Chapter One

Winter Kim and The Lightning Thief

 

"Taeyeon, kunin mo nga yung beer dyan sa ref."

 

 

 

palihim kong tinignan ng masama si Heechul, yung mabantot na boyfriend ng mama ko. 

 

 

 

at si mama naman, tumayo at naging yaya bigla ng gago.

 

 

 

nakakainis. hindi ko alam kung bakit yan pinatulan ni mama.

 

 

 

mabaho na nga, wala pang trabaho.

 

 

 

puro hilata lang sa sofa, nuod ng tv kahit di naman siya nag-aambag sa pambayad ng kuryente, or di kaya maglaro ng baraha kasama yung mga mababantot niyang friends.

 

 

 

pag tinatanong ko rin si mama kung bakit niya pinatulan yung gago na nakaupo sa harap ko ngayon, she will say the same answer over and over again.

 

 

 

"anak, malaking tulong si Heechul sa atin. kaya tiisin mo muna, okay?"

 

 

 

anong malaking tulong, ma? eh hindi nga yan nag aabot ng pera!

 

 

 

kalma, Winter. kalma.

 

 

 

hingang malalim.

 

 

 

inalis ko na lang ang tingin ko kay gago at  baka matusok ko pa siya ng kutsara. nag-focus ako sa cereal ko at binilisan ang pag lafang.

 

 

 

i couldn't stand being near him, hay mama ang panget ng taste mo sa lalake.

 

 

 

buti na lang talaga bading ako.

 

 

 

nakuha na ni mama yung beer sa ref at inabot kay heechul na mabantot, ay maharot nginitian pa niya yung gago bago umupo sa tabi ko.

 

 

 

kadiri naman ma!

 

 

 

finally, i'm done!

 

 

 

tumayo ako at nagtungo sa lababo para hugasan ang pinagkainan ko. then after that, i brushed my teeth.

 

 

 

heechul can't relate.

 

 

 

"ma, alis na ako." i announced, kinuha ko muna ang bag ko bago ko hinalikan si mama sa cheeks.

 

 

 

"sige, nak. mag-ingat ka ha."

 

 

 

nginitian ko si mama, sinira ko na ang pinto at bumaba na ng apartment para maglakad papunta sa school.

 

 

 

hanep. may dyslexia ako pero it didn't stop me from going to school.

 

 

 

charot! no choice ako. ginagawa ko lang naman 'to para kay mama.

 

 

 

i need to graduate and find a job so that i can get her out of that goddamn apartment.

 

 

 

school is bearable naman kahit may dyslexia ako, and i made a friend.

 

 

 

si Ryujin, yung transferee na palaging naka cargo pants at may crutches.

 

 

 

kwento niya na aksidente daw siya kaka practice ng binili niyang skateboard sa divisoria.

 

 

 

mahilig din ako sa skateboard, at bilang likas na may trust issues, pinakitaan ko siya ng tricks at i challenged Ryujin na hulaan kung anong trick yung ginawa ko.

 

 

 

pinakitaan ko siya ng 360 flip.

 

 

 

tapos sabi niya 'jump' daw yung ginawa ko.

 

 

 

i didn't pry any further, baka may mas malalim siyang dahilan kung bakit ayaw niyang sabihin yung totoong nangyari sa kanya.

 

 

 

and speaking of the little devil, 

 

 

 

nakita ko si Ryujin na nakatayo sa labas ng classroom na parang may hinihintay.

 

 

 

syempre ako yun! wala rin naman siyang iba pang kaibigan bukod sa akin.

 

 

 

walang may gustong kumausap dyan after kumalat ang chismis about sa kaniya nung first week niya sa school.

 

 

 

may isang student daw na nakita si Ryujin na nginunguya yung coke in can.

 

 

 

the student was weirded out, at voila binansagan na siyang 'freak'.

 

 

 

ako lang yata yung kumausap sa kanya after nun, fortunately hindi ako na weirduhan sa kanya and still befriended her.

 

 

 

mama trained me well kasi.

 

 

 

"Winter my friend!" bati ni Ryujin when I reached her, hinila niya ako para yakapin. "may 2 hour vacant daw ulit tayo mamaya. ano, ligo tayo ulit sa pool?"

 

 

 

i lightly pushed her at sinamaan siya ng tingin. "gaga ka! tas ang ending ako lang ulit yung maliligo?"

 

 

 

yung gaga kasi parang tanga, siya yung palaging nag-aaya maligo sa pool tuwing vacant tas siya yung di maliligo. 

 

 

 

"para kasi may taga timer ka kung ilang minutes ka sa tubig! diba sabi ko sayo sasali tayo sa guinness world record. sayang yung prize gagi ka!"

 

 

 

hindi naman sa pagmamayabang ha, kakadiscover lang kasi namin ni Ryujin last week na i can hold my breath underwater for 7 minutes.

 

 

 

this time, we're aiming for 10 minutes. 

 

 

 

hanggang ma beat namin yung 24 minute record. oh, diba?

 

 

 

"oo na." i dismissed. pumasok na kami ng room at umupo sa assigned seats namin na nasa last row. kinuha ko ang notebook ko na walang laman para mag-doodle to pass time habang si Ryujin naman naglaro ng cod.

 

 

 

"ano nga yung subject natin ngayon?' i asked after a long silence. hindi ko kasi ma memorize yung class schedule namin kasi may dyslexia nga ako diba? paulit-ulit?

 

 

 

"math yata. bago raw yung teacher natin." sagot ni Ryujin na nagpataas ng kilay ko.

 

 

 

"luh. anyare kay sir taemin?"

 

 

 

tinaasan din ako ni Ryujin ng kilay. "hindi mo alam?"

 

 

 

bobo pala 'to eh. "malamang. magtatanong ba ako kung alam ko?"

 

 

 

natawa yung gaga sa kabobohan niya. "sorry naman. basta, nag retire daw si sir taemin kasi gusto niyang magfocus sa tawag ng tanghalan. so ayun, pinalitan siya ni Miss Sunmi."

 

 

 

um-oo na lang ako. good luck sa journey mo, sir taemin! 

 

 

 

"huy, andyan na si Miss Sunmi!"

 

 

 

napatingin kami ni Ryujin sa harap nang biglang nagsi-upo ang mga kaklase namin. at dumating na nga yung bagong teacher.

 

 

 

GAGO BA'T ANG GANDA NIYA?

 

 

 

tumayo si Miss Sunmi sa harap at nilibot ang tingin sa buong class, then her eyes landed on me. "Hello, class. I'm Sunmi Lee. Your new math teacher." 

 

 

 

MAMA!

 

 

 

bat ang sama ng tingin  niya?

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
iCameFromTheStars
*nagtago*

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
World tour shutacca bakla 😂😂😂 laugh trip to for sure 😏😏😏💙❄
JiminjeongWK
#2
Chapter 1: Ecxiting!!!
Eybrelros #3
Wooooowww may bago😁
sonehael #4
Waiting po 🤣
listless_radish
#5
Niice, matagal na akong naghihintay ng percy jackson au. Looking forward to it!
howdoyouknowmee
548 streak #6
OWEMGEEE UPVOTED AND SUBSCRIBED!!