1. Dyosa

Luh? Ba't andito 'to?
Please Subscribe to read the full chapter

"Tangina mo Minjeong maihi ka sana sa salawal mo!" Sabi ni Ningning dahil nakasampung balik na yata ako ng pantry. Nakasampung paalam na din ako sakanya para magkunwaring magcCR, buti nalang supportive friend si gaga at hinahayaan niya lang ako sa kahibangan ko. Hindi naman lingod sa kaalaman ng mga kaibigan ko kung gaano ako kabaliw sayo.

 

Gusto ko lang naman din kasing makita ka bago matapos ang araw na to.

 

 

 

 

3 taon na ako sa kumpanya at ikaw naman ay anim. Sa pagkakaalam ko ay nagvolunteer ka lang daw para matransfer dito sa Pampanga. Originally ay sa Baguio site ka talaga.

 

Hindi naman din ako nagsisi na nagrelocate sa trabaho dahil sayo.

 

Sa tatlong taong itinagal ko dito sa kumpanya ay limitado lang ang impormasyong alam ko tungkol sayo. Misteryoso ka talaga at dahil nga sobrang intimidating ng itsura mo ay lahat ng tao ay hindi makapalag sayo.

 

Isang tingin mo palang kasi pakiramdam ko lahat ng hangin na sumasakop sa paligid ko ay nawawala.

 

Sabagay, sino ba naman ako para tapunan mo ng tingin? Tsaka....kahit naman hindi mo ako tignan ay breathtaking naman talaga ang kagandahan mo. Hehe

 

Nang hindi nanaman kita makita sa pantry ay tinotoo ko nalang ang paalam ko kay Ning at pumasok sa CR.

 

Pagkaupong pagkaupo ko sa toilet seat ay biglang tumunog ang phone ko, pagkatingin ko sa screen, pangalan agad ni Ning ang bumungad sakin. "Oh hello! Bakit?"

 

"Galing dito si Lucas hinahanap ka, tangina may iniwan nanaman chocolate!" Tumatawang sabi nito.

 

Napasimangot ako "Kelan ba titigil yan? Sinabi ko naman na sakanya na mga chika babes gusto ko, tangina di ba nakakintindi yan?"

 

"Patay na patay nga sayo mumsh anong magagawa natin? Nabihag mo ang puso niyang ikaw lang ang tinitibok."

 

"Wala akong pakialam, kahit ilubog niya pa yung mata niya sa katas ng kalamansi! Si baby Jimin lang sapat na! Rawr!" Sagot ko naman na ikinatawa nito. Sa totoo lang ay sa tinagal ko dito sa kumpanya ay sobrang consistent nitong si Lucas. Idagdag mo pa si Jaemin na ubod din ng kulit.

 

Natatandaan ko pa ng nalaman ng mga officemate namin na uuwi ng Province si Jaemin, gusto nilang magpabili ng Picnic Basket sa Baguio, ako pa inutusan ng mga tarantado para lang makisuyo kay Jae.

 

Ang ending naghatid ng picnic basket si Jae sa bahay may kasama pang 1 stem ng Rosas!

 

Gulat na gulat si Giselle nung nakita niya yung Rose, sabay hagalpak ng tawa si tanga.

 

Nakailang sabi naman na din ako kay Jae na wala talaga. Na chika bebe talaga ang gusto ko, at hindi kami talo. After a year ay tumigil din siya, pero minsan ay andiyan  parin yung mga pahapyaw niyang banat.

 

 

 

 

Minsan nga ay gusto ko nalang maglaho ng parang bula sa mga pinang-gagagawa nila. Pero ano ba naman kasing magagawa ko? Eh pretty din naman ang mumsh niyo kaya kahit halos nakasulat na sa no ko na 'I'M GAY' ay hindi parin maiwasan na may magkagusto sakin.

 

 

 

 

ENE BE! EKE LENG TE!

 

 

 

 

Pero syempre ibang klase ang ganda ni Karina Jimin Yoo.

 

 

 

 

Para siyang isang anghel na ibinaba sa lupa.

 

 

 

 

Ang sabi pa nga ng iba, ay kamukha niya si Mama Mary. well totoo naman. sa taglay niyang kagandahan, kahit lumot sa pader magkakagusto sakanya, kung pusible man yon.

 

 

“Sabi pa ni Lucas mumsh, sabay daw kayong umuwi.” Dagdag pa ni Ning at halatan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
cleofierayne 28 streak #1
Chapter 3: WAHAHAHAAH BAT MAY SUMIGAW NABITIN
twentythreeee
#2
Chapter 3: Bitin nga
CincoYoo
#3
Chapter 3: dw hindi ka manhater or aromantic Win, bading ka😀
minatozakidubudubu #4
Chapter 3: SINO BA YANG TUMAWAG NA YAN
minatozakidubudubu #5
Chapter 3: BITIN TALAGA