chapter 06
I’ve Fallen For YouKasalukuyang naglalakad sina Jimin at ang kanyang gang papunta sa parking lot kung saan nakapark yung motor ni Minjeong.
TIP #3: ANG PARAAN NG MGA TAGA SCOTLAND, KAPAG MAY MAHAL KA MAGLALAGAY KA NG REGALO NG HINDI NIYA NALALAMAN
Kinuha naman ni Ningning lahat ng nakapatong na regalo sa motor ni Minjeong at binunot kay Jimin yung akap na akap niyang chocolate box kasi parang walang balak na bigay ng ate niyo yung regalo niya kaya pagkatapos nun nilagay agad ni Ningning yung box.
NANG SA GANUN ALAM NIYANG MAY NAGMAMAHAL SA KANYA. SIGURADONG MAPAPANSIN KA NIYA DAHIL SA GINAWA MO.
Agad namang umalis ang tatlong babae habang si Minju ay ginawa nilang look out di kalayuan sa parking lot.
"Oy saakin yung jelly ah? Wag niyong kainin" sabi ni Ningning sa kanyang kasama.
Si Ateng Yeji niyo naman sobrang nahihirapan sa pagbitbit ng mga ninanakaw nilang pagkain doon sa motor ni Minjeong.
"Oy tulungan niyo nga ako!" sigaw naman ni Yeji sa kanyang mga kaibigan.
Biglang nagfreeze yung magbarkada kasi nakita nilang nakatingin si Minjeong sa kanila at agad naman silang nagtakbuhan at muntik na maiwan si Yeji dahil sa bitbit niya.
•••
Bumalik ang magkabarkada sa parking lot para tignan ang reaction ni Minjeong sa regalo ni Jimin na para sa kanya.
Dumating naman agad si Minjeong ang kanyang mga kaibigan sa may parking lot at napansin naman agad ni Minjeong yung chocolate box pero nung inangat niya yung box biglang natapon yung chocolate sa motor niya.
"Hala! Ano toh?" gulat na sabi ni Minjeong at napalingon naman ang kanyang kaibigan sa kanya.
"Ay kawawa motor mo MJ" sabi ng kaibigan niya.
Nakita naman nila Jimin yung nangyari at agad naman silang na disappointed sa plano nila.
"Oo nga pala, naalala ko mainit nga pala sa bansa natin..." malungkot nasabi ni Ningning sa kanyang kasama.
"Hays..." sabay sabi ng 4 na babae.
•••
Uwian Time
"Alam ko na!" sigaw ni Ningning habang naglalakad na sila palabas ng gate.
Napatingin naman agad sila Jimin kay Ningning.
"Dapat maihatid ni Minjeong sa bahay si Jimin mamaya!" excited na sabi sa kanyang kasama.
"Tama!" sabay na sabi ni Minju at Yeji.
"Matagal na siguro yun pinapangarap n
Comments