Buhay Scanner (Shinez / Annyeongz / Winrina)

The Prompt Dump Chronicles
Please Subscribe to read the full chapter

Title: Buhay Scanner!

Description: ___

 

 

“Beh sigurado ka na ba?” tanong ng babaeng naka suot ng pangbuntis kahit hindi naman siya buntis at binalot na cotton lang ang nakasukbit sa tiyan niya.

 

“Oo, beh kaya mo yan beh.” pumapalakpak na pagpapalakas ng loob ng naka formal suit pang kaibigan ng pekeng buntis.

 

Nasaan ba sila ngayon? Nasa harap lang naman ng isang condominium building. May hinihintay silang lumabas at ito ay walang iba kundi si-

 

“Ayan na siya beh get ready na ha basta ang pangalan daw ay Hiro. Hiro as in bayani.” tumango-tango ang buntis.

 

Ilang saglit pa ay may dumaan nang mga tao na kalalabas lang ng building. 

 

From then on, sumigaw na ang pekeng buntis upang simulan ang kanilang misyon. “HIRO?! HIRO HALIKA NGA RITO AT PANAGUTAN MO ‘TONG BATA SA SINAPUPUNAN KO!”

 

Napatingin ang lahat sa babae. Magaling umacting si anteh kaya talagang nakuha nila ang atensyon na plinano nila.

 

Mas umayos ng postura ang pekeng lawyer na kasama niya. “HIRO SABING LUMAPIT KA EH.”

 

Nagkatinginan ang mga tao, isa lamang ang hindi gumalaw ang ulo sa pagkakatingin sa nag eeskandalong babae.

 

“HIRO NAMAN PANAGUTAN MO AKO! WALA KA BANG PUSO?! HINDI AKO AALIS DITO KASAMA ANG LAWYER KO.”

 

At ito na nga ang gaslighting part ng kanilang mission. “Hiro, I'm her lawyer and kapag you not show your face we will show you!” proud na proud at confident na pag-eenglish ng pekeng lawyer.

 

Lalo namang kumunot ang noo ng kanina pang nakatangin sakanila at hindi lumilingon sa iba. Tila ba pinoproseso nito kung ano ang kasalukuyang nangyayari.

 

“HIRO HALIKA RITO ANO BA?!”

 

Sigaw muli ng pekeng buntis na ginalingan pa lalo ang acting sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang balakang.

 

“HIRO WALANG HIYA KA TALAGA PANAGUTAN MO NA KAMI NG ANAK MO!”

 

May mga nagtangkang lumapit na guards sa kanila ngunit taas noo silang tinaasan ng kilay ng lawyer at sinabing. “Don't you dare go close or I’ll show you in the court!”

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
idkwhatnametouse #1
Chapter 8: will wait for this!