end 1.2
Thesis Chronicles ni Wendy Son3rd Year
Second Sem
Pagkatapos ng defense ni Irene, nagmadali agad siyang lumabas na conference room dahil kay Wendy. Kanina pa siya nag-aalala sa kalagayan ng dalaga dahil bukod sa malapit nang gumabi, baka gutom na din ito sa pag-aantay sa kanya. Bagama’t nagpapasalamat si Irene sa Diyos dahil na-approved ang thesis proposal niya, hindi pa din niya magawang maging masaya dahil sa nangyari sa kay Wendy.
Nang makarating, naabutan ni Irene itong mahimbing na natutulog sa bench habang nakayakap sa bag nito. Doon lamang siya nagkaroon ng tyansang pagmasdan ng maigi ang dalagang natutulog at saka niya napansin ang malaking pagbabago nito.
Ang ganda mo pala talaga.
Biglang nakaramdam ng init sa magkabilang tenga si Irene. Ano ba ‘tong pinag-iiisip niya? Dahan-dahan niyang inugoy ang balikat ni Wendy para gisingin ito.
“Wen? Gising ka na, uuwi na tayo”, bulong niya.
Unti-unting bumukas ang malalambing na mata ni Wendy at tiningnan siya. Husto ang pagpigil ni Irene sa kanyang hininga dahil sa pagkakataong iyon tila isang diwatang nagising si Wendy. Hindi man gaano litaw ang angking ganda nito noong 1st college pa sila, pero sa pagkakataong iyon, sumilay na ang tinatagong ganda ni Wendy na dati’y kaunti lamang ang nakakapansin. Lumitaw na ang pagiging mestiza ni Wendy na lalo pang tumingkad dahil sa maikling buhok nito na kulay brown. Kahit na hindi pala-ayos, pansin kay Wendy ang mapupula nitong labi, matangos na ilong at honey-brown na mata. Dahil madalas na rin itong magdamit ng pambabae, halata na sa kanya ang magandang hubog na katawan at makinis na kutis. Pero tulad ng dati, amoy baby powder na pink at matamis na pabango pa din ito kahit pawisan, dahilan kung bakit gusto niya laging nasa tabi ng dalaga.
“Tapos na kayo?”, sambit nito habang nag-uunat ng mga braso.
Natauhan bigla si Irene sa iniisip at napatingin sa kausap. Tinitingnan pa din siya ni Wendy.
.
“A-ah oo eh”
“Kamusta? Approved ka ba?”
Parang ayaw sagutin ni Irene ang tanong ni Wendy dahil alam nitong makakadagdag lamang ito sa lungkot at pag-iisip nito. Tumango siya ng dahan dahan at sinipat ang reaksyon nito. Tulad ng inaasahan, bakas sa mukha ni Wendy ang pagkalungkot pero tinago nito sa pamamagitan ng pag ngiti sa kanya.
“C-congratulations! Proud ako sayo!” banggit nito sabay yakap sa kanya.
“Wen”, tinapik niya ito para tingnan ngunit hindi man lang ito gumalaw sa pagkayakap at ibinaon lang ang mukha sa dibdib niya. Mamaya pa ay naramdaman niya ang pagkabasa ng damit at paghigpit ng yakap ni Wendy sa kanya. Sa mga oras na iyon hindi na siya umimik dahil alam niyang wala itong maitutulong sa kayakap, bagkus sinapupuan niya ang ulo nito at hinayaang iyakan ang dibdib niya.
Nang maging kalmado na si Wendy, napagpasyahan na nilang umalis. Sakto dahil ayos na ang motor niya at dala niya ang extra helmet niya kaya mas madali silang makakauwi. Saka naalala ni Irene na ipagpapaalam niya nga ang kasama sa pag-overnight sa kanila, kinabahan tuloy siya.
“Sure ka ba na hindi talaga tayo papagalitan ni Tita?”, hindi mapakali si Irene habang tinatawagan ang mama ni Wendy. Umiling lang ang dalaga na nakaupo na sa motor na niya at nakasuot na ng helmet.
Cute. Saglit na pag ngiti ni Irene bago kumonekta ang tawag.
“Hello Irene, napatawag ka?”,
“Ah, hello po tita, m- may ipapagpaalam po sana ako”
“Hmm bakit? Anong ipapagpaalam?”,
“Ah si Wendy po-“
“Bakit anong nangyari sa anak ko?!”
“A-ah tita okay lang po si Wendy, huwag po kayong mag-alala, tita a-ano kase, medyo napagabi po kasi ang pag-defense nila kaya nagpasabi po siya na kung pwede na mag-overnight nalang samen?”
“Ganun ba? Naku paano yan, wala siyang dalang damit?”
“Huwag po kayong mag alala tita, papahiramin ko po siya ng damit ko, tutal magkasing-size naman po kame”,
“S-sige, basta huwag mag-iinom Irene ha, pakisabi din sa anak ko na mag-ingat kamo siya”
“Hindi po tita promise po, iingatan ko po ang anak niyo, maraming salamat po”,
“Sige salamat din, ingat kayo pauwi ha?”
Binaba na ng nanay ni Wendy ang tawag at gusto nang magtatalon ni Irene sa tuwa dahil sa wakas napayagan na din ito.
“Base sa ngiti mo, parang pinayagan na ako ah” banggit ni Wendy na nakangiti na din.
“Yep, thanks sa charms ko syempre hehe”, biro na niya na tiwanan naman ni Wendy. Sinuot na din niya ang helmet at ini-start ang motor. Naramdaman niya ang pagkapit ni Wendy sa bewang niya, kaya napakagat nalang siya ng labi sa pagpigil ng kilig habang nagpapaandar.
Habang nag-dadrive, napagpasyahan muna ni Irene na dumiretso sa kabayanan para ibili ng pagkain si Wendy dahil alam niyang hindi pa kumakain ang dalaga.
“Irene, ‘diba sa kabila yung daan papunta sainyo?”
“Oo nga pero bago umuwi, kain muna tayo, libre ko kaya ‘wag ka nang tumanggi”
Ipinarada ni Irene ang motor sa harapan ng kilalang mamihan sa kabayanan. Minsan na niyang napuntahan ito dahil sa yaya nina Seulgi, Joy at Yeri sa isa sa mga galaan nila nang minsang abutan sila ng gabi na as usual hindi kasama si Wendy. Madalas itong hindi sumama sa kanila dahil hindi daw ito pinapayagan ng nanay. Ngayon lang sila nagkita ni Wendy pagtapos ng ilang buwan kaya minabuti niyang dalhin ito sa isa sa mga kainakainan nilang magto-tropa. Napansin niya tuloy ang biglang pamamayat ni Wendy kaya nag-aalala siya kung kumakain ba ito ng tama o masyado ba itong nagpupuyat sa pagcomply sa thesis proposal nila.
“Ang dami namang tao, sure ka bang may mapu-pwestuhan pa tayo dito?”, tanong ni Wendy habang nakakapit sa braso niya.
“Syempre, kakilala ko dito yung may-ari kaya for sure may mau-upuan tayo”,
Pagka-order nila, kinausap ni Irene ang may-ari na nakapwesto sa cashier. Isa pala ito sa mga kasosyo at kumpare ng papa niya at ng tito niyang negosyante kaya madali silang naihanap ng pwesto.
“Sabi sayo eh”, pagmamayabang ni Irene na nakaani naman ng pabirong irap kay Wendy.
“Siguro marami ka nang dinalang babae dit
Comments