil sa pagpipigil ng iyak niya.

 

“Oo nga, hindi ka na kailangan dito.” dagdag pa ni Yena.

 

Humiwalay na ako sa kanila. Itinaas ko ang kanang kamay ko at pinakyu sila. Maderpakers na ‘to!

 

“Karina, it’s time.” Narinig kong sabi ni Boss. Tumalikod na ako sa mga kaibigan ko at tinungo na ang portal patungo sa mundong pupuntahan ko.

 

Sa isang iglap, ang paligid na puno ng kadiliman ay napalitan ng maliwanag at makulay.

 

Malayong-malayo ang lugar na kinatatayuan ko sa lugar na pinanggalingan ko. Mangha akong nagtitingin sa paligid. Ngayon lamang ako napadpad dito kaya pagpasensyahan niyo na.

 

Iginala ko pa ang paningin ko, may mangilan-ngilan akong nakikitang mortal. Ang iba sa kanila nakatingin din sa akin partikular na sa hitsura ko. Ngayon lamang ba sila nakakita ng isang katulad ko?

 

“‘Di pa halloween ah,” Rinig kong sabi ng isa. Mapanukso ang tingin niya sa akin at tila ba nagtatawanan sila ng isang kasama niya.

 

“10/10 for the costume,” Tinaas pa nito ng bahagya ang hinlalaki niya. Pinagsasabi nito?

 

“, Karina.” Nagulat naman ako sa nagsalita, kasama ko pa pala si Boss. Huh, sumama siya?!

 

“Boss, bakit ka nandito?”

 

Hindi niya ako sinagot, hinila niya lamang ang kamay ko at mabilis na dinala ako sa isang gusali at huminto kami sa tapat ng pulang pintuan. Binuksan niya ito at dali-dali akong pinapasok.

 

“Hindi natin naitago ang sungay at buntot mo,” sabi ni Boss. Hala, kaya ba tinatawanan ako ng mga mortal kanina? Ano naman kaya ang nakakatawa!

 

Sa isang pitik, nawala na ang sungay at buntot ko. Mukha na akong.. mortal.

 

“Mula ngayon, ito na ang magiging tuluyan mo.” sabi ni Boss, at inabot ang isang bagay na hindi ko mawari kung ano. Ilang segundo ko rin siyang tinitigan kaya naman nagsalita ulit si Boss, “Susi ‘yan. Para makapasok ka uli rito sa bahay mo.”

 

Tumango na lamang ako at saka umupo sa isang malambot na upuan. Ang lambot lang sa puwet.

 

“Dito ka rin ba tutuloy, Boss?” tanong ko. Umiling siya.

 

“No, I’m going back right now,” aniya. Englishera na talaga ang Boss ko, siguro dahil na rin sa pakikisalamuha niya sa mga mortal dito. “Sinamahan lang kita rito.”

 

Puro tango lamang ang sinagot ko sa mga bilin ni Boss.

 

“Kaibiganin mo siya.”

“Katabing apartment mo lang yung babantayan mo.”

“Winter ang pangalan niya.”

“Umayos ka, Karina. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag pumalpak ka.”

“Ilayo mo siya sa kapahamakan.”

“Blablabla...”

 

“Nagkakaintindihan ba tayo, Karina?” Napapitlag ako sa boses ni Boss. Pucha, ngayon lang siya natapos magsalita.

 

“Oo boss,”

 

“Ito,” May inabot uli siyang matigas na bagay pero manipis. Kulay itim siya. Anong gagawin ko rito?

 

“Ano ito boss?” Naguguluhan kong tanong sa kaniya.

 

“Card ‘yan, panggastos mo araw-araw. Walang limit ‘yan.”

 

Maya-maya pa ay umalis na rin si Boss at naiwan akong mag-isa rito. Pumasok na lang muna ako sa isang silid at humiga sa katre.

 

Napakalambot naman nito!

 

Para akong paslit na nagtatalon sa malambot na katre. Hindi hamak na mas malambot ito kaysa sa katre ko sa impyerno.

 

Nang mapagod ay nahiga na talaga ako at idinantay ang ulo ko sa magkabilang braso.

 

Sa totoo lang hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Bakit kailangan kong magbantay ng mortal? Hindi ba’t gawain ng mga anghel ‘yon? Saka bakit ako pa? Puwede naman sila Minju. Hay.

 

Ayos na rin siguro dahil sa wakas, nakaalis ako sa impyerno.

 

Nakakasawa na rin ang araw-araw na gawain ko ro'n. Palagi mo ba namang pahirapan ang mga makasalanang mortal. Puro hinagpis, iyak, sigaw at mura ang lumalabas sa bibig nila.

 

Isa sa paborito kong salita na narinig sa mga iyon ay ang tangina. Hindi talaga mawawala sa bibig nila iyon kaya pati ako nahawa na kakasabi niyan. Tangina. Tangina gusto ko na umuwi. Huhu

 

Inilabas ko mula sa aking bulsa ang litratong ibinigay kanina sa akin ni Boss. Litrato ng mortal- ni Winter.

 

Maikli ang buhok niya at kulay pang-matanda. Lola na ba ‘to? Bakit kulay puti na buhok niya?

 

Oh Satan, magbabantay pala ako ng matanda.

 

 

 

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang hawak ang litrato ni lola Winter. Naalimpung

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Kael_neo #1
Chapter 1: cute mo naman par
gomtokkim
2162 streak #2
Chapter 1: SEATED(4)
stillintoyu
200 streak #3
SEATED
Carleyyxx #4
SEATED PO TOR! ✨
triggeredace
#5
SEATED